You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

CITY OF _______________________
) S.S

SINUMPAANG SALAYSAY
Kami, NORALYN GARCIA, DORIZA SANTOS at CELSO
GARCIA, mga nasa hustong gulang at nakatira sa 37
Liwayway St. Bayan-bayanan, Malabon City ay sumusumpa
na:
1.
Na noong April 16, 2014 sa pagitan ng alas syete
(7:00AM) ng umaga hanggang alas singko ng hapon
(5:00PM) ay kasama namin si Rosario Santos sa bahay ni
Noralyn Garcia. Kami ay nagkukuwentuhan nung mga
panahong iyon.
2.
Na mga bandang alas 12:30 ng tanghali ay tinawag ni
Edna Soriano si Rosario. Narinig naming niyaya ni Edna si
Rosario na lumabas ng bahay.
3.
Dahil alam naming may personal na galit si Edna kay
Rosario, kami ay sumunod sa may pintuan upang bantayan
ang aming kaibigan. Doon nga ay narinig namin na sinabi ni
Edna kay Rosario ang mga salitang Magkakaso ka!
Bukas, magkakaso ka. Kapag hindi mo tinigilan ang
pagtulong sa Tito Alfredo mo!
4.
Kami ay nagulat sa bantang iyon ni Edna kaya kami ay
nanahimik na lamang. Ngunit pagkatapos niyang sabihin ang
mga katagang iyon, siya ay umalis na at hindi na nagbalik
pa.
5.
Pagkatapos noon ay itinuloy lang namin ang aming
kuwentuhan kung saan kasama lang namin si Rosario Santos
hanggang alas singko ng hapon. Sa mga panahong iyon,
hindi naming nakita na kinausap man lang ni Rosario ang
isang nangngangalang Theresa Guanzon. At hindi na rin
namin napagusapan ang bantang iniwan ni Edna Soriano.
5.
Ang Sinumpaang Salaysay na ito ay aming ginawa
upang patotohanan ang lahat ng aming pahayag.
BILANG PATOTO, kami ay lumagda at pinatotohanan ang
aming mga pahayag ngayong ika- ________ ng ____________
2014 sa Lungsod ng _________________________.
1

NORALYN GARCIA
NAGSASALAYSAY

DORIZA SANTOS
NAGSASALAYSAY

CELSO GARCIA
NAGSASALAYSAY

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ___ day of


_________________ 2014 in the City of ____________. I certify
that I have personally examined the affiants and I am
satisfied that they have read and understood the contents of
the foregoing Affidavit and that they have voluntarily
executed the same

NOTARY PUBLIC
Doc. No._____
Page No._____
Book No._____
Series of _____

You might also like