Professional Documents
Culture Documents
Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito
ay ang "CAUSE". Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa
salitang Ingles, ito ay ang "EFFECT".
Nahulog si Juan sa kanal dahil hindi nya tinitignan ang kanyang dinaraanan.
SANHI - Hindi nya tinitignan ang kanyang dinaraanan.
BUNGA - Nahulog si Juan sa kanal.
Pinag-aralan niya nang mabuti ang kanyang leksyon kagabi kaya nakakuha siya ng mataas na
marka.
SANHI = Pinag-aralan niya nang mabuti ang kanyang leksyon kagabi.
BUNGA = Nakakuha siya ng mataas na marka.
Matatagpuan ang Pilipinas sa bahagi ng daigdig na malapit sa ekwador. Ito ang sonang
tropiko. Sa bahaging ito, higit na mainit ang sikat ng araw kaysa alinmang bahagi ng mundo.
Ano ang paksang pangungusap ng binasang talata?
a) Ang sonang tropiko
b) Higit na mainit ang sikat ng araw kaysa alinmang bahagi ng mundo.
c) Matatagpuan ang Pilipinas sa bahagi ng daigdig na malapit sa
ekwador
Taun-taon ay ginugunita natin ang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog lalo na sa pagsapit ng
buwan ng Marso. Tulad din ng mga nakaraang gawain ay muling binibigyang babala ang
mamamayan upang makaiwas sa panganib na dulot ng apoy. Ang nasabing programa ay
ipinatutupad ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilalim ng pamamahala ng Department of
Interior and Local Government (DILG).
Alin ang paksang pangungusap ng binasang talata?
a) Pagbibigay babala sa mamamayan upang makaiwas sa panganib
na dulot ng apoy.
b) Paggunita sa Buwan ng Pag-iwas sa Sunog
c) Programang ipinatutupad ng Bureau of Fire Protection.
WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKA- WIKAWIKA- WIKA- WIKA- WIKA
Panghalip (Pronouns) mga salitang panghalili/pamalit sa pangngalan (noun)
1. Uri ng Panghalip
a. Panao (Personal Pronoun) salitang ginagamit panghalili o pamalit sa ngalan
ng tao o mga tao
Halimbawa: ako, ko, ikaw, iyo, inyo, atin, amin, kita, siya, kata (means tayong
dalawa), kayo, tayo, sila, kami, kanila, kanya; I, you, he/she, it, we, they
b. Pananong (Interrogative Pronoun) inihahalili sa pangngalan kung
nagtatanong
Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, alin, alin-alin, ilan, kalian, paano,
bakit, kanino, nino; who, whom, whose, which, and what, whoever,
whomever, whichever, and whatever
c. Pamatlig (Demonstrative Pronoun) mga salitang ginagamit sa pagtuturo
ng pangngalan (tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari); this, that,
these, and those
Halimbawa:
Malapit sa nagsasalita ito, heto, ire, yari, nito, nire, ganito, ganire,
gayari, dito, dine
Malapit sa kausap iyan, hayan/ayan, diyan, niyan, ganyan,
Malayo sa nag-uusap/pinag-uusapan iyon, hayun/ayun, doon, ganoon,
niyon
Naganap
Nagaganap
Magaganap
Tumakbo
Nagsulat
Umulan
Nag-aral
Naghintay
Naglaro
Umawit
Tumatakbo
Nagsusulat
Umuulan
Nag-aaral
Naghihintay
Naglalaro
Umaawit
Tatakbo
Magsusulat
Uulan
Mag-aaral
Maghihintay
Maglalaro
Aawit
f.
g.
h.
i.
i. Ayusan (to groom) Halika, ayusan kita para mapansin ka ng crush mo.
ii. Ayusin (to mend, arrange, fix or put in order) Ayusin mo itong
nasirang cellphone.
Gamitan/gamitin
i. Gamitan Gamitan mo ng talino ang pagsagot sa pagsusulit.
ii. Gamitin Gamitin mo ang lapis sa pagsusulat.
Suklayan/suklayin
i. Suklayan ng buhok ang ibang tao (Suklayan mo ako ng buhok, Ana.)
ii. Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba (Suklayin mo ang buhok ko, Luz.)
Sundan/sundin
i. Sundan (to follow) gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba (Sundan
mo siya baka siya maligaw.)
ii. Sundin (to obey) pagsunod sa payo o pangaral (Sundin mo ang mg
autos ng iyong magulang.)
Putulan/putulin
i. Putulan (to prune) Putulan mo ang mga damo sa hardin, masyado
nang mataas.
ii. Putulin (to cut) Putulin mo ang sinulid pagkatapos magtahi.
HATIIN at HATIAN
Hatiin (to divide) partihin;
Hatian (to share) ibahagi
Nangangahulugang mayaman
Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.
2. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan.
Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala,
angkata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang
dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at ang kata naman sa
magkasamang nagungusao at kinakausap.
Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.
Kata nang kumain sa kantina.
3. KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.
a.
b.
c.
a.
b.
c.
d.
4. NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
Katumbas ng of ng Ingles
Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.
Pang-ukol ng layon ng pandiwa
Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.
Naglalaro ng chess ang magkapatid.
Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.
Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.
Ginagamit ang nang bilang:
Katumbas ng when sa Ingles
Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting.
Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben.
Katumbas ng so that o in order to sa Ingles
Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayoy makapasa.
Magsumikap ka nang ang buhay moy guminhawa.
Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng
Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.
Tinanggap (na+ng) nang nahihiyang bata ang kanyang regalo.
Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Hal. Siya ay tawa nang tawa.
Kumain nang kumain ang nagugutom na bata.
5. DAW/DIN at RAW/RIN
7. KUNG DI at KUNDI
Ang kundi ay galing sa salitang kung hindi o if not sa Ingles;
ang kundi naman ay except.
Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.
8. PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.
Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.
9. HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantala,
ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN
Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
11. OPERAHIN at OPERAHAN
Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng
katawan na titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa
pagtitistis.
Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.