You are on page 1of 1

Catalan, Katrina Isabelle G.

BA Film / 2015-09896
Fil 40 WFU2
12 February 2016
AKO Batch 81 (1982), dir. Mike de Leon: Wika Bilang Instrumentong Pang-kontrol
VINCE: Mainit, ano?
SANTI: Hindi ho naman, master.
VINCE: Mainit sabi eh.
SANTI: Yes, master. Mainit nga ho, master.
Simula pa lang dito ay naalala ko na ang nobelang 1984 ni George Orwell kung saan,
para na ring tulad ni Ronnie na itinali sa upuan at masinsinang pinarusahan, ang mga tao ay nasa
laylayan ng opresyon. Kung saan ang nakatataas at makapangyarihan na katawan ng dystopiang
lipunan ni Orwell (kung gustuhin man) ay igigiit sa mga tao na ang 2 + 2 = 5, kahit ang lohikal
na napagkasunduang sagot dito ay 4. Pinakikita ng pelikula na ang mga fraternity gaya ng Alpha
Kappa Omega ay ginagamit ang lenggwahe sa kanilang mga power trip. Laging derogatoryo at
mapanghasga ang pakikitungo ng mga miyembro ng AKO sa mga neophyte. Noong
pagpapakilala pa lamang sa Batch 1981, naglagay na sila agad ng pagitan o ng hirarkiya sa
relasyon nila ng mga baguhan gamit ng maliliit na mga tradisyon, gaya ng sapilitang pagtawag sa
kanila ng master.
Madalas, sa konteksto na sila ang naghahari, ang wika nila ay pang-militar tunogdiktador at Ingles (ugat sa kolonyalistang pag-iisip). Nagbabago ito kung nagbabago rin ang
kapaligiran. Halimbawa rito ang propesor na si Santi. Sa klasrum, siya ang natatanging may
kontrol sa lahat, maging estudyante niya man ang kanyang mga brod sa AKO. May kakayahan
siyang pahiyain sila pag oras ng klase. Pero sa sandali na initiation na ulit, nababaklas ang
kakayahan niyang ito siya naman ang papahiyain. Iyan ang pagtatag at pag-panatili ng sistema
sa kanilang kultura; ang linya ng distinksyon na nagtataguyod kung sino ang may kapangyarihan
at sino ang wala. At kahit na mukhang karumput lang ang mga bagay na pinapagawa sa mga
ritwal nila (hindi naman masyadong hasel, ika nga ngayon ng iba), nagiging kalait-lait siyang
gawi kapag itoy nagpapababa na sa dignidad at pagkatao.
Minapula ng mga nakatatandang miyembro ang wika sa paraan na ang mga marangal na
prinsipyong inulat nila sa simula ay kinokontradikta ng kanilang mga aksyon. Sasabihin muna
nila na pantay-pantay ang lahat sa iisang batas bago utusan ang iba na inumin ang laway ng
kanilang mga ka-batch na parang ala-ilusyonista. Mabulaklak at positibo ang pagkasabi bagaman
pampalakas ng loob na magpatuloy ang mga baguhan, para mapakitang may elemento ng
pagkakaibigan kahit papano at ang simula at wakas ay kapatiran.
Dahil sa patuloy nilang pag-ulit ulit ng mga salitang ito, halos naging isa na siyang
mantra na permanenteng inuukit at pinapako sa kanilang mga ulo. Nagbabago nang tuluyan ang
takbo ng isip. Kumbaga ay sa bawat bigkas nila nito, unti-unti siyang nagiging reyalidad kung
hindi man bagong pagtingin sa mundo na tunay ngang buong buhay nilay dapat lang nakaalay
para sa fraternity nila. Di bale na ang sobrang dahas, sakit, kahihiyan, at lalo na ang
kamatayan na pinagdadaanan nila para lamang makasali sa grupong ito. Para makabilang. Siya
ay nagiging isa nang katotohanan.

You might also like