You are on page 1of 12

-nagbibigay-turing o naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip.

Uri ng Pang-uri:
(1) Panlarawan - nagpapakilala ng hugis, anyo, uri, laki, at kabagayan ng mga pangngalan at
panghalip.
(a) Payak - salitang-ugat na naglalarawan
mga halimbawa:
ganda, dumi, bilog, tamis
(b) Maylapi - mga salitang naglalarawan na binubuo ng salitang-ugat at panlapi

Unlapi

Halimbawa

/ka-/

kabati, kagalit, kasundo, kasayaw

/kay-/

kayganda, kaysaya

/ma-/

masaya, mabait, maganda

/mala-/

malaanghel, malarosas

/maka-/

makabayan, makakalikasan, makatao

(c) Inuulit - binubuo ng mga salitang inuulit

Ganap

Di-Ganap

sira-sira,

matatamis, magaganda, maliliit,


masasaya, madudumi, mabibilog

(d) Tambalan - salitang naglalarawan na binubuo ng dalawang pinagsamang salita


mga halimbawa:balikbayan, bukas-palad
(2) Pamilang - nagpapakilala ng bilang o pagkasunud-sunod ng pangngalan at panghalip.
(a) Panunuran: una, ikalawa, ikatlo...
mga halimbawa:
Ikalawa ako sa pila.

Si Andong ay ikatlo sa kanilang magkakapatid.


(b) Pamahagi:kalahati, kapat (1/4)...
mga halimbawa:
Isang dosenang itlog ang pinabili ni Kim.
Kalahati bigas ang binili ko kanina.
(c) Patakaran/Kardinal: isa, dalawa, tatlo...
mga halimbawa:
Sampung kandidato ang tumakbo bilang pangulo noong 2010.
Dalawang babae ang anak nila.
(d) Palansak: isa-isa, dala-dalawa, tatlo-tatlo...
mga halimbawa:
Isa-isang nagsidatingan ang mga bisita ni Abril.
(e) Pahalaga: piso, dalawang piso, limang libo, limpak-limpak, libu-libo...
mga halimbawa:
Nanalo siya ng limpak-limpak na salapi.
Sampung pisong candy ang binili niya.
(3) Pantangi - mga pangngalang pambalana ang ginagamit upang ilarawan ang pangngalan o
panghalip.
mga halimbawa:
May kaibigan akong lalaking Italiano.
Ang mamamayanang Pilipino ay masisipag.

Antas ng Pang-uri:
(1) Lantay - isang pangngalan o panghalip lamang ang nilalarawan.mga halimbawa:
Siya ay madasalin.
Ang grupong iyon ay magaling.

Mabango ang sampaguita.

(2) Pahambing - pagkukumpara ng dalawa o higit pang pangnglan o panghalip ang ginagawa
ng pahambing na pang-uri. Ito ay nahahati sa dalawa: Magkaiba at Makatulad. Sa
paghahambing kalimitang ginagamit ang mga salitang:

"kapwa"
"magkasi
ng-"
"kasing-"
"tulad"
"katulad
" "maskaysa"
mga halimbawa:

Magkaiba

Magkatulad
Kapwa sila magalang.

Mas mabait ako kaysa sa iyo.

Magkasinghusay sila.
Si Josephine ay kasing bait ni Bertha.
Ang kabaitan ni Jose ay tulad ng kay Sandra.

(3) Pasukdol - nagpapahayag ng matindi o di-mapantayang katangian ng pangngalan o


panghalip. Kalimitan itong ginagamitan ng mga salitang:
"napaka-", "pinaka-", "ubod ng__", "walang-kasing___"
mga halimbawa:
Ubod ng galang si Joycelyn.
Pinakamalinis ang silid ko sa kanilang lahat.
Walang-kasing sikap si Lucy.
Napakamatulugin na bata nitong si Andren.
Ang Pang-uri ay ang bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip. Ito
ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles.
Ito ay maaaring pang-uring panlarawan o pamilang.

Uri ng Pang-uri
1. Pang-uring panlarawan
Ang mga likas na pamng-uring nagpapakilala ng
katangian ng pangngalang binibigyang-turing.
Halimbawa:
matayog na pangarap
malapalasyong bahay
2. Pang-uring pamilang
Ito ay nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng
binibigyang-turing na pangngalan o panghalip.
Maaring tiyak o di-tiyak.
Halimbawa:
di-tiyak:

mga
marami
kaunti

tiyak:

dalawa
isa
sampu, etc
tig-apat

Uri ng pang-uring pamilang

1. Patakaran o Kardinal
Ito ay gamit sa bilang o dami
Halimbawa:
sandaan
sanlibo

Pamahagi
Ito ay pamilang na bahagi ng isang
buo o mahigit sa isang buo.
Halimbawa:
kalahati
bahagdan (1/100)
kaapat ()

Pahalaga
Ito ay nagsaad ng halaga ng mga bagay.

Palansak
Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasamasama ng mga tao o bagay.
Halimbawa:
dala-dalawang bata
pito-pitong dahon

1. Panunuran

Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.


Halimbawa:
una
ikalima/ika-5
pangalawa
ikasiyam/ika-9

Kailanan ng Pang-uri
a. Isahan
Karaniwang payak ang pang-uri at nagpapakilala sa tulong
ng pamilang ng isa, mga panghalip na isahan at ng panandang
ang at si.
Halimbawa:
Isang masipag na magwawalis si Mang Tasyo.
b. Dalawahan
Nakikilala ito sa pang-uring pamilang na dalawa: sa paggamit
ng unlaping magsing-, magka-, magkasing-, at ng iba pang
unlaping
kapwa, kambal, at iba pa.
Halimbawa:
Kapwa masipag ang mag-asawang Tomas at Nena.
c.

Maramihan

Ginagamitan ito ng panandang pangmaramihan tulad ng:


mga; ng pang-uring pamilang na maramihan tulad ng tatlo,
sampu, sandaan at iba pa; at ng pang-uring inuulit ang unang
pantig ng salitang ugat tulad ng magaganda, ang yayaman, at
iba pa.
Halimbawa:
Himbing na himbing pa ang mga taga-baryo.
Ang dami-dami ng kalat sa labas ng bakuran ni Aling Iska.
Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na
aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
2. Pang-abay na Pamanahon tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang
isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.
3. Pang-abay na Panlunan tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad
ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:

Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.


4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
Halimbawa:
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.
5. Pang-abay na Panggaano tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad
ngpandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.
Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
7. Pang-abay na Pananggi nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.
8. Pang-abay na Panulad ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
MGA URI NG PANG-ABAY

1.

Pang-abay na Pamanahon nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.

May pananda

Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Hal.
1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Hal.

1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng


dulang Pilipino.
2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika 40
na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Hal.

1. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng


santakrusan.
2. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang
kanyang kalusugan.

2.

Pang-abay na panlunan tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa


pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay .
Sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o
panghalip.
Kay /kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao.
Hal.

1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.

2. Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa


iyong kaarawan.

3.

Pang-abay na pamaraan naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Hal.

1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.


2. Bakit siya umalis na umiiyak?
3. Tumawa siyang parang sira ang isip.

4.

Pang-abay na pang-agam nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap


sa kilos ng pandiwa. Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Hal.

1. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng


Sandiganbayan.
2. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home
Coming kaysa nakaraang taon.
3. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5.

Pang-abay na panang-ayon nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo,


opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Hal.

1. Oo,asahan mo ang aking tulong.


2. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
3. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6.

Pang-abay na pananggi nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.


Hal.

1. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.


2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7.

Pang-abay na panggaano o pampanukat nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong


na gaano o magkano.
Hal.

1. Tumaba ako nang limang libra .


2. Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8.

Pang-abay na pamitagan nagsasad ng paggalang.


Hal.

1. Kailan po kayo uuwi?


2. Opo, aakyat na po ako.

Ang Pang-Ugnay at Halimbawa nito


BY BALOYDI LLOYDI , AT 6:33 PM , HAS 0 COMMENTS

May tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

1.

Pang-angkop ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito ay


nagpapaganap lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

a.

Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s katinig


maliban sa n. Hindi ito isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng
salita ng panuring.

b.

Ang pang-angkop ng ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit
ang ng

2.

Pang-ukol ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan o


panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

3.

Pangtanig ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o kaispan sa isa pang
salita o kaisipan sa isang pangungusap.

a.

Pamukod ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.

b.

Paninsay o pasalungat ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat


Halimbawa:
Subalit, datapwat, bagamat

c.

Panubali o Panlinaw nagsasaaad ng panubali o pasakali.

d.

Pananhi tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan


Halimbawa:
Sapagkat, dahil sa, palibahasa

You might also like