You are on page 1of 10

BANAL NA MISA: ANG PAGDIRIWANG - Katesismo

August 17, 2011 at 9:19am

Paanyaya ni Jesus sa Banal na Misa


Noon pa man ay naglaan na ang Diyos ng isang araw ng pamamahinga. Ang araw na ito ay
ginawa niyang isang pagtitipon ng mga anak ng Diyos. Ang pag-anyayang ito ay ginawa niya maging
sa mga unang magulang natin, ang ating mga ninuno.
Deuteronomio 16:8
"Anim na araw kang kakain ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw,
magkakaroon ng maringal na pagtitipon sa karangalan ni Yahweng inyong Diyos at hindi ka
magtatrabaho."
Ang ikapitong araw (Linggo) ay araw ng pahinga na dapat ay nakalaan sa pagtitipon sa
karangalan ng Diyos. Ang unang pag-anyayang isinagawa Niya na sumunod tayo sa kanya ay nasa
Bibliya {Mateo 4:18-20; Marcos 1:16-20; Juan 1:35-50).

Tayong lahat, walang itinatangi, ay inaanyayahan ni Jesus at sinabi pa niyang magyaya pa tayo
ng iba upang mamuhay na kasama niya kasama ang Diyos.
Ang pakikiisa sa Banal na Misa ay isang pagpapadama sa Diyos na tayong lahat ay nagkakaisa
sa pagdiriwang para sa kanyang karangalan sa mga kabutihang ipinagkaloob niya sa atin. Isa itong
espesyal na paraan upang alalahanin natin siya at ang ating mga tungkulin sa ating kapwa.
Lahat ng uri ng mabuting katuruan na kailangan natin sa pang-araw-araw na buhay, ay maririnig
natin sa Banal Misa. Ang kailangan lang natin ay pagsasabuhay.
Kung lagi tayong nakikiisa sa mga gawain sa Simbahan, lalo na ang pagsasama-sama sa Banal
na Misa, tinatanggap natin ang paanyaya ni Jesus.
Sinasabi ng Banal na Aklat: Exodo 31:14-17:
"Ipangilin ninyo ang araw ng pahinga at ituring itong Banal. Patayin ang sinumang hindi mangilin
at sa halip ay magtatrabaho sa araw na ito. Anim na araw ang sa pagtatrabaho ngunit itatalagang
araw ng ganap na pahinga ang ikapitong araw sa karangalan ni Yahweh. Patayin ang sinumang
magtatrabaho sa araw ng pahinga. Mangilin ang mga Israelita sa araw ng pahinga at sundin ito sa
lahat ng salinlahi bilang walang hanggang pakikipagtipan sa akin. Isang panghabampanahong
tanda sa akin at sa mga anak ng Israel ang araw ng Pahinga, sapagkat anim na araw nang ginawa
ni Yahweh ang langit at lupa, at nagpahinga siya sa ikapitong araw."

MGA PAGKILOS SA PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Pagsisimula
I. PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS
1. Pagpasok at Pagbati
(a) Lahat ay tatayo sa pagpasok ng pari sa simbahan, kasama niya ang mga "altar servers,
lectors and commentators, deacon/lay ministers", na magiging mga katulong niya sa altar.
(b) Magsisimula ang pari sa pag-aantanda ng Santa Krus at pagbati sa mga tao. Isang
halimbawa at karaniwang ginagamit ay ang pagbati sa: 2Corinto 13:13-14:
"Ang biyaya ng Panginoong Jesukristo at ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikiisa ng
Espiritu Santo ay sumainyong lahat!"
Mga iba pang pagbati: Corinto 16:22; Lucas 1:28; Ruth 2:4
Sumainyo ang Panginoon!", karaniwang ganito ang unang pagbati sa atin ng pari sa Banal na
Misa. Ang pari ang kumakatawan kay Jesus. Ibinibigay niya ang pagbati ni Jesus sa lahat ng
lumalapit sa kanya, at ipinaaalalang kasama natin si Jesus. Payak na pananalita ng pagbati, ngunit
ang pagtanggap at pagkupkop sa mga tumutugon sa kanyang paanyaya na tayo ay magkaisa
bilang iisang pamilya na kapiling niya sa patnubay ng Banal na Espiritu." At sumaiyo rin" ang siya
namang itinutugon natin.
Ang pagtingin natin sa paanyaya ni Jesus ay hindi nangangailangang may biyaya na kaagad
tayo, kundi ang kanyang kahandaang ipadama sa ating lahat ang pag-ibig na itinuturo niya sa
kanyang Banal na Aklat. Papaano natin maisasagawa ang mga turo niya, paglabas natin sa
Simbahan?
Halimbawa:
(1) Kailangan ang pakikiisa natin sa ating mga kaklase, guro at pamilya sa mga gawain
(2) Pagtulong sa komunidad sa proyekto at magtrabaho para sa lahat at himdi para sa sarili
lamang.
Juan 17:21-22
"Upang silang lahat ay maging isa na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa inyo, na sila nama'y
sumasaatin; upang ang sanlibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. At ang kaluwalhatiang sa
aki'y ibinigay mo at ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa na gaya natin na iisa."
Kung gagawin lamang natin ang mga ito, siguradong pagpapalain tayo.

2. Pagsisisi

Sa pagsisimula ng Banal na Misa, humihingi muna tayo ng kapatawaran sa Diyos. Ang paghingi
ng kapatawaran sa Diyos ay isang hakbang upang magkaroon ng kapayapaan.
(a) Dito ang pagkakataong makakasama natin ang Diyos at ang ating kapwa.
(b) Nananalangin tayo kung saan inaamin natin ang ating naging mga kasalanan, at humihingi
tayo ng biyaya mula sa kanya.
"Inaamin ko sa Makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong
nagkasala sa isip, sa salita at sa gawa. At sa aking pagkukulang kaya isinasamo ko sa Mahal
na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo mgakapatid na ako'y
ipanalangin sa Panginoong ating Diyos."
Salmo 83:5
"Sapagkat sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayos.
Laban sa iyo ay nangagtipanan."
Balikan natin kung papaanong nagkasala at humingi ng kapatawaran sa Diyos ang mga taong
inilabas ni Moises sa Ehipto.
Exodo 19: 7-14
Sinabi ng Diyos kay Moises; "Bumalik ka na sapagkat nagpapakasama na ang iyong mga
inilabas sa Ehipto. Nagsisimula na silang gumawa ng mga bagay na laban sa akin. Pabayaan mo
silang lipulin ng aking poot." Nakiusapmsi Moises na patawarin ang mga ito at huwag idamay ang
mga hindi nagkasala
at nakinig sa Diyos. Ibinukod niya ang mga hinbdi nagkasala.

3. Pagluwalhati - Gloria
Kapag mga araw ng Linggo o kaya'y espesyal na pagdiriwang sa Simbahan, tayo ay
nananalangin o umaawit ng pagluwalhati sa Diyos bilang papuri at parangal sa kanya na tanging
mga Kristiyano lamang ang nagsasagawa nito.
"Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan a sa lupa'y kapayapaan sa mga taongkinalulugdan
niya.Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin.
Panginoong Diyos, Hari ng Langit, Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Jesukristo, Bugtong na, Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng
Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw
na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw
lamang oJesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos
Ama. Amen.

4. Pambungad na Panalangin
Inaanyayahan tayong lahat na ituon ang puso at diwa sa Panginoon. Karaniwang nagsisimula
ang pari sa mga salitang: "Manalangin tayo..."

5. Pagpapahayag ng Salita ng Diyos


(a) Unang pagbasa/Salmong Tugunan;
Umuupo tayo upang makinig sa unang pagbasa na karaniwang nanggaling sa Lumang
Tipan ng Bibliya.
Ang mga salita ay nagbibigay pag-asa mula sa m"Jewish Religious Traditions".
(b) Sa bawat pagtatapos ng pagbasa ay maririnig natin ang salitang "Ang Salita ng
Diyos" at tinutugon
naman ng bayan ito ng salitang "Salamat sa Diyos"
(c) Kasunod nito ay ang Salmong Tugunan na karaniwan naman sinasabi ng lector ang
magiging tugon ng
bayan.
(d) Sa mga araw ng Linggo at espesyal na pagdiriwang ng Simbahan ay may ikalawang
pagbasa na
karaniwang nagmumula sa mga sulat ni Apostol San Pablo sa iba/t ibang komunidad ng
mga Kristiyano
at mga naunang pinuno ng Simbahan noong unang panahon, sa Bagong Tipan. Ang sulat
ay tungkol sa
kung papaano sila at tayo mamumuhay bilang mga kalugod-lugod na mga tagasunod ng
Diyos.

6. Ang Mabuting Balita


Bilang pagbibigay pugay o paggalang sa Mabuting Balita, tatayo ang lahat at aawitin ang
Aleluya babasahin ng pari ang Mabuting Balita. Ang pagbasa ay tumatalakay sa mga turo ni Jesus
para sa Kaharianng Diyos. Nagmumula ang mga pagbasa sa mga sinulat ninuman kina Marcos,
Mateo, Lucas at Juan, ang mga Ebanghelista. Ang Ebanghelyo ay nagbibigay ng mensahe at pagasa bilang ating inspirasyon. Sasabihin ng pari:
"Ang Mabuting Balita ayon kay _________"... At sasagutin naman ito ng lahat ng:"Papuri
sa iyo, Panginoon." at magkukrus ang lahat sa noo, labi at dibdib.
Pagkatapos ng pagbasa ay sasabihin ng pari: "Ang Mabuting Balita ng Panginoon."at sasagot

ang lahat ng "Pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo!" At umuupo na ang lahat.

Ang pakikinig sa Salita ng Diyos


Jonas 1: 2: 3
"Tinawag ng Diyos si Jonas para maging mensahero ng Salita ng Diyos ngunit hindi
siya nakinig sa Diyos. Sa kanyang pag-iwas sa Diyos, sakay siya ng isang barko, ay naganap ang
isang sakuna sa dagat. Nilulon siya ng isang malakaing isda at nanatili siya sa loob ng tiyan ng isda
nang tatlong araw at tatlong gabi. Sa loob ng kadiliman, sa tiyan ng isda, natanto niya ang pagsuway
niya sa Diyos. Sa kabila ng kanyang ginawa, muli siyang binigyan ng pagkakataon ng Diyos. Iniluwa
siya ng isda sa baybayin ng Nineve, ang lugar na inilaan sa kanya ng Diyos. Sumunod siya sa Diyos
at nangaral siya sa bayan ng Nineve.
Sa pakikinig sa Salita ng Diyos sa Banal na Misa, tayo rin ay kinakausap ng Diyos, ngunit tulad ni
Jonas, marami sa atin ay hindi nakikinig.
Maraming Jonas sa atin. Kahit alam na nating tinatawag na tayo ng Diyos, ayaw nating makinig.
Saka lang natin Siya naaalala kapag may nangyari na sa buhay natin na hindi maganda at nasa gipit
na tayong kalagayan.Kailangang maipadama natin sa Diyos na tayo ay nakikinig sa kanya Paano? Mateo 25:35-36...45.

7. Homilya - Pagpapaliwanag ng Pari

pari;

Umuupo tayo upang makinig sa Homiliya, ang pagpapaliwanag ng mensahe na tinatalakay ng


Tinutulungan tayong maunawaan ang mensahe kung papaano natin ito maisasabuhay.

8. Pagpapahayag ng Pananampalataya
Tumatayo tayo upang ipahayag ang ating pananampalataya sa Diyos, ang Kredo
(Sumasampalataya Ako).
"Sumasampalataya ako, sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; na may gawa
ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesukristog iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat, Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na maguli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon
magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang


Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay
na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen."
Nasisiyahan tayo sa paniniwala kay Jesus. Nasisiyahan tayo't kabilang tayo sa kanyang
Simbahan.
Nasisiyahan tayo't kapiling natin ang Banal na Espiritu upang gabayan tayo sa mga turo ni
Jesus.

9. Panalangin ng Bayan
Tayo ay dapat na magkaisa sa lahat ng bagay. Higit sa lahat ay ang pagtawag kay Kristo.
Pagkakaisa ang nais Niya, Roma 15:5 at Mga Gawa 10:1-43.
Ang Simbahan ay para sa lahat ng antas ng mga tao at walang pinipili. ukas ito sa lahat ng
lumalapit sa kanya. Lahat tayo ay dapat na sama-sama sa lahat ng pagtitipon ng Bayan ng Diyos.
Dapat nating tanggapin ang bawat isa. Tayong lahat ay nasa iisang daigdig at iisang Diyos. Pamilya
tayo ng Diyos at dapat nating pangalagaan ang bawat isa. Maging isang bayan sa lahat ng bagay, at
higit sa lahat, sa panalangin.

II. PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


1. Pag-aalay
Mateo 2:1-11
Naghahandog tayo ng mga regalo o alay. Isa itong mainam na paraan upang maipadama ang
pag-ibig natin sa Diyos. Ang paghahandog ng kung anong pinakamabuti sa atin na hindi naghihinty
ng kapalit. Pagbibigay ng taus sa puso, tulad ng ipinakita ng tatlong mago nang ipanganak si Jesus
sa Betlehem.
Umuupo tayo at umaawit habang ang iba ay naghahandog ng mga alay sa altar tulad ng alak,
tinapay at iba pang mga tulong para sa mahihirap nating mga kapatid.

2. Panalangin Ukol sa Mga Alay


Sinasabi ng pari; "Manalangin kayo, mga kapatid upang ang..." Tumatayo tao at
ipinapanalangin; "Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan Niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan Niyang banal."

Sa pangunguna ng pari, ipinapanalangin niyang tanggapin ang ating handog bilang


pagpapadama ng ating pag-ibig sa Diyos.
Sa paghahandog, ipinapadama natin sa Diyos ang malalim nating paniniwala at pagtitiwala sa
kanya. Ang mga handog ay para sa buong Simbahan.
Ang pag-aalay ng tinapay at alak ay pagpapakilala natin na nais nating ihandog ang sakripisyo
tulad ng ginawa ni Jesus, ibinabalik natin at ibinibigay ang pinakamainam para sa Diyos, sa mga
biyayang ating tinanggap mula sa kanya.
Matero 5:23-24
"Kaya't kung ihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalala mo na ang
iyong kapatid ay mayroong anuman na laban sa iyo, iwan mo roon sa dambana ang anumang hain
mo, at yumaon ka ng iyongakad, makipagkasundo ka sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay
magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain."
Sa pag-aalay, kailangan muna nating makipagkasundo sa ating mga kasamaan ng loob o
kaalitan. Tulad ng panalanging itinuro sa atin ng Panginoon.

3. Prepasyo
Sisimulan ng pari sa salitang: "Sumainyo ang Panginoon!"
At tutugunin naman ito ng bayan ng: "At sumainyo rin!"
Susundan ito ng pari ng salitang: "Itaas ang inyong puso at diwa sa Panginoon!"
At muling tutugunin ng bayan: "Itinaas na namin sa Panginoon..."
At sasabihin ng pari: "Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos..."
Sasagutin ng lahat: "Marapat ma Siys ay pasalamatan!"
At pinagtitibay ito ng pari.
Ipinapanalangin ng pari, ang panalangin sa ukaristiya. Dadasalain o aawitin ang Sanctus;
"Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan; Napupuno
ang langit at lupa ng kaluwalhatian mjo; Osana sa kaitaasan. Pinagpala
ang naparirito sa ngalan ng Panginoon, Osana sa Panginoon."
Luluhod ang lahat bilang pagluwalhatian at pagsamba sa Eukaristiya.
Sa pagtaas ng Banal na Sakramento, ang tinapay at alak, sasaihin natin:
"Panginoon ko at Diyos ko!"

4. Pagbubunyi

Tumatayo tayo upang ipadama natin ang misteryo ng ating pananampalataya at sinasabi o
aawitin:
"Si Kristo'y namatay, si Kristo'y nabuhay, si Kristo'y babalik sa wakas ng panahon!"
Ipinapanalangin din ng pari ang mga panalangin sa mga nabubuhay at nangamatay nating mga
kapwa mananamppalataya sa Misa.

5. Dakilang Amen
Sa Banal na Misa, ipinagdiriwang natin ang dakilang pagmamahal ni Jesus para sa ating
kaligtasan sa kasalanan;
Juan 6:57 " Kung paanong ako ay sinugo ng aking Amang buhay at ako'y nabubuhay dahil sa Ama, gayundin
naman ang kumakain sa akin, siya nama'y nabubuhay dahil sa akin."
Sinasang-ayunan natin ito sa pagpapahayag ng:

" AMEN! AMEN! AMEN!"

6. Ang Ama Namin


Dinarasal o inaawit natin ang "Ama Namin" kung saan pinupuri ang Panginoon at buong tiwalang
hinihiling ang lahat ng kailangan:
"Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang Kaharian mo, sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen."
Pinagtitibay ito ng pari at idinurugtong natin:
"Sapagkat iyo ang Kaharian, at ang Kapangyarihan at ang Kapurihan
magpakailanman. Amen."

7. Pagbati ng Kapayapaan
Bumabati ng kapayapaan ang lahat sa bawat isa upang ipadama ang nagmamahalang
pagkakaisa ng mga anak ng Diyos, ang Bayan ng Diyos.

8. Paanyaya sa Pakikinabang
Sasabihin o aawitin ng lahat:
"Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin; Kordero ng
Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin;Kordero ng Diyos na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo po sa amin ang kapayapaan!"
Lumuluhod ang lahat at inaalalang si Jesus ay ang kordero ng Diyos.

9. Antipona sa Komunyon
Habang itinataas ang kordero ng Diyos at ipinahahayag:
"Ito ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan. Mapapalad ang mga inaanyayahan sa
kanyang piging."
Yuyuko ang lahat ng tatanggap ng komunyon at pakumbabang sasabihin:
"Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay
gagalin na ako."
Lumalapit patungo sa altar upang tanggapin ang Banal na Sakramento at sasabihin ng pari:
"Ito ang katawan ni Kristo."
At sasagutin naman ng tatanggap: "Amen."
Pagkatapos na tanggapin ang Sakramento ay babalik na sa upuan atv maaaring lumuhod at
magpasalamat sa Diyos sa biyayang natanggap.

10. Panalangin Pagkapakinabang


Aanyayahan ang lahat ng pari na tumayo para sa panalangin oagkatapos makinabang.

11. Pagtatapos at Pagbabasbas


Sasabihin ng pari: "Iyuko ang inyong mga ulo at hingin/tanggapin ang basbas ng Panginoon."
Mateo 5:3-10
Kung nais natin ang pagpapala ng Diyos, kailangan nating gawin ang mgha ito:
(1) Pagulong sa mga nangangailangan ng taus-puso at hindi para maging popular.
(2) Mamuhay ng aliwalas sa piling ng ating kapwa. Magkaroon ng pagpapakumbaba sa lahat ng
bagay.

12. Paghayo
Karaniwan ay hinahamon tayo ng pari na humayo nang mapayapa, magmahal at maglingkod sa
kapwa. Ang paghayo ay nagpapaalala sa atin na ang lahat ng ginawa natin sa Banal na Misa ay
walang kabuluhan kung hindi natin dadalhin at isasabuhay ang Ebanghelyo sa ating pang-arawaraw na gawain. Bago humayo at lumabas sa Simbahan ay sinasai natin sa pagtatapos ng
pari: "Salamat sa Diyos!"

HINDI KINAKAILANGANG LUMABAS KAAGAD KAPAG SA SIMBAHAN GINANAP ANG BANAL


NA MISA.
1. Manatili sa loob ng Simbahan ng ilang sandali at pagnilayan ang tinanggap na maensahe sa
Misa.
2. Makipag-usap kay Jesus na nasa loob ng tabernakulo. Itanong sa sarili ang mga bagay na
nagawa at dapat baguhin sa bagong pagharap sa loob ng sanlinggo.
3. Hingin ang kanyang patnubay sa pagharap sa bagong mga araw ng linggo.

MGA DAPAT PAGHANDAAN BAGO DUMALO SA PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA:


1. Iwasang mahuli sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa lalo na kung tatanggap ng komunyon.
Kinakailangang abutan ang bahagi ng "Pagsisisi" sa Banal na Misa.
2. Huwag kakain ng anuman, maliban sa tubig, isang oras bago tumanggap ng komunyon, at
iwasang kumain ng kahit na anong bagay sa loob ng Simbahan.

You might also like