You are on page 1of 11

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H
E
K
A
S
I
6

BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA


KAUNLARAN

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

GRADE VI
BUWIS, KABALIKAT NG BANSA
SA KAUNLARAN

ALAMIN MO

Suriin ang larawan.


Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao ang ipinakikita sa larawan?
Ang anumang bagay o proyekto na gagawin ng tao ay kadalasan
nangangailangan ng salapi o pondo. Maisasagawa at matatapos lang ang
gawain kung may sapat na salap o pondo. Gayun din ang pamahalaan.
Matutugunan nito ang ating pangangailangan kung may sapat na pondo. Sa
palagay mo paano matutugunan ng pamahalaan ang ating mga
pangangailangan?
1

Sa modyul na ito ay matututunan mo, ang mga sumusunod:

Pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan


Kahalagahan ng pagbabayad ng buwis sa takdang panahon.

Game ka na ba?

PAGBALIK-ARALAN MO

Lagyan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang


talataan. Pumili ng tamang salita sa kahon. Isulat sa kuwaderno ang tamang
sagot.
panggastos
pangtustos

pagpataw
pagkakakitaan

pagtataguyod
pagpapahiram

1.
Sa ________
ng kapakanan ng mga mamamayan, ang pamahalaan ay
may mga isinagawang hakbang upang may 2.
_________. Isa na rito ang
3.
__________ ng buwis sa mga naghahanapbuhay. Ito ay ginagamit ng
4.
5.
pamahalaan sa _________
pangangailangan ng bansa. Ang _________
naman
ng pamahalaan ay naayon sa badyet ng bansa.

PAG-ARALAN MO

Basahin ang comic strip # 1


Nang lumabas sa klase sina Jun, Bing, Tina at Mark, pinag-usapan nila
ang kanilang leksyon sa klase tungkol sa kung saan ginagamit ng pamahalaan
ang buwis.

Nagbabayad na ba ng buwis
ang papa mo?

Oo, palagi ko silang kinukulit


sinasabi ko sa kanila na ito ay
kailangan ng pamahalaan sa
pagpapagawa ng paaralan,
tulay, ospital, daan at iba pa.

Sabi ko nga sa mga magulang


ko na maging matapat sa
pagbabayad ng buwis, dahil
malaki ang mawawala sa
bayan. Ito ang natutunan
namin sa aming klase

Talaga namang dapat tayong


maging matapat upang ang
bansa ay umunlad. Sa bawat
pisong buwis na ibinabayad,
ang bayan ang nakikinabang.

Basahin:
Comic Strip # 2
Pakikipanayam ng isang T.V. host sa Direktor ng Rentas Internas at
Meyor ng isang lungsod.
Magandang umaga sa inyong
lahat. Narito tayo sa programang
Ating Alamin ang ating
panauhin Direktor ng Rentas,
Direktor ng Adwana at Meyor ng
isang lungsod. Ating alamin
ngayon saan naggaling ang kita
ng pamahalaan.
Una nating tanungin si Meyor.
Magandang umaga po. Meyor!
Nais po namin malaman sa inyo
kung saan nanggaling ang kita ng
pamahalaan

Alam mo Mae, ang mga


pinanggalingan ng kita ng
pamahalaan ay mula sa sahod,
mga buwis sa mga bahay,
kalakal, langis puwesto sa
palengke.

Samakatuwid po, meyor


maraming pinanggalingan ang
kita ng pamahalaan.

Oo, may buwis din ibinabayad sa


mga ari-arian tulad ng bahay at
lupa.

Kayo naman director Jose ng


Rentas Internas saan naman kaya
nangangalap ng kita ng
pamahalaan?

Sa buwis na ibinabayad sa mga


kalakal na inaangkat sa ibang
bansa tulad ng tela, bakal at iba
pa.

Kayo naman Direktor Carlos ng


Adwana. Saan po galing ang
buwis o pondo ng pamahalaan.

Nagbabayad din ng buwis ang


mga taong may hanapbuhay tulad
ng guro, doctor abogado at iba
pa. Ang mga negosyo tulad ng
restoran, hotels at iba pang
negosyo ay nagbabayad din ng
buwis.

Saglit nating putulin ang ating


panayam para sa isang
patalastas.

Ako po ay si G. Cruz ng
Kawanihan na ng Rentas
Internas. Malapit naman po ang
takdang panahon ng pagbabayad
ng buwis. Lagi po nating isaisip
na tungkulin ng isang mabuting
mamamayan ang pagbabayad ng
buwis sa takdang panahon.

Saan ginagamit ng pamahalaan ang buwis?


Tungkulin ba ang pagbabayad ng buwis?
Bakit kailangang maging matapat sa pagbabayad ng buwis?
Sa gulang mo, paano ka makatutulong sa pagbabayad ng buwis?

Basahin ang tula para sa iyong karagdagang kaalaman:


Ang Buwis
Ang buwis ang buhay ng pamayanan
na dapat bayaran ng mamamayan.
Mahirap, mayaman itoy kailangan
para sa kaunlaran ng ating bayan.
Dito kinukuha ang lahat ng bagay
Suweldo ng guro, kalsada at tulay
mga mesa, upuan at paaralan.
Lahat ng kasangkapan sa pagamutan,
ang lahat ng itoy pinagkakagastusan.
Sa buwis na ibinabayad ng taong bayan
Kaya huwag manghinawa mga kaibigan
Buwis ay bayaran, huwag iwasan.

Batay sa tula:

Ano ang buwis?


Saan ginagamit ang buwis?
Ano ang maaring mangyari kung hindi magbabayad ng buwis ang mga
tao?
6

PAGSANAYAN MO

Iguhit

kung tama ang nakasaad sa pangungusap at

kung hindi.

_____1. Magbayad ng buwis sa takdang panahon.


_____2. Ang ibinabayad na buwis ay para sa kaunlaran.
_____3. Ipagwalang-bahala ang pagbabayad ng buwis.
_____4. Buwis ay bayaran, huwag iwasan.
_____5. Ang pagbabayad ng buwis ay tugon sa pangangailangan ng bayan.

TANDAAN MO

Ang buwis ay salaping nalikom ng pamahalaan sa mga tao, ari-arian at


kumikita sa paghahanapbuhay.

Kailangan ang matapat na pagbabayad ng buwis upang maitaguyod ng


pamahalaan ang kapakanan ng mga tao at kabutihan ng bansa.

ISAPUSO MO

Ayon sa iyong napag-aralan, isa ka sa nabigyan ng pamahalaan ng


libreng edukasyon mula sa nalikom na buwis. Paano mo ito pahahalagahan?

GAWIN MO
Basahin at unawain ang nilalaman ng tseklist sa ibaba. Lagyan ng ( ) ang
hanay ng iyong sagot.

Sumasang-ayon ka ba na ang
buwis ay..

Lubos

Di-gaano

Di-tiyak

Hindi

1. nakatutustos sa pag-aaral ng
mga bata?
2. nakatutulong sa
pagpapagawa ng paaralan,
daan at tulay?
3. pambayad sa sahod ng mga
kawani ng pamahalaan?
4. nakapangangalaga sa
kapayapaan at kaayusan?
5. nakatutulong sa mga tao sa
oras ng kalamidad?

PAGTATAYA
Iguhit ang

at

kung hindi.

kung epekto ng matapat at maayos na pagbabayad ng buwis


Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_____1. Naibibigay sa oras ang suweldo ng mga kawani ng pamahalaan.


_____2. Natitigil ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.
_____3. Nakapagpapatayo ng irigasyon para sa magsasaka.
_____4. Nakabibili ng kagamitan ng mga ospital.
_____5. Natitigil ang
sandatahan.

panustos

sa

pangangailangan

ng

hukbong

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Ibigay ang iyong opinyon kung dapat bang magtaas ng buwis na


binabayaran ang mga mamamayan. Isulat sa iyong kuwaderno.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like