Professional Documents
Culture Documents
Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban
ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa
isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong
angkinin at ipagmalaki.
Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang
kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip,
nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan.
Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa
ibat ibang aspeto ng buhay.
Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
(Henry Gleason)
Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil
sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan.
(Thomas Caryle)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasamasama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng
mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra)
Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:
1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
May ibat ibang katangian ang wika
1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo
2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang
wika
3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang
ilahad ang
nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang
makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,
maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sakin,kelan
Meron ka bang dala?
1. Paghango sa mga
salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga
wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng
kahulugan ng salitang
tagalog
Halimbawa:
Buwaya (crocodiles
greedy)
Bata (child girlfriend)
Durog (powdered
high in addiction)
Papa (father lover)
4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam paki
Tiyak tyak
5. Pagbabaliktad
Buong Salita
Halimbawa:
Etned bente
Kita atik
Kulang kulongbisi
Papantig
Halimbawa:
Dehin hindi
Ngetpa Panget
Tipar Parti
6. Paggamit ng
Akronim
Halimbawa:
G get, nauunawaan
US under de saya
7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak Palpak Bigo
Torpe Tyope torpe,
naduwag
11. Kumbinasyon
Pagbabaligtad
at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya Yahi Dyahi
Pagpapaikli at pagPilipino
Halimbawa:
Pino Pinoy
Mestiso Tiso, Tisoy
Pagpapaikli at
Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon Talon Lonta
Sigarilyo Siyo Yosi
8. Paghahalo ng salita
Halimbawa:
Bow na lang ng bow
Mag-jr (joy riding)
Mag-gimik
Mag-MU
Panghihiram at
Pagpapaikli
Halimbawa:
Security Sikyo
Brain Damage Brenda
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 pumutok
1433 I love you too
50-50 naghihingalo
Panghihiram at
Pagdaragdag
Halimbawa:
Get Gets/Getsing
Cry Crayola
10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti isputing
Varyasyon ng Wika
1. Dayalek/ Dayalekto
-pagkakaiba iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.
-wikang sinasalita ng isang neyographical.
Hal: pakiurong nga po ang plato (Bulacan hugasan)
pakiurong nga po ang plato (Maynila iusog)
2. Idyolek
-nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat
ng mga
tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa)
-Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.
Hal: Tagalog Bakit?
Batangas Bakit ga?
Bataan bakit ah?
3. Sosyolek
-baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na
kanyang
kinabibilangan.
-may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita
Hal: Wika ng mag-aaral
Wika ng matanda
4. Register
-isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng
wika.
-mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.
-pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika
ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) naaayon ang wika sa
sino ang
nag-uusap.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) batay sa larangan na
tinatalakay at sa
panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) pasalita o pasulat
pagtalima sa