You are on page 1of 2

I.

PANG-URING PANLARAWAN AT PAMILANG


A. Panuto: Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat ang PL kung ito ay panlarawan at
PM kung ito ay pamilang.
____________ 1. Kulay berde ang kamisetang isusuot ko mamaya.
____________ 2. Sampung kuneho ang nakita kong tumatakbo sa palayan.
____________ 3. Natikman mo na ba ang masarap na luto ni Inay?
____________ 4. Apat na dangkal ang taas ng silyang ipinagawa ni Mang Jose.
____________ 5. Paborito ko ang masarap na inihaw na bangus-Dagupan.
____________ 6. Kailangan nating alagaan ang ating magandang kapaligiran.
____________ 7. Walang tao sa silid-aralan ngayon.
____________ 8. Si Dr. Lopez ay isang tanyag na doktor.
____________ 9. Ang kesong Laguna ang isinangkap ni Jade sa labindalawang bibingka.
____________ 10. Piliin mo lamang ang mga bilog na prutas.
____________ 11. Mayroong siyam na kapatid si Kat.
____________ 12. Si Troy ay mataba at mahilig kumain.
____________ 13. Si Karen ay nasa ikaapat na baitang.
____________ 14. Si Ben ay masunurin sa kanilang magulang.
____________ 15. Ang ikasampu sa magkakapatid ay si Jenny.
II. Sanhi at Bunga
_____ 1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng kuryente.
_____ 2. Tulog ang sanggol kaya hindi nag-iingay ang magkakapatid.
_____ 3. Dahil matindi ang sikat ng araw, natuyo agad ang mga damit sa sampayan.
_____ 4. Dahil nakalimutan ni Rose ang kanyang ID, bumalik siya sa kanilang bahay.
_____ 5. Sapagkat nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si Carla.
_____ 6. Pumutok ng gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.
_____ 7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kayat tama lahat ang sagot niya sa
pagsusulit.
_____ 8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel dahil siya ay nilalagnat.
_____ 9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.
_____ 10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.

III. Pang-uring Magkasingkahulugan


IV. Pang-uring Magkasalungat
V. Antas ng Pang-uri
Panuto: Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uri na may salungguhit ay nasa lantay na
antas, PH kung ito ay nasa pahambing na antas, at PS kung ito ay nasa pasukdol na antas.
________1. Si Danny ay kasinghusay ni Danilo sa paglalaro ng basketbol.
________2. Si Jasmin ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase ni Binibining Mateo.
________3. Ang nilulutong pagkain ni Nanay ang pinakamasarap sa buong mundo.
________4. Ayon sa PAG-ASA, malakas ang bagyong tatama sa hilagang bahagi ng Luzon.

________5. Walang gusto makipagkaibigan sa kanya dahil siya ang may pinakamasamang ugali sa
lahat
________6. Mas matangkad sa iyo ang kuya mo nang tatlong pulgada.
________7. Iyan ang pinakamataas na gusali sa Lungsod ng Makati.
________8. Ang ani natin ngayon ay mas malaki kaysa sa nakaraang taon.
________9. Ang bahay ni Ginong Alfonso ay malayo sa simbahan.
________10. Nakakagulat ang binalita ni Mely kay Nery.
________11. Hindi pa tayo pwedeng magsimula dahil hindi pa buo ang pangkat natin.
________12. Higit na mabalahibo ang asong Labrador kaysa Doberman.
________13. Magsingtanda ang magkaibigan na sina Jose at Dodong.
________14. Ang karanasan ni Nida ay lubhang nakalulungkot.
________15. Mahaba ang pila sa ATM ng bangko.
________16. Sabi nila masigla ang pagdiriwang ninyo kagabi.
________17. Napapaiyak na si Lilia dahil masakit daw ang tiyan niya.
________18. Malamig na tubig ba ang gusto mong inumin?
________19. Ang sasabihin ko ay di-gaanong mahalaga tulad ng mensahe ni Joaquin.
________20. Dagdagan mo ng asukal ang kape mo dahil ito ay matabang.

VI. Tayutay

You might also like