You are on page 1of 3

Wika ng Nagahaharing Uri

Consuelo J. Paz
Ang ugnayan ng Wikat Pulitika
Ano nga ba ang kahalagahan ng wika?
Karaniwang sasabihin ng isang mamamayan na kahalagahan ng wika ay ang
ang komunikasyon. Hindi nila alam na maliban sa pakikipagusap, malaki ang
ginagampanan ng wika sa pulitika at pamumuno.
Sinabi ng mayakda na ang paggamit ng wika ay batay sa pangangailangan
ng isang indibidwal o komunidad. Mayroon tamang wikang ginagamit sa ibat ibang
uri ng sitwasyon. Ang mga halimbawang naibigay ng mayakda ay ang paggamit ng
isang manggagawa ng wikang Ingles kapag nakikipag-usap sa manager at wikang
rehiyonal naman kapag nakikipag-usap sa mga katulad din niyang empleyado.
Sinasabi ng mayakda na hindi namamalayan ng isang karaniwang tao na siya ay
namimili ng wikang kanyang gagamitin sa ibat ibang sitwasyon.
Halimbawa:
A. Nakikipagusap sa kaibigan: Hoy, samahan mo nga ako.
Nakikipagusap sa magulang: Samahan niyo nga ho ako.
Nakikipagusap sa manager: Maaari niyo ho ba akong samahan.
B. Hindi marapat na sabihing Ang payat mo ngayon sa isang kakilalang
tagaprubinsya dahil baka inaakala niyang iniisip mong siya ay naghihirap.
Hindi rin marapat na sabihin sa isang tagasiyudad na Ang taba mo ngayon
lalo na kung Westernized ang taong ito.
C. Ang taba ng tiyan mo pre ay mas kadalasang maririnig mula sa isang lalaki
kausap ang kanyang kapwa lalaki.
D. Sa pagtatalumpati, ginagamit ang wikang Ingles o Filipino, at wikang
rehiyunal sa ordinaryong okasyon.
Tinalakay ng mayakda ang mga sumusunod upang patunayang ang hangaring
pulitikal ay naaabot sa pamamagitan ng wika.
a.
b.
c.
d.

Kakayahahan at kasanayan sa wika


Ang oportunindad na makapag-aral ng wika
Ang pagtingin sa mga wika at sa mga gumagamit nito
Ang pagbabago

A. Kakayahan at kasanayan sa wika


Sinabi ni Paz hango kay Chomsky (1965), na ang kasanayan sa wika
ay kasanayan sa pagbigkas ng lahat ng istruktura ng wika sa wastong
paraang maiintindiha ng iba.
Sabi sa akda na ang kasanayan ng isang tao sa kanyang katutubong
wika ay hindi maihahalintulad sa wikang natutunan lamang. Sinabi rin ditto
na hindi masasabing litereyt ang isang tao kung hindi niya kayang isulat ang
lahat ng kanyang gustong sabihin, at hindi niya kayang intindihin ang
kanyang binasa na parang ito ay sinabi sa kanya, (Gidschinsky, 1974).
Maraming Pilipinong hindi marunong magbasa at magsulat sa
anumang wikang nalalaman niya. Tulad na lamanang ng kahusayan sa
wikang Ingles ay madalas na natututunan sa eskwelahan ngunit dahil ito ay
isang wikang banyaga, ito ay mahirap pag-aralan at hindi masyadong
nagagamit ng karaniwang Pilipino. Ang struktura ng wikang Ingles ay ibang
iba sa wikang ginagamit sa Pilipinas kaya ito ay mahirap aralin.
Pati na ang mga katutubong wika ay hindi rin napagaaralang mabuti
ng mga Pilipino. Ang epekto nito ay hindi nakakapag-isip ang mga
mamamayan para sa kanyang sarili at dumepedepende na lamang sa mga
pag-iisip ng banyaga. Dahil dito, hindi naibabahagi sa kapwa ang mga
katutubong pag-iisip at ang mas nakakabahala pa ay hindi na maipapamana
ito sa susunod pang henerasyon.
Sa pagsusuri ng mayakda, ang pagehersisyo ng kapangyarihan ng mga
Amerikano ay ang paggamit ng Wikang Ingles bilang wikang panturo. Dahil
dito nasupil ang pagkatuto sa paghadlang ng literasi at pagbihag sa kaisipan.
Mayroong mang masasabing marunong at mahusay sa Ingles na mga Pilipino,
sila rin ay sumasangayon sa pagpapatuloy ng pagsuporta ng Estados Unidos
sa paggamit ng Ingles upang tayo ay makatanggap ng tulong tulad na lang
ng pautang ng World Bank at Peace Corps.
Ang paggamit ng wikang Ingles sa mga kasulatang pangkomersiyo at
pulitika ay humahadlang sa mga karaniwang tao na makilahok sa mga
usapang pulitika at pamamalakad ng gobyerno at pagkilala ng karapatan nila
bilang isang mamamamayan.
B. Ang oportunidad para sa pag-aaral ng isang wika
Unang kautusan ng Amerikanong noong sila ay naparito ay ituro ang
wikang Ingles magmula sa unang grado. Ang pagiimplementa nito ay naging
madali sapagkat walang wikang pambansa noon na sana ay nakahadlang sa
pagpapatupad nito.
Hindi lahat ng tao ay may kakayahang tapusin ang pag-aaral dahil
hindi abot ng karamihan ang mga paaralan na kadalasay nasa syudad
itinayo at dahil na rin sa hirap ng pamumuhay. Nagkaroon ng mas lalong
malaking agwat ang mga natuto ng wikang Ingles sa mga hindi natuto nito.

Ang mga kasangkapang literatura at medya ay gumagamit din ng wikang


Ingles. Dahil dito, ang mga hindi marunong sa wikang banyaga ay madaling
linlangin dahil hindi sila makalahok sa mga disisyong nagaganap sa bansa .
Kapag hindi pantay ang oportunidad na alamin ang isang wika, ang mga
nakakaalam nito ay may mas kapangyarihan.
C. Ang pagtingin sa wika at mga gumagamit nito
Mas kinikilala ang mga taong marunong magIngles bilang isang taong
makapangyarihan at kayang mamuno kaya mas madaling mamanipula ang
mga hindi marunong sa wikang Ingles.
D. Ang pagbabago
Nagsimula ang pagbabago sa reyalisayong hindi pa rin nawawala ang
kapangyarihan ng banyaga dito sa Pilipinas kahit na nasasabing
independiyente tayong bansa. Importanteng piliin ang wikang Filipino bilang
wikang panturo dahil ito ay madaling ituro sa karamihan at kayang intindihin
ng marami. Mabibigyan ng pagkakataong makilahok ang mga tao sa ibat
ibang sulok ng bansa sa mga disisyong pampulitika at tataas din ang literasi.
Ang wikang Filipino ay nagsisimula na ring magkaroon ng prestige dahil ito ay
wika ng karamihang tao, magagamit ito sa makabayang pagbabago.

You might also like