You are on page 1of 16

Aug 26, '08 9:46 AM

for everyone
Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya:
Isang Teknolingguwal na Pagtalakay
Christian George C. Francisco
Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino at Panitikan
Pamantasang De La Salle-Dasmarinas
Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya

Isandaan at walumpu (180) sa humugit-kumulang na anim na libong


buhay na wika sa daigdig ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ganitong
sitwasyon ay maituturing na isang penomenong pangwika na nagaganap sa
isang lipunan. Sa katunayan, bawat wika sa mundo ay maikakategorya batay
sa uri nito. May mga wikang intelektuwalisado at malawakang ginagamit sa
ibat ibang antas ng komunikasyong pasalita at pasulat, halimbawa nito ay
ang English, French, Spanish at German. Samantala, may mga wika rin na
masasabing intelektuwalisado subalit limitado ang gamit sa mga bansang
mauunlad gaya ng wikang Korean at Niponggo (tonal languages kung ituring
ang mga ito). Higit sa lahat, may tinatawag na papaunlad na mga wika sa
mundo na karaniwang matatagpuan sa Asya gaya Filipino, Malay at iba pa.
Tinawag itong papaunlad dahil patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan
ng mga lingguwistikong pag-aaral hinggil sa mga kalagayang pangwika sa
ating bansa.
Pinatutunayan lamang nito na bawat wika ay may kani-kaniyang papel
na ginagampanan sa tinatawag nating pangkat-wika o speech community.
Kung kaya, sa larangan ng lingguwistiks, walang tinatawag na superyor at/o
inferyor na wika. Nangangahulugan lamang na ang isang wika ay nararapat
na mabisang tugunan ang pangangailangan ng mga gumagamit nito.
Halimbawa, ang paggamit ng Filipino ay nakatutugon sa mga personal na
pangangailangan ng mga Pilipino. Ang mga pangangailangang ito ay
tumutukoy sa kanyang emosyon, paniniwala at mga adhikaing nais niyang
personal na maipaabot sa kanyang kapwa. Sa kabilang banda, ginagamit
naman natin ang English (American English ang tinutukoy ko rito at hindi
ang ibang varayti ng English sa mundo) para sa ating instrumental na
pangangailangan. Sa pamamagitan nito, malayang nagagawa ng mga
Pilipino na makipagtalastasan tungo sa paghahanap ng trabaho sa ibang
bansa. Nagsisilbi itong instrumento sa pang-empleyong perspektiba
gayundin naman sa aspektong pangsosyalisasyon.
Bunsod ng ganitong sitwasyon ang pagpapakita ng halaga sa
pagkakaroon ng sarili o pampersonal na wika, pambansang wika at mga
wikang global. Marami man ang wika sa buong daigdig gayundin sa Pilipinas,
hindi maaaring pagkumparahin ang bawat isa. Dahil ang WIKA MO, ang
tumutulong sa iyo upang lubos mong maiparamdam ang nais mo sa
pinakamabisang paraan. Bukod pa, hatid din nito ang kristalisado at
awtentikong mensahe na hindi kayang maibigay ng kahit na anong
banyagang wika. Ang WIKANG FILIPINO naman ang nagsisilbing wika ng
nagkakaisang bansa. Ito rin ang wikang nagiging daluyan ng mga

mahahalagang impormasyong politikal at sosyal na kayang-kayang


maipaabot anumang antas ng kabuhayan ang iyong kinabibilangan. Ang
pagsulong at pagtangkilik sa wikang ito ang tutulong sa bawat Pilipino na
maunawaan ang mga pinakamahihirap na konsepto ng mundo. Higit sa
lahat, ang WIKA NG MUNDO ang siyang nagiging tagapag-ugnay sa mas
malawak na impormasyon. Nagagawa nitong maging kongkreto ang global
village kung saan bawat tao ay malayang nauunawaan ang wika, kultura
gayundin ang mga paniniwala ng ibat ibang nasyon.
Gayumpaman, bahagi ng global na kalakaran ang dimensyong
teknolohikal na ang bawat kultura sa mundo ay nagpapakita ng kani-kanilang
pekulyaridad sa aspekto ng popular na paniniwala kung saan bahagi ang
pag-aaral ng wika. Sa bahaging ito, malawakang nakikisangkot ang
akademiya upang matugunan ang mga kailanganing pedagohikal. Kung
kaya, minsan na ring naipahayag ni Tony Blair na, Ang ginawang pagbabago
ng teknolohiya sa takbo ng buhay ng tao ay hindi matatawaran lalo na sa
larangan ng edukasyon. Sadyang mawawalang-saysay ang husay at galing
ng susunod na henerasyong propesyonal gaya ng mga titser kung patuloy
itong sasandig sa mga tradisyonal na kaparaanan. Sa katunayan, halos
lahat ng bansa sa buong daigdig ay nagpapasiklaban sa tinatawag na
battlefields of learning nang sa gayon ay huwag silang mahuli kaugnay sa
mga bagong kaalamang hatid ng Information and Communications
Technology. Isang halimbawa nito ay ang world wide web (www) na
tinatayang pinakamalaking imbakan ng impormasyon sa buong mundo. Sa
pamamagitan nito, nagagawa ng tao na makaakses sa anumang uri ng datos
o kaalaman na naisin niya.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinanghahawakan ng mga
techie (eksperto sa teknolohiya) na ang modernong panahon ay mahigpit na
nakasalalay sa mga inobasyong ihahatid pa ng teknolohiya. Paliwanag nila,
ito ay isang komprehensibong paghahanda kaugnay sa ibat ibang
oportunidad ng pagkatuto na ang makikinabang ay ang sangkatauhan
partikular na ang akademiya. Hindi na naman bago sa atin ang mga termino
gaya ng information age, e-class, multimedia, e-mail, on-line/distance
learning education, cybernetics, web page, hypermedia at marami pang iba.
Bagamat may mga iilan pa rin marahil na napapabalikwas at hayagang
tinatalikuran ang magandang dulot teknolohiya. Sa ganitong pagkakataon,
binigyang pansin nina Caroll at Witherspoon (2002) na sa loob ng klasrum ng
bawat eskwela, lahat tayo ay pawang mga estudyante, nagkataon lamang na
ang iba ay baguhan at ang iba ay eksperto na. Sa kasalukuyang panahon,
kitang-kita ito sa bawat klasrum sa Pilipinas. Kadalasan, ang mga titser ang
siyang nalalagay sa alanganing posisyon kapag usaping teknolohiya na ang
nakalatag. Naniniwala naman si Reksten (2000) na kung magkakaroon ng
pagtutulungan sa paggamit ng teknolohiya, mas magiging madali ang
pagkatuto dito. Sa madaling sabi, ang pagsasanib-pwersa ng titser at ng mga
estudyante ay mainam tungo sa mas makabuluhang talakayang
pangklasrum. May kakayahan kasi ang teknolohiya na maiangat ang pag-

iisip ng mga estudyante lalo na kung ito ay maayos na naidisenyo sa


kurikulum.
Samantala, sa pag-aaral na isinagawa nina Norton at Wiburg (2003),
ang konsepto ng teknolohiya ay maitutumbas sa salitang technique na ang
ibig sabihin ay ang tamang paraan ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga
kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain. Ang angkop at
tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitin sa ating mga klase ay
nararapat ding isaalang-alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat
sa bawat aralin. Nagagawa kasi nito na mas maging produktibo pa ang
kalidad ng edukasyon ng isang lipunan. Bukod dito, mas napapabilis din nito
ang akses ng bawat estudyante at titser sa impormasyon saan mang dako
ng daigdig. Ayon nga kay Villacorta (2003), ang edukasyon ay ang
pagpapaabot sa mga mag-aaral ng mga kaalaman, kakayahan at kaugaliang
higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging produktibo at
makabayang mamamayang makapag-aambag sa kaunlaran ng kanilang
lipunan. Ibig sabihin, ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng
karunungan bilang produkto o end result ng kaakuhan ng isang indibidwal.
Nangangahulugan lamang ito na sinumang tao na sumailalim o sasailalim sa
gawaing ito ay hindi matatakasan ang mga pagbabago sa kanyang
paniniwala at mga ideolohiya sa buhay na makakaapekto hindi lamang sa
kanyang sarili bagkus sa lipunang kanyang ginagalawan.
Sa katunayan, marami ng mga pananalig pampagtuturo ang nabago
ng modernong panahon na nagdulot ng malaking impak sa edukasyon. Ilan
sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Linyar tungo sa Hypermedia na Pagkatuto. Pagpapakita ito ng
kumbensyonal na pamamaraan ng pagtuturo gamit ang mga libro at
iba pang tradisyonal na parapernalya bilang mga pangunahing
instrumento ng pagtuturo. Samantala, ang hypermedia na paraan ng
pagkatuto ay tumutukoy naman sa gamit ng telebisyon, ibat ibang
larong panteknolohiya gayundin ang gamit ng Internet sa loob ng
klasrum.
2. Simpleng Instruksyon tungo sa Pagtuklas ng Kaalaman.
Ipinapakita naman dito ang magkatuwang na debelopment ng
pagtuturo at pagkatuto. Sa kasalukuyang mga pananalig ng pagtuturo,
mas ninanais na ngayon ng mga estudyante na matuto sila mula sa
sarili nilang mga karanasan at mga pagtuklas. Dahil dito, mas nagiging
mabisa at episyente ang kanilang pagkatuto sapagkat awtentiko ang
bawat karanasan nila.
3. Pagtuturong
Nakapokus
sa
Titser
tungo
Pagkatutong
Nakasentro sa Estudyante. Gamit ang mga makabagong
teknolohiya, magaganap ang pagtuturong nakasentro sa estudyante
dahil sa kanila nagmumula ang aksyon o inisyatibo. Subalit, hindi
nangangahulugang kaunti na lamang ang papel ng titser sa loob ng
klasrum, bagkus, mas magiging malawak pa ito dahil siya ang

magsisilbing gabay ng kabuuang talakayang ilalahad ng mga


estudyante.
4. Mula Paaralan tungo sa Panghabambuhay na Pagkatuto. Dito ay
binubuwag ang paniniwalang sa paaralan lamang magsisimula at
magtatapos ang pagkatuto, bagkus, gamit ang mga makabagong
teknolohiya, dulot ang panghabambuhay na pagkatamo ng mga
kaalaman sa mundo. Nagsisilbi rin itong hamon sa mga estudyante
gayundin naman sa mga titser upang patuloy na tumuklas ng mga
bagong kaalaman sa kanilang paligid.
5. Tortyur na Paraan ng Pagkatuto tungo sa Pangkasiyahang
Pagkatuto. Isa sa mga makabagong inobasyon na isinasagawa ng
mga paaralan sa kasalukuyang panahon ay kung paano matututo ang
mga estudyante sa paraang napahahalagahan nila ang bawat
sandaling pananatili nila sa loob o labas man ng klasrum. Sabi nga,
teachers are also entertainers. Ang entertainment ay malaki ang
naitutulong upang ma-motivate sa pag-aaral ang mga estudyante.
6. Ang Paniniwalang Titser bilang Tagapaghatid ng Impormasyon
tungo sa Pagiging Facilitator. Sa panahon ng impormasyon,
nararapat na malinaw ang papel ng titser na siya ay hindi lamang
simpleng tagapaghatid ng impormasyon sa mga estudyante. Nararapat
niyang panghawakan na siya ay facilitator na gagabay at magsisilbing
konsultant ng kaalaman sa klasrum.
Tinatayang ang mga nabanggit na pagbabago ay ang mga
modernisadong perspektibo ng edukasyon sa modernong panahon.
Bagamat ang ilan sa mga ito ay lantaran na rin namang nagagamit ng
maraming titser sa kasalukuyan. Gayumpaman, hindi rito nagtatapos ang
ating gawain, bagkus, nararapat pa ring maglaan ng pagtataya o ebalwasyon
kung mahusay bang nagamit ang teknolohiya sa isang partikular na aralin.
Sa puntong ito, makikita ang kahalagahan ng integrasyon ng
teknolohiya sa wika partikular sa aspektong pansarili, panlokal at pangglobal.
Higit pa, sa kalakarang global kung saan lubos ang kontribusyong inihahatid
ng Information and Communications Technology. Ito ang mga bumubuo sa
isang lipunang lubos na pinahahalagahan ang konseptong teknolingguwal.
Kung saan, pinalalakas ang ugnayan ng mga wikang ginagamit katuwang
ang lantarang pakikilahok sa global village. Sa huli, isang katotohanan na
kung ang isang lipunan ay marunong magpahalaga sa kung anumang wikang
mayroon sila ay isang lipunang naniniwala sa pag-unlad ng kanilang
kabuhayan at kaakuhan.
Maraming salamat!
8 comments share

Konsentriko Modelo...

Aug 26, '08 9:44 AM


for everyone

0 comments share

Aug 26, '08 9:33 AM


for everyone
MGAKASALUKUYANGPERSPEKTIVGAMITANGTEKNOLOJISAPAGTUTURO
NGPAGBASAATPAGSULAT

ChristianGeorgeC.Francisco
ccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.ph
KagawaranngFilipinoatPanitikan
PamantasangDeLaSalleDasmarinas

Mga Kasalukuyang Perspektiv...

Ang ginawang pagbabago ng teknoloji sa takbo ng buhay ng tao ay


hindi matatawaran lalo na sa larangan ng edukasyon. Sadyang
mawawalang-saysay ang husay at galing ng susunod na henerasyong
profesyunal gaya ng mga titser kung patuloy itong sasandig sa mga
tradisyonal na kaparaanan.
Tony Blair
Prime Minister, UK
Magandang hapon sa inyong lahat!
Kakambal na marahil ng titser ang ibat ibang hamong kinakabaka niya
sa tuwing siya ay haharap sa kanyang mga estudyante sa araw-araw na
pagtuturo. Sa kasalukuyan, ang mga hamong ito ay hindi lamang nakakahon
sa aralin na kanyang idedeliver bagkus sa mga estratehiya na aangkop dito.
Kung tatanawin, ang mag-isip ng isang partikular na estratehiya at dulog

pampagtuturo ay isang mabigat na gawain para sa mga titser.


Gayumpaman, gaano man kabigat ang gawaing ito ay patuloy pa rin ang
mga titser sa pag-iisip, pagdidiskubre at walang humpay na sumusubok sa
mga makabagong inoveysyon sa larangang pedagojikal maiangat lang ang
kalidad ng pagkatuto ng bawat estudyante.
Sa totoo lang, malaki na ang naidulot at maidudulot pa ng modernong
panahon kaugnay sa uri ng edukasyon sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng
daigdig. Tinatanaw ng mga eksperto sa teknoloji na ang modernong
edukasyon ay mahigpit na nakasalalay sa gamit ng teknoloji. Isa rin itong
puspusang paghahanda sa pagdidisenyo ng ibat ibang oportunidad sa
pagkatuto na kapwa tao at kultura ng isang lipunan ang silang pangunahing
magbebenefit. Sa kabilang banda, sa tuwing maririnig natin ang salitang
moderno, agad natin itong ikinakabit sa salitang teknolohiya, hi-tech,
cybernetics, Internet, e-mail, global village, information age, multimedia,
hypermedia at kung anu-ano pang mga terminong bago sa ating mga
pandinig. Kung kaya, sa oras na mangyari ito, ang iba ay agad na
napapabalikwas at babalik na lamang sa mga kinagawian nilang estratehiya.
Ayon nga kina Caroll at Witherspoon (2002), sa loob ng klasrum ng bawat
eskwela, lahat tayo ay estudyante, nagkataon lamang na ang iba ay
baguhan at ang iba ay eskperto na. Sa kasalukuyang panahon, kitang-kita ito
sa bawat klasrum sa Pilipinas. Kadalasan, ang mga titser ang siyang
nalalagay sa alanganing posisyon kapag usaping teknoloji na ang nakalatag.
Naniniwala naman si Reksten (2000) na kung magkakaroon ng
pagtutulungan sa paggamit ng teknoloji, mas magiging madali ang
pagkatuto dito. Sa madaling sabi, ang pagsasanib-pwersa ng titser at ng mga
estudyante ay mainam tungo sa mas makabuluhang talakayang
pangklasrum. May kakayahan kasi ang teknoloji na maiangat ang pag-iisip
ng mga estudyante lalo na kung ito ay maayos na naidisenyo sa kurikulum.
Mula sa kompleks na konsepto ng teknoloji, simulan natin itong
hubaran mula sa kanyang kahulugan, gamit, dulot at mga benepisyong hatid
nito sa mga titser sa makabagong panahon. Ayon kina Norton at Wiburg
(2003), ang pinagmulan ng kahulugan ng technology ay ang salitang
technique na ang ibig sabihin ay ang tamang paraan ng pagpili at pagkilala
kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga benepisyong dulot ng teknoloji sa buhay
ng mga tao:
1. Nagagawa ng teknoloji na gawing isa ang kalat-kalat na lipunan sa
mundo sa pamamagitan ng tinatawag na global village.
2. Nagsisilbing tulay ang teknoloji upang makalikha ang isang individwal
ng isang bagay kung saan maipamamalas niya ang kanyang galing at
kakayahan tungo sa produktibong kaparaanan.
3. Ang teknoloji ay may kakayahan na gawing mas produktibo pa ang
kalidad ng edukasyon ng isang lipunan. Mas napapabilis kasi nito ang

akses ng bawat estudyante at titser sa informasyon saan mang dako


ng daigdig.
Matapos nating makita ang mga benepisyong dulot ng teknoloji,
marahil ang susunod na tanong na naglalaro sa isipan ng bawat isa ay
paano ako magsisimula? Ang pagkatuto sa teknoloji ay hindi nagaganap sa
isang kisapmata lamang lalo na kung aplikasyong pangklasrum ang paguusapan. Una sa aking listahan ay ang atityud, ito ay tumutukoy sa
pagbabago ng pananaw kaugnay sa isang bagay. Ang pangamba sa
paggamit ng anumang uri ng teknoloji ang siyang kauna-unahang bagay na
nararapat nating alisin dahil hindi ito nakatutulong sa paglago natin bilang
mga profesyunal. Sa oras na maalis ang nabanggit na paniniwala, maaari
nang iaplay ang Limang Level ng Pagpapatibay (Five Levels of Adoption) nina
Caroll at Witherspoon (2002).
1.

2.
3.

4.

5.

Panimulang Level Ito ang yugto ng pagkatuto sa teknolojji na


kinapapalooban ng mga pangamba at takot sa paggamit nito
gayundin sa mga termino tulad ng word processing, e-mail at
Internet.
Level ng Pagpapatibay Ito ang yugto kung saan unti-unti nang
binubuksan ng isang titser ang kanyang kamalayan sa paggamit ng
teknoloji subalit walang involvment ang mga estudyante.
Level ng Pag-angkop Ang yugtong ito ay ang pagbibigay-puwang
ng titser sa paggamit ng teknoloji bilang dagdag kagamitang panturo.
Sa puntong ito, may nagaganap nang involvment sa pagitan ng mga
estudyante.
Level ng Paglalaan Sa level na ito ay malalim na ang paraan ng
paggamit ng teknoloji kung saan nagaganap ang tinatawag na on-line
collaboration sa pagitan ng titser at estudyante. Kadalasan itong
inihahalintulad sa on-line learning/forum/discussion o distance
learning education.
Level ng Pagbabago Sa bahaging ito, tuwiran nang nagaganap
ang inisyatibo mula sa titser upang lantarang baguhin ang set-up ng
klasrum kung saan ang paggamit ng teknoloji ay normalisado na sa
pagitan ng titser at mga estudyante.

Gaya ng aking nabanggit kanina, hindi sa pamamagitan ng isang


kisapmata lamang maaakwayr ang pagkatuto sa teknoloji, ito ay isang
proseso na dumadaan sa limang level. At sa bawat level na aking nabanggit,
makikitang gradwal nating makakamit ang kasanayan at kahusayan sa
paggamit ng teknoloji sa ating klasrum. Sapagkat, tanggapin man natin o
hindi, kailangan nating yapusin nang bahagya kundi man buo ang
pagbulusok ng teknoloji sa ating panahon. Unang-una, ang mga kabataan ay
lantad na ang oryentasyon sa larangang ito. Pangalawa, hindi na kontrolado
ninuman ang mga pagbabagong hatid ng teknoloji sa larangan ng pagkatuto.

Sa katunayan, naglahad sina Norton at Wiburg (2003) ng walong pagbabago


sa pagkatuto gamit ang teknoloji. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Mula sa Linyar tungo sa Hypermedia na Pagkatuto. Pagpapakita
ito ng konvensyonal na pamamaraan ng pagtuturo gamit ang mga libro
at iba pang tradisyonal na parapernalya bilang mga pangunahing
instrument ng pagtuturo. Samantala, ang hypermedia na paraan ng
pagkatuto ay tumutukoy naman sa gamit ng televisyon, ibat ibang
larong panteknoloji gayundin ang gamit ng Internet sa loob ng
klasrum.
2. Mula sa Simpleng Instruksyon tungo sa Konstruksyon at
Pagtuklas ng Kaalaman. Ipinapakita naman dito ang magkatuwang
na development ng pagtuturo at pagkatuto. Sa kasalukuyang mga
pananalig ng pagtuturo, mas ninanais na ngayon ng mga estudyante
na matuto sila mula sa sarili nilang mga karanasan at mga pagtuklas.
Dahil dito, mas nagiging efektiv at efisyent ang kanilang pagkatuto
sapagkat awtentik ang bawat karanasan nila.
3. Mula sa Pagtuturong Nakafokus sa Titser tungo Pagkatutong
Nakasentro sa Estudyante. Gamit ang mga makabagong teknoloji,
magaganap ang pagtuturong nakasentro sa estudyante dahil sa kanila
nagmumula ang aksyon o inisyativ. Subalit, hindi nangangahulugan
kaunti na lamang ang papel ng titser sa loob ng klasrum, bagkus, mas
magiging kompleks pa ito dahil siya ang magsisilbing gabay ng
kabuuang talakayang ilalahad ng mga estudyante.
4. Mula sa Simpleng Pagtanggap ng Materyal Pangkaalaman
upang Matuto tungo sa mas Malawak at Masikot na
Pagtanggap ng Ibat ibang Kaalaman. Dahil sa lawak ng
kaalamang hatid ng teknoloji, mas nagiging mahalaga at kritikal ang
papel ng titser, nararapat na siya ay maging sintesayzer ng buong
talakayan. Kung kaya, mahalaga na ang bawat titser ay updated din sa
mga inovasyong pangkaalaman.
5. Mula Paaralan tungo sa Panghabambuhay na Pagkatuto. Dito ay
binubuwag ang paniniwalang sa paaralan lamang magsisimula at
magtatapos ang pagkatuto, bagkus, gamit ang mga makabagong
teknoloji, dulot ang panghabambuhay na akwisisyon ng mga kaalaman
sa mundo. Nagsisilbi rin itong hamon sa mga estudyante gayundin
naman sa mga titser upang patuloy na tumuklas ng mga bagong
kaalaman sa kanilang paligid.
6. Mula one-size-fits-all na uri ng edukasyon tungo sa Pagdevelop
ng mga Makabagong Kaparaanan ng Pagkatuto. Kung dati ay
nakakahon lamang ang paraan ng pagtuturo, ngayon, gamit ang
teknoloji, nadedevelop ang ibat ibang kakayahan at karanasan ng mga
estudyante batay sa kanilang mga pinagmulan, talento at mga estilo
ng pagkatuto.
7. Mula sa Tortyur na Paraan ng Pagkatuto tungo sa
Pangkasiyahang Pagkatuto. Isa sa mga makabagong inoveysyon na

isinasagawa ng mga paaralan sa kasalukuyang panahon ay kung


paano matututo ang mga estudyante sa paraang naeenjoy nila ang
bawat sandaling pananatili nila sa loob o labas man ng klasrum. Sabi
nga, teachers are also entertainers. Ang enterteynment ay malaki
ang naitutulong upang mamotiveyt sa pag-aaral ang mga estudyante.
8. Mula sa Paniniwalang Titser bilang Tagapaghatid ng mga
Informasyon tungo sa Titser bilang Fasiliteytor. Sa panahon ng
informasyon, nararapat na malinaw ang papel ng titser na siya ay hindi
na lamang simpleng tagapaghatid ng informasyon sa mga estudyante.
Nararapat niyang panghawakan na siya ay fasiliteytor na gagabay at
magsisilbing konsultant ng kaalaman sa klasrum.
Ang mga paniniwalang nabanggit ay ang dulot ng teknoloji bilang
makabagong perspektiv ng edukasyon sa modernong panahon. Manapat
ang ilan sa mga ito ay nagagamit na ng ilan sa atin sa tuwing tayo ay
nagkokondak ng klase. Ang nararapat ngayon nating tingnan dito ay gaano
ba natin kaepektibo itong nagagamit o napapraktis? Sapagkat mahalaga rin
na sumailalim ang ating mga gawaing pangklase sa evalwasyon nang sa
gayon ay makita natin ang kalakasan gayundin naman ang kahinaan ng ilan
sa mga ginagamit nating estratehiya.
Matapos alamin ang ibat ibang kaparaanan kung paano magsisimula,
kabatiran sa mga inoveysyon sa larangan ng edukasyon at teknoloji, marahil
ang sunod na katanungan ay anu-ano naman ang mga halimbawa ng
teknoloji na maaari nating magamit sa loob ng klasrum? Simple lamang ang
sagot diyan, MARAMI! Napakaraming varayti ng teknoloji na tiyak at
pihadong malaki ang maitutulong sa ating pagtuturo. Subalit, akin lamang
tatalakayin sa inyo ang ilan sa mga ito na tiyak namang aplikabol o akma sa
pangkalahatang uri ng edukasyon sa Pilipinas. Batay nga sa matandang
kasabihang Pilipino, kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot! Sa
madaling salita, hindi man kasing advans ang teknoloji natin kumpara sa
ibang bansa, imaksimays pa rin natin kung ano ang mayroon tayo sa ating
mga paaralan upang maipamulat at maipamalas din naman natin sa ating
mga estudyante ang ating kakayahan at kasanayan sa paggamit ng mga ito.
Ilan sa maaari nating gamitin ay ang mga sumusunod:
(KAAKIBAT NG BAWAT AYTEM AY ANG PAGPAPAKITA NG SAMPOL NA VISWAL
BILANG BAHAGI NG LEKTYUR-DEMO)
1.

Televisyon, Pelikula at mga Vidyo Materyal. Bagamat ang


mga ito ay palasak nang ginagamit sa ating bansa lalo sa ibang
bansa, malaki pa rin ang dulot ng mga ito bilang ispringbord at
balon ng karunungan sa pagtalakay ng ibat ibang araling
pangklase. Isang partikular na halimbawa nito ay ang mga
komersyalays na mga programa sa televisyon na nagtuturo ng ibat

ibang aralin. Ilan lamang ang Sineskwela (siyensa at teknolohiya),


Math-tinik (matematiks), Epol apol (Ingles), Art angel (Sining) at
marami pang iba na sigurado akong familyar kayong lahat.
Nagagamit naman natin ang mga pelikula sa pagtalakay ng
literaturang lokal o banyaga na siya namang tumutulong sa
paghubog ng atityud ng ating mga estudyante. Samantala, ang mga
vidyo materyal naman ay tumutukoy sa mga awtentikong mga
palabas na maaaring sariling likha ng titser o maaari rin naman na
likha ng mga malikhaing kaisipan ng mga estudyante. Sa pagtataya,
nagagawa kasi ng tatlong midyang nabanggit na mas palakasin at
patatagin ang kaalaman ng mga estudyante. Dahil bukod sa
diyalogo, ito ay lantad na nalalapatan din ng viswal na may aksyong
kaakibat gayundin ng tunog na nakapagbibigay buhay at kulay sa
kanilang napapanood. Sa pamamagitan nito, tiyak ang paghuli o
pagkaptyur sa kanilang emosyon tungo sa mas malalim na
komprehensyon.
2. Gamit ang Kompyuter Grafiks. Sa pamamagitan ng mga grafiks
na hatid ng Information and Communications Technology (ICT), mas
nag-eeksplor ang mga estudyante na nagbubunsod sa pagdiskubre
nila sa sarili nilang mga karanasan at kaparaanan na hindi kayang
ibigay ng simpleng talakayang pangklasrum gayundin ng mga libro.
Nabibigyan din nito ng pagkakataon ang mga mag-aaral na
makapamili ng mga gawain na sasalamin sa kanilang
individwalidad. Dagdag pa, ang mga estudyante ay nagiging
tagalikha, tagamasid at tagapag-alam ng kaalaman.
3. Word Processors, Desktop Publishers at Web-Based Editor.
Masakit man sa pandinig ang mga terminong ito, manapat,
ginagamit na rin natin ang mga ito bilang mga kagamitang panturo
sa ating mga estudyante. Ang word processor ay isang programa sa
kompyuter na tumutulong sa computer user na makalikha ng isang
komposisyon, makapag-edit, makapag-revays, makapag-format
gayundin ang makapag-print ng mga dokumento. Samantala, ang
desktop publisher naman ay tumutulong sa computer user upang
makapagprodyus ng mga dokumento o materyal tulad ng
isinasagawa ng mga profesyunal sa larangan ng teknoloji.
Samantala, ang web-based editor naman ay tumutulong sa mga
computer user na lumikha ng mga web page (pahinang
bumubungad sa atin sa tuwing tayo ay mag-iinternet) kung saan
maaari tayong mag-post ng mga informasyon tulad ng mga tula,
sanaysay, pananaliksik at marami pang iba na orihinal na gawa ng
ating mga estudyante. Sa pamamagitan nito, mamomotiveyt pa
natin sila na makalikha ng ibat ibang uri ng gawain dahil makikita
at mababasa ang kanilang ginawa saan mang panig ng daigdig.
Subalit, nararapat din nating ikonsider ang mga konseptong ilalahad
natin sa web page nang sa gayon ay hindi tayo makapagbigay ng
maling informasyon sa mga makakabasa nito.

4.

Ang Internet. Tinatawag itong interlinked network of networks


kung saan ang isang kompyuter ay nakalink o konektado sa pagakses ng ibat ibang informasyon sa buong mundo. Kaya nitong
makipapalitan ng data saan mang kompyuter yunit nakabase ang
isang kompyuter. Sa pamamagitan ng World Wide Web (www),
nagagawa nitong ibigay ang napakaraming imbak na informasyon
sa mundo. Ito kasi ang tinatawag ng pinakamalaking imbakan ng
informasyon na nalikha ng sangkatauhan. Gamit ito, nagagawa ng
mga estudyante na makakuha ng napakaraming informasyon sa
paraang mabilis at efisyent. Subalit nararapat ding isaisip na hindi
lahat ng informasyong taglay ng WWW ay totoo. Kinakailangan din
na maging mapili tayo sa pagkuha ng mga ito.
5. Presentasyong Gamit ang Powerpoint. Ito na marahil ang isa
sa pinakakomong gamitin hindi lamang mga presenter, estudyante,
gayundin ng mga titser. Nagagawa ng program ng powerpoint na
maging malikhain ang mga computer user nito dahil na rin ang
mismong user ang lumilikha ng presentasyon gamit ang ibat ibang
viswal, disenyo gayundin ang tunog na kanyang ilalapat sa
tinatawag na slide. Kung likas namang hindi malikhain ang user, ang
program ng powerpoint ay may mga ready-made slides din kung
saan pupunan na lang ng user ng teksto ang mga slide.
Isang pagpapatunay lamang ito na ang ating panahon ay panahon ng
mga visual learners. Mas nagugustuhan ng mga estudyante gayundin nating
mga titser ang mga presentasyong pangklase na ginagamitan ng viswal na
materyal mula sa teknoloji. Ang mga piktyur at tunog ay ilan lamang sa mga
viswal na representasyon na may malaking papel na ginagampanan sa pangaraw-araw na komunikasyon. Bukod pa rito, gamit ang mga grafiks at
multimedia mula sa Internet, nagagawa ng titser na mailahad ang
mayayamang kultura ng ibat ibang bansa. Maaari rin tayong makalikha ng
mga personalays na materyal, gaya ng nametags ng mga estudyante,
flashcards, handouts, instructional video, on-line instruction at higit sa lahat
ang virtual field trips kung saan gamit ang teknoloji, maaari tayong
makarating saan mang sulok ng daigdig. Sa bahagi naman ng mga
estudyante, hinahayaan ng teknoloji na mas maging malikhain pa sila sa
pamamagitan ng paggawa ng ibat ibang report, makabuo ng mga kwento at
iba pang bagay kung saan maipamamalas nila ang kanilang pagiging
masining. Binibigyang-kalayaan din ng teknoloji ang mga estudyante na
magkaroong ng palitan ng informasyon gamit ang electronic mail,
makadevelop ng mga demonstrasyong viswal at maiangat ang kakayahan sa
komunikasyong pasulat at pasalita.
Sinang-ayunan naman ito nina Kemp at Smellie (1994), anila, ang bisa
ng pagsasama-samang piktyur, salita at tunog ay may kakayahang maiangat
ang emosyon, mabago ang atityud at magdulot ng motivasyon sa mga
tagatanggap nito (estudyante). Tumutulong ito sa pagdevelop ng positibong

saloobin sa bahagi ng mga estudyante. Sa pagdevelop ng anumang


kagamitang pampagtuturo gamit ang teknoloji, kinakailangang isaalangalang ang mga sumusunod:
1. Masinsing pagpili at pag-oorganays ng magiging kontent nito.
2. Magkaroon ng istandard na deliveri kaugnay sa instruksyon.
3. Siguraduhing akma ang gamit ng mga salita sa pagdevelop ng
anumang kagamitang panturo.
4. Upang maging interaktiv ang klase, gawing batayan ang ilang teorya
ng pagkatuto.
5. Tantyahin ang haba ng presentasyon. Iakma lamang sa antas o level
ng mga estudyante upang hindi ito kabagutan.
6. Siguraduhing balanse ang gamit ng viswal sa mga tekstong
nakapaloob dito. Sa elementarya, mas mainam ang maraming grafiks.
Sa kabilang banda, sa hayskul, gawin na lamang itong minimal. Sa
kolehiyo naman, kadalasang graf at mga teybol ang nagsisilbing
grafiks sa mga presentasyong pangklase.
Sinumang
nagnanais
na
dumivelop
ng
isang
programang
pampagtuturo, isang paradaym ang nais kong imungkahi upang mas maging
konkreto at epektibo ang isang kagamitang pampagtuturong nakabatay sa
teknoloji (technology-based visual aids). Tinawag ito nina Norton at Wiburg
(2003) mula kay Fardouly (1998) na ADDIE, isa itong akronim para sa
Analysis, Design, Development, Implementation at Evaluation. Bininyagan ko
naman itong 5P sa Filipino na tumatayo sa Pagsusuri, Pagdidisenyo,
Pagdivelop, Pag-atake at Pagtataya.

5P NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO NA NAKABATAY SA


TEKNOLOJI
PAGSUSURI

Pagtukoy sa mga gagamit (learners)


Pagtiyak sa mga bagay na alam na nila
Katangian ng pagkatuto
Pangunahing kailanganin nila
Mga dahilan ng pangangailangan

PAGDIDISENYO AT PAGDIDIVELOP
Nararapat na matukoy rito ang layunin na sasaklawin ng kagamitang
pampagtuturo na ididivelop.
Sistematikong pag-alam sa kakayahang nais idevelop sa mga estudyante.
Wastong Pagkakasunud-sunod ng kontent ng ididivelop na materyal.
Pagtiyak sa mga teknik tungo sa pagkamit ng mga layunin.

PAG-ATAKE
Tumutukoy ito kapwa sa titser at mga estudyante kung paano nagaganap
ang eksekyusyon gamit ang dinivelop na materyal.
Sa puntong ito nagaganap ang presentasyong pangklase at papel ng titser
bilang tagapagmaniobra ng buong sesyon ng klase.

PAGTATAYA

Tumutukoy ito sa evalwasyon kapwa ng titser at estudyante kaugnay sa


kabisaan ng dinivelop na materyal. Layunin nitong maging batayan sa
pagpapalakas ng gamit ng teknoloji tungo sa malalim pang pagkatuto.

Ang paradaym na aking inilahad ay magsilbi sanang gabay sa bawat


titser na naririto ngayon tungo sa pagdevelop ng isang makabuluhang
instructional media. Unti-untiin na rin nating baguhin ang ating mga gawi at
paniniwala na mahirap matutuhan ang teknoloji. Tanging pagtanggap,
pagkamulat at walang humpay na pagpapraktis gaya ng ating mga
estudyante ang siyang mga pangunahing sangkap tungo sa mas malalim na
oryentasyon ukol dito. Gayumpaman, sa pagwawakas ng lektyur na ito, nais
ko pa ring iparating sa inyong lahat na anumang uri ng teknoloji ang
dumating o malikha ng sangkatauhan, tiyak na wala pa ring tatalo sa husay
ng mga Pilipinong titser sa paghubog ng kamalayan ng isang individwal.
Dahil tayo ay likas na malikhain, mapamaraan at higit sa lahat, kaya nating
lusubin ang kaakuhan ng bawat estudyante natin na hindi kayang gawin ng
teknoloji. Lagi nating isaisip na BONUS lamang ang teknoloji tungo sa mas
ikagaganda pa ng mga talakayang pangklasrum.
Maraming salamat po!

Lektyur na binasa sa pambansang seminar na inisponsoran ng Kagawaran


ng Filipino ng Pamantasang Normal ng Pilipinas mula ika-18 hanggang ika-20
ng Hulyo, 2006 na may temang Katok at Liglig sa Sariling Pananalig sa
Pagtuturo ng Pagbasa at Pagsulat.
MGA REFERENS
Caroll, J.A. at Witherspoon, T.L. (2002). Linking technology and
curriculum, 2nd ed.Ohio: Prentice hall.
Cutler, W.E. (1993). Triple your reading speed. NY: prentice hall.
Francisco, C.C. (2005). Gamit ng walong dagdag na letra ayon sa 2001
revisyon Masters thesis. DLSU-D. Cavite.
Kemp, J. (1994). Planning, producing and using instructional
technologies, 7th ed. USA: Harper collins.
Healy, A.E. at Walusayi, M. (1997). Strategies for writing: a basic
approach. USA: NTC publishing group.
Lipson, M.Y. at Wixson, K.K. (2003). Assesment and instruction of
reading and writing difficulty: an interactive approach.USA:
Pearson education, inc.
McWhorter, K.T. (1996). Efficient and flexible reading. USA: Harper
collins.
Norton, P. at Wiburg, K.M. (2003). Teaching with technology:
designing opportunities to learn 2nd ed. Canada: Wadsworth.
Reksten, L.E. (2000). Using technology to increase student learning.
USA: Corwin press inc.
Ryan, S. et.al. (2000). The virtual university. UK: Kogan page.
Anumang konsern kaugnay sa papel na ito ay malayang makapaglalahad sa
mga sumusunod na kontak:

ccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.ph
cgcfrancisco@yahoo.com
mobile # 09198317403

You might also like