You are on page 1of 1

Si Ebed melec isang bating o opisyal na etiope sa

bahay ni haring zedekia. at at isa sya sa kaibigan


o sumusuporta sa propeta ni jehova na si jeremias.
Nang si jeremias ay pinaratangan ng sedisyon o
pagtataguyod ng kaguluhanat pinarusahan ng mga
prinsipe ng judio na ihagis sya sa isang malusak o
maputik na imbakang tubig ni Malkias sa Looban
ng Bantay upang mamatay siya roon sa gutom. Sa
kabila ng panganib na maaring suungin ni ebed
melec. buong-tapang at hayagang nilapitan ni
Ebed-melec ang hari na nakaupo noon sa Pintuangdaan ng Benjamin at namanhik siya alang-alang
kay Jeremias. At dahil doon nagging positibo
naman ang tugon ni haring zedekias anupat ipinag
utos nya na kumuha sya ng 30 lalaki sa kanyang
pangangasiwa. At nagbaba sila ng mga lubid at ng
mga sira-sirang basahan at mga piraso ng tela na
mailalagay ni Jeremias sa mga kilikili nito upang
maiahon siya mula sa imbakang-tubig. Kung
mapapansin natin mga kapatid at mga kaibigan
kaya 30 lalaki ang ipinadala ni haring zedekias ay
upang matiyak na maililigtas nila si Jeremias
sakaling hadlangan sila ng mga prinsipe o mga
saserdote. Kaya samahan nyo po ako mga kapatid
at mga kaibigan pakisuyo sa inyong sariling kopya
ng bibliya sa jeremias (39:15-18) tiniyak ni Jehova
kay Ebed-melec, sa pamamagitan ni Jeremias, na
hindi siya malilipol sa panahon ng pagkubkob ng
Babilonya kundi paglalaanan siya ng pagtakas.

You might also like