You are on page 1of 1

GreatWk

Reaksyon

Ako ay natuwa sa kinwento ni Ricky Lee sa kaniyang interview sa


Philippine Daily Inquirer dahil ako ay hindi pa buhay ng mangyari ang pamumuno ni
Ferdinand Marcos. Ako ay totoong nainteresa sa mga nasabi ni Ricky Lee dahil ito ay
bago sa akin at hindi pa ako nakabasa ng tunay at maasahan na storya mismo ng
isang tao na nakulong noong panahon ni Marcos. Malaking dagdag sa aking
kaalaman ang mga first hand experience ni Ricky Lee at ito ay nakatulong sa akin
para mabuksan ang aking mata sa mga kalokohan at kasamaan na ginawa ni
Marcos noon.

Ang mga kaniyang mga naikwentong mga karanasan bilang isang political
detainee noong panahano ng Marcos Regime ay isang panibagong kuwento para sa
akin. Dahil naikwento niya ang first hand experience niyang storya noong siya ay
nakulong at ito ang unang beses ko pa lamang na malaman ang kalupitan at
kasamaan na meron ang mga tao ni Marcos. Dito ko lamang din nalaman at
nasigurado na totoo pala talaga ang mga pagsisinungaling ni Marcos na siya ay
walang mga political detainee na tinatago sa bansa. Kakaiba ito, dahil unang beses
ko pa lamang narinig mismo sa noon ay isang political prisoner ang pag deny ni
Marcos na siya ay walang kinulong o kaya ay nakakulong na mga political detainee.
Ito ay totoong nakakagulat na istorya na malaman.

Ako rin naman ay nagpapasalamat sa Philippine Daily Inquirer at lalo na


kay Ricky Lee dahil sa kaniyang pagkuwento ng storya para mabasa namin mga
mambabasa. Ito ay malaking tulong sa mga kabataan na katulad ko dahil hindi na
naming naabutan at naranasan ang mga pangyayari noong Marshall Law ni
Ferdinand Marcos. Sa aking palagay, isang malaking tulong sa bansa ang pag bigay
ni Ricky Lee ng kuwento niya sa Philippine Daily Inquirer dahil ito ay mababasa ng
maraming tao at mamumulat o maalala ng kanilang mga mata ang mga nangyari
noong Marshall Law. Dagdag pa rito, mabuti na maalala at malaman ito ng
karamihan para ito ay maiwasan na mangyari muli sa ating pangkasalukuyang
bayan.

You might also like