You are on page 1of 4

Deborah

Tannen at Jesus Federico Fernandez


Deborah Tannen
Propesora ng lingguwistika sa Georgetown University
Manunulat ng maraming libro at artikulo tungkol sa wika at ang epekto ng
pangkaraniwang pakikipagusap sa relasyon ng tao.
Siya ay kilala bilang may-akda ng You Just Don't Understand: Women and Men in
Conversation

Jesus Federico Hernandez
Si Propesor Hernandez ay dating Chair ng Departamento ng Lingguwistika sa
Unibersidad ng Pilipinas
Ang Pasok sa Banga (Wika ng mga Bakla)" ay iprinisenta niya sa Sawikaan
2010 sa UP Diliman noong July 29, 2010.
I. Wika at Kasarian: Kaibahan ng wika para sa lalaki at babae

A. Ayon kay Tannen, ang mga lalaki at babae ay pinapalaki sa magkaibang
kultura. Ito ang dahilan kaya ang komunikasyon sa pagitan nila ay nagiging
cross-cultural na komunikasyon. Dahil sila ay tumatanda sa magkaibang
mundo, nagbibigay daan ito sa pagkakaroon ng magkaibang estilo ng pag-
uusap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ito ay kilala bilang genderlects.
B. Sa kanyang libro na You Just dont Understand, iprinisenta ni Tannen ang
pagkakaiba sa paggamit ng wika ng mga lalaki at babae sa pamamagitan ng
anim na kaibahan:
1. Status vs Support
Ang mga lalaki ay nabubuhay sa isang mundo na kompetitibo ang
kombersasyon. Sinusubukan nilang makuha ang upper hand upang
mapigilan ang iba na dominahin sila. Para sa babae naman, ang
pakikipagusap ay paraan para makakuha ng apirmasyon at suporta sa
kanilang mga ideya.
2. Independence vs Intimacy
Ang mga babae ay karaniwang nagbibigay importansya sa kalapitan at
pagsuporta upang mapanatili ang intimacy. Ang lalaki na nag-aalala tungkol
sa kanyang katayuan o istado ay mas nagbibigay importansya sa hindi pag-
asa sa iba. Ang mga katangian na ito ay maaaring maging dahilan ng tunay na
magkaibang opinyon ng babae o lalaki sa parehong sitwasyon.
3. Advice vs Understanding
Sinasabi ni Tannen na para sa karamihan ng mga lalaki, ang isang reklamo o
daing ay hamon upang makahanap ng solusyon.

4. Information vs Feelings
Ayon daw sa kasaysayan, ang mga alalahanin ng mga lalaki ay itinuturing
mas mahalaga kaysa sa mga alalahanin ng mga babae. Ngayon ay maaaring
ibaliktad ang sitwasyong ito na ang pagbibigay ng impormasyon ay hindi
kasing importante ng pagbabahagi ng emosyon. Mula sa pananaw ng mag-
aaral ng wika, walang isang wika ang hihigit sa iba dahil lahat sila ay pantay.
5. Orders vs Proposals
Ang mga babae ay kadalasan nagpapahiwatig ng payo sa hindi direktong
paraan. Ang mga lalaki naman ay mas madalas na gumagamit ng mga
direktong pahiwatig o mga utos.
6. Conflict vs Compromise
Ayon kay Tannen, sa pag-iiwas sa di pagkakasunduan, ang ibang babae ay
hindi harapang tututol sa iba kahit na mas mabuti at mabisa para sa isang
babae ang ipahayag ang kanyang sarili.
Ang mga punto na ito ay malawak na generalization, dahil para sa bawat isang
oposisyon na iprinisenta ni Tannen ay mayroong mga babae o lalaki na eksepsyon.
C. Paniniwala ni Tannen na ang mga babae at lalaki ay mayroong magkaibang
estilo ng komunikasyon. Ito ay ang rapport-talk sa babae at report-talk
naman sa mga lalaki.
a.
Rapport-talk: Ang mga babae ay gumagamit ng pakikipag-usap
upang mapalapit sa iba.
b.
Report-talk: Para sa mga lalaki, ang pag-uusap ay para makakuha ng
impormasyon.
c.
Metamessages: Mga impormasyon tungkol sa relasyon at saloobin ng
mga tao na sangkot sa usapan. Ito ay resulta ng magkakaibang intensyon sa
pakikipagusap.
D. Ang mga babae at lalaki ay mas gugustuhin na maintindihan ang isat isa sa
kanilang estilo dahil iniisip natin na nabubuhay tayo sa parehong mundo ng
komunikasyon. Ayon kay Tannen, kung pag-iisipan lang natin ito at mag-
aadjust tayo kung kinakailangan, karamihan ng hindi pagkakasunduan ay
maaaring maiwasan. Ang pagunawa sa paraan ng komunikasyon ng
magkaibang kasarian ay magiging isang tulay para mas mapabuti ang
pakikipagtalastasan at relasyon ng mga tao.
II. Pasok sa Banga (Wika ng mga Bakla)
Ito ang lektura ni Prof. Hernandez noong Sawikaan 2010 sa UP Diliman.
Ang ibig sabihin ng pasok sa banga ay swak, o kaya naman isang bagay na
uso o katanggap-tanggap

A. Bekimon
Ito ay nanggagaling sa dalawang salita. Ang una ay beki," na gay speak para
sa bakla" at jejemon," ang kakaibang panunulat o linggwahe na ginagamit
sa Internet o sa pag-tetext ng ilang mga Pilipino.
Ayon kay Prof. Hernandez, ito ang bagong tawag sa gay lingo
Ito ang kakaiba at maaari ring nakalilito (para sa iba na hindi parte) na wika
ng mga bakla dito sa bansa.
B. Mayroong siyam na paraan ng pagbuo ng mga bekimon na salita:
1. Paglalapi o paggamit ng suffixes na walang grammatical function.
Halimbawa: Ang ano" ay maisasalin sa anek at anekwabum
2. Pagpalit ng tunog ng mga salita.
Halimbawa: Ang asawa" ay nagiging jowa," kyowa," and nyowa."
Ang nakakaloka" ay nagiging nakakalerki."
3. Paggamit ng acronyms.
Halimbawa: Ang ibig sabihin ng GL" ay ganda lang," (may nakuha kang
libre dahil lang kasi ikaw ay maganda)
4. Pag-uulit ng salita o bahagi ng salita
Halimbawa: wit" o wititit" ang bekimon ng salitang hindi"


Chika" (mababaw na usapan) ay nagiging chika-chika
5. Pagkakaltas o pagpapaikli ng salita o parirala.
Halimbawa: Ang paninigarilyo pinaikli mula sa sunog baga" -> suba."
Ang ma at pa" ay hindi magulang; ibig sabihin nito ay malay
ko at pakialam ko" (I dont know and I dont care).
6. Katunog o pagkapareho ng tunog.
Halimbawa: Ang noselift" ay nagiging alam" dahil katunog ng nose"
(ilong) ang knows," as in noselift ko ang sagot sa exam."
7. Paggamit ng pangalan ng mga sikat na tao o lugar.
Halimbawa: Carmi Martin -> karma
Rita Avila" -> irita

"Luz Valdez" -> loser

Wynona Ryder" -> winner

Baliwag, Bulacan" -> baliw or crazy.
8. Paghihiram- panghiram mula sa banyaga o lokal na wika.
Halimbawa: Ang Ingles na salitang fly" ay may kahulugan na pag-alis

Ang warla o warlalu" ay mula sa salitang war"
Ang Hiligaynon na salitang daku" (malaki) ay may
parehong kahulugan sa bekimon.
9. Pagbabago sa kahulugan ng mga salitang hiniram
Isang halimbawa ang salitang award" na nagkakaroon ng negatibong
kahulugan tulad ng pagkakamali o kapag napagalitan ang isa imbes na ang
karaniwang kahulugan na pagtanggap ng rekognisyon o parangal dahil sa
mabuting gawain. (Award ako sa tatay ko dahil alas-tres ng madaling
araw na akong nakauwi.)

C. Ayon kay Prof. Hernandez, ang bekimon ay proseso ng pagkokodigo sa


karanasang bakla. Itinatago (ng Bekimon) ang tunay na anyo ng salita upang hindi
maintindihan." Para sa kanya, ang bekimon ay pagbabago sa homophobic na
lipunan. Idinagdag niya na binibigyan nito ng kalayaan ang mga tao na buhayin ang
bakalang karanasan o bilang instrumento ng mga bakla sa pakikitunggali sa
mapang-aping lipunan." Ang bekimon ay nagiging paraan upang mapagusapan ng
mga bakla ang kanilang buhay nang hindi naiintindihan ng mga hetorosexual sa
kanilang paligid. Dahil dito, ang bekimon ay kadalasan at madaling nag-iiba at
nagbabago.

You might also like