You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
Lungsod ng Davao
http://www.deped-davaocity.ph

TEL. NOS. 224-3274/224-0100/224-3274/227-4726


221-0059/222-1672/221-8587/224-0854/225-3600

Ikalawang Markahang Pagsusulit


HEKASI - V
SY 2013-2014
Pangalan: ____________________________________________ Marka: _________________
Paaralan: ____________________________________________

Petsa: __________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa panahon ng Espanyol, maituturing na matagumpay sila sa pagpapalaganap ng
kristiyanismo,ngunit di naglaon nagkakaroon ng negatibong reaksiyon ang mga Pilipino.Ano ang
ginawa ng mga Pilipino?
a) Nagkakaroon ng mga pag-aalsa
b) Sumang-ayon sa mga patakaran ng Espanyol
c) Maayos ang pakikitungo ng mga pari sa mga Pilipino
d) Walang ginawa ang mga Pilipino
2. Paano hinubog ng mga Espanyol ang pagpapahalaga ng edukasyon ng mga Pilipino noon?
a)Pagpapa-unlad ng kasanayan sa Balarilang Espanyol
b)Pagsunod sa mga patakaran
c)Pagpapa-unlad ng kabuhayan
d)Pagtuturo ng magandang asal at wastong pag-uugali
3.Anong uri ng paaralan ang unang naitatag sa Cebu?
a) Paaralang Kolonyal
c) Paaralang Pambayan
b) Paaralang Pamparokya
d) Paaralang Normal
4. Bakit naging makasaysayan ang taong 1863 sa larangan ng edukasyon?
a) Binuksan ng hari ng Espanya ang libreng pag-aaral sa paaralang pambayan.
b) Pinalitan ng mga Pilipinong guro ang mga pari.
c) Mga Espanyol lamang ang tinatanggap sa paaralang elementarya.
d) Ipinasara ng hari ng Espanya ang mga paaralang pambayan.
5. Alin sa sumusunod na epekto ng edukasyong kolonyal ang dapat nating panatilihin?
a) kamalayang magkakapatid ang lahat ng nilalang.
b) sistemang bahala na.
c) sistemang ningas Cogon
d) labis na paggasta kung may pagdiriwang
6. Alin sa sumusunod ang maituturing na di- tradisyunal na papel ng kababaihan,alin dito ang HINDI
kasali?
a) Pagsabak sa labanan
b) Pakikilahok sa mga rali at demonstrasyon
c) Nag-aalaga ng mga bata at asawa
d) Pagpasok sa mga pagawaan at pabrika
7. Bakit mahalagang pagbutihin ang katayuan ng kababaihan sa Pilipinas?
a) Para masanay sa pagiging DH sa ibang bansa.
b) Katuwang ang kababaihan sa pagpapa-unlad ng bansa.
c) Para mag-artista at iwan ang pag-aaral.
d) Matutong humawak ng sandata.

8. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang impluwensiya ng Espanyol sa mga Pilipino?


a) Kristiyanismo
c) Kalakalang Galyon
b) Edukasyon
d) Pag-ukit ng mga imahen
9. Alin sa mga sumusunod na ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa pagkaing ipinakilala ng mga
Espanyol?
a) Natuto silang magtanim at kumain ng kamote
b) Natuto silang kumain ng ibat ibang uri ng prutas
c) Nag-aral silang mag-imbak ng pagkain
d) Natuto silang magluto ng bejon at pansit
10 Nasanay sa pag-lalaro ang mga Pilipino. Anong laro naman ang ipinakilala ng mga
Espanyol?
a) Patintero
c) Juego de prenda
b) sipa
d) lahat ng ito
11. Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay ipinakita nila sa pamamagitan ng paggawa ng mga
________
a) mga gusali at simbahan
c) mga banga at palayok
b) sigarilyo at tabako
d) bahag at putong
12. Sino ang tanyag na Pilipinong pintor ang nagpinta ng Spolarium?
a) Jose Valdemor
c) Felix Resurrection Hidalgo
b) Juan Luna
d) Nicanor Abelardo
13. Ano naman ang obra ni Mariano Andriano ng Paete?
a) Mater Dolorosa
c) Blood Compact
b) Urbana at Felisa
d) Mother and Child
14. Kung si Mariano Perfecto ang Ama ng Panitikang Ilonggo,sino naman ang Ama ng Panitikang
Ilocano?
a) Jose Dela Cruz
c) Pedro Bucaneg
b) Modesto de Castro
d) Marcelo San Agustin
15. Tinagurian siyang Prinsipe ng mga makatang tagalog at siya ang may akda ng Florante at Laura.
a) Teodora San Luis
c) Francisco Balagtas/Baltazar
b) Julian Felipe
d) Ladislao Bunos
16. Isa sa dalawang sangay ng pamahalaang sentral ay ang tagapagpaganap,ano naman ang
pangalawang sangay nito?
a) tagapagpatupad
c) tagapaghukom
b) tagagawa
d) tagapagpatibay
17. Saan nabibilang ang mga Alcalde, Mayor, Cabeza de Barangay at Corregidor?
a) Pamahalaang Kolonyal
c) Pamahalaang Sentral
b) Pamahalaang Local
d) Ayuntamiento
18-21. Ilagay sa tapat ng kahon ang titik ng wastong sagot. Piliin sa talaan sa ibaba.
a) Cabeza de Barangay b) Corregidor c) Alcalde Mayor
d) Gobernadorcillo
18. Pinuno ng Alcadia
at lalawigan

20. Pinuno ng Barangay

19. Pinuno ng Pueblo

21. Pinuno ng Corregimiento

22. Ang mga sumusunod ay layunin ng kilusang propagandista, alin dito ang HINDI kasali?
a) Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa mga Pilipino.
b) Magkaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes
c) Mahirang ang Pilipinong pari sa mga parokyang lokal
d) Maging sunod-sunuran sa mga Espanyol

23. Paano nakipaglaban sa pamahalaang Espanyol ang mga Pilipino?


a) paggamit ng baril.
c) pakikipagdebate
b) sa pamamagitan ng panulat
d) paggamit ng itak
24. Sino ang bayaning nahatulan ng kamatayan at binaril sa Bagumbayan dahil sa pagnanais na makamit
ang kalayaan ng ating bansa?
a) Andres Bonifacio
c) Jose Rizal
b) General Emilio Aguinaldo
d) Gomburza
25. Anong pamagat ang isinulat ni Graciano Lopez Jaena kung saan naglalarawan ito ng isang prayleng
may malaking tiyan at magahaman sa pagkain at kapangyarihan?.
a) Discursos y Articulo Varios
c) Aba Ginoong Barya
b) Pray Botod
d) El Filibusterismo
26. Sinong repormista ang nagpapahayag sa pamamagitan ng talumpati sa mga plasa, sabungan at
mga tindahan?
a) Andres Bonifacio
c) Marcelo H. Del Pilar
b) Apolinario Dela Cruz
d) Emilio Jacinto
27. Sa anong paraan ang bawat kasapi ng bawat Katipunan dumaraan para maging ganap na
Katipunero?
a) Sa pamamagitan ng paraang tatsulok
c) Sanduguan
b) Pagpapahirap(Hazing)
d) Paghula sa Koda ng katipunan
28. Ito ay isang samahang itinatag ni Jose Rizal. Ano ang samahang ito?
a) La Solidaridad
c) La Concordia
b) La Liga Filipina
d) Las Opisyal na Filipinas
29. Ang La Solidaridad ay isang opisyal na pahayagan ng kilusang repormista.Sino ang naging patnugot
nito ?
a) Mariano Ponce
c) Teodoro Patino
b) Deodato Arellano
d) Graciano Lopez Jaena
30. Anong uri ng pahayagan ang Diaryong Tagalog na itinatag ni Marcelo H. Del Pilar?
a) Ito ang unang Tagalog na pahayagan
c) Ito ang unang Kastilang pahayagan
b) Ito ang unang Ingles na pahayagan
d) Ito ang unang Bisayang pahayagan
31. Dahil sadi- pagkakaunawaan nina Andres Bonifacio at General Emilio Aguinaldo nahati ang mga
Katipunero sa dalawang pangkat. Bilang isang kasapi ng katipunero , ano ang dapat mong gawin?
a) Hihimukin ko silang maghiwalay ng pangkat upang walang gulo.
b) Sasabihan ko ang kapwa katipunero na magbuo ng panibagong samahan.
c) Wala akong papanigan sa dalawang pangkat
d) Sisikapin kung masolusyonan ang nangyayaring hidwaan.
32. Ibigay ang dahilan bakit nagpadala ang Amerika ng ibat ibang komisyon sa Pilipinas.
a) Upang mag pagawa ng mga bagong disenyong gusali.
b) Upang magtayo ng mga bagong paaralan
c) Upang turuan ang mga Pilipino ng ibang hanapbuhay
d) Upang tumulong sa pagtatag ng sariling pamahalaan ng mga Pilipino.
33. Alin dito sa sumusunod ang kasunduang inilipat ng Spain ang Pilipinas sa pamamahala ng Estados
Unidos, kapalit ang halagang 20 milyong dolyar.
a.) Batas Treaty
b) Treaty of Tordillas
c) Treaty of Japan
d) Treaty of Paris
34. Sa ilalim ng pamahalaang sibil nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makalahok sa
pamahalaan.Kung isa ka sa nabigyan ng pagkakataon ano ang dapat mong gawin?
a) Papalitan ko lahat ng mga Amerikanong opisyal sa pamahalaan
b) Gagawa ako ng mga proyekto na makabubuti para sa lahat.
c) Ibubunyag ko ang mga lihim sa samahang itinatag ng mga kapwa ko Pilipino
d) Hindi ko tutulungan ang mga kababayang umapi sa akin.

35. Sa pamamagitan ng misyong ito , nagkaroon ng pag-asa ang bansang Pilipinas na mabigyan ng
kasarinlan ng Estados Unidos. Anong misyong ito?
a) Misyong - Roxas
b) Misyong - OSROX
c) Misyong - Quezon
d) Misyong - Osmena
36. Ayon sa batas na ito, natatamo ng Pilipinas ang kanyang kalayaan pagkatapos ng sampung taong
malasariling pamahalaan. Piliin sa ibaba ang batas na ito.
a) Batas Hare- Hawes-Cutting
c) Batas Brigandage
b) Batas Tydings McDuffie
d) Batas Sedisyon
37. Bakit tinutulan ni Manuel L. Quezon ang batas Hare-Hawes-cutting kahit itoy isang batas
pangkalayaan? Ano pala ang nakasaad dito?
a) Pagpapanatili ng mga base militar ng mga Amerikano sa Pilipinas.
b) Ipahahayag ang kalayaan ng Pilipinas.
c) Maghahalal ng mga pinuno ng malasariling pamahalaan.
d) Magkakaroon ng pagbabago sa pamahalaan
38. Sa panahon ng mga Amerikano ay napalitan ng mga bahay na bato ay napalitan ng bungalow at
chalet. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa chalet?
a) Isang bahay na kadalasang isang palapag lamang at may malawak na veranda
b) Isang bahay na gawa sa kahoy na may padahilig na bubong at malapad na sulambi.
c) Isang bahay na yari sa kawayan at pawid
d) Isang bahay na may mataas na bubong
39. Nagbuo ang mga lungsod sa Maynila at dumagsa ang mga taga-lalawigan upang magtrabaho sa mga
pabrika. Ano ang naidulot nito?
a) Nagkaroon ng agawan at siksikan sa pabrika
b) Nagkaroon ng pagsisikip dulot ng maraming eskwater
c)Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga taga-lalawigan
d) Nagkaroon ng masayang samahan sa pamilya
40. Sampu kayong magkakapatid sa pamilya balak ng inyong mga magulang na dagdagan pa kayo. Ano
ang iyong gagawin?
a) Pagagalitan ko sila dahil mahihirapan na kami
b) Aalis ako upang mag paampon sa iba
c) Ipapaliwanag ko nang maayos ang aking saloobin
d) Magwewelga kaming magkakapatid
41. Bakit ipinaunlad ng mga Amerikano ang komunikasyon at transportasyon?
a) Upang mapalitan ang karitela, kalesa at kariton
b) Upang maging posible ang madaling pagdadala mula taniman tungo sa mga sentrong
pamilihan.
c) Upang madali ang pakikipag talastasan sa ibayong bansa
d) Lahat ng nabanggit
42. Paano mo napatunayan na mas mainam ang edukasyon sa panahon ng mga amerikano?
a) Maraming Pilipino ang nahinto sa pag-aaral.
b) Maraming Pilipino ang naging ilustrado
c) Marami ang bilang ng mga Pilipinong nakapag-aral
d) Maraming Pilipino ang naliwanagan
43. Kung isa ka sa nabiyayaan ng programang Homestead, Ano ang gagawin mo sa lupang ito?
a) Parerentahan ko sa ibang magsasaka
b) Ipagbibili ko sa mga negosyanteng dayuhan
c) Pangangalagaan ko ito at tatamnan upang mapakinabangan
d) Isasangla ko para magkapera

44. Bakit di- makatarungan para sa masang Pilipino ang Friar Lands Act ng 1903?
a) Walang pera ang mga Pilipino at walang sinumang makabibili ng lupang kinamkam ng mga
prayle
b) Dayuhang korporasyon lamang ang may karapatang bumili ng lupain ng mga prayle
c) Mga dayuhan at mayayamang Pilipino lamang ang makabibili ng lupaing kinamkam ng mga
prayle.
d) Tabako lamang ang ipinatanim noon ng mga amerikano.
45. Malaki ang pag-unlad at pagbabago sa panahon ng mga amerikano. Mayroong mabubuti at dimabubuting epekto ang naidudulot nito kung isa ka sa mabubuhay sa panahong ito, Ano ang dapat
mong gawin?
a) Sasamantalahin ko ang magandang pagkakataong mapaunlad ang mabuting maidudulot sa aking
buhay.
b) Walang magaganap na pagbabago sa aking buhay dahil hindi ako sang-ayon sa kanilang patakaran.
c) Aasa nalang ako sa iba total wala ring mangyayari sa aking buhay
d) Hindi ko sila susundin dahil kaaway pa rin ang turing ko sa kanila.
46-47 ( 2 puntos) Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang kabayanihan ng mga Pilipinong
nakilaban sa kalayaan ng bansang Pilipinas?
48.50 ( 3 puntos ) Nais mong makatulong sa pagpapabuti ng kalagayang pang ekonomiya ng ating
bansa . Ano ang dapat mong gawin?

You might also like