Professional Documents
Culture Documents
Noong unang panahon ayon sa alamat ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit munting
kapatagan. Pawang kabundukan subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na datiy
payapa. Apat na halimaw ang dooy nanalot. Unay si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagkat sa pagkain kahit limang taoy kanyang nauubos. Ang bundok Matutum ay tinirhan naman
ng isang halimaw. Na may mukhang tao na nakatatakot kung itoy mamasdan ang sino mang tao
na kanyang mahuliy agad nilalapang at alam nitoy kanyang kinakain na walang anuman. Ang
ikatloy si Pah na ibong malaki. Pag itoy lumipad ang Bundok ng Bita ay napadidilim ninyong
kanyang pakpak. Ang lahat ng taoy sa kuweba tumahan upang makaligtas sa salot na itong may
matang malinaw at kukong matalas.
Ang Bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa pang ibong
may pitong ulo; walang makaliligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaring
natatanaw ang lahat ng tao.
Prinsipe Sulayman, akoy sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng
tulong mot habag O mahal na hari ng aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa
mga halimaw ang talim ng tabak.
Noon diy nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita; siyay nanlumo pagkat ang
tahanan sa tao ay ulila; ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa at kanyang
natantong ang kalabang ibon ay dumarating na. Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang
kanyang kapatid upang sandatahinsa pakikibaka.Kanyang isinabit sa munting bintana ang isang
halaman at saka nagsulit- Ang halamang itoy siyang magsasabi ng iyong nasapit.
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si
kuritang sa puso;y may poot. Silay nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot ang tangang
hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.
Tumatag ang loob nitong si Sulayman sa kanyang taumpay kayat sa Matutom, ang
hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ay kaniyang namalas ang nakahambal na
mga tinawin: Ngayon diy lumabas ng ikawy mamatay.
Noon diy nahawi ang maraming puso sa gilid ng bundok at ilang saglit pay nagkaharap
silang pusoy nagpupuyos. Yaong si Sulaymany may hawak na tabak na pinang-uulos, ang kay
Tarabusaw na sandata namay panghambalos. At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa
tapang ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
Ang takdang oras mo ngayoy dumating na, sigaw ni Sulayman at saka sinaksak ng
kanyang sandata and pusong halimaw.
Sila ay nagyakap sa gitna ng galak at nang ngkatuwaan, tsaka pinauwi itong si Sulayman
sa sariling bayan. Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap ang ibong sa taoy
nagbibigay lagim at nagpapahirap. Siya ay lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon.
Datapwat siya rin ang sinamang palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya
sa lupa bumaon kayat sa Sulayman ay naglilibing na walang kabaong.
Ang kasawiang ito agad nabatid ng mahal na hari pagkat ang halaman noon diy nalantat
sangay nangabali. Siya ay patay na! ang sigaw ng kanyang namumutlang labi, Ang
kamatayan moy ipaghihiganti buhay may masawi. Nang siyay dumating sa bundok ng Bita ay
kanyang binuhat ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas. Nahabag sa kanya
ang kanyang bathala; biglang nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.
Kanyhang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala! Ang
kanyang kapatid ay dagling nabuhay! Dumating ang ibong kay laki ng ulo at ang kuko matalas
subalit ang kalis ni Indarapatray nagwagi sa wakas.
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang, salamat sa iyo, butihing
bayani na ubod ng tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman ngayoy mabubuhay. At
kanyang namalas maraming taong nooy nagdiriwang. Nabihag ang puso ng mahal na hari sa
ganda ng mutya kayat sa naruon ay kanyang hiniling kalakip ng sumpa na silay ikasal. Noon
diy binuklod ng isang adhika ang kanilang puso. Mabuhay ang hari, ang siga ng madla.
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng lupang
pawing kapatagan. Si Indarapatray hindi na bumalik sa sariling bayan at ditto naghari sa
mayamang lupa ang pulong Mindanaw.
AMERIKA
Buwan- buwan, nakakatangap ng tseke ang ama at ina galling sa Ate Benny ko.
Minsan, may mga padadalang masasarap na tsokolateng at magarang baro sa amin.
Kaya ikaw ,Rudy, wika ni ina sa akin isang araw,mag- aral kang mabuti upang
makarating ka sa Amerika.
Buo na sa isip ko ang aking gagawin pagdating ng araw. Mag- aaral akong mabuti at
pupunta ako sa Amerika.
Mahigit ng limang taon na ang ate Betty roon.Nalaman ko na may Green Card na siya.
Malapit na siyang maging Amerikana.
Ina,tanong ko sa ina isang araw,kapag naging Amerikana na si Ate ay puputi siya tulad
ng Amerikano?
Hindi, ko alam ang sagot. Ang iniisip ko ay Amerika.Ang ganda siguro roon. Titser
,pupunta na iyan sa Amerika! sigaw ni Antonio, ang aking kaklase.Tawanan ang lahat.
Isang araw,nagulat na lamang ako nang ipinasundo ako ni Ina sa eskwelahan.Nasa ospital
daw ang at malubha ang kalagayan.Inayake raw ito ng alta presyon niya.Hindi ko namalayan
nasa ospital nap ala kami.Patay na ang ama.Hindi naming naabutan.Parang nagdidilim ang aking
paligid.Ang ama ay wala na.Paano kami ni Ina ngayon? Naging maliwnag ulit ang kapaligiran ko
nang maisip kong darating ang ate pupunta kami sa Amerika.
Dumaying ang Ate Bennuy ko habang nakaburol ang ama.Nag-iyakan kaming lahat nang
makita naming siya. Humahagulgol ang ate ko sa kabaong nag ama. Sila kasing dalawa ang
malapit sa isat isa.
Pagkatapos ng libing,nagagayak na kaagad ang ate ko.
Anak, wika ni Ina, maaari bang hintayin mo muna ang pasiyam sa ama mo?
Ina, kailangabn bumalik kaagad ako sa Amerika.Gusto kong maglibot muna sa mga
karatig-bayan bago manumpa ako bilang mamamayan sa susunod na linggo.
Hay naku, Ina.Wala akong panahon sa mga kaugalian natin. Babalik kaagad ako roo.n sa
Amerika dahil ang init-init ditto sa Pilipinas. Hindi ako makatatagal dito.Ang bahu-baho ng
paligaid. Mausok sa lansangan. Maraming pulubi.ayaw ko rito.
PAAK!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng ate ko.Hindi ko alam kung bakit
nagalit si ina sa ate ko.
Tandaan mong ikaw ay Pilipino sa dugo at laman kahit saan ka man makarating,
pasigaw na wika ni Ina. Igalang mo ang iyong lahi at pinanggalingan.Ngayon lamang nagalit si
Ina.Grabe palang magalit siya. Kung ayaw mong mapagbigyan ako,Malaya kang makaaalis
ngayon din.
Sa paliparan, umiyak kaming lahat habang nagpapalam ang Ate Benny ko. Kung buhay
lamang ang ama,sana kasama rin naming siyang naghatidd kay Ate Benny.
Oo,Ate,sagot ko.
Mag-iinit ka rin doon. Huwag mo kaming alalahanin dito, sagot ni Ina, at tatandaan
mong lahat ang mga sinabi ko sa iyo.
Opo,Ina, at patawarin ninyo sana ako sa mga sinabi ko, wika ni Ate.
Nang dumating ang mga papeles ng petisyonj ng ate ko, kinausap ako ni Ina. Rudy,Ikaw
na lamang ang pumunta sa Amerika,sabi niya.
Bakit po? Ayaw ba ninyong makarating sa Amerika?
Siguro pupunta ajko roon para dalawin ko kayo.Pero ang manirahan sa Amerika-hindi
ko kaya. Narito ang iyong ama sa Pilipinas.Narito ang aking lahi. Narito ang aking buhay. Hindi
ko ito maipagpapalitsa anumang karangyaan sa Amerika.
Nang hapon iyon, pagod na pagod ako dahil nitong mga huling araw ay abut-leeg ang
aming gawain sa paaralan. Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ko sa upisina nang
dumating ang tatlong lalaki dalawang kabataan at isang may edad na. Sa unang tingin ko pa
lamang sa batang lalaki ay nakilala ko na kaagad siya. Tsinito ang kanyang mga mata, maamo
ang mukha, maputi ang balat, may biloy ang magkabilang pisngi at palaging nakangiti. Siya na
nga! Hindi ako maaaring magkamali!
Nang iabot niya sa akin ang kanyang mga kamay upang kumustahin ako, naglaho ang
pagod ko at nawala ang anumang tensyon na naramdaman ko ng oras na iyon.
Sir, nakikilala nyo pa ako? bungad niya habang madiin ang pisil niya sa kamay ko.
Sino ang hindi makakikilala sa kanya! Siya ang aking estudyante dalawampung taon na
ang nakaraan. Siya si Lyndon tsinito ang mata, maamo ang mukha, maputi, may biloy sa
magkabilang pisngi at palaging nakangiti.
Dalawampung taon na ang nakaraan. Parang kailan lang! Natatandaan ko nang araw ng
pasukan. Siya ang pinakamaliit na estudyante sa buong klase. Lahat ng mga estudyante ay
malalaki ang tiyan, matatangkad, siksik na siksik ang kalamnan ng mga hita at bilog na bilog ang
mga braso tanda ng masusustansiya at masasarap na pagkain sa kanilang bahay. Lahat halos ng
mga mag-aaral sa paaralan namin ay mga anak mayaman. Makikita ang kasaganahan ng
pamumuhay sa pananamit, pananalita, kagamitan at katawan nila.
Naging palaisipan sa akin si Lyndon. Anak-mayaman siya ngunit bakit mukhang hindi
kumakain nang tatlong beses sa isang araw ang batang ito? Payat na payat siya at at tipong
magkakamalang anak-mahirap. Palangiti nga ngunit may bahid na kalungkutan ang kanyang
mukha. Malalim ang kanyang mga tingin at bihira siyang magsalita. Tahimik lamang siyang
nakaupo sa upuan niya.
Mataas ang kanyang IQ ng kanyang mga grado ay mabababa. Mamahalin ang kanyang t-
shirt ngunit halatang kakukuha lamang ito sa sampayan.
Sir, kapatid ko, si Michael, at Uncle Ramon ko, wika niya habang ipinikilala ang mga
kasama niya ngunit pilit pa ring binabalikan ng isipan ko ang nakaraan.
Isinasama naming siya sa song number, eh, ayaw, wika ni Raffy. Sir, siya na lang ang
walang sinasalihan.
Hayaan mo, kakausapin ko, paniniyak ko sa bata na halatang asar na asar kay Dondon
dahil wala raw itong pakikisama. Naintindihan ko ang kalagayan ni Raffy dahil itong mga huling
araw ay punung-abala siya sa paghahanda ng isang malaking pagtitipong may dula, may sayaw,
may kantahan, may kombo, may bigkasan at kung anu-ano pa. Ako naman ay tumitingin lamang
sa kanilang mga ginagawa kung hanggang saan ang kanilang ibubuga, ika nga. Ayaw ko kasing
masira ang anumang plano nila para sa kanilang programa. Palibhasa mga anak-mayaman, ang
simple sa kanila ay karangyan na para sa mahihirap.
Don, ayaw mo raw sumali sa song number, sabi ni Raffy, panimula kong sabi kay
Dondon. Hindi siya kumibo. Tumingi siya sa akin na malalim. Nabasa ko sa kanyang mga mata
ang kalungkutan. Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi masabi. Maya-maya, tumulo
ang mga luha niya.
Inabot kami ng gabi sa pag-uusap. Hindi niya makayanan ang paghihiwalay ng kanyang
Mommy at Daddy. Nagsimula ang gulo nila nang makilala ng Daddy niya ang babae. Nabulgar
lahat ang lihim na itinatago ng Daddy niya nang Makita ng Mommy niya ang dalawa na
magkasama sa isang restoran. Kaagad na umalis ang Mommy niya patungong Amerika. Naiwan
silang tatlong magkakapatid sa Lolo nila ang ama ng Daddy nila. Ang Daddy naman niya ay
itinuloy ang relasyon sa babae at umalis din patungong Amerika.
Hindi man lamang nila inisip kaming nga anak nila, wika ni Lyndon na noon ay
umiiyak na sa harapan ko.
Kapag ganoon pala ang sitwasyon, sana ibang tao na lang ang kanyang pinagsabihan.
Nahirapan akong sagutin ang kanyang simpleng tanong: Sir, anong gagawin ko? Hindi ko siya
sinagot. Tiningnan ko na lamang siya. Naghahanap ako ng bagay at wastong sagot sa kanyang
mga tanong.
Ano ang plano mo? tanong ko sa kanya.
Nabigla ako sa kanyang sagot. Ang ibig sabihin nito, titigil na siya sa pag-aaral. Sayang
naman kung hindi siya magpapatuloy sa pag-aaral. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa
kanya na mali ang kanyang gagawin. Nag-isip ako ng magandang salita upang pagsabihan siya
na huwag niyang ituloy ang kanyang balak.
Kung maglalayas ka, hindi na ako bilib sa iyo, ang sabi ko na lang.
Sir, anong ibig ninyong sabihin? tanong nya sa akin na parang gusto biyang linawin
ang salitang bilib ako sa kanya.
Hindi mo baa lam na bilib na bilib ako sa iyo? ang nasabi ko sa kanya. Isa ka sa mga
estudyante kong may laman ang utak. Saying naman kong titigil ka at maglalayas ka. Akala ko
pa namam . . . Hindi ko na intinuloy ang sasabihin ko dahil hindi ako sigurado kung tama ang
mga sinsabi ko.
Hindi ko siya sinagot. Pinag-iisipan ko paring ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam
kung tatalab sa kanya ang mga pinagsasabi ko.
Simula nang mag-usap kami, naging malapit na si Don sa akin. Hindi niya ipinakita sa
ibang mga kaklase ito. Kapag may problema siya, kinakausap niya ako pagkatapos ng klase.
Kahit anong dami ng trabaho ko, pinipilit kong bigyan nang kaunting panahon siya.
O, paano, salita ko sa mga estudyante ko, hanggang ditto na lamang tayo. Isa lamang
ang hiling ko sa inyo. Gawin niyo ang nararapat, at kapag gumagawa na kayo, galingan niyo.
Hindi ko na hinabaan ang pamamaalam ko sa kanila dahil nakaabang na ang kanilang mga
magulang sa labas ng kwarto.
Kumusta nakayo, Sir? bati niya sa akin pagkatapos ng dalawampung taon na hindi
naming pagkikita. Saka lamang ako parang natauhan.
Malaki ang ipinagbago niya. Masiglang-masigla siya. Hindi na siya ang dating Lyndon na
naging palaisipan sa akin. Nagkabalikan pala ang Mommy at Daddy niya.
Maraming salamat, Sir, turan niya habang nagpapaalam sa akin. Kung hindi dahil sa
inyo, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Nakatataba ng puso ngunit sa loob-loob ko,
wala naman akong ginawa sa batang ito kundi pakinggan lang ang kanyang sama ng loob at
hinanakit sa pamilya. Ako ang tumayong Ama niya noong mga panahong kailanngan ang
pagmamahal ng isang magulang. Ako ang ninong niya sa kumpil. Ako ang pinagsasabihan niya
sa kanyang mga problema. Ako ang nakakaalam sa kanyang mga pangarap sa buhay. Ngunit
hindi lang naman si Lyndon ang dumudulog sa akin. Ang mga estudyanteng humihingi ng tulong
at lumalapit sa aking ay tinutulungan ko.
Habang tinatanaw ko ang papalayong kotse nina Lyndon, kinuha ko sa bulsa ang
tarhetang ibinigay niya sa akin. May nakasulat doon: Sir, hindi ko kayo malilimutan. Sasabihin
ko sa mga anak ko na minsan may guro akong nagmalasakit sa akin. Dakila siyang tao. Salamat.
Lyndon.
Mula noon ay hindi na ako nakipagbarkada o gumawa nang masama. Bumaon sa isipan
ko ang npangaral ni Inay. Dahil doon ay lumaki akong matuwid.
Dito sa Ateneo nagbago ang tingin ko sa buhay. Dito rin mismo ako nagpasya na
magbagong buhay at maging isang ganap na pari.Tatakhakin ko ang aking daan patungo sa
Diyos.
Isang araw ay nadistino ako sa Meycauayan, Bulakan upang tulungan ang mga tao roon
na nasalanta ng isang malakas na bagyo. Kaawaawa ang kalagayan nila. Marami ang nalunod at
nasugatan dahil sila ng tuyong damit at pagkain na aking pinanghingi.
Nang bumalik sa maayos na kalagayan ang lahat ay bumalik na ako sa Anatipolo. Minsan
ay dinalaw ako ng aking ina. Siya ay Masaya at malusog pa, tulad din ng dati. Sandali kaming
nag-usap at sinabi niyang siyay nagagalak sa aking kalagayan ngayon. Nalaman kong maligaya
siya sa piling ng aking ama na nooy tuluyang nagbago. Mula noon ay din na kami nagkita pang
muli.
Pagkalipas ng ilang buwan ay isang tawag mula sa aking kapatid ang naghatid sa akin ng
balitang hindi ko malilimutan habang akoy nabuhay patay na raw ang pinakamamahal kong
ina. Ang taong nagmahal, nag-aruga at naglagay sa akin sa wastong landas ay wala na. Umiyak
ako nang umiyak hindi dahil wala akong tiwala sa Diyos kundi dahil sa magagandang alalang
iniwan niya sa akin. Alam kong kapiling siya ng Dakilang Maykapal sa kanyang walang
hanggang buhay.
Hanggang ngayon tuwing maaalala ko ang aking ina ay nangingilid ang aking mga mata.
Ang mga luhang tumutulo ay mga luhang puno ng pagmamahal at alaala sa akin yumaong ina.