You are on page 1of 13

Florante at Laura

Scene 1 (ang kabataan ni Florante)


NARATOR: si florante ay bugtong na
anak nina Prinsesa Floresca at Duke
Briseo. Ang butihing prinsesa ay anak
ng hari ng krotona at ang mabait na
duke ay siyang salamin sa karunungan
sa buong albanya. Nang sanggol pa
lamang si Florante ay ...
MENALIPO: haa.. isang Buwtre! iyan
ang nararapat sa iyo halimaw.
FLORESCA: anong nangyayari at..
MENALIPO: princessa floresca ang...
FLORESCA: ang aking anak.. mabutiy
nasa mabuti kang kalagayan anak.
salamat na lamang nandito ka menalipo
kundiy malamang napahamak na ang
aking anak. Halikat dalin natin siya
sakanyang ama.
NARATOR: sapaglipas ng panahon si
Florante ay nasa wastong gulang na
upang tumuklas ng kanyang
karunungan napagtanto ng kanyang
ama na si Duke Briseo na siya ay pag
aralin sa Atenas..
FLORANTE: ama.narito po pala kayo,
at napansin ko ang iyong pagkabalisa..
DUKE BRISEO: florante anak, anak,
napag isip isip ko napapanahon na
upang tumuklas ka ng karunungan. Ikaw
anak ay ipadadala namin sa Atenas,

ang lungsod ng karunungan. Ang


Atenas ay bantog sa mahuhusay na
guro, isa na rito ay si antenor na siya
mong magiging guro.
FLORANTE: pano po ang aking ina?
Diyatat mawawalay ako sa kanya.
DUKE BRISEO: batid ko ang
pagmamahal na inuukol ng iyong ina,
subalit kung tayoy patatangay ng
kalungkutan sanhi ng ating paglalayo ay
hindi mo matatagpuan ang
tagumpay....... Iyan ang dahilan kung
kayat dapat nating pagtiisan ang lahat.
Ang kapangyarihan ng luha ay dapat
nating pawalang kabuhulan.
NARATOR: makalipas ang ilang araw
naghanda si Florante patungo sa
Atenas....
FLORANTE: makakaasa po kayo ina.
Sige... paalam po........ Scene 2 (Atenas,
atenas,pagkikipagkaibigan)
ANTERNOR: Nagagalak ako sa iyong
pagdating, Florante
FLORANTE: gayun din po ang
sumasapuso ko maestro.
NARATOR: isang buwan na ang
lumipas subalit hindi humiwalay ang
kalungkutan sa kanya, kahit minsan......
pinayuhan siya ng kanyang guro na
makipagkaibigan at sinabi pa niyang
maykakabayan siya dito. Nagpakilala si
Florante sa kanyang mga kamag aral at
di niya akalain na doon pala niya ang

magiging pinakamatalik niyang


kaibigan.
FLORANTE: mula ngayon ay kaibigan
niyo akong lahat. Ako si Florante.
MENANDRO: asahan mong magiging
matalik mo akong katoto!
ANTENOR: Wala yata si Adolfo?
MENANDRO: Nariyan lamang po at
marami raw siyang ginagawa.
ANTENOR: o Adolfo... Siya nga pala si
Florante, Adolfo, ang kababayan mo sa
Albanya at anak ni Konde Sileno.
ADOLFO: Ikinagagalak kitang makilala,
ako si Adolfo.
NARATOR: Mula noon ay naging
masaya na si Florante. Madali silang
nagkapalagayan ng loob ni Menandro.
Ilang pahahon pa ang lumipas.
FLORANTE: Akoy naliligayahan pagkat
ang ating pagkakaibigan ay nagdudulot
sa akin ng sigla at sasiyahan.
MENANDRO: Ako may nabihag ng
iyong magandang kalooban Florante.
FLORANTE: Menandro nais kong sa
pagbabalik ko sa amin ay makakasama
kista!
MENANDRO: Sakaling akoy palaring
makakarating sa Albanya, asahan mong
di upang humanap ng katanyagan kundi

upang huwag na tayong magkahiwalay!


Scene 3: dula dulaan lang hindi
totohanan
NARATOR: At di nagkabula ang
kanilang sapantaha pagkalipas pa ng
ilang taon ay si Florante na nga
kinikillalang pinakamarunong sa
paaralan. Ang pangalan niyay naging
bulaklak ng dila ng mga tao.
ADOLFO: (sa isip lamang) Hindi!!! Hindi
ko maaaring palagpasin ang pag-agaw
mo sa aking karangalan! Isa lamang sa
amin ni Florante ay dapat na
salubunging bangkay sa Albanya!
NARATOR: At pagkalipas ng ilang
buwan ang paaralan ay nagtangi ng
isang araw ng kasayahan.
ANTENOR: ang ating paaralan ay
magkakaroon ng pagsasadula hango sa
buhay ni Reyna Yokasta. Florante, papel
ni Etyokles ang gagampanan mo.
Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang
gagampanan ni Menandro.
NARATOR: patuloy ang kanilang
paghahanda, lahat ay masaya maliban
kay adolfo na noon ay.....
ADOLFO: nalalapit na ang araws mo
Florante!!
NARATOR: isang araw bago pasimulan
ang pagtatanghal, si Adolfo ay hindi
dalawin ng antok laging sumasaisip niya
ang maiitim na balak kay Florante.

MENANDRO: isa kang baliw Adolfo!


ADOLFO: bukas magiging ganap ang
aking paghihiganti! Bukas.
NARATOR: At nang dumating na ang
pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang
pangunahing tauhan ng kasaysayan si
Florante.
MGA TAO: mabuhay si Florante!
Mabuhay.
ADOLFO: magpakabusog kana sa puri
Florante at katapusan mo na.

ADOLFO: kailangang mawala siya


pagkat siya ang umagaw sa
karanangalan ko!
KAMAG-ARAL: isa kang habang,
ulupong at sakim!.. Patayin si Adolfo.
Patayin ang sukab!
NARATOR: hindi na nga inabot pa ng
kinabukasan si Adolfo, noon din ay pina
uwi sa Albanya.

ANTENOR: magsisimula na ang ating


dula kaya lahat ay pumwesto na.

ADOLFO: sa muli nating pagtatagpo ay


titiyakin ko ang aking tagumpay,
Florante titiyakin ko!

NARATOR; at sakalagitnaan ng
kanilang pagtatanghal...

NARATOR: ANg buong Atenas ay


nagilalas sa katampalasan ni Adolfo.

ADOLFO: MAGPAKATATAG KA NA AT
ITO NA ANG KATAPUSAN MO

ANTENOR: hindi masama na ang isang


tao ay magkaroon ng matayog na
layunin, ang masama ay ang tamuhin
ang katuparan na niyon sa kapinsalaan
ng kapwa. Kung paano nagkaroon ng
isang kain na pumatay sa kanyang
kapatid na si Abel ng dahil sa inggit,
paano nga kayang hindi magkakaroon
ng isang Adolfong naghahangad ng
pumatay sa kanyang sariling
kababayan! Kahanga-hanga ang ginawa
ni Menandro, itoy isang magandang
halimbawa ng pagkabayani.

NARATOR: Sa halip na sabihin ang


nasa orihinal na ikawy kumilala;t
kapatid mo ako kay Epidong Bunga,
ang nawika ni Adolfo ay.....
ADOLFO: ikaw na umagaw ng
kapurihan koy dapat kang mamatay!
Umm Umm!...... Mamatay ka!.
MENANDRO: bitiwan mo iyan! Traidor,
taksil.
ANTERNOR: anong nangyayari dito?
Bakit Adolfo anong tinangka mong
patayin ang iyong kababayan?

FLORANTE: paano kaya kita


magagantihan Menandro, kundi sa iyo
ay isa na akong malamig na bangkay!
MENANDRO: iwaksi mo sa iyong isip

ang bagay na iyan, dapat tayong mag


pasalamat sa dakilang lumkha! Ang
lahat ay utang lamang sa diyos akoy
kasangkapan lamang niya upang iligtas
kasa kapahamakan!
MENANDRO: Florante, para ko ng
nakikitang malapit ng dumating ang
araw ng iyong pag-uwi
FLORANTE: sa palagay koy hindi ako
makakauwi ng hindi ka kasama
MENANDRO: kung sumama kaya akoy
ipagkapuri mo naman kaya ako sa iyong
mga kaibigan, sampu ng ama mong
Duke?
FLORANTE: abay syempre ipapakilala
kita.
Scene 4: ang Pagbabalik ni Florante
MENSAHERO: ipagapatawad niyo po
ang aking pang aabala. may sulat po
galing kay Duke Briseo ng Albanya para
kay Florante. narito ang liham... : iyan
ang katotohan anak, pumanaw na ang
iyong ina. Hindi ko na ito ipinaalam sa
iyo noon upang huwag masira ang iyong
pag-aaral. Ang iyong AmaDuke Briseo
FLORANTE: wala na ang mahal kong
ina. O mahabaging langit
ANTENOR: lakasan mo ang iyong loob
Florante
MENANDRO: nakikiramay ako sa
kalungkutan mo. Florante

NARATOR: napatingin sa malayo si


Florante na wari ay natatanaw ang
larawan ng kanyang ina.....
FLORANTE: ina, bakit hindi mo na ako
hinintay. Hindi bat sinabi ko sa iyong
akoy magbabalik upang handugan ka
ng aking tagumapay.
MENANDRO: huwag masayadong
malumbay Florante, hindi makakatulong
sa katawa mo ang kalungkutan.
FLORANTE: salamat sa iyong paalala
Menandro, isa kang dakilang kaibigan
NARATOR: nakaraan pa ng dalawang
buwan, dumating ang ikalawang liham
ni Duke Briseo.
FLORANTE: pinauuwi na po ako mahal
kong guro, nasa daungan na raw po ang
sasakyan
ANTENOR: florante sa pag babalik mo
sa Albanya ay tandaan mong mayroon
kang isang kalaban, ang higanti ni
Adolfo ay pakaingatan mo. At kung ikaw
ay salubungin ng ngiti, mag ingat ka
pero wag kang magpapahalata, lagi
mong ihanda ang iyon sandata.
FLORANTE: salamat po sa iyong
paggunita, siyanga pala Menandro, di
ba sasama ka sa akin?
MENANDRO: ang pasiya lamang ng
aking amain ang dapat nating hingin.

NARATOR: hindi na hinintay ni Antenor


na tanungin siya ng dalawa. Noon din
ay pumayag na sumama si Menandro
kay Florante, ilang saglit pa sa
daungan.
NARATOR: at ng silay makarating sa
kaharian ng Albanya ay....
KAWAL: Duke Briseo narito po ang
iyong anak na si Florante
FLORANTE: ama ko. Hindi ko akalain
na ganito kapait ang ating pagkikitang
muli.
DUKE BRISEO: anak ko sinubok tayo
ng tadhana.
FLORANTE: marahil nga ama. Ama
may gusto po akong ipakilala sa inyo
siya po ang aking kaibigan si
MENANDRO.
MENANDRO: ang aking kaliitan ay
handang maglingkod a inyo
DUKE BRISEO: Nabalitaan ko na ang
lahat, isa kang tunay na kaibigan,
nagtitiwala ako sa iyo Menandro. Bilang
araw ay makagaganti rin kami sa iyo.

DUKE BRISEO: itoy galing sa iyong


ninuno na siyang Monarko sa Krotona,
kailangan niya ang tulong ni Haring
Linceo. Nakubkob ng mga kaaway na
Moro ang Krotona sa pamumuno ng
kilabot na si Heneral...
FLORANTE: Heneral Osmalik!
MENANDRO: ano ang pasya niyo
mahal na Duke? Scene 5: Nanganganib
ang Krotona
NARATOR: hindi nag-aksaya ng sandali
ang mag ama, noon din ay nagsadya
sila sa palasyo ni Haring Linceo at ng
magkaharap sila ay...
HARING LINCEO: mabuti at nag sadya
ka agad sa akin, ang Krotona ay
nangangailangan ng ating tulong. O
duke... sino ang binatang kasama mo?
Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng
bunying gerero, ang aking napangarap
na sabi sa iyo na magiging haligi ng
sentro kot reyno
DUKE BRISEO: siya ang bugtong kong
anak kararating lang mula sa Atenas. Si
Florante na inihahandog sa mahal mong
yapak, ibilang na isang basalyot na
alagad.

KAWAL: Duke narito na po ang sugo.


SUGO: galing na po ako sa palasyo ni
Haring Linceo na siyang nagsabi na
narito kayo. Aalis na po ako.
FLORANTE: ano ang sinabi ama ko?

FLORANTE: haring poon, pag-utusan


po ninyo ako.
HARING LINCEO: mabuting pagdating,
mula ngayon ay ikaw na ang halal kong
Heneral ng aking hukbo, Florante.

LAURA: narito pala kayo, mahal kong


ama.
HARING LINCEO: o laura anak ko
NARATOR: sa kagustuhan narin ng hari,
ang magandang si Laura ay nakaumpok
nila sa pag-uusap na iyon kakaibang
damdamin ang nadama ni Florante.
Halos litung lito at di tuwid mag salita si
Florante at laging sumusulyap sa
kagandahan ni Laura at di lingid sa
kanya ay gayun di ang nadarama ni
Laura.
FLORANTE: napakaganda niya. Ano
kaya itong nararamdaman ko. Pag-ibig
na ba ito.
LAURA: kay kisig na binata, sino kaya
siya?
NARATOR: nang matapos ang kanilang
pulong, umuwi na sila Florante.
NARATOR: di mapawi ang kanyang
kalungkutan dahil malapit na ang
digmaan at hindi pa rin siya
nakakapagtapat ng kanyang pag-ibig sa
kanyang minamahal nasi Laura. Ng
minsang hindi sinasadyang magkita ang
dalawang nag iibigan ay..........
FLORANTE: anong hiwaga ng
pagkakataon, parang hindi ako
makapaniwala na akoy humihinga pa
sa mga ssandaling ito.
LAURA: nalalaman ko ang sanhi ng
iyong kalungkutan, ipinagluluksa mo

ang pagpanaw ng iyong ina.


FLORANTE: hindi iyon ang dahilan
laura, ang kalunkutang nadarama ko
ngayon ay nagsimula ng kitay makilala.
LAURA: kung gayon kinalulungkot ko
ang una nating pagkikita.
FLORANTE: hindi mo ako nauunawaan
Laura, ang kalungkutan koy sanhi ng
aking damdaming inuukol sa iyo na
hindi ko maipahayag! Subalit sa
pagkakataong ito, ikamamatay ko kung
di mo mababatid na ikaw ay aking iniibig
Laura!....... Laura iniibig kita, at kung
hindi kalabisan ay nais kong bago ako
magtungo sa larangan ay bigyan mo ng
liwanag ang isinamo ko.
LAURA: hindi ko nais na lumisan kang
malungkot, Florante.
FLORANTE: kay ligaya ko, sapat na
ang mga luhang iyan upang sabihin
kong ako ang pinakamapalad sa
daigdig.
LAURA; florante, lumakad ka na at
umaasa kang patnunubayan ka ng
aking mga dalanigin.
FLORANTE; ang iyong pag-ibig ang
siyang magiging sandigan ng aking
tagumpay, paalam. Scene 6: ang
digmaan
LAURA: diyos na mahabagin huwag mo
pong itulot na mapahamak si florante.
Patnubayan niyo po siya ng iyong

mapagpalang kamay.
Mga kawal : Haaaa.....
NARATOR: kinabukasan, ang hukbong
patungo sa Krotona ay handang-handa
na
NARATOR: ang mga kawal at si
Florante kasama si Menandro ay
tumungo na sa Krotona.
FLORANTE: iyan ang Krotona
Menandro, kailangang magsipaghanda
na tayo.
MENANDRO: gawin nating bigla ang
pagsalkay upang malito ang mga
kalaban.

FLORANTE: ito ang nababagay sa iyo


haaaa. Ito na ang wakas mo, buhong.
Uummm. Sayang na heneral.
MENANDRO: nagsitakas ang iba,
nagtagumpay tayo, Florante!...... Isang
kilabot na girero Florante, nagapi mo
ang bantog na Heneral ng mga Moro.
FLORANTE: ikaw naman Menandro,
kahanga-hanga ang iyong tapang tayo
na sa Palasyo.
6~ TAO: mabuhay. Mabuhay ang
tagapagligtas.

NARATOR: at gaya ng kanilang plano.


Tila limbas na nagsisilakay sina Florante
at Menandro.

Scene 7:

FLORANTE :Sugod mga Kasama!

NARATOR: iniisip niya ang kanyang


minamahal na si Laura. Bumalik sila
agad sa palasyo ng......

NARATOR: Sa marahas na
pagdaluhong nina Florante. Ang mga
moro ay nagulo at hindi matutuhan ang
gagawin. Nakipaglaban ang lahat
hanggang magtapat sina Florante at
Osmalik.

FLORANTE: Menandro, hindi ba ako


namamalik mata lamang? Tingnan mo.
Ang watawat ng Moro ay nasa itaas ng
palasyo ng Albanya.

Mga kawal : Haaaa.....

MENANDRO: nasasakop ngayon ng


moro ang Albanya. Pinasok nila habang
tayoy nasa Krotona.

HENERAL OSMALIK: kung ako ang


hinahanap mo, magpakatatag ka na,
mayabang na Heneral.

KAWAL NG (A): tila may kasama silang


babae, Heneral.

FLORANTE: ikaw pala ang sinasabi


Osmalik, masusubukan ko ngayon ang
tapang mo.

FLORANTE: hindi ko gaanong


maaniga..... diyos ko.... si..... Laura, siya
nga.

MENANDRO: si Laura nga Florante


FLORANTE: mamamatay kayong lahat
sa ginawa niyo... haaaa.... Laura, aking
Laura. Ano ang nangyari at?...
LAURA: florante, salamat at akoy
nailigtas nyo sa tiyak na kamatayan.
Ang buong kaharian ay nasa kamay ng
mga Moro ang aking Ama at si Duke
Briseo ay kasalukuyang nakakulong.
FLORANTE: wag kang mag alala,
ngayon din ay sasalakayin namin ang
palasyo! Mga kawal, mga kaibigan
tayoy maghanda. Tayoy lulusob ngayon
sa palasyo upang gupuin ang mga
Moro. Lumusob na tayo. Haaa.....
NARATOR: walang lakas at katapangan
ang nakahadlang sa kanila. Ang mga
kaaway ay parang dinaanan ng salot .
kabi kabila ang mga bangkay na Moro.
At pag katapos rin nuy agad agad
nilang pinasok ang palasyo upang
ilabas sa piitan ang Hari at Ama.
FLORANTE: Ama, hari nasaktan po ba
kayo,

NARATOR: Subalit may isang di


natutuwa si Adolfo at.....
ADOLFO: talagang sakanya na
humaling ang hangal na hari. Kung
mayroon mang anay na sumisira ng
kahoy. Ako ang anay na yaon na sisira
sa inyong lahat.
NARATOR: ang tagumpay ni Florante
ay sinundan pa ng lalong marami at
malaking kapanalunan. Labing pitong
kaharian ang gumalang at sumuko sa
kanyang katapangan. Ilang buwan ang
lumipas, muling sinalakay ang Albanya,
pumasok ang mga Turko sa pamumuno
ni Heneral Miramolin. At sa kahuli
hulihan ay nanalo uli sila laban sa mga
Mapanakop na nilalang. Nasa kaharian
ng Etolya sina Florante pagkatapos ng
laban ng may dumaring na liham galing
kay Linceo.
Scene 8: ang taksil
KAWAL NG (A): Heneral may liham po
galing Kay Haring Linceo.
FLORANTE: salamat.
MENANDRO: ano ang sabi Florante.

DUKE BRISEO: Florante, anak ko.


maayos naman kami ng hari
HARI: salamat at inabot nyo
kamingbuhay! Hindi ako nagkamaling
hirangin kang Heneral ng aking Hukbo.
Ikaw nga mandirigma na dumalaw sa
aking panaginip.

FLORANTE: pinauuwi ako sa Albanya


at iwan ko raw sa iyo ang Hukbo.
Paalam muna Menandro uuwi muna ako
sa Albanya. Aalis na ako.
MENANDRO: nakakapagtaka naman
yata. Hindi pinasama ang mga Hukbo.

NARATOR: nakarating na si Florante sa


Albanya ngunit....
FLORANTE: ano ang ibig sabihin nito,
hindi nyo ba ako kilala.

FLORANTE: saan niyo ako dadalhin?


KAWAL NG (A): ikaw ay isang billango
at ang hatol sa iyo ay. Igapos sa madilim
na gubat.

KAWAL NG (A): ikinalulungkot namin


Heneral, subalit iyan ang pinag ustos sa
amin ng Hari.

FLORANTE: at kailan pa siya


nagkaroon ng kapangyarihag humatol.

NARATOR: at sa laki ng kanyang


pagkamangha ay kinulong siya sa isang
madilim na bilanguan at dito niya
nabatid na.

KAWAL NG (A): gaya ng aking sinabi


noon. Siya ang hari ngayon at
dimagtatagal ay pakakasalan niya si
Prinsesa Laura.

ADOLFO: magandang gabi, inutil na


Heneral. Kamusta naman sa iyong
kwarto. Maganda ba?

FLORANTE: ano... kailangan niyo ako!


Patutunayan ko na di karapatdapat
mamuno si Adolfo. At di rin pakakasal si
Laura sa Duwag niyong Hari.

FLORANTE: Adolfo? bakit.. panot..


Bakit na sa iyo ang sentrong Korona.
Taksil ka. Pano mo nagawa iyan sa sarili
mong bayan. Nasan ang hari at ang
aking ama?

KAWAL NG (A): huli ka na. Wala ka ng


magagawa at sa palagay ko ito na ang
ito na ang iyong katapusan.
Scene 9: gubat na mapanglaw

ADOLFO: Florante... florante... kawawa


ka naman at hulog ka sa aking bitag.
Alam mo pinugutan ko lang naman ang
iyong ama at ang hangal na Hari. Dahil
hindi sila nararapat mamuno dito sa
Albanya. Mga walang utak..
FLORANTE: pakawalan mo ako dito,
buhong Florante. pagbabayaran mo ito
ng mahal Adolfo. Ngunit hindi ko lubos
na maisip kung paano naging Hari ang
isang duwag.
NARATOR: pagkalipas ng labing walong
araw ay inilabas siya sa piitan at:.....

NARATOR: inilabas na ng piitan si


Florante at idinala na siya sa madilim na
gubat at iginapos sa puno ng higera. At
si Florante ay iniwan sa gubat.
FLORANTE: diyos ko, anong uri ng
kalupitan ang parusang ito.
NARATOR: parang nakikiramay ang
kapaligiran sa kanya. Mistula itong
libingan na ang tanging maririnig ay huni
ng ibon at mumunting hayop. Isa man
ay walang makadadamay sa kanya. Ang
kanyang ama ay wala na, si Menandro

ay walang kaalam alam na naiwan sa


Etolya at si Laura ay nasa
kapangyarihan ng malupit na Konde.
FLORANTE: laura, o aking laura!
Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook
na itoy wala akong makitang pag-asa.
NARATOR: lumipas ang magdamag na
di halos namalayan ni Florante. isang
pikit man ay di makatulog. Sa kabila ng
nanghihinang katawan ay pinipilit paring
makatakas subalit wala siyang
magawa..... Samantala sa kabilang
panig isag girero ang ....
ALADIN: napakadilim ng gubat na ito.
Dito muna ako magpapalipas ng pagod.
(leon)
FLORANTE: ahhhh. Saklolo.
ALADIN: sino kaya iyon! Humuhingi ng
tulong. Sandali lang.... nasapanganib
siya. (espada laban)
FLORANTE: si...sino ka? Ang kasuotan
moy nagpapahiwatig ng Moro!
ALADIN: huwag kang matakot ligtas ka
na sa panganib. Oo, isa nga akong
Moro na kaaway ng iyong lahi, subalit
ngunit sa pagkakataong itoy tao rin ako
na may puso at damdamin.

tayo na ligtas na pook. Kaibigan may


natira pa akong pagkain. Heto kumain
ka na. Alam kung gutom na gutom
kana.
FLORANTE: maraming salamat.
NARATOR: naging palagay ang loob ni
Florante sa Girerong Moro. Naubos niya
ang tinapay at nakatulog.
ALADIN: huwag kang mag alala
kaibigan, babantayan kita magdamag!
NARATOR: sa pangambang baka
masila ng mabangis na hayop
binantayan ng Moro si Florante
hanggang itoy magising.
FLORANTE: hindi ka natulog? Kay buti
mo, hindi ko malaman kung paano kita
pasalamatan.
ALADIN: kaibigan, maaari mo bang
sabihin sa akin kung bakit nagkaganito
ka.
FLORANTE: kaibigan ang pangalan ko
ay Florante, makinig ka sa isasalaysay
ko ang aking buhay mula sa
kamusmusan.

FLORANTE: sasalamat sa pagligtas mo


sa akin.

NARATOR: isinalaysay ni Florante, ang


kanyang buhay, mula pagkabata
hanggang lumaki, ang mga nangyari sa
kanya, at kung paano siya nakapunta sa
gubat.

ALADIN: walang anuman iyon.


Mapanganib ang pook na ito, humanap

FLORANTE: at sa tuwing maaalala ko si


Laura ay halos mawalan ako ng diwa.

ALADIN: masalimuot pala ang


pinagdaanan ng iyong buhay, Florante.
FLOARANTE: at sa maraming digmaan
sinuungan kou isa na si Heneral
Osmalik sa aking nagapi, na ayon sa
Balita ay siyang pangalawa sa tapang ni
Aladin!

NARATOR: isinalaysay ni Aladin ang


ilang bahagi ng kanyang kahapon kay
Florante. pati narin ang dahilan ng alitan
nilang mag ama. Samantala sa kabilang
banda sa etolya....
MENADRO: mukhang nagkakasiyahan
kayo.
KAWAL: may Liham galing kay Laura

ALADIN: huwag kang maniwala sa mga


balita, sakaling totoo man ay maraming
dag dag.
FLORANTE: at ayon pa nga sa balita ay
walang kasing bangis si Aladin.
ALADIN: yayamang natalos ko ang
iyong buhay, pakinggan mo naman ang
aking kapalaran.
FLORANTE: ikaliligaya kong mabatid
kaibigan.
ALADIN: florante ang Aladin na iyong
binabanggit na bantog sa persiya ay....
ako.

MENANDRO: kay Laura???? Tama nga


ang aking hinala.. mga kawal.. mga
kawal maghanda kayo ngayun din at
lulusob tayo sa Albanya.
NARATOR: at ng , silay makarating sa
kaharian ng Albanya...
MENANDRO: sugoooood! Patayin ang
mga taksil
NARATOR: habang nagkakagulo ang
,mga tao sa Albanya itinakas ni Adolfo si
Laura
ADOLFO: magiging akin ka ngayon

FLORANTE: i........ ikaw?

LAURA: bitiwan mo ako. Halimaw.

ALADIN: ako nga florante si Aladin, na


katulad mo isa ring sawi.

FLERIDA: bitiwan mo siya. Nilalang. Isa


kang Halimaw. Ito ang nababagay sa
iyo.

FLORANTE: Diyatat ang kaharap koy


ang kilabot na mandirigma ng Persiya.
ALADIN: ang akin namang kasawian ay
dahil naman sa aking amang sultan na
si Ali-adab. Siya ang umagaw sa mahal
kong si Flerida.

LAURA: maraming salamat... ummm..


FLERIDA: flerida
LAURA: maraming salamat Flerida.
Kung hindi dahil sa iyo na ituloy ni

Adolfo ang kanyang masamang balak.


Ahh. Siya nga pala ako nga pala si
Laura

LAURA: Florante

NARATOR: nagpalagayang loob ang


dalawang dalaga at sanhi narin ng
pangyayari isinalaysay nilang pareho
ang kani kanilang karanasan bago ang
pagkakataong iyon.

FLERIDA: Aladin

ALADIN: flerida

NARATOR: walang pagsidlan ng galak


ang apat sa kanilang muling pagtatagpo
at ang madawag na gubat na iyon ay
naging paraiso.

ALADIN: at ng gabing iyon ay nilisan ko


na ang Persiya at nilakbay ang madilim
na gabi...

LAURA: o florante, mula ng lumisan ka


ay nagkaroon na ng gulo sa Albanya.

FLORANTE: hintay wala ka bang


naririninig?

FLORANTE: Gulo? Anong gulo ang


naganap mahal kong Laura?

ALADIN: oo nga, tena at ating


pakinggan!

NARRATOR: sa gitna ng pananabik sa


muli nilang pagkikita. ikinuwento ni
Laura ang mga nangyari sa Albanya
habang siya ay nakikipag digma sa
Etolya.... ang hindi nakaligtas sa
matalas na pandinig ni Aladin ang......

NARATOR FLERIDA: subalit sadyang


hindi ko matanggap ang pag-ibig ng
sultan. Ninais ko pang magpakamatay
ngunit paano si Aladin.. hanggang sa
maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko
ang kaparangan at kabundukan
hanggang marating ko ang kagubatan
at...
LAURA: isa ka rin palang sawing nalayo
sa iyong tunay na minamahal
FLORANTE: diyatat si Laura ang
narinig ko.

ALADIN: teka, tila mga yabag ng


maraming kabayo ang tunog na iyon.
FLORANTE: oo nga! Dali! Magsipag
kubli tayo!
NARRATOR: at mula sa kanilang
pinagkukublihan, ay ito ang kanilang
nakita.....

ALADIN: at kasama niya ang muyta


kong si Flerida.

FLORANTE: teka, tila namumukaan ko


ang nangunguna. Oo nga, si..... si
Minandro!

FLORANTE: laura o aking laura

FLORANTE: Minandro,

MINANDRO: Florante. oh kaibigang


Florante, ang akala koy hindi na tayo
magkikita.
FLORANTE: Minandro, salamat....
salamat sa pagdatin nyo.
MINANDRO: pagkaalis moy isang sulat
ang tinanggap ko, mula kay Laura, doon
ko nabatid ang inilaang patibong ni
Adolfo para sayo. Hindi ako nag aksaya
ng panahon, tinipon ko ang dating
hukbo at noon din ay sinalakay namin
ang Albanya. At hindi kami na bigo,
naibagsak namin ang mga kabig ni
Adolfo. Hinahanap ko kayo pati na si
Adolfo subalit hindi ko kayop
matagpuan.
LAURA: kasalukuyan akong itinatakas a
palasyo ng itakas akot dalhin ni Adolfo
sa gubat at dito ako nakita ni Flerida. Na
siyang nagligtas sa akin.
MENANDRO: kay ganda ng
pagkakataon ngayon, wala ng liligalig sa
bayan ng albanya
FLORANTE: menandro.
MENANDRO: florante,

KAWAL NG A.: MABUHAY SI Florante,


MABUHAY SI prinsesa Laura
NARATOR: at nilisan nila ang madawag
na kagubatang iyon upang magbalik sa
Albanya. Gayon na lamang kanilang
kagalakan ng matanaw na nila ang
Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod
ay sinalubong sila ng di magkamayaw
ng mga mamamayan.
MAMAMAYAN SA ALBANYA: mabuhay
ang bagong hari, mabuhay sina Florante
at Laura.
NARATOR: at di naglipat araw ang
dalawang puso ay pinag tali, sina
florante at Laura, Aladin at Flerida.
Pagkatapos ng malaking pigging sa
Palasyo ay nagpaalam na sina aladin at
Flerida..
ALADIN: paalam na florante, laura,
hanggang sa muli nating pagkikita
FLORANTE: pagpalain kayo ni Bathala
aladin, flerida.
NARATOR: AT SI Florante at Laura ay
naging uliran sa pamamahala ng
kaharian, malaki ang isinulong ng
Albanya. Magbuhat noon ay di na
humiwalay sa kanila ang kaligayahan.

You might also like