You are on page 1of 9

Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang

Filipino ni Dir. Hen. Roberto T. Aonuevo


Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang
Filipino
kapag
pinagmasdan
ang
pinakabagong dalawampung pisong papel na
inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nakasaad doon ang Filipino as the National
Language 1935 ngunit itinatanong ng ilan
ang katumpakan ng gayong pahayag. Hindi
totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at
umiral ang Filipino bilang wikang pambansa.
Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang
Kongreso ay inaatasang magpaunlad at
magpatibay ng pangkalahatang Pambansang
Wika na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika (akin ang diin). Ibig sabihin,
wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na
mangangasiwa o magpapalaganap ng mga
patakaran hinggil sa pambansang wika. At
wala pa ring napipili noong 1935 kung aling
katutubong wika ang magiging batayan ng
pambansang wika. Mababatid lamang ang
halaga ng pambansang wika kapag isinaalangalang na ang Espanyol at Ingles noon ay
umiiral bilang mga opisyal na wika sa buong
kapuluan. Ang siniping probisyon sa Saligang
Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga
delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal na
hindi Tagalog. Kabilang sa pangkat sina Felipe
R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q.
Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor
(Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros
Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Si
Romualdez na dating batikang mahistrado ang
sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184 na
nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa
Unang Pambansang Asamblea noong 27
Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat
ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang
may isang nasyonalidad at isang estado ay
dapat magtaglay ng wikang sinasalita at
nauunawaan ng lahat. Alinsunod sa Batas
Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng
Wikang Pambansa na mag-aaral ng mga
diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning
magpaunlad
at
magpatibay
ng
isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga
umiiral na wika. Ang pagpili ng isang
pambansang wika ay ibinatay sa pagkaunlad
ng estruktura, mekanismo, at panitikan na
pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking
bilang ng mga Filipino. Sa madalit salita,
Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog sa
ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra

(Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga


kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano),
Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto
(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji
Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog).
Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala
rito na ginagamit ito ng nakararaming bilang
ng mga mamamayan, bukod pa ang mga
kategorikong pananaw ng mga lokal na
pahayagan, publikasyon, at manunulat. Hindi
nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa
kapansanan; samantalang si Butu ay namatay
nang di-inaasahan. Noong 13 Disyembre
1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa
ng Filipinas. Ngunit magkakabisa lamang ang
nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang
taon, at ganap masisilayan noong 1940.
Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa
ng SWP ang pagbubuo at pagpapalathala ng A
TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng
Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang
Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570
noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa
Pambansang Wikang Filipino [Filipino National
Language] bilang isa sa mga opisyal na wika
ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946.
Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng
Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas
[Philippine
Executive
Commission]
ang
Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na
ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang
magiging mga opisyal na wika sa buong
kapuluan. Nagwakas ang gayong ordinansa
nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng
Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit
ng
Ingles
sa
mga
transaksiyon
sa
pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang
matupad ang mithing Pambansang Wikang
Filipino, sari-saring seminar ang idinaos noong
panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos
sa SWP (19411946). Halimbawa, iminungkahi
ang paglalaan ng pitak o seksiyon para sa
wikang pambansa sa mga pahayagang
pampaaralan nang masanay magsulat ang
mga
estudyante.
Pinasimulan
noong
panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang
Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga
talasalitaan sa mga espesyalisadong larang
ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa
sa batas, aritmetika, at heometriya. Isinalin sa
wikang Filipino ang pambansang awit nang
ilang beses bago naging opisyal noong 1956,
at binuo ang Panatang Makabayan noong
1950. Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at

inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang


Marso tungong Agosto. Itinampok ang
lingguwistikang
pag-aaral
sa
wikang
pambansa at mga katutubong wika sa Filipinas
noong panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa
termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa
ang mga palihan sa korespondensiya opisyal
sa wikang pambansa. Nailathala ang EnglishTagalog Dictionary; at pagkaraan ay tesawrodiksiyonaryo. Nagpalabas ng kautusan ang
kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13
Agosto 1959, na tawaging Pilipino ang
Wikang Pambansa. Ang Pilipino na
ibinatay nang
malaki
sa Tagalog
ay
maghuhunos na Filipino alinsunod sa atas ng
Saligang Batas 1973 na linangin, paunlarin,
at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral
na mga katutubong wika at diyalekto nang dialintana ang pagtanggap ng mga salita mula
sa mga dayuhang wika. Sa panahon ni
Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay nagbunsod
ng mga pananaliksik na may kaugnayan sa
sosyo-lingguwistika, bukod sa pagpapalakas
ng patakarang bilingguwal sa edukasyon.
Naipalathala ang mga panitikan at salin para
kapuwa mapalakas ang Pilipino at iba pang
katutubong wika. Noong 1986, pumapel ang
SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang
Batas ng 1986, at sa naturang batas din
kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas
ay Filipino. Kung paniniwalaan ang nasabing
batas, habang nililinang ang Filipino ay dapat
itong payabungin at pagyamanin nang
nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral
sa wikang Filipino at iba pang wika. Ano ang
maaaring ipakahulugan nito? Na ang Filipino
ay nangangailangan ng isang ahensiyang
pangwika na magtataguyod sa naturang
simulain. Ang Filipino ay hindi na ang
Pambansang Wika na nakabatay lamang
nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang
pangangailangang payabungin ito sa tulong
ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod
pa ang tinatanggap na mga salita sa ibang
internasyonal
na
wika.
At
upang
mapayabong ang pambansang wika ay
kinakailangan
ang
isang
institusyong
pampananaliksik, na may mandatong higit sa
itinatakda ng pagsusuri ng mga wika.Kaya
naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino
nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
(LWP) na sa pumalit sa SWP. Malulusaw
pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at
pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil
iniaatas nito ang pagtatatag ng isang

komisyon
ng
pambansang
wika.
Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas
Republika 7104 noong 14 Agosto 1991, na
nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang
makapagmumungkahi ng mga hakbang,
plano, patakaran, at gawain hinggil sa mga
wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang
pambansang wika. Maihahalimbawa ang
kasong isinampa ni Inocencio V. Ferrer noong
1965 laban kay Direktor J.V. Panganiban at
mga kagawad ng SWP; o kayay ang kasong
isinakdal ng Madyaas Pro-Hiligaynon Society
laban sa SWP upang pigilin itong isakatuparan
ang gawaing bumuo ng pasiyang pangwika na
labag umano sa Saligang Batas. Nagwagi ang
panig ng SWP na kinatigan ng korte, at
sinabing may batayang legal ang pag-iral ng
nasabing tanggapan, bukod sa kinilalang ang
pagdalisay
at
pagpapayaman
ng
katutubong wika [i.e., pagpapakahulugan at
talasalitaan] ay kaugnay ng proseso ng
pagtanggap o pag-angkin ng mga salita o
impluwensiya mula sa banyagang wika na
siyang magpapatunay na ang Filipino ay
buhy na wika. Higit pa rito, inilantad ng
nasabing mga usapin ang pangangailangang
paghusayin ang paglinang at pagpapaunlad
ng wika, sagutin punto por punto ang mga
argumento ng gaya ni Geruncio Lacuesta
laban sa tinawag niyang Manila Lingua
Franca, alinsunod sa matalinong paraang
nakasandig
sa
masusing
pag-aaral
at
pananaliksik. Dapat lamang linawin dito na
ang pagiging pambansang wika ay hindi
lamang nakatuon sa rehiyon ng Katagalugan,
kahit pa sabihing ginawang batayan ang
Tagalog sa pagbuo ng pambansang wika. Ang
Filipino, na patuloy na nilalahukan ng mga
salita mula sa ibat ibang wikang panrehiyon
at
pandaigdigan,
ay
sumasailalim
sa
ebolusyong
hindi
lamang
limitado
sa
gramatika at palaugnayan kundi maging sa
mga pahiwatig at pakahulugan. Ginagamit na
ang Filipino hindi lamang sa panitikan o sa
Araling Panlipunan, bagkus maging sa
pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya,
inhinyeriya at medisina, batas at matematika,
at
iba
pang
larang.
Bagaman
ang
Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay
nagpalabas ng bagong kautusan hinggil sa
pagsasakatuparan
ng
Edukasyong
Multilingguwal, ang nasabing patakaran ay
hindi basta-basta maipatutupad hanggat
hindi
nababago
ang
Saligang
Batas.
Kinakailangang baguhin muna ang probisyon

ng Saligang Batas hinggil sa bilingguwalismo


na nagsasaad na tanging Filipino at Ingles ang
mga opisyal na wika sa komunikasyon at
pagtuturo, at ang KWF ay malaki ang
tungkulin sa pagpili kung aling hakbang ang
makabubuti sa pagsusulong ng anumang
panukalang polisiya hinggil sa wika. Maselang
bagay ang pagbabago ng mga polisiya, kaya
naman dapat ding maging maingat ang
Pangulo kung sino-sino ang itatalaga sa Lupon
ng mga Komisyoner ng KWF. Anumang
mungkahing
patakaran
o
programang
pangwika ang imungkahi ng lupon, at siyang
sang-ayunan ng Pangulo alinsunod sa
itinatakda ng Saligang Batas, ang iiral at
dapat ipatupad sa buong kapuluan. Ang
kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng
pagpupundar ng pambansang wikang Filipino.
Tuwing babalikan ang pinag-ugatan ng KWF,
matutuklasan ang salimuot ng politika at
pakikibaka laban o pabor sa Filipino.
Gayunman, napatunayan ng Filipino na kaya
itong tanggapin sa ibat ibang rehiyon at
gawing katuwang ng wika ng rehiyon, dahil
ang komposisyon ng Filipino ay hindi nalalayo
sa naturang wika, kompara sa Ingles na sa
kabilang polo nagmumula.
Mga Probisyong Pangwika Saligang Batas
Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang
Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika
ng Pilipinas.
Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay
gagawa
ng
mga
hakbang
tungo
sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi
nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at
Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang
opisyal.
Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang
Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang
tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng
isang panlahat na wikang pambansa na
tatawagingFilipino.
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya

ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga


hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.
SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika
ng rehiyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal
na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang
Kastila at Arabic.
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat
ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic,
at Kastila.
SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng ibat-ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay
at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad,
pagpapalaganap
at
pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga
wika.
EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA
Disyembre 30, 1937 iprinoklamang ang
wikang Tagalog ang magiging batayan ng
Wikang
Pambansa.
Magkakabisa
ang
proklamasyong ito dalawang taon matapos
itong mapagtibay.
1940 ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan at sa mga
pribadong institusyong pasanayang pangguro
sa buong bansa.
Hunyo 4, 1946 nagkabisa ang Batas
Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng
Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940
na nagproklama na ang Wikang Pambansa na
tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa
nang wikang opisyal.
1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 nanagsasaad na ang Wikang Pambansa
ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang
mahabang katawagang Wikang Pambansang

Pilipino o
Tagalog.

Wikang

Pambansa

Batay

sa

1987 Filipino na ang ngalan ng wikang


pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na
nagtatadhanang ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Ito ay hindi pinaghaluhalong sangkap mula sa ibat ibang
katutubong wika; bagkus, itoy may nucleus,
ang Pilipino o Tagalog.

sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay


hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang
makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na
ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghatid
at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan

EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO

Kahalagahan ng Wika

Nang dumating ang mga Kastila, may sarili


nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang
Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig
at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng
alpabetong Romano.

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o


komunikasyon;

1940 binuo ni Lope K. Santos ang Abakada,


na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng,
o, p, r, s, t, u, w, y.

2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong


maipahayag ang damdamin at kaisipan ng
tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong
kanyang kinabibilangan;

Oktubre 4,1971 pinagtibay ng Sanggunian


ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo
ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll,
m, n, , ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z

4. at isa itong mabuting kasangkapan sa


pagpapalaganap ng kaalaman.

Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo


ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na
may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n,
, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas


dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang
tunog (fonema) na kapag pinagsama-samay
sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng
mga salita (morfema) na bumabagay sa iba
pang mga salita (semantiks) upang makabuo
ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay
may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan
sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

2001 muling nagkaroon ng rebisyon sa


alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang
leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa
pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram
ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa
Ingles
at
Kastila,
gamit
ang
walong
karagdagang letra ng alpabeto, ang mga
letrang c, f, j, , q, v, x, z. Oktubre 9, 2006
sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay
nagpalabas ng isang memorandum na
pansamantalang
nagpapatigil
sa
implementasyon ng 2001 Revisyon ng
Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.
Agosto, 2007 inilabas ng KWF ang borador
ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.Mayo 20,
2008 inilabas ng KWF ang Gabay sa
Ortograpiya ng Wikang Pambansa
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay
Gleason na ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos

Katangian ng wika

1. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema


o ponema; ang fonema ay tawag sa
makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa
isang wika. Halimbawa ay ang mga
fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung
pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay
mabubuo ang salitang [lumipat].
2. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng
morfema; ang morfema ay tawag sa
pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng
salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri
ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at
fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak,
singsing, doktor, dentista

Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han


Fonema = a

katangian ang isang wika na komon sa ibang


wika samantalang may katangian namang
natatangi sa bawat wika.

*tauhan, maglaba, doktora

Halimbawa

c. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay


ang
tawag
sa
formasyon
ng
mga
pangungusap sa isang wika. Sa Filipino,
maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
posible
naman
ang
kabaligtaran
nito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang
paksa.

Wikang Swahili atanipena (magugustuhan


niya ako)

Hal. Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the
tree. o Tall the tree.)
d. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita
sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay
bumabagay
sa
iba
pang
salita
sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais
ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang
[inakyat] ang panghalip ng aktor sa
pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa
paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang
pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng
[umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip
ng aktot na datiy [niya] ngayoy [siya] sa.
Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng
pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan
ng dalawang pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang
magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na
tunog upang makalikha ng mga salita.
(Tingnan ang ponolohiya)

Wikang Filipino Opo, po


Wikang Subanon gmangga (mangga)
Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga
batang babae)
Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa
(pigain mo)
Wikang French Francois (pangngalan /franshwa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa
Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit
katumbas na ng isang buong pangungusap na
yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang
matatagpuan ang mga salitang opo at po
bilang paggalang. Sa Subanon naman,
mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga
fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
magkasunod na katinig sa iisang pantig na
wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman,
isang fonema lamang ang idinagdag ngunit
nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa
Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/
ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad
ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon
silang natatanging sistema sa pagbigkas ng
mga tunog pangwika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na
nagbabago
at
yumayaman
ang
wika.
Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang
salita na dumaragdag naman sa leksikon ng
wika.

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay


napagkakasunduan ng mga gumagamit nito.
Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing
[balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa
Chavacano naman ay [casa] kapag nais
tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug
samantalang [house] sa Ingles.

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram


ang wika ng fonema at morfema mula sa
ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad.
Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ka na
hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo.
Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng
paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip]
at Kastilang [educaion].

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng


wika ay may sariling set ng palatunugan,
leksikon at istrukturang panggramatika. May

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi


maaaring paghiwalayin.

8. Ang wika ay bahagi ng komunikasyon.


9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay
sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto.
Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na
b. Ang simbolong m ay sumasagisag sa
tunog na em.
10. May level o antas ang wika.
Antas ng wika
1. formal at di-formal di-formal na wika ang
wikang ginagamit ng tao sa ka-edad
samantalang formal naman ang wikang
gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca wikang ginagamit ng
karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang
Filipino ang lingua franca ng mga tao
3. kolokyal o lalawiganin wikang ginagamit
ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano,
Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa
4. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng
tao na halos likha-likha lamang at may kanyakanyang kahulugan gaya ng wika ng mga
tambay at bakla halimbawa ang mga
salitang eklavush, erpat at ermat at
cheverloo.
5. edukado/malalim wikang ginagamit sa
panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa
gobyerno, sa korte at iba pang okasyong
profesyunal
Teorya ng pinagmulan ng wika
x. Teorya sa Tore ng Babel Ang teoryang ito
ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon
sa pagsasalaysay, noong umpisay iisa ang
wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa
nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang
magtayo ng isang tore upang hindi na
magkawatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon,
bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang
nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na
ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang
binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at
kumalat sa mundo.
x. Teoryang Bow-wow Sinasabi sa teoryang
ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong
umpisay ginagaya nila ang tunog na nililikha
ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng
manok at huni ng ibon.

x. Teoryang Ding-dong Maliban sa tunog ng


hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog
ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng
kampana, patak ng ulan at langitngit ng
kawayan.
x. Teoryang Pooh-pooh Ang tao ay
nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng
damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas
ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot,
lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.
x. Teoryang Yo-he-ho Isinasaad dito na
nagsimula ang wika sa indayog ng himigawitin
ng
mga
taong
sama-samang
nagtatrabaho.
x. Teoryang Yum-yum Sinasabi sa teoryang
ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng
maestro ng musika at sa bawat kumpas ay
nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa
kanyang labi.
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/wik
a-kahulugan-at-pinagmulan.html
Walang taong walang wika at wala ring hayop
na may wikang katulad ng sa tao. Subukan
mong bumuklat ng mapa ng mundo, pansinin
mo (haay ang daming bansa) maihahambing
mo dito ang bilang ng wikang binibigkas ng
mga ibat ibang tao sa buong mundo. Itong
realisasyon na ito ay nakakamangha; kahit na
maraming wika ang ginagamit ng mga tao
ngayon,
hindi
natin
maikakaila
na
nagkakaroon pa rin tayo ng mga tulay upang
ang bawat isa sa atin ay makapagkomunika at
magkaisa.
Pero, saan nga ba nagmula ang wika?
Ang wika ay sumasasakop sa pagsasalita at
lengwaheng
ginagamit
ng
ibat
ibang
mamayan sa bawat sociedad.Bilang tao, hindi
natin natin maitatanggi na mayroon maykapal
na lumikha sa atin at nagbigay kapangyarihan
upang
tayo
ay
gumamit
ng
napakakomplikadong wika sa tamang paraan.
Pero bilang tao rin, sa tingin ko, sadyang
natural sa atin na siyasatin ang kahit
napakaliit na bagay na nandito sa mundo, at
isa na ang misteryo kung paano o saan nga
nagmula ang wika.
Pero sa totoo lang, hindi talaga tiyak o
talagang kasagutan sa katanungan na
sapagkat wala naman nabuhay nung
panahong iyon o di kaya wala naman

wala
iyan
mga
daw

tinatawag na primitive society kaya wala


talagang matukoy na takdang panahon ng
pagsimula nito. Dahil dito, napakaraming mga
teorya ang nabuo, ito ay ang mga sumusunod:

nagpapaalam ay kumakampay ang kamay


nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas ng dila kapag binibigkas ang salitang
ta- ta.

1. Tore ng Babel Matapos ang the Great


Flood, binigyan uli ng pagkakataon ng

9. Teoryang Ding Dong wika mula sa


tunog na nililikha ng mga bagay sa paligid
(kalikasan, mga bagay na likha ng tao). Ayon
sa teoryang ito, ang lahat ng bagay ay may
sariling tunog na siyang ginagad ng mga
sinaunang tao na kalaunay nagpabago-bago
at nilapatan ng ibat ibang kahulugan.

Diyos ang mga tao na magbago. Pare-pareho


ang lenggwaheng binibigkas noon. Ngunit,
mayroon lider, si Nimrod na naging maramot
at nais makita ang kaharian ng Diyos sa
alapaap. Hinimok niya ang mga tao ng
gumawa ng Tore,kaya iyon, nagsimula silang
magtayo ng Tore. Nang nalaman ng Diyos ito,
nagalit siya na nagiging ganid ang mga tao,
kaya inuga niya ang Tore at nahulog ang mga
tao. Marami sa kanila ang nagsalita ng sariling
wika at tuluyang hindi na sila nagkaintindihan.
2. Natural Evolution - Sinasabi
dalubhasa, na mula sa mga society
nagdaan, nagkakaroon ng advancement
knowledge kaakibat na dito ang pagkatuto
wika dahil sa pang-araw araw na gawain.

ng
na
of
ng

3.
Gestural
Theory

Unti-unting
nagkakaroon ng wika dahil kinakailangan ng
ating mga ninuno na iangkop ito sa gawain
nila (hunting, walang eye to eye contact sa
kausap) dahil dito mas hindi na sila
dumedepende sa gestures lang.
Teorya ayon sa mga tunog ng bagay at hayop:
4. Teoryang Bow-Wow wika mula sa
panggagaya ng mga tunog ng kalikasan
5. Teoryang Pooh-Pooh wika bunga ng
mga masisidhing damdamin tulad ng sakit,
kalungkutan, takot (hal. Aray! Napapa-ouch!)
6. Teoryang Yo-HE-Ho- natutong magsalita
mula sa tunog buhat ng pwersang pisikal. (hal.
Pagsumusuntok o nangangarate)
7. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay likas
ang sinaunang tao sa ritwal. Kaakibat ng
ritwal ay ang mga pagsasayaw, pagsigaw,
incantation o bulong. Mula dito, nagbabago
bago at nilalapatan ng ibat ibang kahulugan
ang mga ito.
8. Teoryang Ta-Ta ang kumpas o galaw ng
kamay o kung anu man laging ginagawa ng
tao ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto magsalita. Ta- ta sa wikang
Pranses ay paalam, sapagkat ang isang tao na

Upang mas maging konkreto, sa Pilipinas


naman, nagkaroon daw ng ibat ibang dialekto
o wika dahil sa mga pagtawid ng ating mga
ninuno sa tulay na lupa, ngunit noon daw eh
Austronesian lang ang wika. Sa katagalan, ng
silay naghiwa-hiwalay, nagkaiba iba na rin
ang wika nila na nag resulta sa Ilonggo,
Cebuano etc. Patunay lang ito na mayroon
tayong sariling wika bago dumating ang
dayuhan.
Sadyang napakarami nitong mga teorya ukol
sa pinagmulan ng wika. Hindi natin maaring
baliwalain ang isa dito, dahil may kahinaan at
kalakasan ang bawat isa at naniniwala ako na
lahat ay mahalaga upang magkaroon tayo ng
sapat na ideya sa kung paano nagmula ang
wika. Pero talanggang nakakapagtataka at
nakakamangha kung paano nga umusbong
ang wika natin na may kumpletong salita at
grammar atbp. Sa tingin ko, ang wika ay
talagang nasa sa tao na at ang kasanayan sa
paggamit
nito
ay
nakadepende
sa
pakikipagkapwa tao mo. Marahil ang wika nga
ay umusbong dahil kailangan natin o sadyang
instinct lang kasi kahit pipe ang isang tao may
paraan pa rin ito ng wika gamit ang simbolo.
Sa bandang huli, hindi talaga natin alam ang
kasagutan sa tanong, Diyos lamang ang
nakakaalam
at
sa
tingin
ko
dahil
pinagkalooban niya tayo ng wika at paraan
para makipagkomunika at makibagay sa iba,
iyon ay sapat na.
Sanggunian:
Hernandez, M. et.al.(1987). Likha H. Maynila:
Jo-Es Publishing House,
Tumangan, A.P. et.al. (1986). Sining ng
Pakikipagtalastasan. Maynila: National Book
Store.
Morrow, P. (n.d). Ang pinagmulan ng wika ng
Filipinas. Date Retrieved November 18,
2008,
from
www.mfis.org/~pmorrow/origin.htm

n.a. (n.d). Origin of Language. Date Retrieved


November 18, 2008, from
Pandora.cii.www.edu/vaida/ling201/test1mater
ials/origin_of_language.htm
http://colorfulmeg.blogspot.com/2008/11/fil25-paper-no1-orihin-ng-wika.html
Teorya ang tawag sa siyentipikong pagaaral sa iba't ibang paniniwala ng mga
bagay-bagay na may mga batayin subalit
hindi pa lubusang napapatunayan
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika
noong unang panahon kaya't walang suliranin
sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad
ang tao na higitan ang kapangyarihan ng
Diyos,
naging
mapagmataas
at
nagambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng
pakataas-taas na tore. Mapangahas at
mayabang
na
ang
mga
tao,
subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang
tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at
naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
Bow-wow
Ayon sa palagay at hakang ito, ginagaya ng
tao ang mga tunog na likha o galing sa
kalikasan. Ang halimbawa'y tunog o tahol ng
aso ay "bow-wow". Ang tilaok ng manoy at
"tiktilaok". Ang tunog ng tuko ay mismong
"tuko" kaya't ito na rin ang tinawag ng tao
rito.
Ding-dong
Ito ay palagay na ang bawat bagay sa mundo
ay may kaugnay na tunog gaya ng "dingdong"
kampana,
"bromm-bromm"
ng
sasakyan, lagapak ng upuan, kalabog ng
nahulog na gamit at iba pa. Kaiba sa bowwow, ayon sa teoryang ito, ang tunog ay hindi
lamang
limitado
sa
mga
bagay
na
matatagpuan sa kalikasan o kapaligiran
bagkus kasama na rito ang gawa ng tao.
Pooh-pooh
Sinasabi na ang tao ay lumilikha ng tunog at
kahulugan
nito
bunga
ng
matitinding
damdaming kaniyang nararansan bilang tao.
Halimbawa nito ay ang silakbo ng damdamin,
takot, galak at pagkalungkot. Kaya nga ba't
kapag nabibigla ang isang tao ay agad
nasasabi niyang "ay". Kapag humahanga ay
nasasambit ang "wow".
Yum-yum

Sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa


pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang
bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang
pagtugong
ito
ay
isinasagawa
sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng
dila.
Yo-he-ho
Sinsasabing ang mga sinaunang tao ay
pinaniniwalaang nagsimulang magsalita sanhi
ng matinding puwersa. Hindi ba't kapag
nagbubuhat tayo ng mabibigat na bagay ay
may kataga tayong nasasabi gaya ng "ahhh".
Gayundin ang isang inang magluluwal ng
kaniyang sanggol. Kahit sa karate ay may
tunog na nasasambit gaya ng "yahhh".
Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan.
Necessity is the mother of all invention. Sa
paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at
pagkain, pangunahing pangangailangan din
ng tao ang wika kung kaya;t naimbenta ito ng
tao
Jose Rizal
Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa
Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob
at regalo ng Diyos ang wika sa tao.
Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't
nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang simpleng
batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao,
kailangan niya ng wika.
Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung
kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika na
aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao.
May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa
mataas at komplikadong antas ang wikang
kailangan niya hindi lamang para mabuhay
bagkus
magampanan
ang
iba't
ibang
tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Sa katutubong tradisyon, hindi maitatangging
naging bahagi ng mga sinaunang tao ang mga
ritwal. Sa iba't ibang anyo ng ritwal na ginawa
ng mga ninuno, lagi itong nilalangkapan ng
wika ayon sa kahingian ng kagawian nila. May
ritwal
sa
pagbibinyag,
pagpapakasal,
paglilibing, at mga katulad at sa bawat ritwal
na ito ay may kasamang tunog o ang
tinatawag na encantation o chant.
Hey you!
Kilala rin bilang teorya ng pakikisalamuha o
kontak. Likas sa tao na makipag-ugnayan sa

iba. At sa pakikipag-ugnayang ito sa kapwa,


gumagamit siya ng wikang pagsisimulan ng
interaksiyon sa iba. Kapag nakasalubong mo
ang iyong kaibigan, malamang batiin mo siya
ng "Hi". At ang tugon naman niya ay "Hello".
Ta-ta
Hango ang tata sa wikang Pranses na ang ibig
sabihin ay paalam. Kapag nagpapaalam ang
isang tao, ikinakampay niya nang pataaspababa ang kaniyang kamay. Sa pagsabi ng
tata, gaya ng dila, may pagtaas-ppagbabang
nagaganap
kung
kaya't
marahil
dito
nagsimula ang wika.
Mama
Nagsimula ang wika sa mga pantig na unang
nasasabi ng mga bata dahil mahalaga ito sa
kaniyang buhay. Kapag naiihi, ang sinasabi
niya ay "wiwi". Kapag natatae, ang sinasabi
niya ay "popo". Kapag gustong uminom, ang
sinasabi naman niya ay "mamam".
Sing-song
Nagsimula ang wika sa mga kanta o awit.
Kung babalikan ang sinaunang panahon sa
buhay ng mga Filipino, bawat lugar sa bansa
ay may kaniya-kaniyang awiting bayan. Oyayi
ang pampatulog sa bata. Kundiman ang awit
ng pag-ibig. Diona ang awit sa kasal. Talindaw
ang awit sa pamamangka.
Coo-coo
Pinanghahawakan nito na ang matatanda ang
gumagaya sa tunog na nalilikha ng mga
sanggol
o
bata.
Hindi
ba't
kapag
nakapagsalita ang isang bata ng kaniyang
unang kataga ay uulit-ulitin ito ng kaniyang
mga magulang?
Bable-lucky
Nagmumula raw ang wika sa mga tunog na sa
una ay walang kahulugan subalit kapag inulitulit at tinanggap ng lipunan ay nagkakaroon
na ng kabuluhan. Halimbawa ang "Weeh". Isa

itong ekspresyong malabo ang kahulugan


subalit nang inulit-ulit at naipasa-pasa ay may
ibig nang sabihin. Gayundin ang "Wah".
Hocus-Pocus
Sinasabing maaaring nagmula ang wika sa
mga pambihira, kakatwa at mala-mahikang
sinasabi ng tao sa kanyang paligid. Hindi ba't
sa pamamagitan ng mga orasyon sa mahika
ay may sumusulpot na kataga gaya ng
"Abrakadabra".
Eureka
Taal na sa tao ang pag-imbento ng mga
bagay-bagay at siya rin ang nagpapangalan sa
mga ito. Walang hindi nagawa ang tao na
hindi niya bininyagan ng iba't ibang
katawagan
Haring Psammatichos
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng
Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si
Psammatichos
kung
paano
nga
ba
nakapagsasalita ang tao. May dalawang
sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at
mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat
makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng
panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang
dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay.
Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao
ang
wika
kahit
hindi
ituro
ang
pinanghahawakan ng teoryang ito.
Bukod sa dami-daming teorya ng iba't ibang
tao hindi padin maipaliwanag kung saan,
paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Isa
itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay
hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa
ring hiwaga o misteryo. Iba't ibang pagsipat o
lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang
eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan
ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa
iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan
namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa.

You might also like