You are on page 1of 5

MGA PAARALANG LOYOLA

PAMANTASANG ATENEO DE MANILA


SILABUS
Bilang ng Kurso
Pamagat
Semestre at Akademikong Taon
Guro
Iskedyul at Silid

:
:
:
:
:

Fil 222.1/121.1
Pagsasalin: Teorya at Praktis
Unang Semestre, 2015-16
Michael M. Coroza, PhD
Biyernes, 6:00 - 9:00, Silid AILAP

A. PAGLALARAWAN NG KURSO
Nakatuon ang pag-aaral sa mga teorya at kritikal na pagsusuri ng ibat ibang tekstong
pampanitikan, pangkultura, atbp, na naisalin sa Filipino tungo sa pagpapahalaga sa
pagsasalin hindi lamang bilang isang gawaing lingguwistiko kundi isang dinamikong
aktibidad na pangkultura. Inaasahang sa masusing pagtunghay sa mga huwarang praktis
sa pagsasalin, aktibong makasasangkot ang mga mag-aaral sa aktuwal na pagsasalin sa
Filipino ng ibat ibang tekstong pampanitikan, pangkultura, atbp.
B. MGA INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO
1. Naipaliliwanag at nagagamit ang mga pangunahing teorya sa pagsasalin mulang
Kanluran at Filipinas sa kritikal na pagsusuri ng mga aktuwal na naisaling ibat ibang
teksto sa Filipino.
2. Nakakikilala at nakapagpapahalaga sa birtud ng ibat ibang proyektong salin batay sa
kontekstong nagbunsod sa pagsasalin, mga estratehiyang ginamit sa pagsasalin, at sa
naging bis ng salin sa wika at kulturang pinagsalinan.
3. Nakapagsasalin sa Filipino ng mga tiyak na pampanitikang anyotula, kuwento,
dulamulang Ingles (o iba pang wikang alam ng estudyante) nang may kritikal na
pagkamalay at pagsusuri sa prosesong pinagdaanan sa pagsasalin.
C. BALANGKAS NG KURSO
1. Kung Anong Hayop ba ang Pagsasalin:
Mga Pangunahing Teorya at Praktika Mulang Kanluran at Filipinas
1.1 Hinggil sa Pagsasalin ni John Dryden (Hango ni Virgilio S. Almario)
1.2 Hinggil sa Wika at mga Salita ni Artur Schopenhauer (Salin ni Fidel
Rillo)
1.3 Hinggil sa Ibat Ibang Pamamaraan ng Pagsasalin ni Friedrich
Schleiermacher (Salin ni Roberto T. Aonuevo)
1.4 Mga Pagsasalin ni Johann Wolfgang Von Goethe (Salin ni Rebecca T.
Aonuevo)

1.5 Ang Tungkulin ng Tagasalin ni Walter Benjamin (Salin ni Michael M.


Coroza)
1.6 Hinggil sa mga Aspektong Lingguwistiko ng Pagsasalin ni Roman
Jakobson (Salin ni Michael M. Coroza)
1.7 Pagsasalin Bilang Pananakop ni Virgilio S. Almario
1.8 Ang Pagsasalin Bilang Pagsasanay at Kasanayan ni Michael M. Coroza
1.9 Ang Hamon sa Pagsasalin ng mga Teknikal na Sulatin ni Mario I. Miclat
1.10 Muling-Tula Bilang Hamon sa Pagsasalin ng Tula ni Virgilio S.
Almario
1.11 Ang Pitong Halik ni Hudas ni Jerry C. Respeto
1.12 Migrasyon at Pagsasalin: Pagsasa-Ingles ng Apat na Tulang Migrante sa
Filipino ni Romulo P. Baquiran Jr.
2. Sigla sa Siglo ng Pagsasalin: Sulyap-Suri sa Kasaysayan at mga Tekstong
Salin sa Filipinas
2.1 Sulyap sa Kasaysayan ng Pagsasalin sa Filipinas ni Virgilio S. Almario
2.2 Mga Pagsasalin Mula sa Doctrina Christiana (1593) hanggang sa
Guilermo Tell ni Rizal (1892)
2.3 Mula kina Joaquin Tuason (1890s) at Gerardo Chanco (1900s) hanggang
kina Rolando Tinio at Bienvenido Lumbera (1970s) o Mula kay
Shakespeare hanggang kay John Green
2.4 Mulang Konstitusyon hanggang Manwal ng Cell Phone: Mga Pagsasalin
sa Likas na Agham at Agham Panlipunan
3. Pasalin-salin Pag May Oras
3.1 Pagsasalin ng Tula at Awit (Saling-awit)
3.2 Pagsasalin ng Maikling Kuwento
3.3 Pagsasalin ng Dula (Bahagi)
3.4 Pagsasaling Teknikal (Manwal ng Cell Phone o anumang kagamitang may
abanteng teknolohiya, diskursong pilosopiko, sanaysay pang-agham,
kontratang legal, atbp.)

Fil 222.1/121.1 Silabus Dr. M. Coroza 2

D. MASAKLAW NA TALAAN NG MGA SANGGUNIAN


1. Batayang Sanggunian
Almario, Virgilio S. Introduksiyon sa Pagsasalin: Mga Panimulang Babasahin Hinggil
sa Teorya at Praktika ng Pagsasalin. Maynila: Seryeng Aklat ng Bayan, Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA),
2015.
Venuti, Lawrence. The Translation Studies Reader. 3rd ed. London at New York:
Routledge, 2012.
2. Mga Panukalang Babasahin
Antonio, Lilia F. Apat na Siglo ng Pagsasalin: Bibliyograpiya ng mga Pagsasalin sa
Filipinas (1593-1998). Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino Sistemang
Unibersidad ng Pilipinas, 1999.
Arrowsmith, William at Roger Shattuck. The Craft and Context of Translation. Austin:
The University of Texas Press, 1961.
Bassnett, Susan. Translation Studies. 4th ed. London at New York: Routledge, 2014.
Bassnett, Susan, ed. Translating Literature: Essays and Studies. Suffolk: DS Brewer,
2001.
Bassnett, Susan at Harish Trivedi, ed. Post-colonial Translation: Theory and Practice.
London at New York: Routledge, 1999.
Grossman, Edith. Why Translation Matters. New Haven & London: Yale University
Press, 2010.
Hermans, Theo, ed. The Manipulation of Literature: Studies in Literary Translation. New
York: St. Martins Press, 1984.
Lefevere, Andre. Translation/History/Culture: A Sourcebook. London & New York:
Routledge, 1992.
Rafael, Vicente L. Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in
Tagalog Society under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo De Manila
University Press, 1988.
Rafael, Vicente L. The Promise of the Foreign: Nationalism and the Technics of
Translation. Philippine Edition. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2005.
Williams, Jenny. Theories of Translation. Hampshire at New York: Palgrave Macmillan,
2014.
Zafra, Galileo, ed. Ikatlong Sourcebook ng SANGFIL: Pagsasalin. Manila: National
Commission for Culture and the Arts, 2010.
Fil 222.1/121.1 Silabus Dr. M. Coroza 3

E. MGA KAHINGIAN NG KURSO


30%
30%
40%

Lima pataas na indibidwal na pag-uulat


Lima pataas na kritikal na komentaryo/panunuri (3-5 pahina)
Pangwakas na papel/proyektong pananaliksik (15-25 pahina)

Mahalaga: Mga letrang pangmarka na A, B+, B, C+, C, D, at F para sa Di-Gradwado


at A, B+, B, C+, at C para sa Gradwado ang ginagamit ng guro sa ebalwasyon ng mga
pinagsumikapan ng mag-aaral. Sa pagkuwenta ng panapos na marka, kukunin ang
average ng lahat ng nakuhang marka sa bawat kahingian batay sa katumbas na
halagang numeriko ng bawat letra. Ang average ng lahat ng marka sa bawat kahingian
ang siyang pangwakas na marka.
F. MGA PATAKARAN SA KLASE
1. Maliban na lamang kung may mabigat na dahilan, iwasan ang pagliban sa klase.
Walang espesyal na pagsusulit o proyekto para sa sinumang hindi nakakuha,
nakagawa, o nakapagpasa nito dahil sa pagliban, anupaman ang dahilan.
2. Sa loob ng klase ginagawa ang pagpapsa ng anumang proyekto. Mamarkahan ng
huli at may kaangkop na bawas sa puntos na makukuha ang anumang proyekto
na huling ipinsa.
3. Kung may hindi malinaw sa mga tinatalakay o takdang ipinagagawa, huwag magatubiling lapitan o kausapin ang guro. Kung bagay na hindi nakaeeskandalo at
may kinalaman sa leksiyon, magtaas lamang ng kamay upang matawag ang
pansin ng guro. Kung higit na pansarili o hindi sangkot ang buong klase,
sadyain ang guro sa tanggapan ng Kagawaran ng Filipino sa mga oras ng
konsultasyon.
4. Tungkol sa Pagsulat ng Papel
Maayos na daloy at linaw ng idea ang pangunahing batayan ng pagmamarka
sa papel. Hindi matutupad ang mga kahingiang ito kung hindi magiging
maingat ang mag-aaral sa pagbuo ng mga pangungusap at talata. Samakatwid,
dapat iwasan ang mga kamaliang gramatiko.
Binubuo ng tatlo hanggang limang pahina ang maikling papel. Lima hanggang
dalawamput limang pahina naman ang pangwakas na papel. Tandaan ang
mga sumusunod hinggil sa pagbuo ng ipapasang papel:
Papel
Tinta
Font
Mardyin
Pag-eespasyo
Pagpapahina

:
:
:
:
:
:

A4
Itim
Times New Roman 12
1 pulgada sa lahat ng panig
dalawahan
Ibab, dulong kanan

Ang mga impormasyong ito lamang ang dapat makita sa itaas pinakakaliwang
bahagi ng papel: Pangalan (Una ang apelyido), Seksiyon ng klaseng
Fil 222.1/121.1 Silabus Dr. M. Coroza 4

kinabibilangan, Bilang ng papel na ipapsa (e.g. Unang Maikling Papel,


Pangwakas na Papel, atbp.), at Petsa ng pagpapsa.
Anumang papel na ipapsa ay kailangang may malinaw na paksang
pangungusap o paglalahad ng layunin. Sinasagot ng paksang pangungusap
o paglalahad ng layunin ang mga sumusunod: Ano ang gagawin? (Paksa),
Bakit ito gagawin? (Layunin), at Paano ito gagawin? (Pamamaraan)
Karaniwan nang isang talata na may isa hanggang tatlong pangungusap ang
paglalahad ng layuning ito. Ito dapat ang una o panghuling talata ng
introduksiyon o bahaging panimula ng sanaysay. Halimbawa:
Sa maikling pag-aaral na ito, susuriin ang mga kundimang
likha ng mga maestrong sina Bonifacio Abdon, Nicanor Abelardo,
at Francisco Santiago noong bungad ng siglo dalawampu bilang
masining na awit o art song ng Filipinas. Nilalayon nitong
patunayan na karapat-dapat kilalanin at pahalagahan ang
kundiman bilang pambansang anyo ng awit na pinamamayanihan
ng mithing postkolonyal at makabansa ng mga Filipino.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri sa
mga titik o liriks ng mga tanyag na kundimang nilikha nina Abdon,
Abelardo, at Santiago sa pagitan ng 1898 hanggang 1939, ang
panahong itinuturing ng musiko at historyador na si Antonio
Molina bilang Ang Panahon ng Kundiman nang may pagtutuon
ng pansin sa simbolikong pagtuturing sa pagsuyo ng lalaki sa
babae bilang panambitan sa kalayaan.
G. ORAS NG KONSULTASYON
2:00 5:00 ng hapon
Miyerkoles at Biyernes
Kagawaran ng Filipino
3/F De la Costa Hall
Karaniwang matatagpuan ang guro para sa mga konsultasyon sa lugar, araw, at oras
na ito. Gayunman, iminumungkahing magsabi muna ang estudyante sa guro na
darating siya para kumonsulta. Sa gayon, kusang hihintayin siya ng guro at nang hindi
masayang ang pagdalaw. Maaaring tumawag sa telepono bilang 4266001 loc. 5320
upang maipagbilin sa kalihim ng Kagawaran ng Filipino na ipaalala sa guro ang
pagdating ng estudyante. Maaari ring magmensahe sa guro sa pamamagitan ng email:
mcoroza@ateneo.edu.

Fil 222.1/121.1 Silabus Dr. M. Coroza 5

You might also like