You are on page 1of 1

Ibinuod ni Presillas, Josienel G.

You've been facebooked!


Ang musical na ito ay nagsimula sa kung paano nagkakilala si Matt at Anna
ng dahil sa social networking site na tinatawag na facebook na lingid naman sa
kaalaman natin na ginagamit ito ng halos lahat. Nagsimula ang kwento ng makita
ni Matt ang larawan ni Anna sa facebook. Nagsimula silang mag-usap at kilalanin
ang isat-isa gamit ang social networking site na ito at ng magkagustuhan sila ay
hindi ito nagustuhan ng matalik na kaibigan ni Matt na si Mitch. Nang dahil sa
selos ay gumawa si Mitch ng paraan para maibalik sa kanya ang atensyon ni Matt,
gumawa siya ng isang pekeng account gamit ang pangalan ng dating iniibig ni
Matt na si !"e. Nag-edit si !"e ng larawan na nagpapakitang nag-uusap sila ni
Matt at ipinakita ito kay Anna. #abang si Matt ay walang kaalam-alam sa mga
nangyayari at naisipan muna ni Anna ang lumayo. Nakonsensya naman si Mitch
sa mga ginawa niya kaya inamin niyang si !"e at siya ay iisa at humingi siya ng
tawad sa mga nangyari.
Mga kailangang idagdag :
Para sa akin ang musical play na ito ay maganda na at wala na akong
mahihiling pa at sa tingin ko itoy perpekto na sa sarili nitong paraan.
Mga kailangang bawasan :
$a tingin ko maganda kung babawasan nila ng konti ang mga ilaw na medyo
masakit sa mata ng mga manunuod.
Implikasyon :
Marami akong bagay na natutunanan sa panonood ng musical play na ito.
Isa na roon ang isipin mong mabuti ang mga sinusulat at nilalagay mo sa social
networking sites, hindi dapat lahat ng bagay ay halos ipaalam mo na sa publiko,
kilalaning mabuti ang mga nakakausap. %aging isipin ang mga pwedeng maging
bunga ng mga bagay na gagawin, kung makakabuti ba ito o makakasama sa
kapakanan ng ibang tao.

You might also like