You are on page 1of 2

Wikang Filipino: Tanglaw tungo sa

Kapayapaan
Wika mo, wika ko, wika nating lahat wikang Filipino! Wikang
nagbubuklod sa bawat mamamayan ng Pilipinas. Anuman ang
lahi at anuman ang pinagmulan, patuloy na nagkakaisa ang bawat
Pilipino dahil sa ating wika.

Wika nga ni Gat Jose Rizal, Sinuman ang hindi marunong
tumingin sa pinaggalingan ay higit pa sa malansang isda. Mula sa
kanyang magiting na salita, tunay na naipapakita at kanyang
naipapahatid sa bawat isa na nararapat mahalin at pagtuunan ng
pansin ang wikang Filipino. Saan man tayo mapadpad, saan mang
sulok ng daigdig, nararapat natin alalahanin ang wikang sariling
atin.

Minsan na tayong sinakop ng kung sino-sinong dayuhan, ngunit
hindi tayo natinag, patuloy natin ipinaglaban ang ating karapatan
bilang mga Pilipino, tao at bilang mga mamamayan na patuloy na
nagsisilbi sa kanyang bansa.

Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kabayanihang ginawa
nila Andres Bonifacio, Apolinario Mabini at Jose Rizal? Sino ba
naman ang makakalimot sa sakripisyong ginawa ng mag-asawang
Ninoy at Cory Aquino para lamang sa kalayaan ng bawat isa sa
atin? At sino ba naman ang makakalimot sa ipinamalas na galling
ni Manny Pacquiao sa larangan ng boxing? Kung hindi dahil sa
tulong ng mga taong ito ay hindi siguro magiging ganito kakilala
sa ibang bansa ang mga kapwa natin Pilipino. Kundi dahil sa mga
taong ito, hindi siguro magkakaroon ng kamalayan ang bawat isa
sa atin, kung hindi dahil sa mga taong ito, hindi natin maiisip ang
tunay na kahalagahan ng pagkakaisa at pagiging isa.

Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon, marami ng Pilipino
ang hindi kumikilala sa tunay nilang pagkatao. Kadalasan,
kinahihiya pa nga ang kanilang pinanggalingan. Sa anong dahilan
nga ba? Samantalang meron naman Pilipino na pinagmamalaki
ang bansa natin, tulad na lamang ni Lea Salonga. Hinahangaan sa
buong mundo, idolo ng maraming tao at maganda pa nito, sa
lahat ng lugar na kanyang napupuntahan, pinagmamalaki nya na
siya ay isang tunay na Pilipino.

Nais naming ipabatid sa bawat Pilipino na hindi kailanman
nagiging hadlang ang pagiging isang tunay na Pilipino natin. Sa
totoo lang, maraming nagnanais na makiisa sa atin ang ating
mga pangarap at adhikain sa buhay ay tumitibay dahil na rin sa
ating paniniwala sa ating mga sarili. Paano nga ba tayo
maniniwala sa ating mga sarili kung marami naman ang hindi
marunong maniwala sa ating mga kakayahan bilang Pilipino?

Hindi kami naniniwala na ang Pilipino ay isang klase ng
mahinang nilalang; ginawa siya ng Diyos upang maghatid ng
kapayapaan sa ating mundo. Dahil sa wikang Filipino, na siyang
ginagamit nating instrumento sa komunikasyon, lahat tayo ay
nabubuklod, nagkakaisa at nagdudulot ng kapayapaan.

Subukan nating ipagmalaki ang ating wika, sabay-sabay natin
isigaw na ang wikang Filipino ay wika ko!.

Wikang Flipino ang siyang magdadala sa atin tungo sa
kapayapaan kapayapaan na sinimulan na ng magigiting na
bayani mga bayaning ipinamalas ang kanilang kakayahan upang
ipaglaban ang wikang ating kinagisnan wikang nagbibigay ng
kulay sa ating madidilim na daan, wikang nagdudulot ng
kasiyahan sa kabila ng kalungkutan, wikang nagdadala ng
kapayapaan sa mundong magulo.

Halika, tayo ay magbunyi, wikang Filipino ating ipagmalaki,
wikang Filipino ating sariwain, wikang Filipino huwag natin
kaligtaan, wikang Filipino.. para sa tunay na lahing Pinoy!

You might also like