You are on page 1of 2

Larawan

Sarah Jane Matre


Pangunahing Tauhan:

Xyza- anak nina Alin Cita at Carlos


Angelo- kapatid ni Xyza
Ryza Marquez- anak ni Carlos sa yumaong asawa, kapatid ni Xyza
Aling Cita Montealegre- ina nina Xyza at Angelo
Carlos Marquez- ama ni Xyza
Robi- kamag-aral, gwapong manliligaw ni Xyza
Lineth- kaibigan ni Xyza

Buod:
Araw araw ay nagigising si Xyza ng may ngiti sa labi. Nang biglang sumagi sa isip niya
si Robi na kinaiinisan nya. Gwapo sana ito ngunit di maganda ang una nilang pagkikita
kaya masama ang impresyon niya dito. Si Xyza ay nasa mataas na paaralan na
ngayon. Si Aling Cita lamang ang nagpapaaral sa kanila ng kanyang kapatid na si
Angelo, dahil maagang naulila sila sa ama. Pangarap niya mag-aral sa PUP dahil
walang malaking matrikulang kailangan upang makapasok dito at nais niyang maging
guro gaya ng kanyang ama. Nais ni Xyza agad na makapagtapos upang makaahon sila
sa hirap at upang makabayad din sa kanyang ina na naghirap para sa kanila at ng
mapag-aral din niya ang kanyang kapatid. Kasama ni Xyza sa pagpasok sa paaralan
ang matalik niyang kaibigan si Lineth. Dumaan ang mahabang panahon at
nakapagtapos na sila sa hayskul at nakapasa si Xyza sa PUP. Kumuha siya ng kurso
sa Pagtuturo. Nakatabi niya si Ryza sa upuan, pamilyar ang mukha nito kaya madaling
nakapalagayan ng loob ni Xyza at di kalaunan naging matalik din silang magkaibigan.
Sa PUP din pala nag-aaral si Robi, inis padin siya dito dahil sa hindi niya
makakalimutan ang ginawang pamamahiya sa kanya nito nung nasa hayskul pa lamang
sila, ngunit napaliwanag naman ito ng binata ng maayos at naging magkaibigan sila
hanggang sa niligawan siya nito. Isang araw inimbitahan ni Ryza si Xyza at ang pamilya
nito sa kanilang tahanan dahil kaarawan ng kanyang kapatid at nais niyang ipakilala ito
sa kanyang pamilya ngunit di sumama ang kanyang inat kapatid. Guro din ang ama ni
Ryza at ulila na siya sa ina dahil biktima itong sakit na kanser. Kinukutuban si Xyza
dahil iba ang nararamamdaman niya sa bahay nila na iyon. Lalong nag-iba ang
pakiramdam niya ng makita niya ang ama ni Ryza na hawig ng kanyang ama. Kinuha
niya ang larawan ng kanyang ama at di siya nagkamali, kamukha ito ng nasa litrato.
Kinausapan ni Xyza ang ama ni Ryza kung anong pangalan nito, at sinabe nito na
Carlos Marquez at agad niyakap ni Xyza ang ama at nagpakilala na siya dito.
Pinaliwanag ng ama ni Xyza ang tunay na dahilan kung bakit nagkalayo silang mag-

anak. Dahil ayaw ng pamilya ng kanyang ama kay Aling Cita at ipinagkasundo siya sa
taong di niya mahal at kung di siya magpapakasal, manganganib ang buhay nilang
mag-iina. Kayat nagpa-ubaya na lamang ang ina ni Xyza at lumayo sa kanilang ama.
Umuwi kasama ni Xyza ang kanyang ama upang makita ito ng kanyang ina na matagal
na niyang hinanhanap. Nagkausap din sila ng matagal. Naging mas malapit sina Xyza
at Ryza. Nakuha din ni Robi ang matamis na oo ni Xyza at naging sila. Paminsan
minsan pumupunta si Carlos sa bahay nina Xyza upang makipagkamustahan. At
naging mas buo na ang pagkatao ni Xyza nang makilala niya na ang kanyang ama at
mas naging mas masaya ang buhay nila.
Kongklusyon:
Hindi handlang ang pagkakaroon ng watak na pamilya upang mangarap para sa sarili,
pamilya at sa kinabukasan, bagkos mas lalo dapat tayong mangarap upang magkaroon
ng mas magandang pamumuhay. Pamilya ang dapat na gawing inspirasyon sa pagbuo
ng pangarap at patuloy na mangarap para sa ikauunlad ng pamumuhay.
Tono ng binasa:
Masaya ang ginamit na tono dito dahil nagbibigay ito ng pag-asa at inspirasyon sa lahat
ng nawawalan ng pag-asa lalo na kung kulang ang miyembro ng pamilya o kaya may di
pagkakaunawan sa pagitan ng bawat isa.
Damdamin:
Pagkakaroon ng pag-asa ang nasa kwentong ito dahil ang mga karakter dito ay
naniniwalang di pa huli ang lahat at maaaring magawa pa at matupad pa kung anuman
ang layunin sa buhay.
Pananaw:
Ang aking pananaw, ang nagkukwento dito ay ang may akda dahil galing sa naranasan
niya sa buhay ang kwento at kung paano niya to hinarap.
Layunin:
Ang kwentong ito ay naglalayong magbigay ng aral sa lahat. Nagbibigay ng inspirasyon
sa bawat isa na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.

You might also like