You are on page 1of 3

I.

LAYUNIN
A. Nakakagawa ng (plano) proyekto sa pamamagitan ng pagbuburda/cross stitch at
paggagantsilyo.
B. Natutukoy ang mga mga bahagi ng plano ng proyekto.
C. Nakakapagplano ng gawain.
PAGPAPAHALAGA: Matalinong Pagplaplano.

II.

PAKSANG-ARALIN:
A. Proyekto sa Pamamagitan ng Pagbuburda at Paggagantsilyo
B. Sangunian: Makabulihang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 255-256.
C. Kagamitan: tsart. Halimbawang Plano
III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang pagbuburda? Paggantsilyo? Cross stitch?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano ang plano ng proyekto?
2. Paglalahad
Pagpapakita ng halimbawang plano ng proyekto.
3. Pagtalakay
Anu-ano ang mga bahagi ng plano ng proyekto?
Ipaliwanag ang bawat isa?
C. Paglalahat
Bakit mahalaga ang paggawa ng plano ng proyekto sa pagbuburda, cross stitch o
paggagantsilyo?
D. Paglalapat
Punan ang balangkas ng kakulangang detalye sa paggawa ng plano sa pagbuburda:
I.
II.
III.
IV.
V.

Pangalan ng Proyekto: Pagbuburda ng Tuwalya


Layunin: _______________________________________
Guhit o Krokis
_______________________________________________
A. Mga Materyales
B. ___________________________________________
_______________________________________________
A. Paghahanda ng Tela
B. Pananahi (ng Tuwalya)
C. ___________________________________________

IV.PAGTATAYA
Gumawa ng sariling plano ng proyekto. Gawing batayan ang balangkas ng Binurdang
Punda ng Unan.
V.KASUNDUAN

Humingi ng mungkahi sa inyong nanay o ate kung papaano mapapaganda ang


iyong plano sa pagbuburda bago ito simulan.

I.

LAYUNIN
Natutukoy ang mga kagamitan at paraan ng paglilipat ng disenyo sa
pagbuburda.
Nakakapili ng disenyo at materyales na kailangan sa paggawa ng proyekto.
Naisasagawa ang mga hakbang sa pagbuo ng proyekto.

PAGPAPAHALAGA: Matalinong Pamimili ng Kagamitan sa Proyekto.


II.
PAKSANG-ARALIN:
A. Disenyo at Materyales sa Pagbuburda
B. Sangunian: Makabulihang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 29-30.
C. Kagamitan: tsart. Kagamitang pangsining, larawan ng mga disenyo.
III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang mga bahagi ng plano ng proyekto?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pumili ng limang mag-aaral at magpapaunahan sa pagguhit ng disenyong sasabihin ng
guro.
2. Paglalahad
Pagpapakita ng mga larawan ng mga kagamitan sa pagbuburda at paraan ng paglilipat ng
disenyo.
3. Pagtalakay
Ipaliwanag ang ibat-ibang materyales sa pagbuburda?
Sa pagdidisenyo ng burda, ano ang dapat tandaan?
Ano ang katangian ng magandang disenyo?
Anu-ano ang mgs paraan ng paglilipat ng disenyo?
4. Paglalahat
Ano ang dapat isa-alang-alang sa pagpili ng disenyo at materyales sa pagbuburda?
Ano ang katangian ng magandang disenyo?
5. Paglalapat
Ilabas ang kagamitan pansining. Sa isang buong putting papel, iguhit ang nais
na disenyong ibuburda.
IV.PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat pangungusap.
___________1. Mahaba at manipis ang butas nito sadyang dinesenyo para sa pagbuburda.
___________2. Paraan ng paglilipat ng disenyo na ginagamitan ng carbon at lapis.

___________3. Ginagamit na pambutas ng disenyong kailangan butasin gaya ng eyelet.


___________4. Dalawang blog na yantok, kawayan o kahoy na pinagsusuklob upang
banatin ang telang buburdahan.
___________5. Paraan ng paglilipat ng disenyo kung saan gingamitan ng mainit na plantsa.
V.KASUNDUAN

1. Pagandahin ang nagawang disenyo sa pagbuburda. Isagawa ang plano ng iyong


ibuburdang proyekto.
2. Magdala ng mga disenyo ng cross-stitch.

You might also like