You are on page 1of 2

Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran

Minsan ba dumaan sa inyong mga isipan kung bakit at paano


nagkakaintindihan ang bawat tao sa iisang lugar? Naisip ko tuloy
na para itong katulad ng pamosong linya ng sulit.com na hanap,
usap at deal. Sa halimbawang ito mas lubos kong naintindihan
kung paano nagkakaintindihan ang bawat taong tumatangkilik sa
sulit.com hindi ito yung bagay na ipinagbibili o yung bagay na
gusto mong mabili kung hindi ang salitang ``usap na kung saan
mas lubos na nagkakaintindihan ang dalawang taong may
magkaibang layunin ngunit parehong nakakamtan ang kanilang
magkaibang layunin. Nakakatuwang isipan na dahil mayroon
tayong iisang wika, nagagawa nitong mapagkasundo ang mga
taong hindi naman magkapamilya, magkaibigan, at higit sa lahat
magkakilala.
Ang wika ay isa sa pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa
tao. Sa tulong ng wika ay malaya nating naipahahayag ang
ating nararamdaman, at nasasaisip, ito rin ang dahilan kung
bakit nagkaroon ng pagkakaunawaan ang tao sa mundo. Naalala
ko tuloy noong ako ay nasa ikalimang baiting, isa sa mga napagaralan namin ay ang naging dahilan ng digmaan ng Pilipino at
Amerikano. Nakakalungkot isipin na ang simpleng hindi
pagkakaintindihan ay nagdulot ng napakalaking pinsala sa buhay
ng bawat Pilipinong nagnanais na makalaya laban sa mga
mananakop. Bagamat maraming mga dayuhan ang nagtangka at
sumakop sa atin ay hindi parin tayo sumuko upang makamit ang
ating minimithing kalayaan na kung saan malaya nating
magagamit at mapapaunlad ang ating sariling wika. Isang
pagpapatunay na tuluyang nililinang at pinayayabong ang ating
sariling wika nang lagdaan ng dating Pangulong Manuel Luis
Molina Quezon noong taong 1935 na Tagalog ang Pambansang
Wika sa Pilipinas na kung saan ito ay naging daan upang lalo pang
mabuklod ang mamamayang Pilipino. At sa patuloy na pag-unlad
ng ating wika, patunay ito na ang Wikang Filipino ay buhay at

patuloy na pinahahalagahan ng mga Pilipino. Isa sa magandang


halimbawa nito ay ang ating pangulo na si Pangulong Benigno
Aquino III na kung saan sa tuwing siya ay magpapahayag ng
kanyang SONA ay ginagamit niya ang ating sariling wika sapagkat
naniniwala siyan na mas lubusang maiintindihan ng mga Pilipino
ang tunay na kalagayan ng bansa sa kung siya ay gagamit ng
wikang Filipino. Ito ay isang tanda na kung saan ang wika ay daan
tungo sa kaunlaran ng ating bansa. Kung tunay na pag-iibayuhin
ang paggamit ng wikang Filipino, hindi magtatagal isa na tayo sa
mga bansang namamayagpag hindi lang sa kontinente ng Asya
kung hindi sa buong mundo, dahil ang wikang Filipino ay hindi
tulad ng mga salik sa pagpapaunlad ng ekonomiya na kung saan
kung wala ang isa ay hindi nito makakayang mapa-unlad ang
bansa kung hindi ito ay isang sandata nagbubunga ng
pagmamahalaan, pambansang kapayapaan at pambansang
kaunlaran na nagbubuklod sa bawat mamamayang Pilipino.
Sa kasalukuyan, isang malaking hamon sa mga Pilipino ang
pagkamit ng kaunlaran ng bansa gamit ang wikang Filipino bilang
pambansang wika, ngunit sa kabila nito ay patuloy parin ang
pag-alab ng damdaming makabayan ng bawat Pilipino na kung
saan hindi nagpapadala sa mga makabagong bagay na
nagdudulot ng pagbabago ng isipan at damdamin ng isang tao.
Bakit? Eh bakit pa sa tingin mo nagtitiyaga ang mga Pilipino sa
Hanap Usap at Deal? Eh kasi ang mga Pilipino Hahanap at
hahanap ng paraan upang mapaunlad ang bansa , Mag-uusap ng
mag-uusap gamit ang wikang Filipino upang makamit nila ang
Deal na kung saan ito ay tanda ng pagbubuklod ng mga Pilipino
tungo sa pambansang kaunlaran.

You might also like