Mula sa probisyon ng Konstitusyon ng 1935, batay sa isang wika
ang wikang pambansa. Tagalog ang naging batayan nito ayon naman sa Executive Order 134 na pinirmahan ni Pang. Manuel L.Quezon noong Disyembre 1937. Tinawag itong Pilipino noong 1959,Batay sa Department Order No. 7 ni Sek. Romero ng Department of Education .Sa sumunod na pagbabago ng Konstitusyon ,noong 1973,hindi na isa kundi lahat ng wika ng Pilipinas, kasama ang Ingles at Espanyol,
Nilinaw naman at pinatibayan ito na tatawaging Filipino sa
Konstitusyon ng 1987. Politikal ang Pangunahing dahilan ng pagbabago ng wikang pambansa
Konseptuwal na Batayan ng Filipino
Bilang konsepto dalawang pangunahing idea ang maiuugnay sa wikang Filipino. Lingua Franca Diyalekto ng wikang Filipino
Mga Diyalekto ng Filipino at Pagkilala sa mga Katutubong
Wika ng Pilipinas Bilang lingua franca,nadedevelop nang pasalita ang Filipino. Gayundin,isa itong pangalawang wika ng mga Filipino sa dahilang may kani-kanilang mga katutubong unang wika ang bawat isa, gaya ng Ilokano,Sebwano,Hiligaynon, Pampango,Bikol,Tausug,Maranao,Maging Tagalog at dahil pasalita ,malaki ang papel ng mga katutubong unang wika sa pagbuo at pag-unlad ng wikang ito. Interference epekto ng unang wika sa pangalawang wika sa oras na ginamit ito, lalo nang pasalita.Hindi lamang sa aspektong leksikal(salita) kundi pati morpolohikal,lalo na sa paggamit ng panlapi nagkakaroon ng interference ang unang wika.Dahil dito, nagkakaroon din ng codeswitching o pagsasalitan ng estruktura ng katutubong wika.(unang wika) at lingua franca.
Papel ng mga Tagapagsalita ng Kaatutubong wika
Mahalaga ang papel ng mga tagapagsalita ng mga katutubong
wika. Sa paggamit niya (tagapagsalita) ng Filipino sa pakikipag-usap sa isang tagapag salita ng ibang katutubong wika, naipasok nito ang ilang elemento ng kanyang wika gaya ng mga salita, at ekspression . Ayon kay Teodoro Agoncillo (1965:52) Bilang reaksyon sa idea ni Eusebio Daluz na pagsasama-sama ng mga wika sa Pilipinas at tawagin nitong Pilipinhon.