You are on page 1of 76

Prop. Ma.

Carmen Pealosa (Miriam College)


Dr. Zeus Salazar (Retiradong Propesor
UP Diliman & DLSU Maynila)
Copyright 2011

Sino ang di gagawa ng lahat para sa kabunyian, ngunit sino


Ang gagawa noon na nagsasawalang-imik?
.
Di-abalang lumalabas ang Kadakilaan
At walang-bisang nagtatawag ang Kabunyian
Sa mga gumawa ng dakilang kabayanihan:

Magpakita kayo
Saglit man lamang

Mga di-kilala, may takip ang mukha, at tanggapin


Ang aming pasasalamat.
(Bertolt Brecht, Papuri sa Ilegal na Pagkilos.)

Kasama ang angkan Bonifacio, masasabi na ang angkan RizalMercado ang pangunahing nagsulong ng diwang mapaghimagsik noong
huling bahagi ng Ika-18 na Dantaon, na higit na mahalaga sa
kasaysayan ng ating pagiging Bansa.1) Ngunit mas malinaw at lantad
ang heroismo (mula sa Kastilang hroe at Anglo-Amerikanong hero) ni
Dr. Jos Rizal, katangian at dalumat na hindi maitutumbas sa ating
kabayanihan (mula sa bayani na anyong Tagalog ng Austronesyanong
*baRani) na hindi nakatuon
sa katanyagang personal at
indibidwal kundi sa pagdulot
ng kaginhawahan
sa Bayan at, kaugnay nito, sa
pagpapanatili ng kabuuan ng
pamayanan at lipunan .2)

Larawan I
Hroe at Bayani

Kumpara sa heroismo ni Rizal na lantarang kumabaka sa


sistemang kolonyal ng Kastila alinsunod sa ipinangangalandakan
nitong legal na patakaran, ang kabayanihan ng kanyang kaangkan
ay isinagawa sa labas ng legalidad kolonyal, sa pamamagitan ng
lihim na pagkilos upang itatag ang kaayusang batay sa sariling

kalinangan. Naging kasapi at tagataguyod sila ng Katipunan ng


mga Anak ng Bayan na ang tanging adhikat layunin ay ang buuin
si/ang Inang Bayan, hindi ang isang Nacin (nasyon) na

natutunan ng mga Propagandista sa Kanluran at ang anyo, sa


kabuuan, ay hindi naiiba sa kinakabakang sistemang kolonyal. 3)

Sa papel na ito, ipakikilala namin sila, upang silay pasalamatan sa


kanilang lihim na pagkilos para kay/sa Inang Bayan nang walang
hangaring mapatanyag. Sa wakas maipagbubunyi natin sila bilang mga

bayani: ang dalawang kapatid na babae ni Rizal na sina Josefa at


Trinidad at ang kanilang dalawang pamangkin na sina Angelica at
Delfina; ang nasa likod ng mga ito (at ni Pepe mismo) na si Paciano;

ang mga ina ng dalawang pamangkin nila na sina Narcisa at Lucia; at


marahil pati na ang di-kilala dahil kinalimutan nang si Soledad na ang
asawa ay naging Katipunero rin, si Pantaleon Quintero, na kasamang

nakibaka ni Heneral Paciano. Sa konklusyon, tutukuyin namin kung


paano naiiba ang kanilang kabayanihan sa heroismo ni Pepe.

MGA RIZAL MERCADO


SA PAMUNUAN NG KATIPUNAN
Di tulad ng kanilang kapatid at tiyuhin na si Pepe, naging

mapaghimagsik sina Josefa at Trinidad, at sina Angelica Rizal Lopez at


Delfina Rizal Herbosa, kung ang pagbabatayan ay ang kanilang
pagkabuo sa sangay pangkababaihan ng Katipunan noong Hulyo 1893,

kasama si Marina Dizon, anak ni Jose Dizon, kasama ni Bonifacio sa


pagtatag ng Katipunan. Naroon din si Gregoria de Jesus4) na noon ay
hindi pa kasal kay Andres Bonifacio [naganap lamang ang kasal noong

mga unang buwan ng 18945)].

Larawan II
Pamunuan ng Sangay ng
Kababaihan ng KKK
Josefa Rizal, 1865-1945
(Pangulo)
Gregoria de Jesus, 1875-1943
(Pangalawang Pangulo)

Angelica Rizal Lopez, 1877-37


(Tagausig)
Marina Dizon, 1875-1950
(Ingat Yaman)

Nahalal si Oryang na pangalawang pangulo habang ang


nakatatandang si Josefa (28 anyos noong 1893 kumpara sa 18
anyos nina Oryang at Marina) ang siyang naging Pangulo. Sa
kabila ng kanyang 25 anyos nagparaya si Trinidad sa 16 anyos na
pamangkin niyang si Angelica,6) anak ni Narcisa, na naging
Tagausig; habang si Marina ay piniling Ingat-yaman (sa ibang
batis, Kalihim). Kasama ni Trining sa pagiging kasapi ang
pamangking trese-anyos lamang na si Delfina (1879-1900), anak

ni Luca.

Patakaran ng KKK na matatanggap lamang ang mga babae sa


samahan kung sila ay asawa, anak. kapatid, o kamag-anak ng isang
kasapi. Papaano naging bahagi hindi lamang ng bagong likhang
sangay at ng mismong pamunuan sina Josefa at Angelica, kasama
ang dalawang pakmangkin? Ayon sa mismong testimonya ni
Oryang, a number of Rizals relatives were at the very least closely
acquainted with the leaders of the Katipunan.7) Nagsagawa pa nga
ang Katipunan ng piguing ng mga pamilia ng ating Px Dr. Rizal
(ibid) noong Marso 1895. Kung gayon, sino sa buong angkan ang

masasabing malapit sa Bayan, may diwang mapaghimagsik


ng Katipunan at dahil ditoy mapaghihinalaang kasapi nito,

Larawan III: Si Paciano at ang mga Kapatid


at Pamangkin bilang kasapi ng Katipunan

Josefa
Paciano

Angelica

Delfina

Trinidad

sa paraang lihim? Isang taong matatag at maasahang magpapakilla


at magpapsok ng mapaghimagsik ding (mga) kapatid na babae,
asawa, anak o kamag-anak (i.e., pati pamangkin) sa Katipunan?

Sa magkapatid, higit sa malamang na si Paciano ito at tiyak na


hindi si Pepe. Una, sa pagkabuwal ng kanyang kapatid sa Luneta,
agad-agad na dinala ni Paciano, kasama sina Trinidad at Josephine
Bracken, ang orihinal ng ltimo Adis kay Gat Andres Bonifacio sa
Cavite. Ibig sabihin, implisitong kilala na ni Paciano (at ni Trinidad)
bago pa man ang 30 Disyembre, 1896 si Boni at alam nila kung saan
ito matatagpuan. Ganito ang pagkalahad ni Santiago Alvarez sa
pagkikita ng tatlo:8)

. Ika-30 ng Disyembre, 1896. Umaga nang barilin si Dr.


Rizal sa Bagong-Bayan ng Maynila, at nang mahigit sa
ika-1 oras n. t., si Josefina at si Trining ay dumating sa
[San Francisco de] Malabon [ngayon Heneral Trias]
kasama si G. Ponciano (sic) Rizal, nagtuloy at nakipagkita
sa Supremo Bonifacio sa bahay ni Ginang Estefania
Potente; dala ang dalawang maliliit na tiklop na papel, na
nang katapusang pagdalaw nila kay Dr. Rizal sa
bilangguan, ay nakuha sa ilalim ng kusinilyang inilabas.
Maliliit na maliliit ang sulat; ang isay wikang
Kastila, na siyang Ultimo Adios, at sa himanhik ng
Supremo ay maiwan muna sa kanya at siya ang unang
tumagalog; ang isay wikang Ingles, at itoy ipinabasa at
ipinatagalog, kay G. Lorenzo Fenoy, taga-Batangan ..

Ang unang salin ng tula ni Rizal, samakatuwid, ay sa wika ng


Bayan. At itoy dulot ng pamamagitan ng magkapatid na sina
Paciano at Trinidad. Ang salin ni Bonifacio ay matutunghayan ang

unang anim na taludtod sa susunod na dalawang islayd [Tingnan sa


Apendise ang buong salin].
Hindi pa gaanong gumagaling si Paciano noon sa pagkatortyur
sa kanya sa Fuerza Santiago kung saan siyay halos mamatay ngunit
hindi niya ipinagkanulo ang kapatid at, lalot higit, ang Katipunan.
Tulad ng napahiwatig na, hindi sana natanggap ang kanyang mga
kapatid at pamangkin sa sangay pangkababaihan kung wala siyang
anumang kaugnayan sa Katipunan.

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,


Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,


cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw

(Tingnan ang buong salin sa Apendise)

Sa katunayan, at ito ang pangalawang patunay, noong a 29

Disyembre pa, nang pinag-usapan ang balak ng Katipunan na iligtas


si Rizal habang iminamartsa ito sa Luneta, naroroon na sa pulong si
Paciano at tumutol daw ito dahil mas mabuting isa ang mamatay

kaysa dalawa.9) Ibig sabihin, isa na siya noong tagapagpasiyang


kasapi ng Katipunan
Sa Memoirs ni Heneral Santiago V. Alvarez (ibid, talababa 8 at
9), anak ng pinuno ng Magdiwang na si Mariano Alvarez (Larawan
IV), malamang na payak na interpretasyon ang naitala hinggil sa
talagang winikang pagpapahinahon ni Paciano. Sa katunayan, tiyak
na alam ni Paciano na hindi na malulusob nang basta-basta ang
Maynila dahil handa na ang mga puwersa rito sa anumang maaaring
mangyari, lalunat bibitayin ang inaakalang pinuno ng rebolusyon.

LARAWAN IV
Watawat ng Magdiwang ng Cavite
sa pamumuno ni Heneral Mariano Alvarez
(Punahin ang walong sinag ng Araw)

http://www.philippinecountry.com/philippineflag.html . Inakses: ix-09-2011.

Madalas si Paciano sa Maynila noong simula ng Krisis sa Calamba at

palabasa rin siya ng mga peryodikong lokal at pati na banyaga (may


suskripsyon siya sa Le Matin ng Pransya at pinapadalhan siya ng
mga peryodiko mulang Espanya).

Nang halos mamatay siya sa

tortyur sa Fuerza Santiago at pinakawalan dahil dito, dinala siya sa


bahay ni

Narcisa 10) kung saan tiyak na nakasagap siya ng

pinakabagong balita tungkol sa pagdating ng mga dagdag-

puwersang Kastila sa Maynila,


Buhat ng nabigo ang napagkasunduang sabay-sabay na
paglusob ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio noong Agosto
29-30 sa Maynila dahil sa pagkapatapon sa Marawi ng 500
sundalong Pilipino na nakatakda sanang mag-alsa sa loob ng
Intramuros at gayundin dahil sa di pagsipot nina Aguinaldo

sa Ermita mulang Cavite upang sumama sa pagsalakay sa

Intramuros, 11) regular nang nagsisidatingan ang mga dagdagpuwersa mulang Mindanaw simula pa noong Setyembre at,
pagkatapos, mulang Espanya simula noong Oktubre 1 nang

dumating ang unang 22 opisyales at 895 na sundalo sa ilalim ni


Kolonel Juan Herrera.12)
Ang istratehiya ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco ay
tipunin muna ang mga tropang dumarating sa Maynila upang
ipagtanggol ito, higit sa lahat ang Intramuros. (Larawan V). Sa
pag-uudyok ng mga Dominikano pinalitan noong Disyembre 13 si
Ramn Blanco ni Camilo, Marquez de Polavieja Beterano ng Cuba,
agad-agad nagsimula itong ihanda ang mga puwersang Kastila sa
opensiba laban sa Cacarong de Sile at sa mismong Cavite.

LARAWAN V Oktubre 1, 1896:


Parada ng mga Dagdag-puwersa
mulang Espanya sa Intramuros.

http://www.freewebs.com/philippineamericanwar/Spa
nish%20expeditionary%20battalion%20arrives%20in%
20Manila%20Oct%201896.jpg. Inakses: ix-09-2011.

Napahalagahan ng pulong ang argumento ni Paciano; para kay


Bonifacio, marahil dahil mas malinaw sa kanya ang implikasyon ng
nagsisidatingang mga dagdag-puwersang Kastila; kung kaya't hindi
natuloy ang balak na sagipin sa Rizal.13) Pangatlong patunay na kasapi
ng KKK si Paciano, bandang Enero 1897 hinirang ng Pamahalaan ng
Haring Bayang Katagalugan ni Bonifacio (Larawan VI) sa Cavite
(Larawan IV) si Paciano bilang Heneral ng Dibisyon sa Batangas. 14)
Makapagpapatunay ang lahat ng nabanggit na dahilan na kasapi
si Paciano ng KKK , marahil bago pa man ang Hulyo 1892 lalunat
buhat pa noong estudyante siya sa Maynila ay aktibista na si Paciano

laban sa gobyernong kolonyal. Samakatuwid, maipagpapalagay na ang


magkakapatid at pamangkin ang siyang pangunahing pinarangalan sa
nabanggit nang piging para sa pamilya Rizal noong Marso 1895 (supra).

Larawan VI
Personal na Watawat ni Gat Andres Bonifacio
(Museo ng Katipunan, Baranggay Bulaklakan, Lungsod ng Lipa}

Nang pinaslang ang Supremo nagpatuloy si Paciano sa kanyang


tungkulin bilang heneral ng Katipunan; ngunit hindi siya katulad ni
Aguinaldo: tumutol siya sa Kasunduan ng Biyak-na-Bato at hindi
sumama sa Hongkong. Gayumpaman, lumaban pa rin siya nang
pumasok ang bagong kolonyalistang Amerikano. At nang itoy
nagwagi, nangako siyang hindi manggugulo huwag lamang
papagsumpain sa bandilang Amerikano dahil sa watawat ng Pilipinas
siya sumumpa,
Tulad ng naipahiwatig na, may pagkarebelde si Paciano simula
pa noong siya ay estudyante sa Unibersidad ng Santo Toms (Larawan
VII) kung saan sumapi siya sa Juventud Escolar Liberal, ang pangkat

pangmag-aaral ng Comit de Reformadores na itinatag noong 1869


upang humiling ng reporma sa pamahalaang kolonyal. Dito nakilala

Larawan VII
Kampus ng Universidad ng Santo Toms noong ika-19 na Dantaon
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/e/ec/UST_Intramuros.jpg. Inakses: IX-13-2o11

ni Paciano si Padre Burgos, ang pinuno ng kilusang sekularisasyon;


at nang binitay ito noong 1872 (Larawan VIII) kinailangan niyang
bumalik, 21 anyos ang gulang, sa Calamba kung saan pinamaha-laan
niya ang mga sakahan ng pamilya dahil tumatanda na si Don
Francisco. Buhat noong 1869 pa tumatayo na siyang parang tatay kay
Pepe na kanyang dinala upang magpatuloy ito ng pag-aaral sa Bian,

pugad ng pamilya ni Doa Teodora. Si Paciano rin ang nag-alaga sa


edukasyon ni Pepe sa Maynila hanggang sa noong 1882 lihim itong
umalis patungong Europa. Ipinayo ni Paciano, isang francophile, na

siya'y mag-aral sa Pransya, lunduyan ng kaisipan at kilos


rebolusyonaryo, ngunit ang pinili niya ay ang Madre Espaa. Dito pa
lamang malinaw na ang epekto sa kanya ng Ateneo de Manila

Larawan VIII
Sina Padre Mariano
Gomez, Padre Dr. Jose
Burgos at Prayle Jacinto
Zamora

at ang pagkakaiba niya sa kanyang kuya. Itong huli ay matagal nang


sumusuporta sa mga pagkilos laban sa sistemang umiiral sa kolonya at
nang sumiklab ang krisis agraryo sa asyenda ng Calamba siya ang naging
pangunahing lider ng mga ingkilino at pesante laban sa panggigipit ng
mga Dominikano. Dalawang taon matapos umalis si Pepe, sinulatan niya
ito na "dapat magpakilala ka [riyan sa Pransya] bilang Pilipino at hindi
bilang Hapones; walang dahilan kung bakit ikahihiya ng isa ang kanyang
nasyonalidad; ipinagmamalaki natin na tayo ay Indios, dahil ang mga
Indios ay may damdamin at nag-iisip tulad ng nalalabing sangkatauhan."15) Ngunit sa piling ng mga kapwa Indio sa mga mahihirap at
naghihirap ang pagmamalasakit ni Paciano. Noong Pebrero 1886 sinulatan ni Lucia si Pepe na dumoble ang paghihirap ng mga tao kumpara sa
nang siya ay umalis.16) Mangyari pa, kasama na rito ang atake ng balang,

Larawan IX
Ang Ilustrado at mga Karaniwang Indios noong
\Ika-19 na Dantaon (Kalamba at Maynila)
http://www.flickr.com/photos/johntewell/3968137516/#/photos/johntewell/3968137516/lightbox/

kolera, lindol, bagyo at baha [Larawan IX]. At nagsisimula na rin noon ang
panggigipit ng mga prayle. Mangyari pa, batid ito ni Paciano. Noong
Disyembre ng taon ding iyon, bilang malumanay na tugon sa palagiang
himutok ni Pepe hinggil sa padala mulang Pilipinas, ay sumulat ang kuya na:
. Naiintindihan ko simula pa na ang buhay mo riyan
ay mahirap dulot ng kaliitan at di-kadalasan ng padala
sa iyo , ngunit wariin mo naman na nakikisali ka lamang
sa aming pagdururusa.17)

At hindi lamang sa balana iniisip ni Paciano na makiramay sa paghihirap

kundi sa bawat indibidwal na nangangailangan ng tulong. Ipinagtanggol niya


ang mga mamamayan ng Kalamba nang pumutok nang lubusan ang krisis
laban sa mga Dominikano; lagi siyang nasa Santa Cruz, punongbayan

ng Laguna, upang harapin sila sa korte. Ayon kay Trinidad sa isang


sulat sa wikang Tagalog noong 30 Mayo 1890:
. ang atin pinaka mamahal na kapatid na Paciano
ay hindi na titiguel dito sa atin bahay at palagu g
na sa Santa Cruz halos tuing makalaua ay na paparoon
sa paghohombrebueno que Nicasio Eigasani.18)

Kung kaya naman naisulat sa wikang Kastila ng 13 anyos na si


Anglica kay Pepe noon ding 30 Mayo ng 1890 na nasa mabuting

kalagayan ang kanyang tiyuhin, ngunit inuuban na siya,


nagmumukha nang isang matandang 60 anyos na ang gulang.19)
Wala pa siyang singkuwenta noon.

Nang nakatakas si Paciano sa Hongkong mula sa pagkaeksilo sa


Mindoro at napatawad ng gobyerno, hindi siya nag-atubiling ipagpalit
ang sarili sa kanyang bayaw na si Antonino Lopez, ama ni Angelica at
asawa ni Narcisa, upang mailigtas niya ito sa pagpapatapon sa Jolo.
Nabalitaan ito ni Rizal sa Dapitan. Ang kanyang komento sa isang sulat
na may petsang ika-25 ng Hulyo 1892 ay simpleng: Pinupuri ko ang
ginawa /inasal (comportamiento) ng aking kapatid ngunit hindi ko
ito hinahangaan.20) Hindi nilinaw ng nakababatang kapatid kung
bakit hindi kahanga-hanga ang pagmamagandang-loob ng kuya.
Tulad ng dalawa pang bayaw na sina Silvestre Ubaldo at Manuel
Hidalgo, ipinaglaban ni Paciano hindi lamang ang sariling angkan
kundi ang lahat ng pamilya sa Calamba sa mga akusasyon at
pagpapaalis sa kani-kanilang lupain at tahanan dahil tumututol sa

pagtataas ng renta at iba pang panggigipit. Masigasig at walang takot


ding tumulong si Ubaldo, balo na kay Olimpia mula 1887, at si
Hidalgo, asawa ni Saturnina at nag-aral ng batas. Isa ring intelektuwal, tutol ito sa balak ni Rizal na ilipat ang buong angkan at iba

pang taga-Calamba sa Borneo dahil, ayon sa kanya, hindi magandang


iabandona nang ganyan na lamang ang lupang tinubuan.21) Naeksilo
sila, si Hidalgo sa Bohol. Si Ubaldo kasama ni Pacianong ipinatapon sa
Mindoro; tumakas mula rito ang dalawa, nang silay ililipat sana sa
Jolo dahil nakikipag-ugnayan pa si Paciano sa mga inaaping
kababayang taga-Calamba.
Magtataka kami kung hindi sumimpatiya kahit papaano ang mga
bayaw sa Katipunan pagdating ng oras, kasama si Antonino Lopez,
ang ama ni Anglica, na ipinatapon din sa Mindoro. Kung

sumisimpatisa nga ang tatlong bayaw, lihim ito. Lihim, ngunit hindi

tulad ng paglilihim ni Paciano; tungkol dito wala pang nakakalap na


dokumento hanggang ngayon na direktang nag-iimplika sa kanya sa
Katipunan, liban sa nabanggit na sa itaas . Hanggang 1896 klarong

kinailangan ni Pacianong ilihim ang alinmang kaugnayan sa KKK


dahil mainit na ang mata ng Kastila sa kanya dahil sa Calamba, sa
kanyang aktibismo sa U.S.T. (Larawan VII) at kaugnayan kay Padre
Burgos.
Ang pinakamalihim (at pinakamatanda rin) sa lahat ng katipunerang Rizal -- sa katunayan halos malihim pa kaysa kay Paciano o
Bonifacio pa nga -- ay si Josefa. Maiintindihan ito sa isang pinuno at
siya nga ang pinuno ng sangay pangkababaihan. Nabanggit na natin
na hindi siya sumama kinaTrinidad at kanilang nanay sa Dapitan

dahil kahihirang pa lamang niyang pinuno noong Hulyo 1893. Kay


Anglica may rekord tayong kasama siya ng kanyang tiyuhin nang
itoy ingat-yaman ng Katipunan. Ngunit kay Panggoy wala. Ayon

nga sa feministang si Dr. Lilia Quindoza-Santiago, kilala [ng


Katipunan] ang mahalagang tungkulin ni Josefa; kaya ngat
nakapanghinayang na:

. walang mga dokumento o marahil , di pa natatagpuan ang


magpapatibay sa mga nagawa ni Josefa bilang pangulo ng sangay

ng kababaihan ng Katipunan, laluna yaong kanyang mga nasulat


pagkat maaari ngang isa rin siyang manunulat, ayon pa rin sa ilang
historyador. 22)

Mahirap pa sa aming matiyak ang buong pagkatao ni Panggoy.


Halimbawa, sa isang sulat kay Rizal na madalas maghimutok na
hindi siya nakakatanggap ng sulat mula sa pamilya, hindi malinaw
kung mapagpakumbaba o naiinis si Panggoy sa kanyang
nakatatandang kapatid. Ika niya sa sulat, sapagkat minamapait g
iyong kalooban, ang kasinugaligan sasabihin niya na raw ang
katotohanan na:
ay! ang nag dadala sa amin ay ang malaking
katamaran sa pag hauak g pluma at ang ikalaua,i,
nalalaman mo na at hindi kala sa iyo ang ka salatan
g aming mga isip.Kung sakalt mabigat ang loob
mo sa amin, ikaw na ang bahalang mag patawad
g mga kapus namin kaisipan. 23)

Katulad ni Paciano si Josefa sa hindi palasulat at di pagkamatabil,


kung baga ang kabaligtaran ng ugali ni Pepe. Sa magkakapatid, ang
lagi niyang kasama ay ang nakababatang si Trinidad at masasabing
ito ang kanyang pinagkakatiwalaan. Halos pareho ang kaisipan at
tunguhin sa buhay, At kapwa malapit kay Paciano at kay Narcisa.
Kasama si Trining, madalas silang magliwaliw sa Pansol at sa
Lechera nina Narcisa, ang mga anak nitong lalaki at si Anglica, at
sina Lucia at mga anak na babae nito, kasama si Delfina. Sa Lechera
(Larawan X) ang puntod ng yumaong asawa ni Lucia, si Marianito, 24)

na hindi pumayag ang pari ng Calamba na ilibing sa sementeryong


Katoliko dahil di-umanoy hindi na nagkokomunyon buhat nang siya
ay ikasal kay Lucia, kung kayat doon na lamang sa Lechera inilibing.

Larawan X
Lechera (Calamba City) Ngyon
http://www.flickr.com/photos/oogam/3431540984/sizes/l/in/photostream/. Inakses 9/19/11

Matalik ang ugnayan ni Paciano sa kanyang di palasimbang bayaw.

Kapwa sila mahilig magbasa ng Diariong Tagalog ni Del Pilar. Sa isang


sulat kay Pepe iniulat ni Marianito na:
Buhat na nang lumipas ang pag cacamatay ng tauo [sa
epidemya ng kolera] ay caming dalaua ni Paciano ay palagui
nang nasasabundoc at doon na cami natutulog nang, cun
sabado lamang cami umuuwi at cun lunes cami umaahon,
dahilang si Paciano ay nag papagaua nang camalig napipihitan [ng tubo] 24)

Bukod dito, naging magkumpare rin ang dalawa sa panahong ito

dahil tumayong ninong si Paciano sa anak ni


Marianito na pinangalanang Jose ni Luca sa tiyuhin nitong
nasa Europa. 25)

Larawan XI

Narcisa

Lucia

Hindi masasabing kaya lang hindi pinayagang ilibing si Mariano

Herbosa nang walang bendisyon ng Simbahan ay dahil kay Pepe. Tulad


ni Luca isa siyang tumututol sa kagagawan ng Asyenda. Sa isang sulat
niya kay Pepe, sinikap niyang ilahad ito:
. Dine ay maraming bagay ang pag babayad nang buis,
ang tubigang tinatauag nila ay cahit ualang tubig, ay mag
babayad ka nang buis na limang puong cavan palay at limang pisong cuarta ($5 p.s) sa lupang may hasic, anim na

cavan ang binhi; cung cayo man sacali ay nag casundo


ay dinadagdagan pa cun maquita nilang mabuti ang halaman, at hindi naman binabauasan cun masama ang ani.
--- Ang totoong magul ay ang maga lupang quinatitirican

nang maga bahay sa loob ng bayan, ualang matuid na guhit


na tinutunton.. 26)
At nang yumao na nga si Marianito nagkaroon kaagad si

bahay. Tulad ng ibang mga taga-Calamba.

Luca sa kanilang

Nang namatay si Marianito sa kolera, lalo pang napalapit


kina Paciano at Narcisa (Larawan XI) si Lucia , higit sa lahat
nang lubusan na siyang inaapi ng mga tagapamahala ng asyenda.
Hindi na makapagpigil ang biyudang magbulalas ng damdamin
tungkol sa kalagayan ng bayan ng Calamba, partikular ang
kuntsabahan ng pinuno nito at ng asyenda, tulad ng isinulat niya

kay Pepe noong ika-30 ng Mayo, 1890 na:


.sigurong mag daramdam ang puso mo, dahil sa
cabulagan g ating cababayan; gayon ay purong abuso, caululan
at ang despotismo ang naghahari. Acalain mo nalaang kung
papaano ang mangyayari . ano pat buloc na buloc gayon ang
ating bayan. Ang C. [Capitan] ay dalaua ang much at segurong
prolongado.27)

Larawan XII

Panggoy

Trining

Malalaman natin sa sagot ni Trining sa isang sulat ni Pepe tungkol sa aming tayo [tay = kalagayan] ni Sra. Pangoi na noong

Mayo 1890, kung gabi, sila ay pinakakaen at doon natutulog sa


atin kapatid na Luca. Itinuturing silang dalawa ni Panggoy
(Larawan XII) na parang magkakambal at higit na malapit sila

kay Luca. Hindi nakapagtataka na kahit na minor de edad pa si


Delfina na anak nitong huli ay pinayagan siyang sumama kina
Panggoy para maging miyembro ng Ka-tipunan, tiyak sa

pamamagitan ni Paciano.

Anim na taong gulang pa lamang si Delfina, nanghihinayang ang


kanyang ama na hindi naging lalaki ang bata dahil:

. matalas sana ang ulo at totoong masipag mag


aral, palaguing sinasauay ng caniyang Yna at baca
lumubh ang sigao nang mata, totoo lamang

matigs ang ulo 28)

Hindi nakapagtataka na siyay bata pang sumali sa Katipunan,

lalunat naging biktima ng pang-aapi ang kanyang ama nang itoy


pumanaw.

Larawan XIII
Mga Nagpapaeksilo sa Hongkong sakay ng tren patungo sa Pangasinan

Si Paciano naman ay malapit na malapit kay Narcisa. Sa


katunayan, noong mga dekada otsenta at nobenta itinuturing na
silang mga pangalawang magulang ng magkakapatid, liban kay
Saturnina na pinakamatanda at may ibang alalahanin bukod sa
nakatira na sa Batangas simula ng mag-asawa.
Nang sumiklab ang Himagsikan, tiyak na sumali si Delfina rito

at napasama pa kay Heneral Paciano sa Biyak-na-Bato kung saan


nakilala niya si Jose Salvador Natividad, ang inatangan ni Aguinaldo
na makipag-usap tungo sa Kasunduan ng Biyak-na-Bato kay

G0bernador-Heneral Primo de Rivera ngunit tinanggi-han siya nito


at, sa halip ay pinili si Pedro Paterno. Disyembre tumulak sina
Aguinaldo sa eksilo sa Hongkong (Larawan XIII).

Nagpaeksilo si Delfina sa Hongkong, kung saan kinasal sila ni

Natividad noong mga unang buwan ng 1897. Alam natin na isa siya sa
tatlong nagtahi sa unang bandila ng Republika. Kalunus-lunos ang
kanyang naging tadhana. Nagkaroon sila ni Heneral Natividad ng

isang anak, na sa kasamaang palad, ay namatay dahil sa isang


aksidente: nasunog nang lumiyab ang isang gasera. Sinasabi na dahil
ditoy namatay sa sama ng loob at kalungkutan si Delfina.

Hindi naman ganyan kalungkot ang naging buhay ni


Anglica, hindi lamang sa Katipunan kundi pagkatapos ng digmaan
para sa Republika. Dapat banggitin na si Anglica, kasama ng
kanyang inang si Narcisa, ang siyang sumama kay Pio Valenzuela
nang itoy nakipagkita kay Rizal upang kumbinsihin itong sumuporta
sa napipintong paghihimagsik ng Katipunan.

Sumama rin siya kay Heneral Paciano, laluna nang itoy naging
Kalihim ng ng Pananalapi ng pamahalaan ni Aguinaldo. Ikinasal
siya pagkatapos kay Benito Abreu at silay nagkaroon ng anak na si
Ana, na ikinasal naman kay Conrado Garcia. Makikita ang buong
henealohiya ng pamilya sa nakapaskil sa labas na mga henealohiya
ng mga kaanak ng angkan Rizal Mercado.
Matalino si Anglica, tulad ni Delfina. Noong 1886 din, wala
pang sampung taong gulang, mahihinuha sa isang sulat niya kay
Rizal ang kanyang determinasyon (at ang pagsusu-kap na mag-aral
ng Kastila. Ika niya:

Ynaasahan cona na itong sulat na ito ay marami ang


sal segurong uiuicain mo na aco,i, totoo na gang naghihicap [sic = naghihirap] na sa uicang Castila. Nguni
icao ang tinutularan co, at ang casabihan na ang hindi
mag arriesga ay hindi darating g Espaa. 29)

Talaga namang walang mapapala ang hindi nangangahas. Na-banggit


na ang pagsusulat ni Anglica kay Rizal sa Kastila, bagay na madalas

niyang gawin. Nag-aral siya kay Soledad at nang ayaw na siyang


papuntahin sa kanyang tiyahin dahil sa nagpakasal nang walang
permiso kay Pantaleon Quintero, hiniling niyang magpatuloy sa isang
colegio sa Maynila. Naging Katipunero rin si Quintero at kasama ni
Heneral Paciano sa Biyak-na-Bato.

Ipinapalagay namin na kapwa si Lucia at si Narcisa ay naging kasapi

rin ng Katipunan, laluna itong huli na siyang probableng nagsama at


nagpakilala kina Valenzuela at Rizal sa Dapitan, kunyari dahil nakilala lamang ito nila ni Anglica sa barko patungong Dapitan. Ngunit,

dahil may malaking mag-anak at madalas manganak at magkasakit,


hindi sila naging kasing aktibo ng kanilang mga anak.
Nilimita namin ang aming pananaliksik kina Paciano at sa
dalawang pamilyang Lopez at Herbosa. Maaari pang palalimin at
palawakin ang pananaliksik sa iba pang miyembro ng angkan Rizal
Mercado. Gayumpaman, sapat na sigurong malaman ng lahat na
hindi lamang si Jose ang kumilos sa kapakanan ng Bayan nang
pinagsisikapan ng marami na ipagtanggol ito at mabuo ito bilang
estado sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon.

Masasabi siguro na ang pinakaunang tatsulok ng KKK mula sa

angkan Rizal Mercado ay sina Paciano, Josefa at Trinidad na ang pinakamatatandang kapatid at tumatayong ama ang siyang tagapagbuo. Sina
Lucia at ang anak nitong si Delfina ang siya namang kasapi ng pangala-

wang tatsulok na ang maaaring tagapagbuo ay si Trining, habang ang


pangatlong tatsulok malamang ay binuo nina Josefa at Narcisa at ang
anak nitong si Anglica. Maipalalagay na marahil ay nasangkot din sa

KKK ang mga bayaw sa pamamagitan ng tatlong tatsulok. Isa pang


bayaw o pamangkin-sa-kasal na tiyak na naging katipunero ay ang
kasama ni Heneral Paciano na si Pantaleon Quintero.
Ang unang tatsulok na sina Paciano, Josefa at Trinidad ay
magkakasamang namamayapa ngayon sa Los Baos, sa isang puntod
sa harap ng bahay ng kapatid na heneral ng KKK (Larawan XIV).

LARAWAN XIV
Puntod nina Paciano, Josefa at Trinidad
(Mga larawang kuha ni Dr. Grace Barretto-Tesoro; may Pahintulot)

KONKLUSYON
Naging mahalaga sa pag-aaral na ito ang dalumat ng pook

ng Pantayong Pananaw (PP). Naipook ha-limbawa si Dr. Jose Rizal sa


loob ng kanyang angkan at naipakita na mas naging mahalaga itong
huli bilang kumikilos na kabuuan kaysa sa indibidwal lamang na si

Rizal sa pakikibaka hindi lamang ng mga mamama-yan ng Calamba


kundi, lalot higit, ng Katipunan tu-ngo sa pagpapalaya ng
Kapilipinuhan. At sa loob ng angkan Rizal Mercado, naging malinaw

ang pagkapo-ok ng mga kapatid, pamangkin, bayaw at kababayan ni


Rizal sa mga suliranin hindi lamang ng kanilang buhay sa Calamba
kundi sa iba pang mga Indios na hindi naiiba ang kinatatayuan.

Di tulad ng hroe nacionl, nasa kainitan talaga sila ng


pakikipaglaban sa mga awtoridad ng asyenda at ng kaugnay nitong
istruktura ng sistemang kolonyal sa Pilipinas hang-gang sa

pinakasentro nito sa Madrid.


Kasama ang buong bayan, legal na nakipagtuos sa mga
awtoridad sina Paciano, mga bayaw at kapa-tid na babae, napasama
pati na sina Saturnina at Doa Teodora. Dulot nito, sila ay
naparusahan at nagdusa (pagkapiit, paulit-ulit na eksilo at sa kaso ni
Doa Teodora, sapilitang pagpapalakad nang apat na ni Doa
Teodora, sapilitang pagpapalakad nang apat na araw mula Maynila
hanggang Santa Cruz, Lagu-na).

Umasa sila kay Rizal at sinikap naman nitong makatulong mula sa


kanyang pook ng Europa.
Iba nga ang karanasan ni Rizal sa pook na itong malayo sa

larangan ng pakikibaka. Sinikap niyang iparating sa mga awtoridad


ng Madrid ang mga apela mulang Calamba, sa tulong ng mga
kasama sa Propaganda at ng mga naging kaibigan nito. Iba ang mga
ideya at tunguhin na bumabalot sa kanilang isipan. Paksain ang
lahat ng ito ng karani-wang kasaysayan ng Pilipinas. Pati na ang
balaking ilipat ang pamilyang Rizal Mercado sa Borneo inaakalang
magandang ideya ng hroe, kahimat matindi ang pagtutol dito ng
ilustrado ring bayaw na si Hidalgo:

Yung tungkol sa Borneo ay hindi magan-da: iiwan ba natin ang Pilipinas, itong ating
bayang maganda bakit na dumanas tayo ng mga sakripisyo? Hindi pa man nauubos
ang ating buong lakas para sa ikabubuti ng lupang tinubuan (suelo) na bumuhay sa
atin buhat pa nang tayoy ipanganak (desde cuna) mamartsa na lang ba tayo sa isang
di-kilala (extrao)? (21)

Pagkatapos, dala-dala niya sa Pilipinas ang solu-syon ng Liga


habang inaasam-asam na niya ang martiryo. Nandoon sa Hongkong
si Paciano nang pinag-iisipan at ikinukunsulta ito. Ika ng isang
banyagang manana-lambuhay:

. Maidadahilan ang kaso ng proyektong Borneo sa kawalangkaranasan . Sa kaso ng Liga, parang hindi maipaliwanag ang
kanyang tapat na pag-asang mabubuo at mapauunlad ang

samahang ito . maski na lihim ang pagkilos nito,hayag naman ang kairalan.
Pinaprint niya ang mga batas-tuntunin nito sa Hongkong, sa Espanyol,
at ikinalat sa Pilipinas. Makokonklud na pansamantalang nawala siya sa
kanyang bait .30)

Maaaring nakipag-usap siya kay Paciano tungkol sa paglunsad ng

rebolusyon pag may sapat na armas,31)


Ngunit napakakontraditori niya nitong mga buwan na ito sa
Hongkong, ipinahihiwatig ang estadong pag-katulirong
kinasasadlakan niya matapos ang aktibong pamumuno sa kilusang
Pilipino sa Europa. 32)
Alam ni Paciano ito, bagamat mas naniniwala siya siguro sa
pinag-usapang planong rebolusyonaryo, na marahil ay mula sa kanya,
laluna yung tungkol sa pag-pasok ng armas sa look ng Batangas, 33)
ang teritor-yong naging kanya nang siyay hinirang na heneral.

Mas kilala niya ito dahil nakapook siya sa rehiyong Tagalog. Isa na rin itong
maaaring patunay na maaga pang naging kasapi ng Katipunan si Paciano.
Nakapook at kumikilos ang bayani nang kasama ang bayan; sa kanyang
dako, indibidwal na kumikilos mula sa iba nang pook at taglay ang ibang
kaisipan sa laganap sa kanyang lipunan ang hroe. Kaginhawahan ang
sinisikap ng bayani na makamtan ng bayan; saman-talang ang nais matamo
ng hroe ay ang kaganapan ng kanyang sariling adhikain para sa bayan, na

kadalasan ay ang siyang sumusustento sa kanya bilang batis ng kanyang


kaalwanan sa buhay. Sa kaso ni Rizal (at ng mga Propagandista), ang
adhikaing ipinaglalaban ay nakabalot sa mga kaisipang di na nakaugat sa

sariling wika-at-kalinangan kundi sa nakalap sa Europa. 33)


pagpasok ng imperyalismong Amerikano, tulad halimbawa ng mga
pamilya nina Gat Andres Bonifacio at EmiliAguinaldo.

Kung ang pagbabatayan ay ang dalawang prota-gonista noong

panahon ng himagsikan/rebolusyon ng 1896 (ayon sa kasalukuyang


hagiograpiya ng estadong pinagmumula sa Propaganda) i.e., sina Rizal
at Bonifacio malinaw na sa ikonograpiyang opisyal at di-opisyal ang

hroe (si Rizal) ay palaging nag-iisa, wala ni isang kasama mula sa


kabuuang di-umanoy pinag-alay-an niya ng buhay (Larawan XV),
samantalang ang baya-ni (si Bonifacio) ay palagi o halos palaging
[dalawang eksepsyon ang monumento sa harap ng Pos Opis ng Maynila
at ang nasa harap ng gusali ng Student Council ng U.P. Diliman] kasama
ang mga kapanalig sa pakiki-baka (Larawan XVI). Halos kinaliligtaang
bayani si Heneral Paciano; ang kanyang bantayog sa Los Baos ay nasa
harap ng kanyang bahay, malapit sa puntod kung kapiling niya sina
Panggoy at Trining (Larawan IV).

Larawan XV
Monumento ng isang Hroe nagiisa

Kuha ni Prop.Janet Reguindin

Larawan XVI
Monumento ng Bayani, kasama ang mga Kapanalig

http://www.google.com.ph/imgres?q=Monumento+ni+Bonifacio+sa+Maynila&start=110&num=10&um=1&
hl=tl&biw=782&bih=440&tbm=isch&tbnid=CEu6OZFIEZYzrM:& Inakses: IX-25-2o11

Bukod sa angkan Rizal Mercado mapag-aaralan din ang


ibang pamilyang kaugnay ng Himagsikan 1896 hanggang pagsuko ni
Aguinaldo noong 1901 sa imper-yalismong Amerikano. Halimbawa,

ang mga pamilya nina Gat Andres Bonifacio at Heneral Aguinaldo.


Mai-hahambing ang dalawang pamilya sa angkan Rizal Mercado.
Itong huli ay nakakabit sa sistemang asyenda; mas nakatuon sa

edukasyong kolonyal at sa Europa, kung kayat ang isa sa mga


miyembro ay naging hroe at ang nakararami ay naging bayani sa
piling ng KKK. Ang angkan Bonifacio naman ay nakakabit sa

Maynila-Tundo at sa mundong komersyal at industriyal na isang


prinsipal na katangian nito. Mapupunang lubos na mapanghimagsik
ang angkang

ito. Ang angkan Aguinaldo naman ay nakatali sa komer-syong

pangkapuluan at, higit sa lahat sa pulitikang mu-nisipal, kung kayat ang


isipan ay hindi (gaanong) naka-tuon ni sa proyektong nacin ng
Propaganda ni sa adhi-kaing Inang Bayan ng KKK kundi sa praktikal na

pulitika ng/sa pueblo, bagay na hindi gagap ni Bonifacio at mala-yo sa


pagteteorisa ni Rizal hinggil sa kinabukasan ng kanyang patria. Para
makumpleto ang larawan, dapat din pagtuunan ng pansin ang angkang
nabuo mula sa pag-iisang dibdib nina Antonio de Ayala at Margarita
Roxas, anak ni Domingo Roxas, kasosyo ng ama ni Antonio at
tagapagtatag ng Roxas y Cia na nagbigay-daan sa Ayala Corporation.
Sangkot si Domingo Roxas sa pagsibol ng nasyonalismong Kriolyo sa
simula ng ika-19 na dantaon at pati na sa magkaunay na rebelyon ni
Hermano Pule at ng rehimento ng Tayabas ni Samaniego sa Ermita.

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,


Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay dikailangan,


cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,


taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita


maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas


sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong


sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

dalanging lahat yaong nangamatay,


mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.
At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;


kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.
Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.

At mga buto ko ay bago matunaw


mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin


na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutins.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,


walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Mga Talababa
1 Z. A. Salazar, Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon, etc.
2 Z.A. Salazar, pamagat ng aking lektyur sa LIKAS
3 Salazar, Wika ng Himagsikan.
4 Pinoy edition, Talambuhay ni Marina Dizon-Santiago. http://www.pinoyedition.
Com/talambuhay-ng-mga-bayani/marina-dizon-santiago/ ; gayundin: Marina DizonSantiago (1875-1950). http://geocitiessites.com/sinupan/Dizon-SanM.htm
5 Ambeth R. Ocampo, Old Questions and New Answers. Bones of Contention: The
Bonifacio Lectures. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2001, pah. 87 et seq.
6 Nakabalik na noon sa Pilipinas sina Pangoy (Josefa) at Trining (Trinidad) noon mulang
Hongkong, kung saan naiwan sila nina Pepe at Lucia nang itong dalawa ay bumalik sa
Pilipinas noong 26 Hunyo 1896. Kinailangan ni Trining noong Agosto 1893 na samahan si
Donya Teodora sa Dapitan [Teodoro M. Kalaw, Epistolario Rizalino. Tomo Cuarto (18921896). Manila: Bureau of Printing, 1936. 563: De Rizal a su Madre, pah. 24; 605: De Rizal a
M. T. Hidalgo, pah. 169; at 606: De Rizal a Antonino Lpez, pah. 670] kung saan nakaeksilo
na si Pepe simula pa noong kalagitnaan ng Hulyo 1896.

7Sb. Katagalugan. Documents of the Katipunan. http;//kasaysayankkk.info/docs.sb.katagalugan.300395.htm. Inaksas: 03.IX.2011.


8 Santiago V. Alvarez, The Katipunan and the Revolution. Memoirs of a General. Salin ni
Paula Carolina S. Malay. Lunsod Quezon: AdMU Press, 1992, pah. 306-307.

9Ibid., pah. 306.


10 Maria Belle Arrieta, A Rizal in Los Baos, Los Baos Times, xvi: 1 (Peb. 29Marso 6.
1999), pah. 11 sa pagkabanggit sa: Marcelino M. Macapinlac, Jr. Ang Talambuhay ni
Heneral Paciano Rizal: 1851-1930, nasa:. Dwight David A. Diestro, Wensley M. Reyes, at
Ruel V. Pagunsa (mga Pat.). Talambuhay at Lipunan. Si Heneral Paciano Rizal sa
Kasaysayang Pilipino , Los Baos: Unibersidad ng Pilipinas Sentro ng Wikang Pilipino,
pah. 22.
11 Z.A. Salazar, Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila. Lunsod
Quezon: Miranda Bookstore, 1995, pah. 22-29, 114-121.
12 Portia Liongson Reyes. Himagsikang Pilipino sa mga Pahayagang Aleman. Bagong
Kasaysayan. Lathalain 5 (1999), pah. 22-30. Para sa mga larawan, tingnan ang background
sa: Arnaldo Dumindin, Philippine-American War, 1899-1902. http://philippine american
war.webs.com/background.htm. Inakses: IX: 09.2011.
13 Alvarez, op. cit., pah. 306
14 Ibid., pah. 312.
15 National Historical Commission of the Philippines. Jose Rizal. Letters with Family
Members, Maynila: 2001, pah. 142.
16 Ibid., pah. 206,
17 Ibid., pah. 252.
18 378. De Trinidad a su hermano Jos Rizal. Calamba, Mayo 30 90. Teodoro M. Kalaw
(pat), Epistolario Rizalino. Tomo Tercero. Manila: Bureau of Printing, 1933, pah. 48.

19 376. De Anglica Lpez a Rizal. Calamba 30-5 (Mayo), 1890. Kalaw , Epistolario. Tomo
Tercero, pah. 46.
20 563. De Rizal a su Madre. Dapitan, 25 de Julio de 1892. Kalaw, Epistolario, Tomo Cuarto
(1936), pah. 24,
21 Lo de Borneo no est bien; dejaremos las Filipinas, este nuestro bello pas? ,,, para que
se han hecho sacrificios? Sin haber agotado todas nuestras fuerzas para el bien del suelo
que nos sostuvo desde cuna, marcharemos otro extrao? De Manuel de Hidalgo a
Jos Rizal. 16 de Diciembre de 1891. Kalaw, Epistolario, Tomo Tercero, pah. 269.22
22 Lilia Quindoza Santiago, Ang Kilusang Feminista at ang Katipunan, Diliman Review,
Tomo 40, Blg. 1 (1992), pah. 14.
23 377. De Josefa a su hermano Rizal. Calamba, Mayo 39---90. Kalaw, Epistolario. Tomo
Tercero., pah. 47.

24 42. De Varios a Rizal. Calamba [Laguna,] y Nov. 13 de 1882. Teodoro M. Kalaw, Epistolario Rizalino. Tomo Primero , Manila: Bureau of Printing, 1930, pah. 63.
25 Ibid., pah. 34; at 25. De varios a Rizal. Calamba [Laguna], 24 de Agosto de 1882, ibid.,
pah. 31;.
26. 106. De Mariano Hervosa y Luca a su hermano Jos Rizal. Calamba, ]Laguna], 29 de

Agosto de 1886. Kalaw. Epistolario, Tomo Primero, pah. 186.


27 375. De Luca a su hermano Jos Rizal. Calamba , 30 de Mayo de 1890, Kalaw,
Epistolario, Tomo Tercero, pah. 44.
28 106. De Mariano Hervosa y Luca a su hermano Jos Rizal. Calamba, [Laguna], 29 de
Agosto de 1886. Kalaw, Epistolario, Tomo Primero, pah. 185.

28 92. De Narcisa a su hermano J0s Rizal., Calamba, [Laguna,] 27 Febrero de 1886. Kalaw,
Epistolario, Tomo Primero, pah. 167.
29 Cf. supra, talababa 21
30 Austin Coates. Rizal. Makabayan at Martir (Salin ni Nilo Ocampo). Diliman, Quezon
City: University of the Philippines Press, 1995, pah. 271.
31 Ibid., pah. 275.

32 Ibid., pah. 276.


33 Zeus A. Salazar, Ang Austronesyanong *baRani hanggang sa Bagong Bayani ng
Kasalukuyang Hugis ng Kapilipinuhan. Papel na binasa sa ika-20ng Pambansang Kumperensya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan. U.P. Likas. Agosto 22, 2011, Nismed Auditorium, U. P. Diliman. Pakitingnan din ang Ukol sa Pagkakaiba ng Bayani at
Heroe at Kung Bakit sina Ninoy at Rizal ay Heroe at hindi Bayani. na matutunghayan
sa Mga Tala Ko sa Facebook ni Zeus Salazar.

You might also like