You are on page 1of 10

WIKANG FILIPINO

SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA


ni Pat V. Villafuerte
Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulay
ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;
mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan
maging sa paglaki hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig:
ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,
o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisdat magbubukid
bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit:
ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit
at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.
Iisa ang diwang kanilang pinapanday
iisa ang mithiing sa puso nilay bumubukal
iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw:
kamiy palayain o bayan kong minamahal.
A, oo nga pala
bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata
may busal ang bibig, may gapos-tanikala
Silay mga buhay ngunit di-humihinga
sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa.
Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon
may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala
may tagisan ng matuwid,
maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkat
tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao.
wikang naglalagos sa isipang makabansa
wikang nanunuot sa damdaming makalupa.
At,
paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan!
Ah,
hanggang kailan susukatin?
hanggang kailan bubuhayin?

hanggang kailan maaangkin?


Layang mangusap, layang sumulat
layang mamuhay, layang manalig
layang humalakhak, layang maghimagsik
maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!
Kasaysayan palay mababago isang saglit
sa dakong silangan . . . doon sa silangan
ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit
naantig ang diwang inaliping higit
tumibok ang pusong dating di-humihibik
nagising ang ugat ng hapong mga bisig.
bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig
ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.
sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid
sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsat tumindig.
lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!
laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.
Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa
kilalat di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayamat mahirap,
matalinot mangmang, aktibistat militar.
nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.
propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro,
mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo,
pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid.
nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.
Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!
wikang ginagamit sa lahat ng dako
ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano,
ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano
ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng itoy Filipino!
wika ng pagkakaisa, kababayan mat dayo
wikang tagapagligtas ng digmaat gulo
wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

SABAYANG PAGBIGKAS
Wikang Filipino... Sagisag ng Pagka-Pilipino
Ni Ernest Genesis Mercado Guevara

Tagalungsod, tagalalawigan,ang ibay nagbalikbayan


Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang,
May sariling wika na sa puso at isipay nakapunla
Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula.
Wikang Filipino,hatid sa madlay karunungan
Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan,
Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan
Nagsisilbing kawing tugon sa pag-uunawaan.
Wikay pundasyon sa karunungang pantao
Tagapaghatid ng kaalaman at katangian ng Pilipino,
Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totoo
Marapat na pahalagahan para sa kaunlaran at pagbabago
Matagal ng usapin pagpapaunlad sa wika ng bayan
Dahil lubos na niyakap,wikang nagmula sa dayuhan,
Dayuhang dumusta, ginulo ang isipan
Kaya ng tayoy lumaya, nawala sariling pagkakakilanlan.
Sa ganitong kalagayan, dalubwika may mithiin
Masusing pinag-aaralan pag-unlad ng wika natin
Para matutunton ang kaganapan ng lahat ng naisin
Ang mapayabong pa ang lahat ng mga wikain.
Upang matugunan ang suliranin ng sambayanan
Wikang magbibigkis, siya nating kailangan
Kung wikang Filipino ang gagamitin sa araw-araw
Tiyak itong epektibo , mga gaway makabuluhan.
Wika natiy yayabong kung tatanggapin ang pagbabago
Na gamitin ang diyalekto at salitang hiram sa kausap mo,
May batas na nagpapahintulot na pag-aralan ang mga ito
Huwag lang kalilimutan ang wika natiy Filipino.
Sagana ang Pilipinas sa mga katutubong wikain
Iba-iba ang bigkas at diin ngunit itoy Filipino pa rin,
Saanman dako ng bansa malaya nating gamitin
Ilokano, Sambal, Ivatan, Ifugao na sariling atin
Kilos na kababayan, wika natin ipagmalaki
Ito na ang panahon ng ating pagbubunyi.
Ngayon ay buwan ng mga wikang tatak ng ating lahi.
Wikang Filipino... wika ng liping kayumanggi.

WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG PAGKAKAISA


Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulay
Ay nakalimbag sa pahina nang kasaysayaan.
Mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan
Maging sa paglaki, hanggang sa kamatayan.

Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig


Ng mga paham, siyentipiko, mananaliksik,
O ng mga guro, doctor, abogado, magingisdat magbubukid;
Bawat isa, may mithin, may parangarap na nais makamit
At isama sa mga butiun di masungkit-sungkit.
Sa bawat panahon
Sa bawat kasaysayan
Sa bawat henerasyon
May palawakan ng isip
May palitan ng paniniwala
May tagisan ng matuwid
Maging itoy mabunga na tuwa, ng lungkot, ng galit
Sila-silay natatago, kayu-kayoy nagpapangkat
Tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumubalagkas
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
Wikang pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao
Wikang naglalagos sa isipan makabansa
Wikang nagnunuot sa damdamin makalupa
Kasaysayan palay mababago isang saglit
Sa dakong silangan doon sa silangan
Ang sikat ng araw sumilip, sumikat, uminit
Naantig ang diwang inaliping higit
tuminok ang pusong dating di pumipintig
Nagising ang ugat ng hapong mga bisig
Bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig
Ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdig
Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit-bisig bawat isa
Kilalat di-kilala, kaaway ast di-kaaway
Mayamat mahirap, matalinot mangmang, aktibistat militar
Nagkaisang ganap sa isang mithing kapanga-pangarap
Propesyonal at di-propesyonal
Mangagawa, kawani, guro, mangangalakal
Estudyante, iskolar, istambay
Sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid
Nagkaisa, nagkasama
Nagkasama, nagkaisa
Ang wikang ginamit? Wikang Pilipino
Wika ng paglaya ng lahat ng tao
Wika ng pagkakaisa, kabayan mat dayo
Wikang tagapagtanggol ng lakas ng tao

uso parin ang harana


sa babaeng napakaganda
tulad ng isang wika
nagbubuklod sa isang bansa
at sa bawat dako ay nagkakaisa

sa libu-libong pagkakataon
na ika'y ginamit
iilan ulit pa lang kitang
binigyang halaga
naiinis kaming isipin na
parang wala ka na
Siguro ay hindi nila alam
ang yong tunay na halaga

minsan di ko maintindihan
parang wika natin ay pinagtri-tripan
medyo malabo yata ang mundo
binabasura ng iba ang pagkapilipino

WIKANG FILIPINOY WAG BAGUHIN


ni Emmanuel F. Del Rosario
Sa pag-agos ng ilog na hindi na muli pang babalik,
Bawat sandaliy dapat nating ikasabik,
Ngunit paano kung ang ating dapat ipanhik,
Nilamon ng modernismot sa kawalay inihasik.
Ang wikang Filipino sa tin halagay mumunti,
Binabago, binubura, pilit nating pinaiikli,
Kung mga Kanoy may Ingles;ang Pinoy may Filipino rin,
Ngunit bakit ngayon wikang Filipinoy Ingles na din!
Bansay di nagkakaisa, walang pagkakaintindihan,
Dahil wikang pambansa, nasa ilalim ng kahapisan,
Ito ay regalo ng Maykapal, at kanyang inaasahan,
Na bawat isay dapat natin itong linangin at pagsaluhan.
Kung gusto natin ng pagbabago, wikay wag baguhin,
Dapat bawat Pinoy itoy paunlarin,
Wika ang susi sa pagkakaisa ng bansa,
Kaya dapat natin itoy taas noong ibandila!

Para sa sabayang pagbasa:


Isang Dipang Langit
Ni Amado V. Hernandez
Akoy ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa koy piitin,
katawang marupok, aniyay pagsuko,
damdamiy supil nat mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ang bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may suat,
watawat ng aking pagkakapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa puntong may susiy walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anakiy atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapoy tila isang tanikala
na kalakaladkad ng paang madugo,
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsay magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalansing;
sa maputlang araw saglit ibibilad
sanlibong aninong inuluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabiy biglang magulantang
sa hudyatmay takas!at asod ng punlo;

kung minsay tumatangis ang lumang batingaw


sa bitayang muog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon
bilanggunang mandiy libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay koy dito mapipigtal.
Ngunit yaring diway walng takot-hirap
at batitis pa rin itong aking puso:
piitay bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.
Ang taot Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilyay may bayang ganganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandigang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay
layang sasalubong ako sa paglaya!
Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas!
All: Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas!
Girl1: Sino ka? (sa isang lalaki)
Boy1: Sino ako? (pagtataka)
B: Sino kayo?
G: Sino sila? (nakatingin sa audience at nakaturo sa mga lalaki)
A: Sino Tayo?
[Titingin sa bawat isa magtatanungan ng kung sila, itoy may mapapansing may kaguluhan at hinhinto
pagkasabi ng Ako ng isang lalaki]
B1: Ako
G: Ikaw
B: Kayo
G: Sila
A: Tayong mga Pilipino! May wikang panlahat. Lahat ay nagkakaintindihan, Kaya dapat tayong
hangaan.
G: May liwanag, may ilaw tayo!
B: May kakayahan, may lakas tayo!
A: Upang sundan ang tuwid na landas!
B1: Tikas pahinga!
A: (CHUG! May tunog ang pagtikas)
B1: Pulutong unang bilang!
G: Isa
G: Apatnapu
B: Sampu
B: Limampu

G: Walumpu
B: Siyamnapu

G: Dalawampu
B: Tatlumpu

G: Animnapu
B: Pitumpu

A: Sang daan!

B1: Mag-ulat!
A: Isang daang porsyento Ginoo!
G: Oo, Isang daan
B: Isang daang porsyento!
A: Isang daang porsyento. Isang daang porsyentong Pilipino, maaaring gumamit ng wikang panlahat!
Lahat tayo, wika natin ito.
G1: Sa ating lahat?
B: Tumpak!
A: Napakagaling! Sa atin ngang lahat. Lahat tayoy Pilipino, wikay mahalaga para sa lahat.
B: Wika mo, wika ko.
G: Wika koy wika mo din.
A: Sa atin, sa atin! Sa ating lahat! Wikang Filipino ay para sa lahat! Sa atin, sa atin! Sa ating lahat! Ito
ang kayamanan ng lahat!
G: Kamiy Pilipino, wika namiy Filipino.
B: Kamiy Pilipino, wika koy ipinagmamalaki ko.
A: Saludo kami sa bawat isa, wika natiy taas noong ipinagmamalaki sa kanila!
A: Sa Cavite
B1: Akoy isang Pinoy. Mahal ko ang aking wika. Wika ko, mahal ko!
A: Sa Batangas
G1: Ala eh? Ano ga gereng ginagawa mo dine?
A: Sa Ilocos
G1: Agri ingka aldaw wen!
A: Sa Bisaya
B1: Maayong buntag! Pautang, waray ako kwarta.
A: Ang mga Pilipino ay magagalang!
G: Kahit sa wika ay dapat may paggalang!
A: Jejemon? wag silang tularan!
G: Sabi nga ni Gat. Jose Rizal:
B: ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika
A: ay higit pa sa mabaho at malansang isda! TAMA! Ang paggalang ay pagmamahal!
B: madilim madilim madilim
G: may liwanaaag!
B: saan?
G: may liwanaaag!
B: saan? Nasaan ang liwanag?
G: Sa itaas! (ituturo ang taas)
B: Wala! (titingin sa itaas)
G: Sa Ibaba! (ituturo sa baba)
B: Wala! (titingin sa baba)
G: Ito! Ito ang ating liwanag! Ito an gating ilaw!
A: Tama! Wikang Filipino ang ating liwanag. Wikang Filipino, Ilaw sa dilim!
B: Kaylangan natin ng lakas!
G: Paano? Saan?

B: Lakas! Kaylangan natin ng lakas!


G: Paano? Saan? Lakas? Saan tayo kukuha ng lakas!
B: Doon! (tuturo sa kanan)
G: Saan?
B: Doon! (tuturo sa kaliwa)
G: Saan?
B: Dito! Ito!
G: Dito? Ito? Ito ba ang ating lakas?
B: Oo, ito! Dito! Ito ang ating lakas!
A: Oo, ito, dito! Ang wikang Filipino ang ating lakas!
A: Whuuuuu!
G: Ilaw! Whuuuuu!
B: Lakas! Whuuuuu!
G: Ilaw! Whuuuuu!
B: Lakas! Whuuuuu! (palakas ng palakas, pabilis din ng pabilis, limang beses)
A: Tara na! Halina!
B: Tara na! Tara na!
G: Halina! Halina!
A: Tara na, Halina, sa tuwid na landas, gamit ang ilaw at lakas!
G: Ang Filipino (Very soft)
B: Ang Filipino (Higher pitch and louder)
A: Ang Filipino ay wikang panlahat
B: Ang Filipino ay wikang panlahat Ilaw at lakas
G: Ilaw at lakas sa tuwid na landas
A: (Very loud and hard)
ANG FILIPINO AY WIKANG PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS!

You might also like