You are on page 1of 2

Si Maria ay mahilig magtanim at magpalaki ng mga bulaklak sa kanilang hardin.

Kinilala na
siya ng kaniyang mga kapitbahay bilang tagapangalaga ng mga halaman, lalo na ang mga bulaklak
sa kanilang bayan. Sa tuwing may kababalaghan o kakaibang nangyayari sa mga alagang halaman ng
kanyang mga kapitbahay ay kaagad silang dumudulog kay Maria.
Isang madilim na kalangitan at sunod-sunod na mga kulog na tila nagbabadya ng malakas na
ulan ang naobsebahan sa bayan kung saan naroon si Maria. Nagkaroon ng malawakang pagbaha at
dulot nito ay pagkasira ng mga halaman at bulaklak ng mga pamilya sa bayan na iyon. Gayunpaman,
nanatiling maganda, mahalimuyak at malusog ang mga halaman at bulaklak na tila oras oras
dinidiligan ni Maria. Nagtaka ang mga mamamayan ng kanilang bayan at inisip nila na isang
mangkukulam si Maria kaya nagkaganoon. Isang araw ay naghanda ng ibat-ibang klase ng bulaklak
ang mga mamamyan ng kanilang bayan. Naisip nila na ibigay ang mga bulaklak na iyon kay Maria na
siguradong hindi makakatanggi sa ganda ng mga ito. Gayunpaman, isang bulaklak na may tinik ang
isinama nila rito. Ito ay bulaklak na kinikilalang pulang rosasa. Maaaring nakakakit at mahalimuyak ang
amoy nito, subalit ang mga tinik nito ay nakaksugat at iyon ang hangarin ng mga kapitbahay ni Maria.
Nais nilang malaman kung tunay nga bang mangkukulam si Maria, dahil kung siyang tunay at
tatanggihan niya maski ang pinakamagandang bulaklak s amundo kung ito ay makaksugat lamang s
akanya.
Inihatid ni Jose ang mga bulaklak kay Maria. Si jose ay matagal nang may kakaibang pagtingin
kay Maria at di tulad ng hangarin ng kanyang mga kapitbahay, nais ni jose na mapatunayang hindi ito
mangkukulam. Tila isang batang nagtataka si Maria matapos ihandog sa kanya ang mga bulaklak at
nagwika ito
Ano ang mga bulaklak na iyan?
Ito ay mga bulaklak na nais ihandog sa iyo bilang pasasalamat mula sa mamamayan n gating
bayan.
Kung gayon ay maluwag kong tatanggapin ang mga bulaklak na iyan bilang pasasalamat.
Ipinasok ni jose ang mga bulaklak at huli ang mga pulang rosas. Nilagay ito ni jose sa
pinakaunahan ng mga bulaklak upang mapansin kaagad ito ni Maria.
Katulad ng kanilang inaakala ay napansin ni Maria ang kakaibang bulaklak. Nakaabang
lamang si Jose sa gagawin ni Maria. Lumapit si maria sa bulaklak at walang pag-aalinlangan niya itong
kinuha. Napansin ni jose na huminto si Maria at nakita niyang nagdudugo ang buong kapay nito sa
paghawak sa pulang rosas. Tutulong n asana si Jose , subalit nagwika si Maria..
Ang mga nakakasakit ay kailngang maging nakakaakit tumingoin siya sa itaas at ngumiti.

You might also like