You are on page 1of 4

Pag-aalsa ng mga Pilipino Laban sa

Reaksyon ng mga Pilipino sa


Pananakop

Espanya
Binhi ng Nasyonalismo

Hindi lahat ng Pilipino ay sumangayon sa pananakop. Maarami sa kanila


ang tumutol at nag-alsa sa laban sa mga
Kastila.

May mga pag-aalsang naganap na


ang dahilan ay ang mga personal na
karaingan.

Kahulugan ng Salitang Pag-aalsa

Pagtutol sa mga patakarang


ipinatutupad

Kawalan ng pagkakaisa ng mga


Pilipino.
Makabagong armas ng mga Kastila.

Kawalan ng mga pinunong may


sapat na istratehiya at karanasan sa
pakikidigma.

Paghingi ng mga pagbabago

Bunga ng Pag-aalsa

Rebelyon

Maraming mga Pilipino ang nasawi


sa pakikipaglaban.

Mga Dahilan ng Pag-aalsa

Pagnanais na maging malaya

Panrelihiyon

Pagtututol sa mga Patakarang


Pangkabuhayan
Personal na Dahilan

Pagnanais na Maging Malaya

May mga Pilipino na nais na


maging malaya katulad noong bago
dumating ang mga Kastila.

Dagohoy (1744-1828:Bohol)

Dahilan ng Pagkabigo ng mga Pagaalsa

Nagkaroon ng mahigit 100 pagaalsa laban sa mga Kastila, karamihan ay


naganap sa pagitan ng 1565 1600.

Malong (1660-61:Pangasinan)

Magat Salamat (1587:Tondo)


Lakandula (1574:Tondo)

Pagtututol sa mga Patakarang


Pangkabuhayan

Kabilang sa dahilan ng pag-aalsa


ng mga Pilipino ang labis na pahirap sa
pagbabayad ng tributo, polo, idulto de
comercio, pag-aagaw ng mga lupain at
monopolyo.

Silang (1762-63:Ilocos)

Matienza (1745-46:Bulacan, Cavite,


Rizal at Laguna)
Panrelihiyon

May mga Pilipino na hindi


tumaggap sa Katolisismo at nais balikan
ang katutubong relihiyon.

Bankaw (1622:Leyte)

Tamblot (1622:Bohol)

Hermano Pule (1840:Tayabas,


Quezon)
Personal na Dahilan

Namulat ang maraming Pilipino sa


mga pang-aabuso at pagmamalupit ng
mga Kastila.

Naging dahilan ang mga pag-aalsa


upang umusbong ang diwang
Nasyonalismo sa mga Pilipino.
Kilusang Propaganda
Pagsilang ng Diwang Makabansa
Mga pangyayari noong ika-19 na siglo na
naging dahilan ng pag-usbong ng
nasyonalismo sa bansa.

Liberal na pamamahala ni Gob.


Hen. Carlos Maria dela Torre

Pagbubukas ng Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan

Pagbubukas ng Canal Suez

Pagkakaroon ng pangkat na
ilustrado

Pagtatatag ng Kilusang
Sekularisasyon

Pagbitay sa tatlong paring martir


(GOMBURZA)
Kilusang Propaganda

Pagkatapos ng pagbitay kina


GOMBURZA, sumidhi ang diwang
makabansa ng mga Pilipino. Naghangad
sila ng mga repormang panlipunan.

Pangunahing layunin ng Kilusang


Propaganda na bigyan ng kalutasan ang
mga kamalian sa sistemang kolonyal ng
mga Kastila sa Pilipinas.
Layunin ng Kilusang Propaganda

Makaroon ng kinatawan ang


Pilipinas sa Cortes ng Spain.

Pantay na pagtingin sa mga Pilipino


at Kastila sa harap ng batas.

Sekularisasyon ng mga parokya sa


Pilipinas.

Gawing lalawigan ng Spain ang


Pilipinas.

Ipagkaloob sa mga Pilipino ang


karapatang pantao at kalayaan sa
pagsasalita.

La Solidaridad

Ang opisyal na pahayagan ng


Kilusang Propaganda.

Unang inilathala sa Barcelona,


Spain noong Pebrero 15, 1889 sa
pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena.
Pumalit sa kanya si Marcelo H. del Pilar
noong Disyembre 15, 1889.
Layunin ng La Solidaridad

Itaguyod ang malayang kaisipan at


kaunlaran.

Mapayapang paghingi ng mga


repormang pulitikal at panlipunan.

Ilarawan ang kaawa-awang


kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng
mga hakbang ang Spain na ayusin ang
mga ito.
Mga Nobela ni Rizal
Noli Me Tangere (1887)
El Filibusterismo (1891)

Sa mga aklat na ito, tinuligsa ni


Rizal ang kasamaan ng mga prayle at
kabulukan ng sistema ng pamahalaang
Espaol.
La Liga Filipina

Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3,


1892 matapos makabalik sa Pilipinas.

Layunin ng samahan na magkaisa


ang lahat ng Pilipino sa paghingi ng
reporma sa mapayapang paraan.

Sa kasamaang palad, hindi


nagtagal ang samahan dahil ipinahuli ni
Gobernador-Heneral Eulogio Despujol si
Rizal noong Hulyo 7, 1892 upang
ipatapon sa Dapitan.
Konklusyon

Nabigo ang Kilusang Propaganda


dahil hindi dininig ng Spain ang mga
karaingan ng mga Pilipino.

Isa rin sa dahilan ng pagkabigo ng


kilusan ang kawalan ng pondo upang
maipagpatuloy ang mga gawain ng
samahan.

Ang pagkabigo ng Kilusang


Propaganda ang naging simula ng
Rebolusyon.
KATIPUNAN
Paglago ng Diwang Nasyonalismo
PANIMULA

Matapos madakip si Dr. Jose P. Rizal


noong ika- 6 ng Hulyo 1892, inisip ng mga
Pilipino na hindi na nila makakamit ang
hinihinging pagbabago sa mapayapang
paraan.
Timeline
Hulyo 7, 1892 itinatag ang KKK
(Kataastasang Kagalang galang na
Katipuna ng Bayan)
Aug 19, 1896 nabunyag ang KKK ng
mga Kastila
Aug 24, 1896 Naganap ang sigaw sa
pugad lawin sa Balintawak
Aug 30, 1896 sinalakay ng mga
Katipunero ang Polverin ng San Jaan
Pagkakatatag ng Katipunan

Noong Hulyo 7, 1892, itinatag nina


Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro
Plata, Ladislao Diwa at Deodato Arellano
sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (Claro
M. Recto ngayon), Tondo, Maynila ang
KKK (Kataastaasan, Kagalang-galang
na Katipunan na Anak ng Bayan)
Layunin ng Katipunan

Layunin ng KKK na pag-isahin ang


mga Pilipino na makamit ang Kalayaan ng
Bansa sa pamamagitan ng isang
himagsikan laban sa mga Kastila.
Mga Kasapi ng Katipunan
- Katipun
- Kawal
- Bayani
Katipun

Unang antas ng Katipunero

Kontra-senyas (Password): Anak ng


Bayan

Nagsusuot ng itim na hood sa mga


pagpupulong.

Maaring maiangat sa antas na


Kawal kung makakapaghikayat ng
maraming kaanib.
Kawal

Ikalawang antas ng Katipunero

Kontra-senyas (Password):
GOMBURZA

Nagsusuot ng berdeng hood sa


mga pagpupulong.

Maaring maiangat sa antas na


Bayani kung sila ay mahahalal bilang
opisyal.
Bayani

Ikatlong antas ng Katipunero


Kontra-senyas (Password): Rizal

Nagsusuot ng pulang hood sa mga


pagpupulong.

Binubuo ng mga pinuno ng


Katipunan
Pacto de Sangre

Ang ritwal na ginagawa sa mga


taong nais na maging kasapi ng
Katipunan.

Ito ay ginagawa sa isang lihim na


silid na kung tawagin ay Camara Negra
(Dark Chamber)

Ito ay nagsisimula sa isang


pagsubok at nagtatapos sa paglagda sa
kasunduan gamit ang sarili nilang dugo.
Ang Kalayaan

Ang opisyal na pahayagan ng


Katipunan.

Kabilang sa mga artikulo na


nailimbag ay ang Manifesto ni Emilio
Jacinto (Dimas Ilaw) at ang tulang Pagibig sa Tinubuang Lupa ni Andres
Bonifacio (Agapi-to Bagumbayan).
Pagkakatuklas ng Katipunan

Nabunyag ang lihim ng Katipunan


nang ikinumpisal ito ng kapatid ni
Teodoro Patio kay Padre Mariano Gil
noong August 19, 1896.

Sa ginawang paghahalughog sa
palimbagan ng Diario de Manila,
natuklasan ang mga patalim, resibo at
dokumento ng Katipunan.
Sigaw sa Pugadlawin

Pagkatapos mabunyag ang lihim ng


Katipunan, tinipon ni Bonifacio ang mga
Katipunero sa Balintawak noong Augusto
24, 1896. Dito napagkasunduan na
simulan agad ang himagsikan at
pinagpupunit ang kanilang sedula at
sumigaw ng Mabuhay ang
Katagalugan!.
Unang Labanan para sa Kalayaan

Noong August 30, 1896, sinalakay


ng mga Katipunero ang polverin ng mga
Kastila sa San Juan, Manila. Bagamat
natalo, ito ang naging hudyat ng mga
Pilipino para sa malawakang himagsikan
para sa kalayaan.

Kasunod nito ipinag-utos ni Gob.


Hen Jose Blanco nailagay sa ilalim ng
batas militar ang walong lalawigan sa
Luzon - Manila, Cavite, Laguna,
Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva
Ecija at Tarlac.
KALAYAAN
Bunga ng Nasyonalismo
Timeline
Marso 22, 1897 itinatag ang Republika
ng Pilipina sa Tejeros San Francisco de
Malabon (General Trias)Cavite

Nobyembre 1,1897 itinatag ang


Republika ng Biak na Bato sa San Miguel
Bulacan
Disyembre 14, 1897 Nilagdaan and
kasunduan sa Biak ng Bato
Mayo 19, 1898 Bumalik sa Pilipina si
Emilio Aguinaldo at tinatag ang
Pamahalaang Diktatoryal
June 12, 1898 ipinahayag
angKasarinlan ng PIlipinas sa Cavite del
Viejo (kawit) Cavite.
Kombensyon sa Tejeros

Itinatag ang Republika ng Pilipinas


bilang kapalit ng Katipunan.

Nahalal bilang pangulo si Emilio


Aguinaldo. Nahalal naman bilang Direktor
Interyor si Andres Bonifacio ngunit
tinutulan ni Daniel Tirona na naging
dahilan ng pagpapawalang bisa ni
Bonifacio sa naganap na pagpupulong.
Republika ng Biak-na-Bato

Pinulong ni Aguinaldo ang kanyang


mga pinuno upang bumuo ng isang
Saligang Batas. Sinulat ito nina Isabelo
Artacho at Felix Ferrer at pinagtibay
noong Nob. 1, 1897. Kasabay nito,
itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato at
itinalaga ang mga nahalal na pinuno.
Kasunduan sa Biak-na-Bato

Namagitan si Pedro Paterno upang


magkaroon ng usaping pangkapayapaan
sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino.

Nilagdaan nina Aguinaldo at Gob.


Hen. Fernando Primo de Rivera ang
Kasunduan sa Biak-na-Bato noong
Disyembre 14, 1897.

Kapwa hindi tumupad sa usapan


ang magkabilang panig.
Mga Probisyon ng KBB

Ititigil ng mga pinuno ng


rebolusyon ang labanan at maninirahan
sa Hong Kong.

Lubusang kapatawaran sa lahat ng


rebolusyonaryo at pagsusuko ng mga
armas.

Magbabayad ang Espanya ng


kabuuang halagang 1,700,000 pesos sa
mga rebolusyonaryo.
Pagpapatuloy ng Himagsikan

Bumalik sa Pilipinas si Emilio


Aguinaldo at itinatag ang Pamahalaang
Diktaturyal noong Mayo 19, 1898. Sa
tulong ng mga Amerikano, ipinagpatuloy

ng mga Pilipino ang labanan para sa


kalayaan.

Pinaghandaan din ng pamahalaan


ang pagpapahayag ng kasarinlan ng
bansa.
Pagpapahayag ng Kasarinlan

Sa isang makulay na seremonya,


ipinahayag ang Kasarinlan ng Pilipinas sa
Cavite del Viejo (Kawit), Cavite noong
Hunyo 12, 1898.

Binasa ni Ambrosio Rianzares


Bautista ang Acta de Independencia
habang winagayway ni Gen. Aguinaldo
ang watawat ng Pilipinas na gawa ni
Marcela Agoncillo.

You might also like