You are on page 1of 9

A G A M E M N O N

ni Aiskhylos
salin ni Guelan Varela-Luarca

MGA TAUHAN

Tanod
Klytaimnestra
Sugo
Agamemnon
Cassandra
Aigisthos
Koro ng matatandang ginoo ng Argos, at ang kanilang pinuno
Mga alagad ni Klytaimnestra at ni Agamemnon
Bantay ni Aigisthos

PANAHON AT TAGPUAN

Sa ikasampu't huling taglagas ng digmaan laban sa Troia. Sa lakambalay
ni Atreus sa Argos. Sa harap nito, may dambanang walang-sindi; may
tanod sa kataasan ng bubong na buong-sikap na nananatiling gising.

i

TANOD
Mga bathala, palayain ako mula sa bawat pasakit
Nitong mahabang pagtatanod, isang buong taon nang gising...
Nakahilig sa 'king mga siko, nakalukmo sa bubungan ni Atreus,
Anaki'y aso. Nakakintal na sa gunita ang bawat bituin,
Mga hukbo ng gabing pinamumunuan niyong talang
Naghahatid ng taglamig o binhi ng tag-init, naghahatid
Ng bawat nating kinabubuhay mga nagbabagang maharlika
Sa langit kilala ko na silang lahat, maging ang takdang sandali
Ng kanilang pagbangon at paglubog, at ngayon, hinihintay ko
Ang hudyat na apoy na sisibol mula sa Troia, na magsasabing, 10
'Ang Troia, sa wakas, ay nalupig na'. Iyon ang utos sa 'kin
Ng babaeng namimintog sa labis na pag-asa. Ang babaeng 'yan,
2 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s

Anaki'y lalaki kung humakbang.
At tuwing ako'y mahihiga sa katre kong basa sa hamog,
At pakapa-kapa sa lagim ng gabi ang ligaw na pagmumuni-muni
Sampu ng maaayang panagimpang malaon nang bantay sa paghimbing...
Ay, ngunit hindi dito'y pawang sindak lamang ang kasiping.
A, bawal pang matulog, ay bawal pa

[Pipiliting gisingin ang sarili.]

Gising, gising, tanod ka.
Subuking humuni ng himig, mawili sa isang awitin, 20
Na sana'y lunas sa antok, ngunit pumupukaw lamang
Ng pagbalong ng luha. Naiiyak ako sa hapis na lumatag sa tahanang ito,
Malayo sa dati nitong angking dingal at karangalan.
Ay, ang pinagpalang wakas ng bawat naming hapis,
Sana'y paningasin ng banal sa pusod ng panggabing karimlan

[Unti-unting sisinag ang liwanag sa silangan; agad siyang titindig upang ito'y
mamatyag.]

Binabati kita! Bukang-liwayway sa lagim,
Ginagawa mong umaga ang gabi sa wakas, tanaw ko na ang tanglaw!
Magsasayawan sila sa mga lansangan ng Argos dahil sa 'yo,
Dahil dito sa bagong daluyong ng Aieeeee!
Heto na'ng hudyat mo, lakambini, kay-linaw, kay-wagas! 30
Bangon sa higaan dali, pumalahaw ng hiyaw ng tagumpay
Sa buong kabahayan, purihin ang mga bathala dahil sa pagbabagang to,
Lalo't kung tunay ngang nasugpo na ang Troia...
Hayan siyang nagbabaga, Apoy, Apoy, Apoy na wagas.
Lalahok ako sa sayawan ng umaga. Ang maayang kapalaran ng amo ko,
Maayang kapalaran ko na rin. Pagtampol sa sulo'y tatlong anim
Ang lumabas sa betubeto at tayo ang nagwagiiiiiii!
Ako na'ng titira ngayon

[Magsisimulang sumayaw, ngunit hihinto, ligaw sa pagbubulay-bulay.]

Pauwiin mo lamang siya. Aking hari, aabutin ko ang 'yong kamay, at...
Iwan na sa katahimikan ang iba pa. May kalabaw na nakadagan sa 'king 40
Dila. Ngunit ang tahanang ito, itong matatandang mga bato,
3 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s

Bigyan mo ng tinig at pambihirang salaysay ang maibabahagi.
Ako rin sana, ngunit...kakausapin ko lamang ang mga may-alam;
Sa mangmang, tikom ang aking bibig. Sa kan'la'y hungkag
Na hungkag ang aking isip.

[Bababa siya mula sa bubungan at papasok sa gilid na lagusan ng lakambalay.
Papasok ang koro ng matatandang ginoo ng Argos. Hindi pa nila alam ang
balita ng tagumpay. Maglalakad sila paikot sa dambana.]

ii

KORO
Sampung taon ang lumipas
Sapul ng araw na lumayag
Patungo kay Priam ang ating
Dakilang Tagapaghiganti
Si Menelaos, at ang Poong Agamemnon, 50
Dalawang haring taglay
Ang kapangyarihan ni Zeus,
Luklukang Magkambal,
Lakang Tungkod na Magkambal,
Magigilas na anak ni Atreus
Na naglayag ng sanlibong sasakyang-dagat
Mula sa Helines, kawang pandigmang pinalimayon
Sa kalupaan hukbong may layunin
At layunin ay magsagip

[Mula sa loob ay hihiyaw ng tagumpay si Klytaimnestra.]

Puso sa dibdib nila'y humiyaw 60
Ng sagad-sa-diwang
D I G M A A N!
Tulad ng buwitreng inagawan ng supling,
Binaliw sila ng panggagalit,
Sumahimpapawid mula sa pugad,
Paikot-ikot na lumipad, sinasagwan
Ang mga pakpak, daluhong sa nangwiwindang
Na daluhong Subalit! ang bawat pasakit,
4 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s

Naging higaan man ng sakdal-dusa'y
'Di pa rin makapagpapabalik 70
Sa kabataang inutas ng bakbakan.
Ngunit sa taas ay may nakaririnig
Si Apollon O si Pan O si Zeus kaya
Dinig nila ang haginit ng taghoy
Na namutawi sa dibdib nitong mga kaangkan ng langit,
Hiyaw na sasaboy sa mga kalaban ng batas,
Higanting huli man ay wagas na wagas naman,
Poot na tumatarak!

[Lilitaw si Klytaimnestra sa may pintuan, at hihinto ro'n kasama'ng kanyang
mga alagad.]

Inaakay ng dambuhalang si Zeus
Ang mga anak ni Atreus sa lungga ni Paris, 80
Alang-alang sa babaeng may libu-libong lalaki
Ukol sa kanya'y nagbababag ang iba't ibang salinlahi,
Mga tuhod na gumigiling ng lupang alabok,
Bumubukal hanggang masaid ang pagkalalaki,
Nababali ang sibat sa unang paladanakan ng
Dugong-kasalan sa pagitan ng Hellas at Troia.
Mangyayari na ang mangyayari,
At ang katapusa'y Kapalaran.
At laman mang malingkis
O basong alak na matilapon 90
O nakapapasong luha
Lahat, di mababalinong umadya
Ang daluyong ng mapagmatigas na Poot.

[Sisindihan ni Klytaimnestra ang mga apoy sa dambana.]

Kami ang matatandang naubusan na ng dangal,
Ang abang barak ng sangkalalakihan.
Ngunit maging kami'y kinawawa,
Inulila rito ng hukbong pansagip
Nagsasandig na lamang ng pambatang kahinaan
Sa aming marurupok na tungkod.
5 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s

At ano kung sumulak muli ang sariwang dagta sa kanyang dibdib? 100
Said pa rin ang kakayanan niyang makipaglaban,
Kami'y magkakatulad lamang, higit pang tumanda kaysa
Katandaan, nanluoy na kalungtian ng dahon,
Paika-ika sa tatluhan naming mga binti.
Nagiging bata muli ang matatanda na,
Isang pangarap na sumusuray-suray at nanlulupaypay
Sa marahas na sikat ng umaga.
Ngunit ikaw, babaeng anak ni Leda,
Lakambini naming si Klytaimnestra,
Ano na ngayon? 110
Ano na'ng balita?
Anong pabatid ang sanhi't ika'y palibut-libot sa lungsod,
Panay ang pagsusunog ng mga alay sa dambana?
Masdan!
Ang mga bathala ng lungsod,
Ang mga bathala ng Olympos,
Ang mga bathala ng lupa at
Mga bathala ng talipapa ang lahat ng
Dambana nila'y nagbabaga sa iyong mga handog na mahal!
Ang Argos, nagbabaga! Mga sulo'y 120
Nakikipaghabulan sa sinag ng bukang-liwayway
Upang tumanglaw sa talukbong ng kanyang kalangitan
Kalangitang lango sa mga langis na banal,
Walang-halo, mula pa sa madidilim na imbakan ng mga hari.
Sabihin sa 'min ang balita!
Balitang kaya mong iulat, balitang wasto at tama
Hilumin kami, lunasan ang aming pangamba!
Ngayo'y nagtitipon ang kakapalan ng lagim,
At nagsisimulang umaninag ang pag-asa sa 'yong mga kinatay,
Kumakabig sa taos at walang-habas na pighating 130
Ngumangasab sa dibdib.

[Hindi sila papansinin ni Klytaimnestra, bagkus ay magpapatuloy sa kanyang
pagsamba. Magtitipon sila upang bigkasin ang pambungad na koro.]

Ngunit kaya ko pang usalin ang utos ng bathala
Sa landas na pinagbunsuran ng mga mandirigmang hari.
Binubugahan ng mga bathala ng kapangyarihan
6 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s

Ang aking awitin, ang tangi kong sandata ngayong matanda na:
PANG-UUDYOK.

Aawitin ko ang pagaspas ng poot
Na umihip sa magkambal na kapangyarihan
Kung pa'nong dinaluyong ng nagkaisang loob
Ang laksa-laksang hukbo ng mga kabataan 140
Pakpak ng sibat ng higanting pa-Troia!
Mga Haring-ibong Hari ng Sasakyang-dagat din
Isa'y itim habang yaong isa'y kulay-pilak
Bumulusok pababa at dinagit ang kunehong inahin
Kinatay ang sanggol nito sinapupuna'y biniyak
Kinitil agad, palusong pa lang sa buhay!

Ihiyaw, ihiyaw:
K A M A T A Y A N!
subalit, manaig ang kabutihan
sa wakas 150

Sinuri ng Manghuhula ang dal'wang supling ni Atreus
Dalawang anak ng Pusong Mapagdigma
Dal'wang Haring-Lawing lumamon sa kuneho
At ito ang naging sapantaha sa hula
Mapipikot sa lambat ang lungsod ni Priam!
Ang hukbong kaluluwa't buhay ng kaharian
Yuyurakan ng Kapalarang sakdal-bangis
'Wag lang may sumpa ng bathalang dudukwang
At dudurog sa 'ting sandatang mabagsik
Sandatang pinanday upang ligisin ang Troia! 160

si Artemis!
bathalumang dalisay!
nangingilabot sa habag!
ang mga aso ng Ama!
tagalamon ng mga hukbo!
ang kanilang kinatay!
isang paraluman!
nanginginig sa kaba!
sinilang upang mamatay!
7 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s

Artemis, pusong nasusuklam! 170
sa kinain ng mga lawin!
ABA KOOOOOOOO!!!

Ihiyaw, ihiyaw:
K A M A T A Y A N!
subalit, manaig ang kabutihan
sa wakas

At ang panalangin ni Kalkhas

Artemis, maayang Artemis, ikaw na kay-bait
Sa mga anak ng leong mahihina at maselan,
Sa anak ng mga hayop na sukdulan ng bangis
Ang lahat nitong Hudyat, gawin nang Kapalaran. 180
Ganapin ang malupit na pagluwal sa Panahon!
Apollong mapanghilom, aluin ang bathaluman
Bago pa man wasakin ng kanyang mga hangin
Ang aming mga sasakyang pangkaragatan
At magdalang-dagdag na pahamak dahil sa bagong kakatayin.
'Wag nang kumatay ng bago! 'Wag nang mag-alay ng isa pa!
Hayan na'ng Anluwagi ng Higanti...
Tinututok ang hakbang sa 'ting lakambalay...
Sa lungga, nang wala ang asawa, siya'y lumalaki...
Nakaabang sa sindak, palingon sa kinabukasan... 190
May-sa-anino! Batas ng Tahanan! Siya ang Ina!
Gunitang sinapupunan ng bathalumang Poot,
Poot na naghihiganti sa ngalan ng anak!"
Kaya't nang sa sangang-daan, ang mga lawin ay umikot,
Isinalang ni Kalkhas ang biyayang may-halong sindak,
Panaghoy hinggil sa bulwagan ng mga hari!

At ang dalangin namin

Ihiyaw, ihiyaw:
K A M A T A Y A N!
subalit, manaig ang kabutihan 200
sa wakas
8 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s


Zeus na di-mapapangalanan!
ibigin yaring bansag!
tatawagin kitang Zeus Bathala!
mga pangalan ay kapos!
hindi sasapat sa 'yong kal'walhatian!
natimbang ko na'ng lahat!
Zeus, Zeus lamang ang kumakaya!
o Zeus ang pasanin kong ito!
iadya sa 'king mga balikat! 210
ginhawain ang aking kaluluwa!
ang kagila-gilalas noon!
magbabayad na ngayon!
siya'y babagsak na rin!
ginupo ng digmaan sa langit!
pumalit sa kanya ang kanyang anak!
at nagupo rin sa ikatlong digmaan!
kahit siya'y nalugso rin!
si Zeus si Zeus Zeus tagumpay!
maaabot mo rin ang katotohanan! 220
si Zeus ang nagppaalm!
pinataw nang batas ng Dakilang Pinuno!
M A G D U S A
M A G D U S A
H A N G G A N G S A
K A T O T O H A N A N!

Hindi kami makatulog, puso'y papatak-patak
Na napupuno ng mga alaalang kasula-sulasok.
Ngunit magdusa man, may kasariwaan ding malalasap,
Biyaya ng mga bathalang sa langit nakaluklok. 230
Pag-ibig nilang hatid ay may halong karahasan!
Iyon ang naganap sinumpang araw ng Punong-Timawa,
Ang Haring tagasagwan sa balangay ng Bayan.
Dininig niya't dinibdib ang ulat ng Manghuhula,
Windang sa dahas ng pinaghalong habagat at amihan
'Pagkat gipit, nakiayon siya tuloy sa utos na malupit!
Ginipit nga tayo ng panahon at hanging nanlalaban,
Naubos na ang laman ng ating mga kamalig,
9 | A G A M E M N O N n i A i s k h y l o s

Sinakal ng sigwa ang siglang makipagbakbakan.
Napilitan tuloy ang hukbong dumako sa Khalkis, 240
Pook ng mga walang-habas at walang-awang bagyo!
Sa huli, ang hilagang hangin, tinangay sila sa Aulis,
Daungan ng laksa-laksa, suson-susong pagdurusa
Nakalas ang mga tali, hukbo'y nawala sa tamang-isip,
Nanluoy ang katimawaang buko ng pag-asa
Niyurak, giniling, dinurog ng Panahon!
At ang lunas upang pahupain ang bagyo,
Kalunasang walang-kahulilip sa kasamaan
Humiyaw si Kalkhas, "Makinig kayo sa 'kin, mga katoto!
Iisa lang ang sinisingil ni Artemis na kabayaran! 250
Dugo, dugo at dugooooooooooooo WALA NANG IBA PA!"

You might also like