You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO

SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA


ni Pat V. Villafuerte

Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat


henerasyon
may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala
may tagisan ng matuwid,
maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkat
tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan,
makatao.
wikang naglalagos sa isipang makabansa
wikang nanunuot sa damdaming makalupa.
At,
paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang
tinig
bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan!
kalayaan!
Ah,
hanggang kailan susukatin?
hanggang kailan bubuhayin?
hanggang kailan maaangkin?
Layang mangusap, layang sumulat
layang mamuhay, layang manalig
layang humalakhak, layang maghimagsik
maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!
Kasaysayan palay mababago isang saglit
sa dakong silangan . . . doon sa silangan
ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit
naantig ang diwang inaliping higit

tumibok ang pusong dating di-humihibik


nagising ang ugat ng hapong mga bisig.
bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig
ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.
sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo,
magkakapatid
sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nagalsat tumindig.
lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!
laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa
mapanlupig.
Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa
kilalat di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayamat
mahirap,
matalinot mangmang, aktibistat militar.
nagkaisang ganap sa isang mithiing kapangapangarap.

propesyonal at di-propesyonal, manggagawa,


kawani, guro,
mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay,
sundalo,
pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat
magbubukid.
nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.
Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!
wikang ginagamit sa lahat ng dako
ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, maIlokano,
ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, maBikolano
ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng itoy Filipino!
wika ng pagkakaisa, kababayan mat dayo
wikang tagapagligtas ng digmaat gulo
wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

You might also like