Professional Documents
Culture Documents
Regie:
Regie Ucang ang pangalan, ang Diyosa ng Balagtasan
Sa talinot kagandahan, taob ang aking kalaban
Hindi ako nananakot, hindi ako nagbabanta
Ang huling nakalaban ko, hanggang ngayon ay tulala!
Jonathan: Ang paksa pong nakalaan, sa patulang pagtatalo
Alin ba ang nararapat , Wikang puro, wikang halo,?
Si Azl ay nagsasabing itong Wikang Filipino
Nararapat ipagtanggol, ingatan at gawing puro!
Samantalang si Regie ay malaon nang nagpahayag
Panghihiram ng salita, lubos siyang pumapayag
Kaya hala, mauna na ang panig ng tumututol
Sige Azl, simulan mo katwiran mo ay ipukol!
Azl:
Itong lahing Pilipino, may sariling pagkatao
May kulturang kinagisnan, may sariling alpabeto
Katangian at tradisyong minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan sa haplit ng pagbabago!
Pagkat tayoy nag-iisip gamit ang sariling wika
Ito rin ang siyang bintana nitong ating kaluluwa
Ang dalisay, purong wika ay mahusay na sandata
Upang hindi madumihan ng kultura ng banyaga!
Regie:
Malalalim na salitang hindi mo maintindihan
Pagkat sadyang makaluma, kaya nagkakalituhan
Sa panahon ng internet, ng counter strike at ng Friendster
Wikay magiging praktikal, at ang gamit ay forever!
Subalit kung katulad mong parang lola kung mangusap
Ay baka mas mainam pang ka-eye ball mo ay kulisap
Hindi mo mapipigilan, pagkalat ng wikang English
Wikang halo ay mahusay, kahit pa nga itoy Taglish!
Azl:
Halong wika, halong diwa, kaya walang pagkatuto
Bulol na nga pag nag-English, bulol din sa Filipino
Dalawang wikang winawasak nitong mga katulad mo
Sa halip na tumalino, henerasyoy naging bobo!
At nang dahil sa counter strike, at lagi mong pagpe-friendster
Naubos na ang oras mo, pati pera sa computer
Kabataang sinasabing pag-asa daw nitong bayan
Eto ngayot sinasamba ay kultura ni Uncle Sam!
Regie:
Tapos na po ang labanan, ako na po ang nagwagi
Purong wikay imposibleng magagamit na palagi
May salita bang katutubong panumbas mo sa computer
Ni hindi mo maisalin, ang counter-strike o ang friendster
Patunay na
Ito pa nga
Henerasyon
Na makitid
Azl:
Anong klaseng pagbabago kung kolonyal ang isipan
Ekonomiya at kultura, ang may kontrol ay dayuhan
Kung salita ay hiniram, pwede namang matumbasan
Mag-imbento ng salitang panapat sa kinagisnan!
At pwede ring ang salitay babayin sa Filipino
Ang ispeling ay baguhin, isalin sa katutubo
Katulad ng ginagawa ng Indones at ng Malay
Katagang dayoy binabaybay na gamit ang wikang taglay!
Regie:
Ikaw ba ay nababaliw, technical terms babaguhin?
E di lalong ang lahat ay kayhirap na intindihin
Azl:
Wala akong sinasabing technical terms babaguhin
Mukhang itong kalaban ko ang siyang lola at ulyanin
Regie:
Sino kaya ang ulyanin, sino ba ang mas maganda?
Kayong madlang nanonood kayo na nga ang humusga!
Azl:
Di hamak na mas maganda , kayumangging Pilipina
Kumpara sa katulad mong labanos na namumutla!
Regie:
Hindi ako namumutla, ang gamit ko y Glutathione
Kayat kutis ng artista itong beauty ko sa ngayon!
Azl:
Kagandahang artipisyal, niretoke nitong agham
Tanging ang magkakagustoy yaong nahihibang lamang!
Regie:
Azl:
Regie:
Makitid na pag-iisip, bangungot na panaginip
Ang dahilan kung bakit ang bansa natiy nagigipit
Habang Koreanot Hapon ay nagnanais mag-English
Heto naman ang tulad mong nais ito ay maalis!
Azl:
Hindi ko sinasabing ang English ay dapat alisin
Kundi Wikang Filipino ang dapat na bigyang pansin!
Regie:
Itong wikang Filipinoy di magamit sa call center
Sa interview, babagsak ka kung ang alam mo lang ay Sir!
Azl:
Huwag ka nang magkolehiyo kung call center agent lamang
Hayaan mong murahin ka ng dayuhang mapanlamang!
Regie:
Sigawan man o murahin, mahalaga ay may pera
Kaysa naman may prinsipyo ngunit gutom ang sikmura!
Azl:
Bawat wika sa daigdig ay may kanyang katangian
Na dapat na irespeto, at dapat na pag-ingatan
Bawat lahiy may kultura, may sariling kakanyahan
Hindi dapat talikuran, hindi dapat na talikdan!
Purong wika ay salamin ng puro ding pagkatao
Dalisay na pundasyon ng ating pagka-Pilipino
Wika natin ay ingatan, payabungin, paunlarin
Sa pagpanday ng lipunang may paglayang maaangkin!
Regie:
Ang wika ay daynamiko, umuunlad, nagbabago
Kagaya rin ng pag-unlad nitong Wikang Filipino
May hiniram sa Kastila, may salitang katutubo
May hiram sa mga Intsik, sa Hindu at sa Arabo
Kung kayat ang wikang halo ay wika ng pagkatuto
Isang hakbang patungo sa hinahangad na asenso
Kapag ang wika ay puro, itoy tiyak mamatay
Ngunit kapagka may halo, may pagyabong na dalisay!