Noong unang panahon may isang negosyanteng Boholano
na dumating sa Valencia upang magbenta ng ibat ibang paninda kagaya ng; dyaket, pantalon at banig. Sa kanyang paglalako ng kanyang benibentang gamit, umabot siya sa baryo Balayagmanok. Nilalakad niya ang mahabang daan patungo sa nasabing barangay. May napansin siyang kakaibang tanawin sa kabilang bahagi ng daan. Ang lupa ay may kakaibang anyo. Kaya sa kanyang pagtataka, nilapitan niya ito. Namamangha siya ng makita niya, ito ay isang bung-aw. Napasigaw siya ng malakas, ang lalim ng bung-aw! Ang bung-aw ay tinatawag sa wikang ingles na Ravine. Nagulat ang mga taga-barangay ng may narinig silang isang malakas na sigaw na nagmumula sa kagubatan, kaya patakbo nilang tinungo ang kinaruruunan ng boses. Ayyy! Iyan ay isang bangin , sabi ng mga taga-barangay. Ahh, ganun ba? Kasi sa amin iyan ay tinatawag na bung-aw, isang malalim na pangpang. Sagot ng mangangalakal na Bolanon. Maraming bangin dito sa aming lugar, wika ng isang matandang babae na taga-barangay. Bakit po, nagkaroon ng maraming bung-aw dito sa inyo? Tanong ng negosyanteng boholano Isang araw, may bumagsak na buhawi rito sa barangay at pagkatapos ng unos, napansin na lang namin na ang lupa ay nagkakaganyan. Sagot na matandang lalake. Matapos ang pag-uusap, nagkaron ng isang pagpupulong ang mga taong naninirahan doon. Napagkasunduan nila na tatawagin na lang nila ang kanilang lugar na Bung-aw.
Ang alamat ng BONG-AO
Sa paglipas ng panahon, ang salitang BUNG-AW ay naging BONG-AO, pinalitan ang baybay ng salita. Hanggang sa kasalukuyan ang lugar na ito ay tinatawag na Bong-ao na ibig sabihin sa wikang Ingles ay Ravine.