You are on page 1of 2

Gonzales, April Jane C.

ECE 12

Simula ng Pagsira ng Pangarap: Pre-Marital Sex

Ano ba ang Pre-marital sex? Mga kaibigan, alam kong hindi lingid sa inyong kaalaman

ang paksang ito. Pakikipagtalik sa labas ng sakaramento ng kasal. Palaging kasama sa mga

maiinit na talakayan and paksang ito. Mga kapatid, mga kababayan, ako’y inyong samahan at

ating tignan ang pagkakamali ng mga kabataan sa pagpasok sa PMS.

Itinuturo sa bahay at paaralan ang mga bunga ng gawaing ito. Bakit, mga kapatid, hindi

ito dapat gawin ng kabataan? Mariing sinasabi ng isang pahayag sa Bibliya sa Levitico na “Ang

isang babaeng hindi pa naitatali ng Diyos sa isang kasal ay hindi dapat makakilala ng isang

lalake”. Ayon naman sa moral na pinapairal sa mga panahong ito, hindi dapat magkaroon ng

sekswal na relasyon ang dalawang taong hindi sakop ng isang kasal. Sa kabila ng mga aral na

nabanggit, ti8natangkilik pa rin ito ng kabataan, dahil malikot ang kanilang pag-iisip. Nais

nolang subukan ang kahit anong maibigan ng kanilang laman. Isa ring dahilan ng

pagsasagawa nito ay dahil na rin sa media. Sa media ginagawang puhunan ng mga

negosyante ang natural na pagkahumaling ng tao sa romansa, at pianapagana nito ang

kaisipang sekswal ng kabataan. Minsan, ang barkada mismo and nag-uudyokj sa kabataan na

pasukin ang gawaing ito. Dahil syempre, gusto ng kabataan na maging ‘in’, sinusunod nila ang

i-reto sa kanila ng kanilang barkada. Bunaga ng gawaing ito ang maagang pagkakaroon ng

responsibilidad. Karugtong naman ng maagang responsibilidad ang kahirapan, dahil wala pang

sapat na kakayahan angt kabataan. Dahil din ditto, bumababa ang moral ng tao, dahil inuuna

nito ang kati nito sa katawan kaysa ang gabay ng kanyang isip. Mga tagapakinig, dapat nating
pigilan ito, dahil ito ag igat ng napakaraming paghihirap. Maging malapit tayo sa Diyos para

mapalayo tayo sa tukso. Pakinggan natina ng payo ng ating mga magulang. Tayo’y maging

mapanuri at mapagmatyag sa pinapakita ng media. Ating layuan ang simula ng pagkasira ng

ating pangarap.

Lahat ng gawaing hindi pinagkakaisipan ay hindi nagbubunga ng maganda. Gawing

matuwid ang daang likoat nang hindi tayo madapa sa ating paglalakbay. Alagaan natin ang sa

ati’y ibinigay na templo.

You might also like