You are on page 1of 1

WIKA AT SEKSISMO

Kasarian at mga Wika sa Pilipinas


Di seksist ang Tagalog
Nagkaroon lamang ng seksismo sa wika noong dumating ang mga dayuhan
kasama ang kanilang seksist na wika
Ang Idealisasyon ng Babae at Pagkababae sa Panitikang-Bayan
Mas mahusay at malaya ang mga Pilipina kumpara sa ibang mga babae sa Asya.
Ginamit ng mga prayle ang Kristiyanismo upang mapalaganap ang kanilang
idealisasyon ng babae.
Ang ideal na babae ay may ganitong katangian: pagiging malinis, marangal,
mayumi, malumanay .ang kilos, mapagmalasakit na ina, santa.
Nakita sa mga akda ng mga lalaking awtor ang ganitong idealisasyon ng babae.
Ginamit ang talinhaga ng inangbayan dahil ang idealisasyon ng lalaki sa bayan ay
pareho sa kanyang idealisasyon sa babae
Ngunit, ang idealisasyon ay iyun nga - isang idealisasyon lamang, at maaaring
hindi ito ang totoong kalagayan ng mga kababaihan.
Itong idealisasyon ay mula sa lalaking persepyon ng babae - at dahil dito, ang
persepsyon na ito ay may pagkukulang - kaya nga idealisasyon lamang.
Seksismo sa Pagtula at Kritisismo
Lalaki ang bayani
Marami namang babaing magsasaka't mangagawa't makata't mandirigma ngunit
laging silang lalaki sa mga mata ng mga makata
Mas mabait sa mga puta ang mga awtor na babae kaysa sa mga awtor na lalaki dahil iba ang persepsyon ng lalaki sa babae, at ng babae sa kanyang sarili
Paggamit ng imahe ng lalaki sa mga tula at kuwento
Ang pagkahulugan ng maraming tao sa mga katagang manggagawa, mangingisda,
magsasaka ay tumutukoy sa kalalakihan.
Ang mga manunulat ay nakagawian nang isipin na ang mga manggagawa at
magsasakang kanilang inilalarawan sa mga tula ay mga lalaki.
Ang pagtuya sa imahe ng babae sa mga tula
Isang paboritong temang tinutulaan ng mga makata ay ang mga puta o mga
babaeng pakawala.
Ilan sa mahahalagang teksto ng kritisimo ay naglilimbag din ng di balanseng
pagtingin/pagtantiya/ugnayan ng lalaki at babae

You might also like