You are on page 1of 8

TAKA

Isa pang kilalang sining na gawa sa Paete ang laruang Taka o paper mache sa hubog ng
tao at mga hayop ( karaniwang manok, kabayo at kalabaw.) Ginagawa ito sa pamamagitan
ng pagdidikit ng papel, paghuhulma at pagpapatuyo sa init ng araw. Ang hinulmang papel
ay pipintahan upang maging makulay na laruan.

Tanyag din ang Paete sa mga paglililok ng kahoy sa mga lamesa at upuan, cabinet,
pandispley at iba pang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay.

Origami
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Mga tagak na nalikha dahil sa sining ng origami.

Ang Origami ( , mula sa ori na may kahulugang "pagtitiklop", at kami na ang ibig sabihin ay
"papel" (ang kami ay nagiging gamidahil sa rendaku) ay nakaugaliang Hapones na sining ng
pagtutupi ng papel, na nagsimula noong ika-17 daantaon AD at naging tanyag sa labas ng Hapon
noong kalagitnaan ng dekada ng 1900. Magmula noon ay umunlad ito upang maging isang
modernong anyo ng sining. Ang layunin ng sining na ito ay ang baguhin ang isang manipis na pilas
ng papel upang maging isang ganap na eskultura sa pamamagitan ng mga tekniko sa pagtitiklop at
paglililok, at bilang ganiyan ay ang paggamit ng mga paggupit at pandikit ay hindi itinuturing na
origami. Ang paggupit ng papel at pagdirikit ay karaniwang itinuturing na kirigami.
?

Ang bilang ng basikong mga tupi sa origami ay maliit lamang, subalit maaari silang pagsamasamahin sa loob ng sari-saring mga paraan upang makalikha ng madetalyeng mga disenyo. Marahil
ang pinaka kilalang modelo na pang-origami ay ang tagak na papel. Sa pangkalahatan, ang mga
disenyong ito ay nagsisimula sa isang parisukat na pilas ng papel na ang mga gilid ay maaaring may
magkakaibang mga kulay o mga tatak. Ang makatradisyong origaming Hapones, na isinasagawa
magmula pa noong panahon ng Edo(16031867), ay madalas na hindi gaanong mahigpit sa mga

kumbensiyong ito, na sa kung minsan ay ginugupit ang papel o gumagamit ng hindi parisukat na
mga hubog upang makapagsimula.

Parol

Ang hugis ng orihinal na Parol

Ang Parol o star lantern sa wikang Ingles ay isa sa mga pamosong Pamaskong tradisyon sa Pilipinas. Ito
ay isinasabit sa labas ng mga bahay at nagsisilbing dekorasyon tuwing Kapaskuhan. Ang parol ay
sumasagisag sa bituin ng Bethlehem, ang ilaw na gumabay sa tatlong hari noong ipananganak si Hesus.
At dahil ang Pilipinas lamang ang may pinakamadaming bilang ng Katoliko, ang parol ay naging simbolo
ng selebrasyon sa kapanganakan ni Hesus para sa mga Filipino. Ito din ay tinuturing na
pinakamahalagang simbolo ng Kapaskuhan sa Pilipinas.
Ang mga patpat na gawa sa kawayan, papel de hapon, at crepe paper ang mga tradisyonal na
materyales na ginagamit sa paggawa ng parol. Sa makabagong panahon, gumagamit na ng mas matibay
na materyales tulad ng plastik, cellophane, papel at capiz sa paglikha ng parol. Ang nakasanayan na
kandila at oil lanterns ay napilatan ng de-kuryenteng bumbilya. Ano man ang ginamit na materyales o
kung kailan mang panhon ito ginawa, ang mga parol ay sadyang nililikha na may iba't-ibang sukat, hugis
at disenyo, subalit nananatili pa rin ang mukha nitong hugis bituin.
Ang Lungsod San Fernando, Pampanga ay kilala sa paggawa ng mala-higanteng parol na may
kumikislap-kislap at nagiiba-ibang kulay na ilaw sa loob ng parol. Sa tuwing ginaganap ang

kanilang Giant Lantern Festival, nagpaparada sila ng mga parol na may taas na 15 metro at ang iba
naman ay ginagamitan ng hanggang 16,000 na bumbilya sa loob ng nito.
[baguhin]Kasaysayan

Ang makabagong hugis ng Parol, ginamitan ng Capiz shells

Ang paggawa ng parol ay nagumpisa noong nagsimula ang Kristianismo sa Pilipinas. Ang salitang parol
ay hango sa salitang Kastila na "farol." Ang parol ay sinasabing nag-ugat sa piata ng mga Mexicano, na
tulad ng parol ay ginagamitan din ng crepe paper. Ang piata ay nagmula sa bansang Italya, idinala sa
Espaa at sa Mexico. Mula sa Mexico, nakarating ito sa Pilipinas kasabay ng pagpunta ng mga Kastila at
paglaganap ng Kristianinsmo sa bansa.
Ayon sa kasaysayan ng parol, ang orihinal na tungkulin ng parol ay ang pagbibigay tanglaw sa
dinadaanan ng mga parokyano papuntang simbahan para dumalo sasimbang gabi. Ang mga parol ay
noon ay may hugis krus at sa halip na itago ang mga ito, isinasabit ang mga ito sa labas ng kanilang mga
bahay. Dahil dito, nagkaroon ng kumpetisyon ang magkakapitbahay sa paggawa ng may
pipnakamagandang parol. Ang tipikal na disenyo na nagresulta sa paglikha nito ay ang hugis bituin--may
limang nakasurot na tulis at dalawang tassle o buntot na nagmumungkahi ng buntot ng kometa. Ang
paglikha ng parol ay pinayagan ng Simbahan na nagresulta sa paglaganap ng paggawa ng mga parol
bilang bahagi ng sining.

Kagamitan at Kasangkapang ng mga Ninuno


Manunggul Jar

Natagpuan sa kweba ng Manunggul, Lipuun, Palawan noong 1960 at tinatayang may 890
710 taon bago kay Kristo ang tagal.
Ito ay isang uri ng banga na ginagamit sa paglilibing.Sa itaas na bahagi ng palayok at sa
takip nito ay may nakaukit na guhit na kumokurba at pininturahan ng hematayt. Nakapatong
sa takip ang isang bangka lulan ang dalawang tao - dalawang kaluluwang naglalakbay
patungo sa kabilang buhay. Ang bangkero ay nakaupo sa likuran ng taong nakakrus ang
mga kamay sa dibdib. Ang ayos ng mga kamay ay isang kaugaliang Pilipino na ginagawa
sa mga namatay. Ang bangang ito ay nagpapakita ng paniniwala ng mga Pilipino sa buhay
na walang hanggan.

Bangang hugis at anyong tao

Natagpuan sa Kweba ng Ayub sa Pinol, Maitum, Saranggani. Tulad ng Manunggul Jar, ang mga
palayok na hugis at anyong tao ay ginagamit din sa paglilibing ng kapanahunang metal, at
tinatayang may edad na 5 BC hanggang 225 AD. Ang paggawa ng palayok na may ibat ibang
anyo ng mukha ay nagpapakita na mataas ang antas ng kasanayan sa sining ng Pilipino noon.

Click to set custom HTML

Kasuotan ng mga Ninuno


Pantalong ng Bagobo

Ang sawal o salawal na ito sinusuot ng mga lalaking Bagobo ay gawa sa abaka (Musa
textilis). Ang disenyo ng salawal ay ginagawa sa pamamagitan ng: una, sa pag-buburda at
pangalawa, sa pag-tutubog sa kulay. Ang disenyo ay lilitaw kapag tinanggal na ang mga
burda.

Kumot ng Ifugao

Isang kumot ng Ifugao na tinatawag nilang Kinuttiyan at mangilan-ngilan na lamang na


makikita sa bayan ng Banaue, Kiangan at Hungduan sa lalawigan ng Ifugao.
Ang mga kababaihan ang naghahabi nito at kinulayan sa pamamgitan ng prosesong Ikat (tie
dye). Ang kumot na ito ay may hugis tao sa gitna ay ginagamit bilang pantakip ng bangkay ng
isang Ifugao.

You might also like