You are on page 1of 2

Teoryang Kognitib Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang

pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang


nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at
gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin
ang pumapailalim na tuntunin at mailipat ang mga ito upang
makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang
prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng
mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya namay naiilapat
nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga
kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang
pagkakamali
ay
isang
palatandaan
ng
pagkatuto
at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang
pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral
na bahagi ng pagkatuto. Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga
pagkaklaseng batay sa teoryang kognitibist. Nakapokus ito sa
patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro
ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at
ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas sila ng isang
paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng
dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga
halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang
dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin
patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang
kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay
isang aktibong prosesong kaisipan. Sa ganitong pananaw,
tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon
kung saan ang mga impormasyong itoy maiuugnay ng mga magaaral sa kanilang dating kaalaman.
Sa pagkatuto ng wika,
kailangang himukin ng guro ang mag-aaral na mag-isip nang may
kamalayan at pag-usapan ang wika upang mapag-ibayo ang
kanilang kakayahan sa paggamit nito. Ang teoryang kognitibist at
teoryang innative ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong
pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang
isang wika (Page at Pinnel, 1979). Ang tanging pagkakaiba ng
dalawang teoryang itoy may kinalaman sa implikasyon sa

pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang


suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong
matutuhan. Samantalang sa kampo ng mga kognitibist, kailangan
ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa
pagkatuto ng wika. Bilang isang guro, kailangang may sarili kang
paniniwala tungkol sa kalikasan ng mga bata at kung paano sila
natututo. Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga
ito ang magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo. Ang
paglilinaw ng iyong posisyon hinggil sa mga teoryang itoy hindi
ang isa-isang pagbabanggit ng ngalan ng teorya o pagsasaulo ng
mga paliwanag hinggil dito. Ang mahalaga ay ang sarili mong
paniniwala hinggil sa kung paano natuto at kung paano
nakapagtatamo ng wika ang mga bata.

You might also like