You are on page 1of 1

Wika: Lipon at Lakas ng Ating Adhika

Ni: Zawen Sy
Daan taon na ang nakalilipas ng ang Inang Bayan ay sinakop at sinamantala ng mga
dayuhan. Daan taon na rin ang inihip ng masamang hangin na wala tayong kalayaan at
karapatang mamuhay ng sariwa.
Sa mga panahong iyon ay parang naging rehas natin ang sarili nating bayan. Naging
mahina tayong ipagtanggol ang sarili at bawat mithiiy nahaharangan ng malaking bato sa
lipunan. Wala tayong boses na ibabala sa mga mitikolosong wika ng mga dayuhan. At wala
tayong nagawa upang hadlangan ang pagbabagong dumating sa ating maningning na kaugalian.
Ngunit Pinoy tayonananalaytay sa ating mga kaunuran ang dugong kayumanggi na
matapang humarap sa bawat laban na dumatal sa buhay. Hindi sumusuko sa digmaan at sigwa ng
kapalaran kahit kapalit ay ang sariling kapakanan. Hindi umaatras sa mga balakid ng hinahangad
na pangarap; wagas at minimithing kalayaan. Gaano man kahirap ang pagkakataon, bumangon
tayo at ipinundar ang ating sariling wika. Wikang naging patnugot natin sa mga karapatang
karapatdapat na ating tinatamasa.
Kabuhol ng pagkain ang turing natin sa ating munting wika na nagbibigay lakas, tatag at
inspirasyon sa bawat unos sa mundong ating kinagisnan. Naging susi sa lahat ng pinto ng ating
pang-araw-araw na buhay at naging tulay sa mga oportunidad na humihila sa ating imahe sa
pedestal na lipunan. Wikang Filipino na naging haligi ng bawat indibidwal sa lipunang
kinabibilangan at nagtanggol sa mga manunupil na dayuhan upang makamtan ang inaasam-asam
na kasarinlan. At naging sandigan ng pagkakataon sa mga layunin at adhikain na nagpakislap sa
imahe ng bansang Pilipinas sa apat na sulok ng mundo.
At sa kasalukuyang panahon, katatagan at identidad ng ating pagka-Pilipino ang
sinasalamanin ng ating kabuuang lakasang Wikang Filipino. Maging daan taon paman ang
lilipas may bago mang henerasyon na sisibol ay mananatiling lipon at lakas ng bawat adhika
ang wika na masusing binuo at itinatag para sa mamamayan ng bansang Pilipinas.

You might also like