You are on page 1of 5

MALAY 22.

1 (2009): 85-90

Wika at Katauhang Babae:


Mula Mito Hanggang PPanahong
anahong Moderno*
Ruth Elynia S. Mabanglo
mabanglo@hawaii.edu

Mahalaga ang pangalan at panawag sa alinmang lipunan. Sa maraming pagkakataon,


mapatutunayang nagagamit ang mga ito sa paglikom ng kapangyarihan o lakas para sa
makasariling layon. Hindi mahirap unawaing nakatutulong ang panawag/diskripsyon o kasabihan at
salawikain o imahen sa literatura at sining, sa pagbubuo ng tao ng sarili niyang palagay o konsepto ng
kanyang sarili. Binibigyan ng kahulugan at kabuluhan ng wika ang pagkatao at katauhan ng tao.
Sabi nga nina Francine Frank at Frank Ashen, “kung pag-aari ng pinangalanan ang pangalan, ang
karapatan sa pagpapangalan ay nagtataglay ng kapangyarihang bigyang-kahulugan ang pinangalanan.”
Tinatalakay sa papel na ito ang ilang mga larawan at imahen ng babae na matatagpuan sa mga mito
hanggang sa kasalukuyang panahon. Partikular na tinitingnan ang papel ng wika sa patuloy na
pagpapanatili ng negatibong imahen na malayo sa tunay na katauhan ng babae.

Mga susing termino: wika, pagpapangalan, imahen ng babae, mito, panahong moderno, pagbuo ng
palagay at konsepto

Names and labels are important in any society. In many instances, it can be proven
that these are used in garnering of power and strength towards a selfish goal. It’s not
difficult to understand that the label/description or saying and proverb or image in the
literature and the arts help in the formation of the person of his own perception or concept
of a person. Language gives meaning and significance to the identity and nature of a person.
According to Francine Frank and Frank Ashen, “if the name is a possession of the named,
the right to name possesses the power to give meaning to the one named.” Discussed in this
paper are some of the pictures and images of the women that can be found in the myths until
the present times. The paper particularly deals with the language in the persistence of
retaining the negative image that is far from the real identity of the women.

Keywords: language, labeling, images of women, women myths, conceptualizing, modern times, woman
identity

* Panayam para sa Seryeng Lope K. Santos ng Departamento ng Filipino, De La Salle University, Tereso Lara Seminar Room,
Hulyo 24, 1990.
* MALAY Tomo IX, Blg. 1, 1990-1991

© 2009 Pamantasang De La Salle, Filipinas


86 MALAY TOMO XXII BLG. 1

Unang larawan. Maglakbay tayo sa lipunan nakauwi si Uning mula noon. Nang hanapin siya
ng mga Sulod. Dito, naniniwala silang pagkamatay sa bukid at angatin ang basket na dating dala niya,
ng isang tao, ang kaluluwa o umalagad nito ay isang kayumangging ibon ang nanginginain;
naglalakbay patungong Lim-awen. Ang Lim-awen binubusog ang sarili sa binhing dating binabantayan
ay isang malalim na lawang kumukulo at niya.
umaalimpuyo ang malapot na tubig hanggang sa Ikatlong larawan. Ito ang itsura ng mga
pinakapusod nito. selosang asawa. Mula sa epikong Bidasari, nakilala
Sa pampang ng lawang ito, nakatira ang isang natin si Lila Sari, kabiyak ni Sultan Mongindra ng
balbuning higanteng lalaki na nagngangalang kaharian ng Indrapura. Sa sobrang pagkaselosa,
Banglae. Malalapad daw ang balikat nito, umaabot umupa ito ng mga espiya para hanapin at ipakidnap
ng pitong dangaw o pitong dangkal. Siya ang ang lahat ng pinakamagagandang babae sa
nagtatawid ng mga kaluluwa sa kabilang ibayo ng kaharian. Alam ba ninyo ang dahilan, napaka-
lawa. insecure niya. Afraid siyang any moment ay iwan
Gayunman, bago itawid ni Banglae ang mga siya ng asawa kung maakit ito ng babaing mas
kaluluwa, tinatanong muna niya ang mga ito kung beauty sa kanya. Iyon nga ang dahilan kung bakit
ilan ang naging asa-asawa nila nang nabubuhay pa. ikinulong ng sultana si Bidasari. Sigurado kong
Pinarurusahan ang lalaking umalagad kapag iisa alam na ninyo ang istorya pagkatapos. Isang lokal
lamang ang naging asawa niya. Hindi isinasakay ni na sleeping beauty ang lumitaw na natapos din sa
Banglae sa mga balikat patawid sa lawa ang praseng “and they lived happily ever after.”
ganitong kaluluwa; sa halip, pinalalangoy niya ito Ikaapat na larawan. Panahon ng Kastila.
nang nakakapit lamang sa mga buhok na nasa Larawan ng dalawang babae na ekstremo ang mga
pagitan ng kanyang mga hita. Sa kabilang dako, katangian sa literaturang romansa. Isang babaing
pinarurusahan naman ang babaing umalagad sa matimtiman ngunit mahina, naghihintay na lamang
pagkakaroon ng higit sa isang asawa. Hindi sa kung ano ang igagawad sa kanya ng kapalaran,
makapagsisinungaling ang kaluluwa sapagkat walang positibong katangian kundi kagandahan at
tinatawag ni Banglae ang tuma o kuto ng katawan ang pagiging mapagsilbi: si Laura. At isa pang
para sumaksi sa testimonyo ng tinahanang babaing may giting at kalayaan sa pag-iisp na gaya
katawang babae. ng isang lalaki, mahusay manandata, walang takot
Ikalawang larawan. Ang isang ito ay tungkol na hanapin ang sariling kapalaran, at malakas ang
sa mga madrasta. Iyon bang tipong Bella Flores loob: si Flerida.
sa mga pelikula; bagaman ang leyenda ay ukol sa Ikalimang larawan. Nagsisimula rito ang
kung saan nagmula ang maya. Batay sa paniniwala kontemporaryo. Iba’t Ibang babae sa iba’t ibang
ng mga Kankanay, si Uning ang unang ibong palay sitwasyon. Mas malamang na karikatura sa halip
na tinatawag natin ngayong maya. Ang ama ni Uning na realista. Mga birhen at puta; mga ina at donya.
ay si Saki-ing na may kauling asawang Ito ang babae ni Rizal sa kanyang dalawang nobela.
nagngangalang Cotiling. Malupit si Cotiling kay Kayo na ang humusga.
Uning. Ito ang tagapagbantay ng bukid, ang Ikaanim na larawan. Mas maraming anyo at
tagabulabog ng mga ibong palay na nanginginain larawan ang mga babaing ito. Mga martir na ina;
ng binhi. Madalas, hindi pinakakain ni Cotiling si mga kabiyak o nobyang gaga sa pag-ibig kundi
Uning; at kung pakanin man, ilang pirasong tutong man tanga sa ngalang pagsinta; matataray na putang
na binudburan ng tatlong tinuyong insekto. Sa di paiisa kundi sa kabit o asawa nila; mga
matinding gutom at dalamhati, isang araw na malapit stepdaughter na inaalila kundi man inaagawan ng
na ang tag-ani, nahibik ni Uning na sana’y maging mana ng mga madrasta; mga biyenang babae na
ibong palay na lamang siya yayamang wala na umaapi ng manugang kapag wala ang kanilang mga
siyang ina at pinababayaan siya ng kanyang ama anak na lalaki; mga sakim at maiinggiting
sa kalupitan ng kanyang madrasta. Hindi na mangkukulam na lagi’t laging talo kay Darna; at
WIKA AT KATAUHANG BABAE RUTH ELYNIA S. MABANGLO 87

mga pangit na babaing pagkaraa’y gumaganda na pamilya, at iba pa. Doon sila nagkakahingahan,
gaya nina Bakekang at Confradia. Marami tayong nagkakapayuhan, nagkakalapit ng barkada;
references na makukuha kundi man resource kaya nga, “iba na ang may pinagsamahan”—
persons: umpisahan natin sa mga kast ng dating “bumabanggit ng pangalan.”
“Flor de Luna” sa TV hanggang sa mga beteranong Umpisahan natin sa dalaga. Maganda ba?
gaya nina Alicia Vergel at Gloria Romero; sa mga Seksi? Mabait? Tapat? Masarap bang magmahal?
sikat na sina Vilma Santos, Nora Aunor, at Snooky Karaniwang nagmumula sa kongkreto patungong
Serna dahil marami na silang nalabasang pelikula abstrakto ang diskripsyon. Pansinin ang mga
na ganitong mga babae ang imahen. Maaari na rin positibong paglalarawan sa babae:
ninyong tanungin si Pepe Pimentel na laging
isinusumpa ang kanyang biyenan sa “Kuwarta o mahinhin masipag relihiyosa
Kahon.” mapagmahal maalalahanin pormal
Nasa image pa lang tayo. Wala pa sa mabini malambing karinyosa
language. At ito siguro ang mabigat. Unahin natin tapat maganda mayumi
masuyo maalindog
ang mga salita, simbolo, o idyomang ikinakapit sa
pagkatao at katauhang babae.
At kapag napag-usapan ang mga positibong
Sa mitong Kapampangan, iniaambil sa babae,
katangian ng babae, magsusukdol ang inkwisisyon
kay Mayari, ang buwan; at sa lalaki naman, kay
Apolaki, ang araw. Pansining ipinahihiwatig nito na sa tanong: Virgin?
walang sariling liwanag ang babae; samakatuwid, Hindi maikakaila ang dyender ng salita. Birhen:
walang sariling lakas. Mayroon din tayong Babae. Nakasalabid ito sa isang sapot na sosyo-
idyomang nagsasabi na “ilaw ng tahanan” ang ina; kultural. May mito at talinghagang hinulma ng
“haligi” naman ang ama. Ngunit puna nga ng panahon at pagkakataon. Birhen : Babae. Kung
kaibigan kong Lualhati Bautista, mangyayaring siya ay dalaga, may kaangkinang hindi
mawalan ng ilaw ang isang tahanan, ngunit hindi matatawaran: malinis, tapat, walang bahid-dungis.
ubrang mawalan ng haligi kailanman. (Siguradong Donselya, “never been touched, never been
babagsak iyon kahit wala pang lindol.) Idagdag pa kissed”; bilang na bilang ang hakbang; sa kilos at
natin ang mga ikinakapit na biro sa salitang babae pagsasalita, di mapipintasan.
Dahil kaakibat ng dyender ang salita, naghabi
at lalaki. Kaya raw babae, nangangahulugang “ang
ng mito ang wika:
baba, e” na derogatori kung ihahambing sa lalaki
na nangangahulugan daw na “lalaki” na pumupuri.
“Walang matimtimang birhen sa
Kaugnay nito, mapupunang laging derogatori
matiyagang manalangin.”
sa babae ang lahat ng “maberdehang usapan” na “Ang babaing matimtiman, mahinhin sa
karaniwang ginagawa ng mga lalaki sa daan, masipag sa bahay.”
“mabotehang talakayan.” Sabi nila, kapag “Ang mahinhing dalaga, sa kilos
pumipitada na ang “alak singko ng hapon,” nag- nakikilala.”
uumpisa na rin ang mga paglibak at/o pag-uyam “Ang dalagang nagpopormal sa kanyang
sa katauhang babae. At alam po ba ninyo kung kalagayan, hindi pagpapahamakan ninumang
saan laging naglulundo ang usapan? Sa walang pitagan.
pagkabirhen/kabirhenan o pagkawala ng
kabirhenan ng isang dalaga. Hindi ito maiiwasan Ang istiryutipong imahen ng matimtimang birhen
dahil sa harap ng mga beer napag-usapan ang mga ay lalo’t lalong pinatitibay ng mga istorya sa komiks,
asawa, nobya, kerida o sugar mommy ng mga TV, at pelikula. Mula kay Maria Clara na
nag-iinuman. Sa harap din ng kuwatro kantos o sinentensyahan ang sarili sa kumbento at kay Huli
red horse lumilitaw ang iba’t ibang pangamba o na nagpakamatay sa pagkalamat ng kanyang
problema ng mga lalaki sa trabaho, negosyo, kabirhenan, hanggang kina Nena at Neneng na
88 MALAY TOMO XXII BLG. 1

naging padron ng mga pangunahing tauhang babae At muli, bumuo na naman ang lipunan ng panupil
sa mga kuwento ng pag-ibig. Ang huwarang babae na kasabihan para sa mga babaing may ganitong
ay lagi nang iyong iniuukol ng sarili sa iisang lalaki. kategorya:
Kaya, beware, hindi patatawarin at hindi
patatawarin sa lawa ng Limawen. “Ang dalaga kung magaso, parang asin
At dahil kapuri-puri ang ganitong uri ng babae, sa salero.”
dapat siyang sambahin at tanuran. Gaya ni Birheng “Ang dalaga kung magaslaw, parang
Maria, inilalagay ng mga lalaki ang ganitong babae asing nahahanay.”
“Ang babaing palaingos, kadalasa’y
sa isang pedestal na kapwa luho at buho niya.
haliparot.”
Binabantayan siya kahit hindi niya hinihingi;
“Ang babaing magaslaw, haruray sa
nilulunod mandin sa kadidilig. Muli, nahabi ang iba’t daan, tamad sa tahanan.”
ibang kasabihan batay na rin dito—mga kasabihang “Babaing pasalpak-salpak, iilaga’t
tanikala at pumatok ng babae mula noon hanggang kandalapak.”
ngayon: “May dalahirang banayad, may
mahinhing talipandas.”
“Ang dilag ay pagkain ng mata at kalungkutan “Nagmamakipot ay maluwang,
ng kaluluwa.” nagmamapino’y magaspang.”
“May mahinhing kalbitin, may makara’y
“Ang matapat na aruga ay ang higpit ng ng di masupil.”
alaga.” “Bago maalaman ang isang pitis, pag
naraanan na ng pamalis.”
“Ang babaing napahamak, parang salaming “Kapag di pinuna ang isang kiri, ang
nabasag; isang iyan ay dadami.”
ihinang man nang maingat, nakikita rin “Ang babae sa lansangan, gumigiring
ang lamat.” parang tandang.”

“Walang kareng tinangay ng aso na di Malinaw na malinaw sa mga salita at kasabihan


nalawayan; ang negatibong imahen ng babae. At sa lipunang
walang humipo ng palayok na di pyudal at patriarkal, lagi’t laging iniaaral ang ganito
naulingan.”
sa lalaki upang hindi siya “matimbog,” wika nga,
hindi siya “mabulilyaso.” Puwede lang “paglaruan”
(N.B.: Pansining salitang “karne” ang alusyon
dito sa babae) ng lalaki ang ganitong uri ng babae, hindi dapat
totohanin. At narito nga ang siste: samantalang
Samakatuwid, hindi man sabihin, may mga hinahangad ng mga lalaki na makapag-angkin ng
negatibong katangian ding iniaambil sa mga babae. mga babaing pwedeng maging aliwan nang hindi
Ang mga babaing dapat iwasan, hindi dapat na kailangang panagutan. Iba na siyempre kung
pakitunguhan ng mga lalaki, kundi man dapat ituwid “palay na ang lumapit.” Sabi nga nila, walang manok
ng isang ama o asawa o kapatid na lalaki ay ang na tumanggi sa palay (tingnan ninyo’y pagkain na
sumusunod: naman ang alusyon ng babae). Ito na mismo ang
dahilan kung bakit sa asin mismo iniakibat ang
magaslaw harot talipandas ganitong babae: balana’y dumukot, balana’y
kiri malandi pakipot sumawsaw. Kaya nga nagkaroon ng bagong
mahilig makati ma-el idyoma: “sawsawan ng bayan.” At ganito naman
malabiga mabunganga masatsat o ang mga kasabihan nila sa ganitong sitwasyon:
makati ang dila
bungangera katakatera usisera o “Ingatan ang iyong bahaw, ang aso ko ay
mahadera matakaw.”
WIKA AT KATAUHANG BABAE RUTH ELYNIA S. MABANGLO 89

“Bago mo matalos ang hakab ng wika, ay hindi laging nakatutulong sa ikatitipuno


katawan, bayaan mo munang paniktan ng ng kanyang pagkatao. Lahat ng mga mura ay laban
ulan.” sa babae; samantalang ang mga mura laban sa
“Ang gandang marungis ang puso’t loob babae ay nakatutulong sa ikadadangal ng kanyang
ay tulad ng bulaklak na may uod sa ubod.”
pagkakalalaki. Kahit nga ang mga lalaking ma-el
“Ang babaing salawahan, hindi dapat
o kahit na iyong kumakalakal ng pagkalalaki ay
pagpaguran.”
“Kung ang nabasaga’y hindi nanghinayang, hindi nanganganib na maging puto. Ano na nga ba
gasino pa akong nakabasag lamang?” ang itatawag natin sa mga lalaking nagbibili ng aliw?
“Ang huni ng sabukot sa itaas ng Mahalaga ang pangalan at panawag sa
sampalok, ang babaing haliparot, mariing alinmang lipunan. Sa maraming pagkakataon,
hampas ng diyos.” mapatutunayang nagagamit ang mga ito sa paglikom
ng kapangyarihan o lakas para sa makasariling
At kahit may asawa na ang isang babae, tagilid layon. Hindi mahirap unawaing nakatutulong ang
pa rin ang lagay niya sa wika at perspesyon ng panawag/diskripsyon o kasabihan at salawikain o
bayan. Lagi’t laging kinakailangang maging imahen sa literatura at sining, sa pagbubuo ng tao
“mabuting maybahay” siya; nangangahulugang ng sarili niyang palagay o konsepto ng kanyang
isang asawang masinop sa bahay, tapat sa kabiyak sarili. Binibigyan ng kahulugan at kabuluhan ng
na lalaki, hindi nagbibigay ng pagkakataon sa iba wika ang pagkatao at katauhan ng tao. Sabi nga
na pag-alinlanganan siya. Dahil kahit hindi sa mga nina Francine Frank at Frank Ashen, “kung pag-
beerhouse, nagpapatutsadahan ang mga lalaki, aari ng pinangalanan ang pangalan, ang karapatan
nagpapayuhan para sa ikabubuti ng isa’t isa: sa pagpapangalan ay nagtataglay ng
kapangyarihang bigyang-kahulugan ang
“Kapag ang kaning lamig ay lagi mong pinangalanan.”
pinagpapasensyahan, hindi maglalaon, pare— Kung panay na laban sa babae ang mga
ang ulo mo’y susungayan.”
pangalan, panawag, kasabihan, at paglalarawan,
“Ang huni ng ibong tikling sa itaas ng
kailan pa siya magkakaroon ng mabuting opinyon
balimbing, kapag ang asawa’y labis kung
maglambing, mag-ingat ka, pare’t puso’y ng kanyang pagkatao? Kailan siya makaaahon sa
kabilanin.” kinasadlakang balon upang maiparinig sa lipunan
“Ang huni ng kilyawan sa itaas ng ang tinig nang walang takot o pangamba, upang
katuray, kapag ang lalaki’y pinaglililuhan, taas-noong mapatunayang kapantay siya ng lalaki
kuwelyo ng baro niya’y laging maluwang.” sa maraming katangian at larangan?
“Ang huni ng batubato sa itaas ng Magiging matipuno ang pagkatao at katauhang
mabolo, kapag ang lalaki’y niloloko, babae kung lalapatan siya ng mga ngalan at
nagkakasungay ang ulo.” panlarawang magkakaloob sa kanya ng dangal,
tiwala sa sarili, tapat at katatagan. Kung
Ang kaso, hindi patas ang mga kasabihan sa magkakaroon siya ng bagong imahen sa mga
panig ng babae. Samantalang katakut-takot ang bagong mitong nililikha ng anunyo, literatura,
pintas o atas sa isang lalaki upang matiyak na hindi pelikula, at kasabihan sa kasalukuyan. Kung
siya lolokohin ng asawa, iba naman ang sabi sa tatalikdan niya, halimbawa, ang pagiging
mga babaing niloloko ng mga mister nila: maybahay upang maging kabiyak; kung ang
salitang katulong ay magiging kawaksi; kung ang
“Ang huni ng maya-kapra sa itaas ng makopa, kinakasama ay magiging katuwang, at iba pa.
ang babaing niloloko ng asawa ay lalo pang
Sabi nga sa Bulakan: “Walang masamang kalap
gumaganda.”
sa mabuting lumapat.”
Samakatuwid, kitang-kita ninyo, ang imahen ng
babae sa sining man at realidad, sa mito man at

You might also like