Professional Documents
Culture Documents
Wika at bansa
Una sa lahat ay dapat linawin ang papel ng wika sa mismong pagkakaroon ng
bansa. Ayon na rin sa napabantog na bansag ni Benedict Anderson [1981], ang
bansa ay isang kapisanang hinaraya (imagined community). Di tulad ng pamilya,
angkan, tribu, o grupong etnikona pawang umusbong sa sinapupunan ng
ebolusyon at halos matatagpuan din sa mga hayopang bansa ay matalinot
walang-sintulad na kathang-tao. Ayon kay Hume [1740 (1985):537] tatlo ang
pakinabang na mahihita ng tao sa pagpipisan: mas mahusay na seguridad at
tanggulan, mas mataas na produksiyon (hal., dahil sa hatian ng paggawa), at mas
malapit na damayan.[2] Sa isang banda, nilutas na ng ebolusyon ang suliraning ito
ng pagpipisan upang magtulungankaya naman naging natural o likas na sa tao
ang pakikipagkaibigan at pagtulong sa kanyang mga kamag-anak, mga kaangkan, o
kakilala.[3] Subalit hanggang ngayon ay binubuno pa rin ng maraming populasyon
sa mundo kung paanong magkaroon ng mga transaksyono mga pakikitungona
sasaklaw sa malalayong lugar at sa maluwat na panahon, na di-harapan at di-kilala
ang kausap. Sa ekonomiya, inimbento ng tao ang institusyon ng pamilihan at ng
salapi upang makitungo at magkasundo ang mga taong di-magkakilala at dimagkaano-ano.
Ngunit ang pamilihan ay hindi iiral kung walang magtatanggol sa pag-aari, pipigil sa
karahasan, at gagarantiyang ipatutupad ang mga kontratat kasunduansa
madaling salita, kung walang estado. Ang kuwestiyon, kung gayon, ay bakit
kailangang mag-anyong-bansa ang kapisanan ng mga taong nais magtayo ng
estado. Bakit hindi tayo magbuo ng malalaking kapisanan ayon sa ating relihiyon
(na nais ngang gawin ng iba diyan)? O di kayay batay sa mga dating imperyong
sumakop sa atin (halimbawa gawing totoo ang Komonwelt ng Britanya)? Hanggang
nayon ay hindi pa rin nagkakasundo ang mga iskolar kung ano tunay na pundasyon
ng pagiging isang bansalalo na sa modernong anyo nito. Wala pa ring iisang
paliwanag kung bakit nauso ang bansa (mula noong 18.-19. Siglo) bilang
pangunahing anyo ng malakihang organisasyon ng tao at sakop ng estado. Kaugnay
nito, hindi pa rin lubos na naunwaaan ang mga dahilan na nagtagaumpay ang ilang
bansa at nabibigo naman ang iba.[4]
It must not be forgotten that although a high standard of morality gives but a slight
or no advantage to each individual man and his children over the other men of the
same tribe, yet that an increase in the number of well-endowed men and an
advancement in the standard of morality will certainly give an immense advantage
to one tribe over another. A tribe including many members who, from possessing in
a high degree the spirit of patriotism, fidelity, obedience, courage, and sympathy,
were always ready to aid one another, and to sacrifice themselves for the common
good, would be victorious over most other tribes; and this would be natural
selection. At all times throughout the world tribes have supplanted other tribes, and
as morality is one important element in their success, the standard of morality and
the number of well-endowed men will thus everywhere tend to rise and increase
[Darwin 1871(1952):322-323]
Ang sapantaha ni Darwin tungkol sa tribu ay mailalapat din sa bansa. Ang pananaig
at pananatili ng ibang bansa at ang pagkakatisod at kabiguan ng iba ay madalas
maiuugat sa bilang ng mga miyembro nitong nagtataglay ng mataas na antas ng
pagmamahal sa tinubuang bayan, katapatan, pagtalima, tapang, at pakikiramay.
At di rin iilan lang ang mga bansang nakahango ng malaking bahagi ng moralidad at
patriotismo mula sa mga proto-nasyonalistang elemento tulad ng relihiyon, wika, at
mga etnikong elemento. Kung wika lamang ang pag-uusapan, ang klasikong
halimbawa marahil ay ang pagkakabuo ng Alemanyamula sa pagsalin ni Luther sa
Bibliya noong 1594 hanggang sa pagwasak ng Muog ng Berlin noong 1989.[6]
Masasabing wika at pinagpisanang kultura ang malalaking haligi ng pagkakatatag at
pananatili ng bansang Alemanya sa loob ng ilang dantaon.[7] Bukod sa Alemanya,
ang Hapon, Tsina, at Korea ay iba pang halimbawa ng mga bansang nagbatay ng
malaking bahagi ng kanilang hinarayang komunidad sa iisang wika.
A nation-state that has developed a common language among its citizens is more
cohesive than one that is linguistically fragmented. This is not to say that linguistic
homogeneity is bad or good; most nations started out as very diverse linguistically.
Linguistic homogeneity may simply be an indicator of how much a group of
nationals have developed a common identity over the decades or centuries that
national identity forms [Easterly, Ritzen, at Woolcock 2006:14].
Mali rin isipin kung gayon na ang bansalalo pa ang modernong bansaay dapat
sumaklaw lamang sa mga taong may parehong wika, lahi, kultura, o relihiyon.
Napag-iwanan na ang ideya ni Mazzini (1805-1872) na ang bawat lahi ay dapat
pagkalooban ng estado, at tig-iisang estado lamang ang dapat sa bawat lahi.[10]
Bagamat maaaring padaliin ng wika, lahi, kultura, o relihiyon ang pagbubuo ng
bansa, hindi ito sapatat ni hindi rin naman kinakailanganupang makabuo ng
bansa. Ang Switzerland ay may tatlo (o apat pa ngang) wika; ang Estados Unidos ay
binubuo ng ibat ibang lahi at kultura; at halos lahat ng modernong bansa ay
katatagpuan ng sari-saring relihiyon. Gayundin, bagamat iisa ang wika ng Belgium
at ng Pransiya, magkahiwalay silang bansa; pareho din ang kaso ng Estados Unidos
at Canada; o ng Alemanya at Austria.
Balakid ng kasaysayan
Batid ng lahat ang malaking pagtatalong kalakip ng kasaysayan ng wikang
pambansa: isang kabalintunaan na sa halip na pag-isahin ang mga mamamayan ay
naging sanhi ito ng hidwaan at kalituhan.[12] Paano ipaliliwanag ang ganitong mga
kaganapan? Gamit ang naunang analisis, hindi na mahirap unawain ang
kasalukuyang estado at papel ng Filipino, at maraming matututuhan kung
ihahambing ang karanasan ng Filipinas at ng iba pang mga bansa.
Wika ng mananakop: bakit hindi Espanyol?
Unang una, hindi maaaring balewalain ang isang posibilidad na piniling malinaw ng
buong Latin Amerikaang paggamit sa Espanyol. Sa katunayan, tila Filipinas
lamang ang dating-sakop ng Espanya na hindi gumamit ng Espanyol bilang
pambansang wika.
Iba sa Filipinas, mas malaki ang populasyong dumating sa Latin Amerika mula sa
Espanya. Bilang bunga nito ay mas marami rin ang mga criollo, mga purong
Hindi mahirap isipin na kung sinlaki rin ang bilang at papel ng mga criollo sa
Filipinas ay naging Espanyol na rin marahil ang wikang pambansa. Ngunit dahil sa
simulat simula pay maliit ang bilang ng Espanyol at criollong nanirahan dito, ang
higit na nakararami sa liderato ng Propaganda at ng Rebolusyon ay hindi criollo
kundi mga mestisong Sangley, mestisong Espanyol, at purong indio, na pawang
hindi rin Espanyol ang kaisa-isang wika. Kung gayoy walang natural o malakas na
udyok na ipagpilitan ang wikang Espanyol. Lalong lumiit pa ang posibilidad na ito sa
harap ng panibagong pananakop ng mga Amerikano. (Kung akomodasyon na rin
lang sa dayuhang wika ang usapan, mas mainam pa ang wika ng bagong
mananakopat kamangha-mangha na rin ang mabilis na pagkatuto ng mga lider
pulitika ng Komonwelt sa pagsulat at pagtatalumpati sa Inggles.)
Ayon sa iminungkahi nating balangkas, hindi naging akma ang Espanyol bilang
wikang pambansa sapagkat wala itong silbi sa pagpapababa ng transaction cost ng
pag-oorganisang pampulitika. Sa isang dako, hindi ito ang wika ng madla, na hindi
kailanman nabihasa rito. (Ang propaganda sa rebolusyon nina Bonifacio at
Aguinaldo ay kinailangang isulat sa Tagalog, bagamat ang mga opisyal at legal na
dokumento ay isinulat sa Espanyol.) Bukod pa riyan, hindi kasinghigpit ang kapit ng
Espanyol sa mismong lider ng rebolusyon, sapagkat kaiba sa kaso ng Latin Amerika,
ang karamihan dito ay hindi mga criollo. Sa madaling salita, hindi sapat ang
Espanyol bilang proto-nasyonalistang pundasyon ng panlipunang pagkakaisa, ni
man lang sapat upang pag-isahin ang mga lider ng rebolusyon at ng estado.
Ito na rin ang maaaring dahilan kung bakit hindi Inggles ang piniling pambansang
wika, bagamat pinalaganap ng mga Amerikano ang huli sa edukasyong publiko.
Tulad ng Espanyol, ang Inggles ay walang natural at malaking komunidad ng wika
lalo na sa hanay ng mga lider o elite, na tatanggap, gagamit dito bilang unang wika,
at magtataguyod dito. Samakatuwid, di tulad ng Latin Amerika (at lalong hindi tulad
ng Alemanya) walang malaking papel na ginampanan ang iisang wika sa
pagkakabuo ng bansang Filipinas; manapay nabuo ito sa kabila ng pagkakaiba-iba
ng mga wika at batay lamang sa sama-samang karanasan at hinaing.
Lingua franca?
Kapupulutan din ng aral kung ihambing ang Filipinas sa Indonesia. Tulad ng Filipinas,
ang Indonesia ay kapuluan, at mas malawak pa nga; mas marami pa sa Filipinas
ang katutubong wika; at hindi rin napailalim ang Indonesia sa iisang sentro ng
katutubong kapangyarihan bago dumating ang Kanluraning kolonyalismo: sa halip
ay nahati-hati rin ito sa ibat ibang kaharian at nanakop na imperyo (hal. Majapahit,
Sriwijaya). Tulad ng Espanya, hindi rin iginiit ng Netherlands na palitan ng Olandes
ang mga katutubong wika, at iilan din lamang ang natuto nito. Datapuwat, kakaiba
sa Filipinas, walang isyu ng wikang pambansa na sumulpot sa Indonesia. Sa halip,
napagpasiyahan ng mga nasyonalistang Indones noong 1945 na tanghalin ang
Melayu (ngayoy Bahasa Indonesia) bilang wikang pambansa[16] at ang desisyong
ito ay kumapit at magpahanggang ngayon ay mabisa at buhay.
Ang pangunahing interes ng mga Olandes (at gayundin ng mga Portuges na nauna
sa kanila) ay ang magnegosyo sa mamahaling halamang pampalasa, laluna sa
Meluku. Dahil dito, hindi nila gaanong pinakialaman ang malaking bahagi ng
interyor at ang iba pang pakikipagkalakalan ng mga katutubo sa isat isa at sa ibang
bansa. Kakaiba ang naganap sa Filipinas: nanghimasok ang mga Espanyol (na
kinatawan ng mga prayle) sa kaibuturan ng pamumuhay ng mga indiheno ng
Filipinas sa layuning baguhin ang paniniwala, pagkatao, at kabuhayan ng mga ito.
Sa usaping pang-ekonomiya, mistulang isinara ng Espanya hanggang matapos ang
ika-18 siglo ang pinto ng Filipinas sa ibang bansa tulad ng Tsina, Arabia, at ang mga
karatig-bansa ng Timog-Silangang Asya na datiy mahigpit na katuwang nito sa
kalakalan[18], at natuon halos ang buong interes ng mga Espanyol sa kalakalanggaleon hanggang halos matapos na ng Siglo 18. Sa panloob na kalakalan naman ay
naglagay ng maraming hadlang sa pagkilos ng kalakal, tao, at negosyo sa loob ng
kapuluan mismo. Bukod ditoy kinasangkapan ng mga Espanyol ang ibat ibang
grupong etniko upang kaawayin at sugpuin ang kanilang kapwa, lalo na ang mga
Moro.
Opisyal na wika
Datapuwat, ayon na rin sa ating balangkas, bagamat makabubuti may iisang wika,
hindi ito kailangang-kailangan upang makabuo ng bansa. Higit na mahalaga ang
sama-samang karanasan at magkahanay na layunin, at maaaring sumunod na
lamang ang wika, halimbawa, sa pamamagitan sa natural na paglaganap nito batay
sa network externalities, o sa pamamagitan ng opisyal na nasyonalismo. Ang
pagkakadeklara ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika[20] noong 1936 ay
maituturing na tangkang gawin ang huli.
Datapuwat dalawang maling akala ang dapat iwasan: una, ang pag-aakala na itoy
mangyayari nang kusa; at ikalawa, ang akala na kailangang magsimula sa wala.
instrumento ang wika sa prosesong pampulitika. Walang dudang ito ang dahilan,
halimbawa, kung bakit halos lahat ng talumpati ni PNoy ay nasa Filipino.
Sa loob ng kulang-kulang na pitong dekada mula nang umalis ang mga huling
mananakop, ang pangangailangang makitungo ang mga tao sa isat isa sa
karaniwang buhay (ang quotidien ni Braudel) ang siyang humuhubog ngayon ng
isang wikang nauunawaaan at nagagamit ng lahat. Hindi ito perfekto; hindi sintayog
o singyaman ng lirika ng isang Batute o Rio Alma; mapangingiwi kung minsan ang
tagpakinig sa code-switching (Hal; Ang problema is hindi on-time ang barko.),
pagkagaril (tutunan, kakayanan), walang-isip na panghihiram (Hal: sarbey,
riserts na pangfild), at maling pag-intindi (Hal: ang ibig sabihin daw ng kahindikhindik ayon sa isang pahayagan ay disgusting).