You are on page 1of 3

Villegas, Kimberly C.

2013-04760
Reaction Paper: Forum Tungkol sa CHED Memorandum Order No.20 (Pulungang Claro M. Recto)

Ilang buwan nang mainit na pinag-uusapan ang Memorandum Order bilang 20 na inilabas ng
Commission on Higher Education noong nakaraang taon. Layunin nitong rebisahin ang kasalukuyang
General Education Curriculum ng mga unibersidad at ihanda ang mga mag-aaral sa pabagu-bagong
pangagailangan ng ika-21 siglo. Subalit ang mariing tinututulan ng maraming stakeholders tulad ng mga
mag-aaral, propesor at organisasyon ay ang pagtatanggal nito sa Filipino bilang parte ng GE curriculum,
na ayon sa aking palagay ay tunay na dapat tutulan.
Isinasaad sa nasabing memo na ang GE ay nakatuon sa pagtuturo ng mga general at broader
na kaalaman. At kapag sinabing general, malawak ang sakop nito sa mga aspeto ng karunungan ng
isang indibidwal. Ito ay pundamental sapagkat may koneksyon ito sa ibat ibang ideolohiya at uri ng
kaalaman hindi lamang pang-intelektwal kundi maging sa sikolohikal at pansibika. Kaya naman may
kinalaman ito sa pagbuo ng karakter ng isang tao. At para tanggalin ng CHED ang mga kursong Filipino sa
General Education, at bigyan lamang ng pagkakataong mapag-aralan ito ng mga Filipino majors, ay
pagtanggal na rin sa karamihan ng mga estudyante ng pagkakataon para maging parte ng kanilang
pangkalahatang karunungan at pundamental na karakter bilang tao ang sarili nilang wika. Kung gayon,
ibig sabihin, kung gusto kong pag-aralan ang aking sariling wika sa mas mataas na antas kaysa sa
linguistic at grammatical na approach ay dapat maging Filipino-major muna ako.
Hindi kailangang maging henyo ng isang tao para maintindihang mahalaga na ma-master naming
mga estudyante ang napili naming larangan AT ang mapag-aralan ang aming sariling wika sa higit na
malalimang paraan. Pareho silang dapat na maipagkaloob ng ating mga unibersidad. Kayat kung ang
tanging binibigyan ng pagkakataon ng bagong GE curriculum na masusing mapag-aralan ang Filipino ay
ang mga Filipino majors lamang, sila lamang rin ang may pagkakataong magawa ang dalawang bagay na
nabanggit ko. Samantalang ang mga non-Filipino majors naman ay may pagkakataon lamang na ma-
master ang kanilang napiling larangan habang pinagkakaitan sila ng pagkakataong mahubog ng wikang
Filipino ang kanilang pundamental na karakter bilang tao at karunungan sa kabuuan. Kung gayon, ang
Filipino pala ay isang sangay ng karunungan na kikilalanin lamang nang mas malaliman sapagkat ito ang
magiging career mo sa hinaharap at hindi dahil nararapat itong maging parte ng malawakan at
comptetive na karunungan ng isang estudyante na huhubog sa pangkalahatan niyang kagalingan?
At, gaya nga ng nabanggit ko kanina, magkaiba ang approach ng mataas na paaralan at kolehiyo
sa pag-aaral ng Filipino sapagkat pagkaiba rin ang kapasidad, mentalidad at maturity ng mga mag-aaral
sa dalawang antas na kritikal sa pag-intindi ng higit na seryosong kaalaman. Mas malaliman ang atake sa
Filipino sa kolehiyo, kung saan sinusuri ang Filipino bilang isang wika na may kapangyarihang bumuo ng
isang nasyon at ang mga sektor ng lipunan nito, kumpara sa mataas napaaralan kung saan ang wikang
Filipino ay sinusuri batay sa mismong mga salita, talinghaga, gamit, at grammar nito. Sa pamamagitan
nito, napapanatili ang orihinal na istruktura ng wikang Filipino at nagpapaalala na kailangan itong
gamitin sa tamang istruktura bilang ito ay parte ng ating pagkatao bilang Filipino, pagpaparangal sa ating
sariling lahi. Subali't sa kolehiyo lubusang naiintidihan ng mga kabataan ang mga dahilan kung bakit ang
wika ay parte ng ating lahi at lipunan, at kung paanong ang paraan ng paggamit natin sa ating wika ay
magdudulot ng pagkakaisa, conflict, o struggle.
Sa Appendix E sa pahina 22 ng nasabing CMO na may pamagat na Differences between present
and revised GE curriculum ay isinasaad ang ganito:
1. It (revised GE curriculum) is said to be outcome-oriented, in other words, it does not
only propose to master the contents themselves that are being dealt with in GECs, but
to also find a way on how these contents and the whole course itself to be useful after
the school year by enhancing certain competencies such as critical thinking. One does
not simply try to KNOW and MEMORIZE the contents, one must DO SOMETHING with
them.
Ayan, saktong sakto. Halatang hindi naiintindihan ng lubusan ng CHED kung paano itinuturo ang
Filipino sa kolehiyo. Sapagkat sa kolehiyo, ang nature ng Filipino course ay outcome-oriented at hindi
content-centered. Hindi lamang content ang pinag-aaralan. Hindi lamang ang titik, grammar, istruktura,
at talinghaga ang tintingnan at kinakabisado. Pinag-aaralan ang wikang Filipino sa kolehiyo bilang bagay
sa lipunan na may taglay na GAHUM upang bumuo ng mga sektor at isang bansa sa kabuuan, o
magwasak ng mga ito base sa kung paano ito gamitin, madagdagan o mabawasan ng mga gumagamit
nito sa pagdaan ng panahon.
At, dahil sa mga ideyang aking nabanggit, para sa akin ay tunay na isang malaking insulto sa sarili
nating wika ang pagtanggal dito bilang isang GE course.
Sa forum noong nakaraang Biyernes sa Pulungang Claro M. Recto tungkol sa CMO, tinalakay ng
panghuling tagapagsalita ang wikang Filipino bilang wikang pambansa at ang mga epekto ng
globalisasyon sa kasalukuyang estado nito sa ating mga paaralan.
Ipinaliliwanag sa "Section1. Goals and Context of General Education" sa pahina 3 ng CMO na ang
pagrerebisa sa GE curriculum ay alinsunod sa nagbabagong pangangailangan ng 21
st
century na panahon
ng globalisasyon. Ang pagtanggal sa Filipino bilang GE course amidst globalisasyon na pilit hinahabol ng
gobyerno ay isang patunay ng kawalan ng pagpapahalaga sa ating sariling wika. Maaaring ginawa nila
iyon sapagkat di nga talaga sila aware sa katotohanang iba at mas malalim ang pagtuturo ng Filipino sa
kolehiyo at ayaw lamang nilang maging paulit-ulit ang mga bagay bagay. Pero kung ganoon nga
persepyon nila sa pagtuturo ng wikang Filipino sa kolehiyo, hindi ba dapat isang hakbang na naglalayong
palalimin at palawakin ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ang una at pinakapinagtuunan ng pansin ng
CHED kaysa mag-focus sa globalisasyon at carelessly ay tanggalin ang Filipino bilang GEC?
Tunay nga ang nabanggit ng isang tagapagsalita sa forum noong biyernes (sayang lamang at
hindi pinahintulot ng aking skedyul na maabutan pa ang kanyang pagpapakilala) na "sa globalisasyon,
para ka nang robot. Sunod na lang nang sunod sa trend kaya hindi ka na nagiging kritikal". Sa kagustuhan
ng ating bansa na sumabay sa globalisasyon, hindi na tayo humihinto para mag-isip, o para man lamang
isipin ang kaunlarang panloob bago makihalubilo sa labas.
Sang-ayon rin ako sa sinabi ng nabanggit kong tagapasalita sa forum na malaki ang papel ng
paaralan upang liwanagan ang kaisipan ng mga mag-aaral sa gitna ng globalisasyon na ginagawa tayong
robot. Subali't nakalulungkot na mismong mga pribadong paaralan at kolehiyo sa ating bansa na
pinatatakbo ng mga negosyante ang nagpapakain sa atin ng globalisasyon sa pamamagitan ng
neoliberalismong pamamahala rito. Kita o productivity ang una sa kanilang listahan samantalang
nasasakripisyo ang kanilang dapat na layunin: ang hubugin ang ating pagkatao lalung-lalo na ang pagka-
Pilipino.
Hindi naman masamang sumali sa global village. Ang masama, sasali ka sa global village at
magpapaalipin sa mga bansang maunlad na ang loob. Gagamitin lamang ang ating bansa sa
globalisasyon; tayo ang talo kung atat tayong sumabay sa globalisasyon nang hindi man lamang inaayos
ang panloob, lalo ang kalagayan ng mamamayan. Isa nga sa manipestasyon ng colonial mentality na ito
ay ang pagtanggal sa wikang Filipino bilang GEC. Tunay na nakababahala kung ito ay matutuloy. Sa bilis
ng agos ng globalisasyon, mapag-iiwanan ang ating pagka-Pilipino kung hindi natin babakuran at
didiligan ang mga halamang una dapat nating inaalagaan at pinalalago.

You might also like