You are on page 1of 3

ANG ALAMAT NG MAG-ASAWANG

BUWAYA
Marie Angelu D. Pagobo
2013-58720

Humanistic Studies- MHD


Prof. Grace R. Odal- Devora, PhD

Brief Background

Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita

bawat taon sa ibat ibang dako ng Pilipinas. Ito ay isa lamang sa


mga tradisyong nakaugalian na ng mga Filipino bago pa man
dumating ang mga dayuhang mananakop ng bansa bilang pagalaala at pasasalamat sa diyos ng kalikasan at espiritu ng kanikaniyang mga ninuno.
Sa kasalukuyan, ang mga ipinagdiriwang na pista ay kakikitaan na
ng magkakahalong tradisyon ng Kristyano, animismo o anitoismo,
at iba pang katutubong paniniwala.

Nang dumating ang mga Pransiskanong misyonaryo sa Pilipinas,


ipinalaganap nila ang Kristiyaninsmo sa pamamagitan ng
pagpapakilala sa mga santo at magpapatayo ng mga simbahan.
Tatlo sa ipiankilala nilang santo ay sila Santa Clara, San Pascual
Baylon at Nuestra Senora de Salambao.

Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang tatlong araw na pista


na nagbibigay parangal sa tatlong santo ng Obando, Bulakan:
Mayo 17 para kay San Pascual de Baylon, Mayo 18 para kay Santa
Clara, at Mayo 19 para kay Nuestra Senora de Salambao. Ang
mga mag-asawang hindi magka-anak o mga may edad na
kababaihang hindi magkaanak ay kadalasang nagdarasal sa
pamamagitan ng pagsayaw sa mga santong ito.

Noong panahon ng mga ninuno ng mga Filipino, ang rituwal na


sayaw sa Obando ay tinatawag ding Kasilonawan. Ito ay
pinumumunuan nang isang katalonan o pinunong babaylan. Ang

rituwal na ito ay may kasabay na inuman, kantahan at sayawan na


kalimitang idinadaos sa bahay ng isang datu.
Mahalaga ang sayaw ng pertilidad noong unang panahon, ito ay
upang ang mga kababaihan ay maging kapaki-pakinabang sa
komunidad. Ang pagiging kapaki-pakinabang ng mga kababaihan
ay ang kakayanang magpadami ng lahi.

BUOD:
Ayon sa pagkakasalaysay ni Kabisang Ambo,
sa isang
magandang bahay sa dakong hilaga ng tumana nakatira ang magasawang sina Teban at Osang na hindi biniyayaan ng Diyos ng kahit na
isang anak sa loob ng kanilang labindalawang taong pagsasama. Lahat ng
paraan ay kanila nang ginawa subalit wala pa ring nangyayari. Dahil sa
kabiguang ito, ibinuhos na lamang ng mag-asawa ang kanilang panahon sa
pag aalaga ng maraming hayop.
Sa lipon ng mga alaga nilang hayop, ang pusang puti ang pinaka
paborito ni Aling Osang. Parang isang anak ang turing niya rito. Alagangalaga niya ito sa pagkain at inumin, at katabi pa niya ito sa pagtulog.
Nguni't sa kabila ng kanilang pagiging abala sa pag-aalaga ng
mga hayop, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang magkaanak. Patuloy
pa rin silang namamanata sa iba't-ibang santo sa ibat-ibang lugar katulad ng
Obando, Santa Clarang pinung-pino, San Pascual Baylon, at Birhen ng Awa.
Minsan pay inakala nila na baka hindi nauunawaan ng Diyos ang kanilang
dinadasal, kung kayat inisip ng mag-asawa na ibahin ang panalangin.
Naisipan din nila na maniwala na lamang sa iisang Diyos at huwag nang
magpakapagod sa pagsadya sa kung saan-saang pook.
Nooy nangako si Aling Osang na kung siya ay bibiyayaan ng isang
anak, ito ay hinding-hindi niya patatapakin sa lupa. Aalagaan niya itong
mabuti at imumulat sa kabanalan upang maging karapat-dapat sa kaharian
ng Diyos.
Sa kanilang ika-labinlimang taong pagsasama, ang kanilang
kahilingan ay natupad nang sa wakas. Hindi nagtagal at nagsilang si Aling
Osang ng isang babae na pinangalanan nilang Rosario. Lumaki si Rosario
sa piling ng mapagpalang kamay nina Mang Teban at Aling Osang. Tulad ng
kanyang pangako, hindi pinatutuntong ni Osang ang anak sa lupa kung
kaya't si Rosario ay hindi nakalalabas ng bahay.

Hanggang sa magdalaga na si Rosario ay hindi pa nasayad sa lupa


ang mga paa nito. Iginalang niya ang bilin ng mga magulang, kahit na hindi
siya pinagtapatan ng dahilan kung bakit siya hindi pinapatungtong sa lupa.
Maraming binata pa rin ang nakabalita sa angking kagandahan ng
dalaga kahit na hindi siya naglalabas ng bahay. Dumadalaw sila at
nanliligaw sa dalaga. Isang binata na nagngangalang Antonio ang tanging
napupusuan dito ni Rosario.
Isang araw, habang nanunulsi siya ay dumalaw si Antonio.
Nagkataon naman na sa mga oras na iyon ay wala ang mga magulang ni
Rosario kung kayat ang pakikipag-usap ng binata ay nalubos at nasabi nito
ang lahat ng sisinasaloob. Nakiusap ang binata na kung puwede ba siyang
makatuloy sa kanilang bahay ngunit tumanggi ang dalaga sa pag-aalalang
baka mahuli sila ng kanyang mga magulang.
Kinalaunan, sa kapipilit ni Antonio ay napapayag din niyang
magkausap sila ni Rosario sa labas. Naisip ni Rosario na hindi naman siguro
masama kung mag-usap sila sa hardin ni Antonio. Higit sigurong maga-galit
ang kanyang mga magulang kung patutuluyin niya sa loob ng bahay ang
binata.
Nguni't pagtuntong na pagtuntong ni Rosario sa lupa ay biglang
yumanig ang buong kapaligiran. Umagos ang tubig na hindi malaman kung
saan nanggaling. Nilamon ng tubig ang kabahayan. Nagyakap sina Antonio
at Rosario at patingalang dumalangin upang humingi ng tulong sa Maykapal.
Ngunit walang tulong ang dumating.
Kinahapunan ay dumating ang mag-asawang Teban at Osang.
Gayon na lamang ang kanilang hinagpis nang hindi na nila namasdan ang
iniwang bahay. Parang bula itong naglaho. Tanging isang ilog ang kanilang
nagisnan kung saan imbis na katauhan ng kanilang anak, ay dalawang
malalaking buwaya na kapwa putol ang buntot ang naroroon.
Ang himalang nasabi ay nagpalipat-lipat sa ibat ibang bibig mula
noon. At ang lungab na naging malalim at malaking ilog ay tinawag na IlogTangub.

ANALYSIS AT INTERPRETASYON
Sa unang parte pa lamang ng kuwento ay makikita na ang
pagsasalamin sa paniniwalang Kristyanismo. Ayon sa kasaysayan,
ipinalaganap ng mga dayong Pransiskanong misyonaryo ang
Kristiyaninsmo sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga santo at

pagpapatayo ng mga simbahan. Sa paglipas ng panahon, naging bahagi


na ng kagawian at kultura ng mga Pilipino ang ilan sa mga paniniwala
at kaugalian ng mga Espanyol tulad ng pagkilala at pagsamba sa mga
santo.

Ditoy ipinakita rin ang malaking papel ng hindi pagsayad ng


paa ni Rosario sa lupa, na isa sa mga pinangako ng mag-asawa sa
Diyos. Maaalala na ganito ang turing sa mga reynat datu noon, hindi
lamang sa Pilipinas kundi pati rin sa ibang bansa tulad ng China at
Korea. Ang hindi pagtapak sa lupa ay simbolo ng kataasan ng antas.
Kung kayat may kasabihan ang mga tao na parating umapak sa
lupa na ang ibig sabihin ay maging mapagkumbaba.
Sa kabilang dako, sa tingin koy hindi ang pangako ng magasawa ang siyang dahilan ng katuparan ng kanilang hiling kundi ang
pagsisimulang maniwala sa iisang Diyos. Sinabi sa kuwento na bago
pa mangako ang mag-asawa, naisipan nila na maniwala na lamang
sa iisang Diyos at huwag nang magpaka-pagod sa pagpunta sa ibat
ibang lugar, na naging dahilan naman ng pagtugon ng Diyos sa
kanilang dalangin, kasama ang pangako nilang palalakihin ang bata
sa kabanalan upang maging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.

Sa aking pananaw, pinaparating ng kuwentong ito na iisa


lamang ang makapangyarihang Diyos na siyang pinagmulan ng
lahat. Na maaari ngang ipagbunyi ang mga santo, ngunit iisang
Diyos lang ang kailangang sambahin na siya lamang nag-iisang may
kakayahan na magpala ng mga tao.
Sa huli, makikita na may pagkakahalintulad ang kuwento ni
Rosario sa kuwento nina Adan at Eba sa bibliya ng mga Kristyano.
Dito ay pinalaking malinis at busilak si Rosario, tulad ng perpektong
paggawa ng Diyos sa unang mga tao. Ngunit dahil sa tukso at sa
paglabag nina Adan at Eba sa tagubilin ng Diyos ay nawalang
parang bula ang magandang pamumuhay nila sa paraiso. Dito sa
kuwento ay nawala ding parang bula ang bahay at magandang
kapaligiran nina Osang at Teban dahil sa hindi pagsunod ni Rosario
sa kautusan ng kanyang magulang.
Makikita talaga sa buong kuwento ang diwa ng
Kristyanismo.

__________________________________________________
Mga Sanggunian:
Gintongaral.com,. (2015). Ang Mag-asawang Walang Anak, ang Pusa at ang Buwaya - Gintong Aral.
Retrieved 11 May 2015, from http://www.gintongaral.com/mga-sari-saring-kuwento/ang-mag-asawang-walang-anak-angpusa-at-ang-buwaya/
Fil.wikipilipinas.org,. (2015). Pista - Wikifilipino. Retrieved 12 May 2015, from
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Pista
Fil.wikipilipinas.org,. (2015). Rituwal sa Obando - Wikifilipino. Retrieved 12 May 2015, from
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Rituwal_sa_Obando

You might also like