You are on page 1of 2

Si Adolf Hitler (20 Abril 1889 30 Abril 1945) ang nagsilbing dating Kansilyer (Chancellor)

ng Alemanya mula 1933, at ang "Fhrer" (Pinuno) ng Alemanya mula 1934 hanggang sa kanyang
kamatayan. Siya ang pinuno ng Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang
Aleman (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas kilala bilang
ang Partidong Nazi.
Nakamit ni Hitler ang kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng propagandaat maaalindog na mga
pananalumpati, nagawa niyang umapela sa pangangailangan ng mga mahihirap at paigtingin ang
mga ideya ng nasyonalismo, antisemitismo, at anti-Komunismo. Sa pagtatatag ng maayos
na ekonomiya, pagpapaigting ng militar, at isang rehimeng totalitarian , gumamit si Hitler ng isang
agresibong patakarang pandayuhan (foreign policy) sa paghahangad na mapalawak
ang Lebensraum ("puwang na tirahan") ng mga Aleman, na nagpasimula ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa pinakamalaking abot-saklaw nito,
sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng Alemanya, subalit kasama ang ibang Axis
Powers, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga Mga Alyansa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Allied
Powers). Mula noon, natapos ang mga patakarang panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-
kumulang 11 milyong tao, kasama na rin ang pagpaslang ng 6 milyong Hudyo, na ngayo'y kilala
bilang ang Holocaust.
Sa mga huling araw ng digmaan, si Hitler, kasama ang kanyang bagong asawang si Eva Braun,
ay nagpakamatay sa kanyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos mapalibutan ng hukbong
Sobyet ang lungsod.
Muling pagtatayo ng Nazi[baguhin]
Sa panahon ng paglaya ni Hitler sa bilangguan, ang politika sa Alemanya ay naging hindi gaanong
palaban at ang ekonomiya ay bumuti. Eto ang naglimita sa mga pagkakataon ni Hitler sa mga
panggugulong pampolitika. Bilang resulta ng nabigong Putsch sa Bulwagan ng Serbesa, ang Nazi at
ang mga kaugnay na organisasyon ay ipinagbawal sa Bavaria. Sa isang pagtitipon kay Punong
Ministro ng Bavaria na si Heinrich Held noong 4 Enero 1925, si Hitler ay pumayag na respetuhin ang
kapangyarihan ng estado at siya ay maghahanap lamang kapangyarihang pampolitika sa
pamamagitan ng prosesong demoktratiko. Ang pagtitipong ito ang nagbigay daan upang maalis ang
pagbabawal sa Nazi noong 16 Pebrero 1925 ngunit si Hitler ay binawalang magsalita sa publiko
mula Marso 9. Upang maisulong ang kanyang mga ambisyong pampolitika, hinirang ni hitler si
Gregor Strasser gayundin ang kapatid nitong si Otto at si Joseph Goebbels upang pangasiwaan at
palakihin ang Nazi sa hilagang Alemanya. Bilang magaling na nangangasiwa, naglihis si Gregor
Strasser ng isang mas independiyenteng kursong pampolitika sa pamamagitan ng pagbibigay diin
sa mga elementong sosyalista sa mga programa ng partido.
Si Hitler ay nagtakda ng pamumunong autokratiko ng Nazi sa pagdidiin ng Fhrerprinzip ("Pinunong
Prinsipyo"). Ang lumitaw ay isang organisasyong pampolitika kung saan ang ranggo ay matutukoy
hindi ng eleksiyon kundi ang mga posisyon ay malalagyan lamang sa pamamagitan ng paghirang
(appointment) ng mga may mas mataas na ranggo na humihingi ng walang pagtutol na pagsunod sa
kanilang pinuno.
Ang isang mahalagang elemento ng apela ni Hitler ang kanyang kakayahan na pumukaw ng
pakiramdam ng paglabag sa pambansang pagmamalaki (pride) bilang resulta ng Kasunduan ng
Versailles. Marami sa mga Aleman ay tutol sa mga termino ng kasunduan lalo na ang pagpapabigat
sa ekonomiya ng pagbabayad sa ibang mga bansang naapektuhan ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Gayunpaman, ang pagtatangka ni Hitler na makakuha ng malaking suporta sa
pamamagitan ng pagsisi ng mga hinihingi at sinasaad ng kasunduan sa isang "internasyonal na
sangka-hudyohan (jewry) ay hindi naging matagumpay sa mga botante. Kaya dahil dito, si Hitler at
ang kanyang partido ay nagsimulang gumamit ng mas tusong paraan ng propaganda na nagsasama
sa antisemitismo sa pagbatikos sa kabiguan ng "Sistemang Weimar" at ng mga partidong
sumusuporta dito.
Dahil sa pagkabigong patalsikin ang republika at makamit ang kapangyarihan sa isang kudeta,
binago ni Hitler ang kanyang mga taktika at nagpursigi ng stratehiya na pormal na umaayon sa mga
patakaran ng Republika ng Weimar hanggang sa makamit niya ang pampolitika na kapanyarihan sa
pamamagitan ng mga regular na eleksiyon. Ang kanyang layunin ay gamitin ang mga insititusyon ng
Republika ng Weimar upang wasakin ito at itatag ang kanyang sarili bilang autokratikong pinuno.

You might also like