You are on page 1of 1

Abante Tonite

12 Setyembre 2010

Selebrasyon ng Ramadan payapang tinapos


(Al Jacinto)

ZAMBOANGA CITY --- Libu-libong mga Muslim ang nakiisa sa pagtatapos ng holy month of
Ramadan na siyang simula naman ng selebrasyon ng Eid’l Fitri sa lalawigan ng Sulu, ayon sa
pulisya kahapon.
Tahimik umano ang kinalabasan ng Hari Raya o Eid’l Fitri
celebration at umapaw ang mga mosque sa lalawigan sa
dami ng nagsipagdasal at maging mga kalsada sa kapaligiran
ng mga mosque ay napuno ng tao.

Ang Sulu ay isa sa limang lalawigan sa ilalim ng Muslim autonomous region.

“People ended the Ramadan and celebrate the Eid with prayers across Sulu. The celebration is
peaceful and joyous. There was no report of any violence, nothing, but peaceful celebration of the
Hari Raya,” ani Chief Inspector Amil Baanan, operations chief ng Sulu police force.

Sinabi pa nito sa Abante na mismong si Sulu Gov. Sakur Tan ang nanguna sa pagdarasal sa harapan
ng Kapitolyo sa bayan ng Patikul.

“The governor – as he did in the past - led thousands of Muslims in the prayers to mark the end of
the holy month and the Eid celebration,” ani Baanan.

Sinabi pa ni Baanan na nakipagpulong din si Tan sa mga business at civil groups sa Sulu at maging sa
mga opisyal ng militar at pamahalaan.

Noong Biyernes ay nagsimula na rin ang Philippine Air Lines sa ruta nito sa Sulu at mula Zamboanga
City ay tatlong beses itong bibiyahe sa lalawigan. Si Tan din ang gumawa ng paraan na makabiyahe
ito sa Sulu na ngayon ay may bago ng airport na kahit 737 aircraft ay kayang mag-landing doon.

You might also like