You are on page 1of 33

Depinisyon ng Wikang Ayon sa Ibat-Ibang Manunulat

Ano ang Wika?


Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay
dila, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga
kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o
mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.
Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo
ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan.
Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang
nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating
kinabibilangan.
Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII Bilang
1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng
larangan ang wika.
Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan
ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing
lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahatng wika ay nakabatay sa tunog
na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag
naponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit
ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay
na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit
pang tao.
Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa
itong konektibong kaban ng karanasang mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wiksng
nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang
kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.
Ayon kay San Buenaventura (1985): Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang
kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa. Isang ingat-yaman ng
mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa
kayat kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang
haka-haka at katiyakan ng isang bansa.
Ang wika ayon kay Chomsky(1957), isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at
mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.
Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema
ang wika na nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng
kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.

Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga


tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at
pakikipag-usap.
Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa
tao bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay
nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan.
Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay
naririnig. Ang naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na
walang nakikita at naririnig. Ang unang salitang binibigkas ay bekos, ang ibig sabihin ay
tinapay.
Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy pamagat na
THE ORIGIN OF LANGUAGE ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may
nagtuturo sa kanya uoang makalikha ng ibat-ibang wika.
Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng
pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan
nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mg
unang tao.
Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga
hayop ay maaring nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.
May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang linggwahe ng
mga Aramean. Sila ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag
na Aramaic ang kanilang wika. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-Asiatic
sa timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang pangkat ng Semitik, ay ang
linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang
sinulat ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo, ipinalalagay na ang
lingwahey nagmula sa Herbrew, anong orihinal na wika Bibliy

Wika - ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga


kaisipan,damdamin at mithiin.
Katangian ng wika
1.Masistemang Balangkas
2.nagbabatay sa kultura
3.sinasalitang tunog
4.arbitaryo
5.wika ay ginagamit
6.pinipili at isinasaayos
7.pagbabago o dinamiko
Kalikasan ng Wika
1.Pinagsama-sama ng tunog
2.May dalang kahulugan
3.May Ispeling
4.May gramatika/istruktyur
5.Sistemang oral-awral
6.Pagkawala o Ekstinsyon ng wka
7.Iba-iba diversifayd at pagkakatubo o indijenus
Pangunahing gamit
1.Pagpangalan o labeling]
2.Interaksyon
3.Transmisyon
Ang kahalagahan ng wika
1.Ang wika ay behikulo ng kaisipan.
2.Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
3.Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan
ng nagsasalita.
4.Ang wika ay kasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng karanasan.
5.Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumamit ng kakaibang mga
salitang hindi laganap.
6.Ang wika ay luklukan ng panitikansa kanyang artistikong gamit.
7.Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.
8.Ang wika ay tagapagbigkas ng lipunan.
Pag-aralan(Santos et.al)
1.Dayalek
2.Sosyolek
3.Idyolek
4.Varayti at Varyasyon
5.Heyograpikal at Sosyal
6.Rejister
7.Istilo
8.Domeyn
9.Repertwa
10.Ibat-ibang faktor panlipunan na nakakaapekto sa pagpili ng wika varayti ng wika na dapat
gamitin.
Depinisyon ng Wikang Filipino
1.Ang Filipino ay pambansang linggwa franka ng plipinas. Ang Filipino bilang linggwa franka
ay tumutulong sa mga taong nagmula sa ibat-ibang rehiyon na magkaunawaan at makipag-

ugnayan.
2.Ang Filipino ay wikang pambansa ng Pilipinas dinedevelop at ginagamit ito bilang simbolo
ng pambansang pagkakaisa.
3.Ang Filipino ay wka sa opisyal na komunikasyon.
4.Ang Filipino ay opisyal na wikang panturo at pagkatuto.
Paraan ng Padevelop sa Wikang Filipino
1.Pagsasabatas at pagsunod sa batas tungkol sa wika.
2.Tulong ng ibat-ibang organisasyong pangwika sa pangunguna ng KWF.
3.Paggamit sa ibat-ibang domeyn ng wika.
4.Iba pang paraan.
a.)panghihiram ng mga salita
b.)pagrereform ng alpabeto
Tungkulin ng Wikang Filipino
1.Binibigkas ng wikang Filipino ang lipunang Pilipino
2.Tumutulong ito sa pagpapananatili ng kulturang Pilipino
3.Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino
4.Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino
5.Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-pilipino ng mga Pilipino
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang
malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino.
Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan,
isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para sa bansa kapag
mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa.
Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at
pagkilala sa sarili.
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na
nagmula sa Tagalog na pagkaraay naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung
naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang
Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng mga taong nasa
katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi
Tagalog kundi sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na
lumaganap na sa buong kapuluan.
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyan
ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na ibat ibang wika. Kabilang sa mga
pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon,
Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang
katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng
pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit hindi
lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo.
Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kayat minabuti ng mga prayle na mag-aral ng ibat ibang wikain sa Pilipinas sa
halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika
ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng ibat ibang
wikain sa Pilipinas.

Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mag


Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya ngat pinili nila ang Tagalog na siyang
wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga
talumpati na punung-puno sa damdaming bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandistay
sumulat sa Kastila, batid nilang ang wikay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga
kababayan nila.
Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda
ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.
Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung
bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang
digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at
iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at
wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang
"Ama ng Wikang Pambansa."
Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt
upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika,
isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Itoy napapaloob sa
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at
paggamit ng pambansang
wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika.
Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles
at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."
Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa
mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pagaaral ng ibat ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat
pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat itoy nagtataglay ng nalinang nang panitikan at
wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937,
inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa
pagkasulong ng ating wika:
Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at
pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong
Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng


isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang
wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo
4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang
petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman
at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang
lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat
sa Pilipino.
Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa
lahat ng kolehiyo at pamantasan.
Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng
Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon
ang Konstitusyon at ditoy nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
Artikulo XIV - Wika
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at
paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong
sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at

magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang
magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

A. Makrong Kasanayan sa Pakikinig


Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan
at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng
mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may
ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay
dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.
At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan
sa auditory nerve patungo sa utak.
Kahalagahan ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa
tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng
mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita
sa narinig.
Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
Alamin ang layunin sa pakikinig
Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
Maging isang aktibong kalahok
Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
B. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Kahulugan ng Pagsasalita
Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap.
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan
upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
C. Makrong Kasanayan sa Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at
kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang
panahon.
Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa
buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.
Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin
Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at krunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan,
pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa
buhay.
D. Makrong Kasanayan sa Pagsulat
Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang
paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang ibat ibang ideya na pumapasok sa ating
isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa ngayon.

Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta


ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng
balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa
pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.

ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA1


Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto 1, 2007
0. PANIMULA: Ang ortograpiya ng wikang pambansa ng Pilipinas ay ang kabuuan ng
ipinapalagay na pinakamaunlad at pinakatumpak na mga kalakaran kung paano inililipat ng
mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat. Ang ortograpiyang ito ay tumutukoy sa
istandardisadong set ng mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at ng mga tuntunin sa
paggamit ng mga simbolong ito, kapag sumusulat sa wikang pambansa. 2
I. MGA GRAPEMA. Ang mga grapema o pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng
wikang pambansa ay binubuo ng:
A. Letra (na kung tawagiy ang alpabeto). Ito ay binubuo ng dalawamput walong (28ng)
simbolo: Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx
Yy Zz.
B. Di-Letra. Ang mga di-letra ay binubuo ng:
1. wala ( ) at gitling (-), na parehong sumisimbolo sa impit na tunog (_).
2. tuldik: wala ( ), pahilis ( ), paiw ( `) at pakupya ( );
3. bantas: tuldok (.), pananong (?), pandamdam (!), kuwit (,), tulduk-kuwit (;), tutuldok (:), at
kudlit ( ). Tatalakayin sa hiwalay na papel ang gamit ng mga bantas.
TAWAG SA MGA LETRA AT PASALITANG PAGBAYBAY.
A. Tawag sa mga letra. May dalawang paraan sa pagtawag ng mga letra:
Tawag - abaseda o ponetiko: a, ba, se, da, e, fa, ga, ha, i, ja, ka, la,
ma, na, nya, nga, o, pa, kwa, ra, sa, ta u, va, wa, eksa, ya at
za.
Tawag - Ingles: ey, bi, si, di, i, ef, ji, eych, ay, jey, key, el, em, en,
enye, en ji, ow, pi, kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobolyu, eks, way, zi.
Ang pagtawag sa mga di-letra ay alinsunod sa I, (B).
B. Dalawang paraan ng pasalitang pagbaybay.
1. Baybay-abaseda (a-ba-se-da) o ponetiko3:
Rizl = malaking ra- i-za- a-la pag-asa = pa-a-ga-gitling-a-sa-a
buko = ba-u-ka-o

bat = ba-a-i - ta lut = la-u-ta- o bas = ba-a-sa- a


2. Baybay-Ingles (ey-bi-si-di):
Rizl = kapital ar-ay-zi- ey-el
pag-asa = pi-ey-ji-gitling-ey-es-ey buko = bi-yu-key-ow
bat = bi-ey-ay-ti lut = el-yu-ti- ow bas = bi-ey-es- ey
C. Mga katwiran sa pagtuturo ng dalawang paraan ng pagbabaybay.
1. Ang mga kalakasan ng dalawang pagbabaybay ay ang sumusunod:
Pagsasarili. Maipapakita na magkaiba ang wikang sarili at ang wikang Ingles sa pamamagitan
ng magkaibang paraan ng pasalitang pagbabaybay.
Madaling matutuhan. Kumpara sa tawag-Ingles, ang tawag-abaseda ay higit na malapit sa
aktuwal na tunog na kinakatawan ng mga letra. Inaasahang makapagpapadali ito sa
pagkakatuto ng mga nagsisimulang bumasat sumulat sa wikang pambansa.
Episyente. Sa ortograpiyang ito ay nababaybay hindi lamang ang katutubong mga salita sa
wikang pambansa at sa iba pang mga wika sa Pilipinas kundi pati ang mga hiram na salita
buhat sa mga banyagang wika.
Tumpak. Ang pagsusulat ng mga letra at di-letra gaya ng mga tuldik at ng gitling ay
nagpapatingkad sa pangangailangan na maging eksakto at tumpak, lalo pat ang mga tuldik
at gitling ay kumakatawan sa mga makahulugang tunog sa wikang pambansa.
Madaling ituro. Kabisado pa rin ng mga guro ang tawag-abakada, kung kayat inaasahang
hindi na mahihirapan ang mga ito kapag bumalik sa pagbabaybay ponetiko. Kapag walang
mga tuldik, nahihirapan kapwa ang guro at mag-aaral sa pag-alam kung ano ang tamang
bigkas at tamang ibig sabihin ng mga nakasulat na salita. Maililipat sa ibang mga wika.
Makatutulong ang ortograpiyang ito para mas madaling maunawaan at matutuhan hindi
lamang ang mga lokal na wika kundi pati ang mga wika para sa mas malawak na
komunikasyon (i.e. Ingles).
Para sa lahat. Ang pagtuturo ng pagbabaybay ay para sa kapakinabangan ng mga
nagsisimulang bumasat sumulat at ng mga hindi katutubong tagapagsalita ng Tagalog.
Tandaan na karamihan ng mga Pilipino ay nagsasalita ng wikang pambansa (at ng Ingles)
bilang pangalawang wika.
2. Tutol ang iba sa dalawang paraan ng pagbabaybay sapagkat nakasanayan na raw ng mga
tao ang baybay-Ingles. Kahit totoo ito, dapat tandaan na ang kasanayan sa baybay-Ingles ay
nakamtan sa eskuwelahan. Ibig sabihin, maaari ring ituro at makasanayan ang baybayabaseda.
MGA TUNOG, HABA AT DIIN A. Mga Katinig
Ang mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, , NGng, Pp, Qq,
Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz
Sa pagbabaybay ng karaniwang katutubong salita sa wikang pambansa, gamitin lamang ang
sumusunod na mga letrang pangkatinig: Bb, Dd, Gg, Hh, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Rr, Ss, Tt,
Ww at Yy. Ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa 15 sa 16 na katutubong katinig sa wikang
pambansa: [b], [d], [g], [h], [k], [l], [m], [n], [], [p], [r], [s], [t], [w], at [y]. Ang bawat letra ay

representasyon ng isang katinig lamang. Ang panglabing-anim na katutubong katinigang


impitay kinakatawan ng wala ( ), gitling (-), paiwa ( ` ) at pakupya ( ) .
Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa iba pang mga katutubong
wika sa Pilipinas, panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan at/o
palatunugan ng pinagkunang wika.
4. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang
ginagamit: una, panatilihin ang orihinal nitong anyo batay sa palabaybayan ng pinagkunang
wika, at ikalawa, baybayin ito ayon sa katutubong sistemang nakasaad sa III A, 2. Kung aling
paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikalimang bahagi ng patnubay na ito.
5. Ang impit na tunog ay kinakatawan ng mga sumusunod na di-letrang pangkatinig: wala ( ),
gitling (-), tuldik na paiw (`) at pakupya (). 4
____
4

Kumplikadong mga simbolo ang mga tuldik. Ang pakupya (^) ay binubuo ng markang pahilis
() sa kaliwa, at ng markang paiwa ( ` ) as kanan. Ang pahilis ay simbolo ng diin sa dulong
pantig; ang paiwa, sa impit na tunog sa dulo ng salita. Gayon din, ang paiwa ( ` ) ay may
dalawang bahagi. Ang kaliwa ay kakikitaan ng malumay na marka na sinisimbolo ng wala ( )
at ang kanang bahagi nito, ng tuldik na paiwa. Ang wala ( ) ay sumisimbolo sa diin sa
penultimang pantig at ang paiwa ( ` ) ay sumisimbolo sa impit na tunog sa dulo ng salita.
a) Ang impit na nasa unahan ng salita at nasa pagitan ng mga patinig ay hindi isinusulat:
aso ['_a_ . so] kain ['ka_._in]
b) Ang impit na nasa pagitan ng katinig at patinig ay kinakatawan ng gitling:
pang-araw [pa.'_a_.raw]
c) Ang impit na nasa dulong pantig ng salitang may diin sa penultima ay kinakatawan ng
tuldik na paiw sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig:
bat [_ba_.ta_]
) Ang impit na nasa dulo at may-diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa
ibabaw ng patinig ng dulong pantig.
lik [li._ko_]
Ang impit na tunog sa pinal na pusisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita.
Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang
pusisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika.
lik [li._ko_] > [li._ko]
e) Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag
ang salita ay nasundan ng ibang mga salita.
matand [ma.tan.'da_]
pero matand na siya [ma.tan.da:. na. si.y]
Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng
ibang salita:

matand na siya [ma.tan._da_. na. si.y]


B. Mga patinig:
1. Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.
2. Sa pagbigkas ng

katutubong

salita,

pagkakaiba ng i vs. e

at ng o

vs. u.

hindi makabuluhan ang

sakt = [sa._kit] ~ [sa._ket] kurt = [ku._rot] ~ [ku._rut] lalake = [la._la:.ki] ~ [la._la:.ke]


pero: kalalakihan = [ka.la.la._ki_.han]
3. Kahit hindi kontrastibo sa bigkas, may nakagawian nang gamit ang e at i. gayon din
ang o at u. Ginagamit ang e at o sa dulong pantig ng mga katutubong salita at ang i
at o sa ibang kaligiran.

babae pero: kababaihan hindi kababaehan buhos pero: buhusan hindi buhosan
4. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na e at o kapag ikinukumpara ang
mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita.
mesa: misa

oso : uso

5. Gaya ng mga katinig, maaari ring gamitin ang mga letrang patinig ng wikang Filipino sa
pagbabaybay ng mga hiram na salita sa orihinal nilang anyo. Pero ang patinig ng hiram na
salita ay maaaring kumatawan sa mahigit na isang tunog.
table = ['tey.bol]

ballet = [ba.'ley]

C. Haba at Diin:
1. Ang diin ay kinakatawan ng sumusunod na simbolo: wala ( ) at pahilis ( ).
2. Ang diin sa isang bukas na pantig (i.e. isang pantig na nagtatapos sa patinig) maliban sa
ultima ay binibigkas na mahaba (_).
tao [_ta_._o], mahaba ang may-diing ta
pero: is [_i._sa], walang hab ang may-diing sa tuky [tu._koy], walang hab ang maydiing koy
3. Ang diin sa penultima ay hindi isinusulat.
tao [_ta_._o]lum [_lu_.ma_]
4. Ang diin sa iba pang pantig maliban sa penultima ay minamarkahan ng pahilis ( ) sa
ibabaw ng patinig na may diin.
tanm [ta.'nim] tniman [ta_.'ni_.man]
ptniman [pa_.ta_.'ni_.man]
5. Ang katutubong salita na may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa dulong
pantig.5

banty [ban._tay]
6. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na sa pasulat na anyo ay
may magkatabing magkaparehong patinig sa penultima at sa dulong pantig. 6
bik [bi.'_ik] sut [su.'_ot]
7. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na may uw o iy sa
pagitan ng penultima at dulong pantig.
tuwd [tu._wid]

tiyk [ti._yak]

Nakakaltas ang u at i sa mga salitang ito sa aktuwal na pagsasalita:


tuwd [_twd]

tiyk [_tyk]

IV. MGA PANTIG:


A. Katutubong pantig
Dalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan: KP (katinig-patinig) at
KPK (katinig-patinig-katinig).
Walang di-pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa impit na tunog [_]. Ang isang
salitang gaya ng: bgo [ba_.'go] ay hindi
pangkaraniwan sa wikang pambansa, sapagkat ang unang pantig nito ay nagtatapos sa impit
na tunog.
Walang di-pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa tunog na h. Ang isang
salitang gaya ng: kahkah ['kah.kah] ay hindi rin pangkaraniwan, sapagkat ang dalawang
pantig nito ay nagtatapos sa h.
May mga nagsasabi na ang dulong pantig ng isang katutubong salita ay laging nagtatapos sa
katinig. Halimbawa, ang salitang gaya ng sabi ay nagtatapos raw sa tunog na [h].
a) May ilang ebidensyang sumasalungat sa ganitong pusisyon:
. Hindi distintibo o hindi naririnig ang [h] na ito kumpara sa mga wikang may [h] sa dulo ng
pantig, gaya ng Kakilingan Sambal;
Kakilingan Sambal lot [_lo_.to_] `luto
lotoh [_lo_.toh] `pagsabog (ng bulkan)
ii. Ang salitang gaya ng sabi kapag sinundan ng daw, ay nagiging ['sa_.bi. raw] hindi
*['sa_.bih. raw] o *['sa_.bih.daw]. Ibig sabihin, walang naririnig na [h] bago ng [r] o [d]; at
iii. Malamang na nagtatapos sa patinig ang sabi, sapagkat nagiging raw ang daw. Ang
tuntunin ay ginagamit ang raw kapag ang salitang sinundan o nasa unahan nito ay
nagtatapos sa patinig.
b) Mayroon din namang ebidensya na nagpapahiwatig na mayroong [h] sa dulo ng sabi.
Kapag kinabitan ito ng hulaping -an, nagiging distintibo at naririnig ang [h].
[_sa_.bih] + [-an] > [sa._bi_.han] sabihan

c) Alinman sa pagsusuring ito ang gamitin, malinaw na hindi sinusulat ang [h] sa dulo ng
isang pantig ng isang katutubong salita.
Hiram at Dayuhang Pantig

Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Bukod sa KP


at KPK, ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK.
tra-po [_tra_.po] (KKP-KP) plan-ta [_plan.ta] (KKPK-KP)
trans-por-tas-yon [trans.por.tas._yon] (KKPKK-KPK-KPK-KPK) isprts [__is.ports] (KPK-KPKKK)
2. Isang palaisipan sa maraming Pilipino ang tamang pagpapantig sa mga salitang-hiram na
may kambal-katinig gaya ng sobre ( sob-re o so-bre?); ng tokwa (tok-wa o tokwa?) at ng pinya (pin-ya o pi-nya?). May dalawang tuntunin na sinusunod kaugnay
nito:
a) Ang tamang pagpapantig ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang sob-ra,
tok-wa at pin-ya ay sumusunod sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malayo sa
aktuwal na bigkas at mas malapit sahiram o dayuhang pantig ang so-bra, to-kwa at pinya. Ang totooy tama ang huling paraan ng pagpapantig sa pinanghiramang wika.
b) Ang tamang pagpapantig ay umaayon o mas malapit sa aktuwal na bigkas. Ang bigkas ng
mga Pilipino sa nasabing mga salita ay mas malapit sa [_sob.bre] ~ [_sob.bre], [_tok.kwa] ~
[_tok.kwa], at [_pin.nya] ~
[_pin.nya]. Ibig sabihin, sumasama ang huling katinig ng penultima sa
bigkas ng dulong pantig. Kung ang tamang pagpapantig ay sob-re, tok-wa at pin-ya,
mas madaling ipaliwanag ang pagsasama ng huling katinig ng penultima sa dulong pantig.
Mas mahirap ipaliwanag ang ganitong pangyayari kung ang istandard na pagpapantig ay: sobre, to-kwa at pi-nya, gaya ng sa pinanghiramang wika.
3. Palaisipan din sa maraming Pilipino ang tamang pagbabaybay at pagpapantig ng mga
salitang may kambal-patinig sa orihinal na baybay. Ang ilang halimbawa ay: provincia (probn-si-y o pro-bin-sya?), infierno (im-pi-yer-no o im-pyer-no?), violin (bi-yo-ln o
byo-ln?), guapo (gu-wa-po o gwa-po?), cunto (ku-wen-to o kwen-to?) at
accin (ak-si-yn o ak-syn?). Mayroon ding ilang tuntuning sinusunod kaugnay nito.
Ang namamayaning pagbabaybay (at pasulat na pagpapantig) ay umaayon sa katutubong
kayarian na KP at KPK. Mas malapit ang pagpapantig ng unang anyo (i.e. pro-bn-si-y, guwa-po, im-pi-yer-no, bi-yo-ln) sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang ikalawang anyo
(i.e. pro-bin-sya, gwa-po. im-pyer-no, byo-ln) ay may mga pantig na binubuo ng KKP na
itinuturing dito na hiram o dayuhang pantig.
Ang namamayaning bigkas (at pasalitang pagpapantig) ay umaayon
sa aktuwal na bigkas at kung gayoy mas malapit sa ikalawang anyo (i.e. pro-bin-sya, gwapo, im-pyer-no, byo-ln). Samakatwid, mas malapit sa namamayaning bigkas ang
ikalawang anyo, pero mas malapit sa namamayaning baybay ang unang anyo.
c) Iwasan ang tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita. Ang baybay na
probnsiy, impiyerno at aksiyn ay hindi lamang umaayon sa katutubong kayarian ng
pantig kundi nakaiilag din sa tatlong magkasunod na katinig (i.e. aksyn). Totoo lamang ang
tuntuning ito

(*KKK) sa mga hiram na salita na may orihinal na kambal-patinig pero hindi sa iba pang mga
kaso (i.e. eksklusibo).
d) Piliin ang anyo na maaaring paghanguan ng iba pang anyo. Halimbawa: maaaring sabihin
na sa anyong ku-wen-to nagmula ang kwen-to. Nakuha ang maikling anyo nang kaltasin
ang u.7
V. PANGHIHIRAM
Tuntunin sa panghihiram:
Huwag manghiram. Ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto.
rule = tuntunin hindi rul
2. Huwag pa ring manghiram. Ihanap ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto.
tarsier = momag, mlmag (Bol-anon) whale shark = butandng (Bikol)
3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran.
Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema.
Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo.
Eng psychology = psychology hindi saykoloji
Sp psicologa = sikolohiya
Ang katwiran dito ay ang kawalan ng kakumpetensiyang anyo ng baybayEspanyol.
___________

Sa kuwento ay mahahango ang tatlo pang deribasyon: nagkkuwento (inuulit ang ku);
nagkwkwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang kwe-) at
nagkkwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang unang katinig at

unang

patinig). Kung ang pangunahing anyo ay kwento, mahahango lamang ang huling
dalawang anyo ng reduplikasyon. Mahalagang banggitin din dito na ang biswal na ispeling ng
nagkwkwento ay hindi nagkakaloob ng palatandaan para sa bumabasa kung paano ang
tamang pagpapantig (nag-kw-kwen-to o nag-kwk-wen-to). Walang ganitong problema sa
nagkuwento at nagkukuwento.
4. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. Sa pana-panahon ay naglalabas ang KWF, kasabay
ng ibang ahensya ng pamahalaan, ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas
na agham, agham na panlipunan, sining at panitikan. Mangyaring sumunod sa mga opisyal na
pagtutumbas o salin buhat sa mga ahensyang ito.
Repblik ng Pilipinas hindi Repblik ng Filipinas aghm panlipunan hindi sosyalsayans
B. Pagbabaybay ng Hiram na Salita
1. Ang lahat ng salitang

pantangi, panteknikal at

pang-agham ay

maaaring panatilihin ang orihinal na baybay.


Manuel Luis Quezon

Ilocos Norte

chlorophyll

sodium chloride

2. Ang lahat ng hiram na salita buhat sa Espanyol,

maliban sa mga

salitang pantangi, ay maaaring baybayin alinsunod sa katutubong sistema.


cebollas > sibuyas

socorro

> saklolo

componer > kumpun

pero

> pero

3. Ang lahat ng salitang galing sa ibang katutubong wika sa Pilipinas ay maaaring panatilihin
ang orihinal na baybay.
vakul

hadji

ifun

caao

4. Ang lahat ng hiram na salita buhat sa Ingles ay maaaring panatilihin ang orihinal na
baybay, maliban kung taliwas sa nakasaad sa (5).
daddy
sir

boyfriend

joke

5. Ang lahat ng hiram na salita na naiba na ang kahulugan sa orihinal ay maaari nang
baybayin alinsunod sa katutubong sistema.
stand by = istambay up here = apr
hole in = holen

caltex = kaltek (tab)

6. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit.


telpon hindi telfon
pamilya hindi famili o familya epektibo hindi efektibo o efektivo
7. Kailangang tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya-kanyang
partikularidad alinsunod sa sistemang pamponolohiya nito. Kahit magkakahawig ang bigkas
(at letra) ng mga salita sa nanghihiram at sa orihinal na wika ay hindi pa rin masasabing
magkakatumbas ang mga tunog ng mga ito. Halimbawa, may ilang nagmumungkahi na
gamitin ang mga salitang deskriptiv at narativ (sa halip ng nakagawiang paglalarawan
at pasalaysay). Ayon sa mga ito, ang v ay katutubong tunog daw sa mga wika sa Pilipinas
kung kayat maaari na raw gamitin ito sa karaniwang mga salita. Ang baybay daw sa
deskriptiv at narativ ay bahagi raw ng leksikal na elaborasyon ng Filipino at bahagi ng
intelektwalisasyon. Hindi ito tamang katwiran, sa sumusunod na kadahilanan:
Ang v sa mga wika sa Pilipinas ay iba sa v ng Ingles. Panlabi ang artikulasyon ng v sa
Pilipino; labiodental naman ang sa Ingles Bukod dito, natatagpuan lamang ang v na
Pilipino a pagitan ng dalawang patinig; hindi ito nakikita sa dulo ng isang karaniwang salita at
pantig.
Ang ispeling na narativ at deskriptiv ay nakikipagkumpetensya sa narrative at
descriptive ng Ingles, at mababansagang maling ispeling.

Sa lumang tuntunin sa panghihiram, maaaring hiramin ang salita sa orihinal na anyo. Hindi na
kailangang isakatutubo ang ispeling ng salita.
Ang intelektwalisasyon at modernisasyon ng wikang pambansa ay hindi lamang nakasandig
sa pagkakaroon ng mga terminong magagamit sa diskursong pangkapantasan. Mas
importante pa rito ay ang kahandaan ng mga Pilipinong gamitin ang sarili nilang wika upang
lumikha at magpalitan ng bago, orihinal at makabuluhang mga kaalaman.
B. Pagbigkas sa mga Hiram na Salita na nasa Orihinal na Baybay
1. Sa pagpapanatili ng hiram na salita sa orihinal na anyo, ang mga letra, ma-katinig o mapatinig, ay maaaring kumatawan sa mahigit sa isang tunog, gaya ng ipinakikita ng
sumusunod na halimbawa:
a) Ang c ay maaaring kumatawan sa tunog na [k], [s] o [];
Spanish casa = ['ka.sa]
Italian

English ice =

['_ays]

cello = ['e.low]

b) Ang j ay maaaring kumatawan sa tunog na [j] o [h];


English

jack ['jak]

Spanish jai alai

['hay _a.'ly]

c) Ang x ay maaaring kumatawan sa tunog na [s] o [ks];


English

extra ['_eks.tra]

English xylophone

= ['say.lo.fown]

2. Kahit pinanatili sa orihinal na anyo, ang mga salitang dayuhan ay binibigkas pa rin ng
maraming Pilipino sa katutubong paraan gaya ng sumusunod:
Ang [f] ay binibigkas na parang [p]; father [_fa._ r] > [_pa_.der]
Ang [v] ay binibigkas na parang [b]; visa [_vi.sa] > [_bi.sa]
Ang [z] ay binibigkas na parang [s]; zoo [zu_] > [su]
Ang [] ay nagiging simpleng [a];
map [mp] > [map]
Ang [ow] ay nagiging [o]; goal [gowl] > [gol]
Ang [i_] ay nagiging [i];
brief [bri_f] > [brip]
g) Ang [u_] ay nagiging [u];
shoot [u_t] > [ut]
VI. PANGWAKAS. Ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong
lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga
gumagamit ng wikang pambansa mga nagsisimulang bumasat sumulat, at mga bihasa
nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay
Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di-Tagalog; mga dayuhang

gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing
tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging
siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito,
kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at kumbensyon sa patnubay na ito.
Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag, naimungkahi o
naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Sa
ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay
hindi masama kundi mabuting bagay.

1. "KALALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO"

Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog . Ang mga tunog na ito
ay tinatawag na ponema na matatalakay pa ng higit sa mga ka sunod na pahina.

2. "PONOLOHIYA"

Ang ponema ay tumutukoy sa mga makhulugang tunog ng isang wika. Ang makaagham na pag-aaral nito
ay tinatawag namang ponolohiya.

May dalawmpu't isang (21) ponema ang wikang Filipino, labing-anim (16) ang katin ig at lima (5) naman
ang patinig. Ang mga katinig ay ang mga sumusnod: /p,b,m,t ,d,n,s,l,r,y,k,g,n,ng,w,/. Ang katinig naman ay
ang /i,e,a,o,u,/.

3. "Morpolohiya"

Tumotukoy ang morpolohiya sa makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng


isang salita o morpema.
Ang morpema ay maaring isang ponema.Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa at
ing wika ay maaring mangahulugan ng kasarian.

Halimbawa:
maestro

vs

maestra

abugado

vs

abugada

Paulo

Paula

vs

tindero vs

tindera

Angelito

vs

Angelita

4. "Mga Pagbabagong Morpoponemiko"

Ang mga pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anu mang pagbabago sa karaniwa ng anyo ng
isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ito ay may ilan g uri.

a.) Asimilasyon

Sangkot ng uring ito ang mga pgbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dah il sa impluwensya ng
ponemang kasunod nito.

Dalawng uri ng asimilasyon;


Asimilasyong parsyal
Asimilasyong ganap

Asimilasyong parsyal- yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ at nagiging /n/ o /m/
o nanatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog.
Halimbawa:

[pang]+paaralan-------pampaaralan [pang]+bayan---------pambayan

Asimilasyong ganap- sa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa po nemang /ng/ ayon
sa punto ng artikulasyon na kasunod na tunog, nawawala parin an g unang ponema ng nilalapiang salita
dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Halimbawa:
[pang]+palo----------pampalo-----------pamalo[pang]+tali-----------pantali--------------panali

b.)Pag-papalit ng ponema

May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.

1. /d/----- /r/

Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napap alitan ng ponemang /r/
kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Halimbaw:
ma-+dapat------------marapat
ma-+dunong----------marunong

2. /h/-----/n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa
pagsusulat na panlaping
/-han/ ay nagiging /n/.
Halimbawa:
/tawah /+ -an--------/tawahan/--------tawanan

3. /o/----/u/
Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhunlapian osalitang in
uulit ay nagiging /u/.
Halimbawa:
dugo + an----------dugoan
mabango----------mabangung-mabango

c.) Metatesis
Kapag ang salitang ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng posisyon.
Halimbawa:
-in- + lipad--------nilipad
-in- + yaya--------niyaya

d.) Pagkakaltas na ponema

Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang ponimag patinig ng saliat

ng-ugat ay nawawala sa pag huhunlapi nito.


Halimbawa:
takip + an--------takipan-----------takpan
kitil + in----------kitilin-------------kitlin

e.) Paglilipat-diin

May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian.


Halimbawa:
basa + -hin------------------basahin
ka- + sama + -han----------kasamahan
laro + an--------------------laruan(lugar)

f.) Reduplikasyon

Pag-uulit ng pantig ng saliata.


Halimbawa:
aalis

matataas

pupunta

magtataho

masasaya

naglalakad

4."Sintaksis"

Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Halimbawa:


Nanay! (panawag)

Aray! (nagsasaad ng damdamin) Sulong! (utos)


Opo (panagot sa tanong)
Umuilan (pandiwang palikas o penomenal)

titiksalitapangungusapdiskurso

ponema

morpema

sintaksis

ponolohiya

morpolohiya

(palatanungan) (palabusan)

5."Pagpapalawak ng pangungusap"

Ang mga maaring gamiting pampalawk ng pangungusap ay 1.) paningit at 2.) panurin g (pang-uri at pangabay) at 3.) kaganapan ng pandiwa.

a.)Mga paningit bilang pampalawak

Mga paningit o ingklitik ang ta wag natin sa mga katagang isinasama sa pngungusa p upang higit na
maging malinaw ang kahulugan nito.
Talaan ng ating mga paningit:

ba na ho po

kasi naman lamang/lang sana

kaya nga man tuloy

daw/raw pa muna yata

din/rin pala

Ang mga paningit ay may tiyak na posisyon sa loob ng pangungusap. Ang mga katagang ka, ko at mo ay
maaring manguna sa paningit. Watong pagamit ng mga paningit:

1. Unang salitang may diin + paningit


2. Unang salitang may diin +ka/ko/mo + paningit
Halimbawa:

Unang salitang may diin + paningit


a.) Ang bata na ang tawagin mo.
b.) Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.

Unang salitang may diin + paningit


a.) Bakit ka nga ba hindi dumating?
b.) Hinihintay ko naman siya ngunit talagang hindi siya dumating.
c.) Alam mo ba ang dahilan ng kanyang biglang pag-alis?

Sa ating talaan ang mga paningit aymapapansing may mga pningit na malayang nagk akapalitan, tulad ng
daw/raw at din/rin.

Sa kolokyal na gamit, ang daw at raw, din at rin ay malayang nagkakapalitan kah it na sa anung kaligirang
ponemiko. Sa mga pormal na okasyon, may mga taong nag bibigay ng pagkakaiba sa gamit ng daw at raw,
din at rin. Ang daw at din ay g inagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig, maliban sa
mga m alapatinig na /w/ at /y/. Samantala ang raw at rin ay ginagamit kapag ang sinusu ndang salita ay
nag tatapos sa patinig o malapatinig na /w/, /o/, /y/.

Halimbawa:
Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napag bigyan.
Swelduhan din daw ang ama niya.
Maswerte na rin naman ang batang yon.
Buhay raw ang nakulong sa minahan.
5. Kalabaw
raw ni
Kuya ang nawala.

Ang lamang ay pormal


na
anyong
kolokyal na anyo ng
lang.
Halimbawal:

1. Isasanguni
po lamang namin ang

taga pangulo ng komite ang hi


ngil sa suliranin ng
kaspi.

2. Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.

b.) Mga panunuring bilang pampalawak

Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panu ring sa pangngalan
o panghalip, at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-ur i o kapwa pang-abay.

Btayan ng
Pangungusap

Ang
mag-aaral ay iskolar.

1.Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri


Ang matalinong mag-aaral ay
iskolar.
2. Pagpapalawak sa
pamamagitan ng pariralang panuring
a.)
Ang

matalinong
mag-aaral
sa klase ko ay iskolar.
b.)
Ang
matalinong
mag-aaral
sa klase ng kasysayan ay iskolar.
c.)
Ang
matalinong
mag-aaral
sa klase ng kasysayan ay iskolar sa pamantasan.
d.)
Ang
matalinong
mag-aaral
sa klase ng kasysayan ay iskolar ng pamahalaan
sa pamantasan.

e.)
Ang
matalinong
mag-aaral
sa klase ng kasysayan na magaling mag talumpati
ay iskolar
pamahalaan
sa pamantasan.

3.Pagpapalawak sa pamamagitan
ng
ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tu
ngkulin ng
pang-uri.

a.) Pangngalang ginagamit na panuring

Ang mag-aaral na babae ay eskolar.


b.) Panghalip na ginagamit
na
panuring

Ang mag-aaral na babaing


iyon ay
eskolar.
c.) Pandiwang ginagamit na
panuring

Ang mag-aaral na babaing

iyon na
nagtatalumpati ay eskolar.

Diskurso- ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng isang minsahe, ito
man ay pagpapahayag, pasulat man o pasalta.

- ay functional. Paglalahad-ay isang anyo ng pagpapahayag.

"Konteksto ng Diskurso"

Kontekstong Interpersonal- ito ay usapan pang mag-kaibigan.

Kontekstong Panggrupo- pulong ng isang samahan pang mag-aaral.

Kontekstong Pang-organisasyon- memorandum ng pangulo ng isang kompanya sa lahat ng


empleyado.

Kontekstong Pangmasa- pagtatalumpati ng isang politiko sa harap ng mga botante.

Kontekstong Interkultural- pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN.

Kontekstong Pangkasarian- usapan ng mga mag-asawa.

"Mga Teorya Ng Diskurso"

Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon.

Speech act theory- isang teorya ng wikang batay sa aklat na "how to do things with words" ni JL
Austin(1978)

Ethnography of communication- ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, ga mit, patern, at


tungkulin.

1.
Introspection
5.
Ethnosemantics
2.
Delached observation
6. Ethnomethodology
3.
Interviewing
7.
Prenomenelogy
Philology

* Communication accommodation theory- sinusuri ang mga motibasyon at kasikwens n g


pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon.

* Narrative paradigm- ay nag lalarawn sa mga tao bilang mga storytelling.

komunikatib kompitens kasanayanexpertise sa paggamit ng wika pasulat man o pasalit

a.
diskurso

(tunogsalitapangungusapdiskurso)

You might also like