You are on page 1of 2

Halika. Hawakan at damhin mo ako.

Ang walang
katapusang sakit na tumunaw sa aking walang pag-asang
katawan. Pinagpilitan mong gawin iyon, hindi ba?
Tingnan mo ang aking katawan, parang kinatay na
laman-loob ng hayop at tinapon na dugo na siyang aking buhay.
Pinaslang ang isang maliit na katawan ng tao. Ang katawan ay
malambot na may maliitna ulo na napapalibutan ng buhok ng
sanggol. Ang maliit na katawan na may maliit na puso na
tumitibok sa oras na kasama mo. Ito ang aking mga daliri at Ito
ang aking hinlalaki na aking sinusubo habang ako ay nakatali sa
loob ng iyong tiyan.
Nakita mo, mayroon akong mahahabang pilik-mata
katulad ng sa aking Ama. Ang aking bibig ay katulad ng sa iyo. At
ito ang aking tainga na naririnig ang pagmamadali ng pagtibok ng
iyong puso kapag ikaw ay natatakot.
Ako ay magiging espesyal na bata kung ako ay
mabubuhay na kasama mo.
Ako ay isang batang lalaki, katulad ng gusto ng
aking Ama. Malakas, malusog na iyong mga braso. Ang aking
kaaktibuhan ang siyang magpapasaya sa iyo.
Ama? Hmmm Hinasa mo akong matuto ng larong
basketbol. Ikaw ang taga-pasa at ako ang taga-pasok. Ako ay
lumaking manunulat. Dapat kang humanga sa akin dahil ako ay
lumalahok sa mga palahok.

Ina, ako ay nabuhay pero hindi magtatagal.


Kaya, sana ay buhayin mo ang aking kapatid. Siya ay

magiging espesyal din katulad ko. Ang kanyang buhay ay


hindi magiging katulad ng sa akin. Ang buhay ay hindi
magtatagal.

You might also like