You are on page 1of 2

PATNUBAY SA BANAL NA MISA

MANAMA 307
BAHRAIN
TEL: 253 598



Pista Ng Corpus Christi A ( Puti ) - Hunyo 20-22, 2014
PAMBUNGAD NA AWITIN
SING A NEW SONG
Antiphon:
Sing a new song unto the Lord
Let your song be sung from mountains high
Sing a new song unto the Lord
Singing Alleluia

I
Yahwehs people dance for joy
O come before the Lord
And play for Him on glad tambourines
And let your trumpet sound
(Repeat Antiphon)

II
Rise, O children from sleep
Your Saviour now has come.
He has turned your sorrow to joy
and filled your soul with song
(Repeat Antiphon)

III
Glad my soul for I have seen
The glory of the Lord
The trumpet sounds, the dead shall raised
I know my Saviour lives
(Repeat Antiphon)


PAGBATI:
P Ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos
Ama at ng Panginoong Hesu-Kristo ay
sumainyong lahat.

B At sumasaiyong Espiritu.

P. at B. (Magkasabay)
Akoy nagkukumpisal sa Dios na
makapangyarihan at sa inyo, mga kapatid,
sapagkat lubha akong nagkasala sa isip, sa
wika at sa gawa, at sa aking pagkukulang:
DAHIL SA AKING SALA, SA AKING
SALA, SA AKING PINAKAMALAKING
SALA. Kaya isinasamo ko kay Santa Mariang
laging Birhen, sa lahat ng mga anghel at mga
santo, at sa inyo, mga kapatid, na akoy
ipanalangin sa ating Panginoong Dios.

P Kaawaan tayo ng makapangyarihang Dios,
patawarin ang ating mga kasalanan at
patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
B Amen

Panginoon Maawa Ka
Panginoon Maawa Ka
Kristo Maawa Ka, Kristo Maawa Ka
Kristo, O Kristo Maawa ka sa amin
Panginoon Maawa ka
Panginoon Maawa ka

LUWALHATI SA DIOS SA KAITAASAN

At sa lupay kapayapaan,
Sa mga taong may mabuting kalooban.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin,
Sinasamba Ka namin,
Niluluwalhati Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin,
Dahil sa dakila Mong kaluwalhatian.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Dios Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na anak
Panginoong Dios, Kordero ng Dios,
Anak ng ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa Ka sa amin.

Tanggapin Mo ang aming kahilingan,
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal,
Ikaw lamang ang Panginoon,
Ikaw lamang, O Hesukristo,
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kaluwalhatian ng Dios Ama. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

B - Amen.

UNANG PAGBASA
Pagbasa sa aklat ng Deuteronomio (8:2-3.
14b-16a)
Winika ni Moises sa bayan:
Alalahanin mo ang buong daang
ipinahatak sa iyo ng Panginoon mong Dios sa
loob ng apatnapung taong ito sa ilang upang
magpakumbaba ka, subukin at alamin ang
niloloob ng iyong puso at kung tinutupad mo o
hindi ang kanyang mga utos.
Ikaw ay kanyang pinahirapan ng
pagkagutom, at saka pinakain ka ng mana, na
di mo nakikilala ni nakilala ng iyong mga
magulang, upang ipabatid sa iyo na di lamang
sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa lahat
ng lumalabas sa bibig ng Panginoon.
Alalahanin mo ang Panginoon mong Dios,
na naglabas sa iyo sa lupaing Egipto, ang
bahay ng pagkaalipin, na pumatnubay sa iyo sa
malawak at nakakatakot na ilang, na may
nagniningas na mga ahas at mga alakdan, na
ang lupa ay tigang at walang tubig; na
nagpabukal sa iyo ng tubig sa isang
napakatigas na bato. Sa ilang pinakain ka ng
mana, na di nakilala ng iyong mga magulang.
Ang salita ng Diyos.
B - Salamat sa Diyos.

SALMO RESPONSORIO :
T Purihin mo ang Panginoon, O
Jerusalem

1 Purihin mo ang Panginoon, O Jerusalem;
ipagdangal ang iyong Dios, O Sion. Sapagkat
pinatibay ang mga halang ng mga pintuan mo;
pinagpala ang mga anak sa loob mo. (T)

2 Nagdulot siya ng kapayapaan sa iyong mga
hangganan, binusog ka ng mainam na trigo.
Ipinadadala ang kanyang utos sa lupa,
humahagibis ang kanyang wika. (T)

3 - Ipinahayag ang kanyang wika kay Jacob,
ang kanyang mga tuntunin at kautusan sa
Israel. Iyan ay di niya ginawa sa alin mang
bansa, hindi ipinahayag ang kanyang mga
kautusan sa kanila. (T)

IKALAWANG PAGBASA
Pagbasa sa unang sulat ni San Pablo Apostol
sa mga taga Corinto (10:16-17)
Mga Kapatid: Ang kalis ng pagpapala na
aming binabasbasan ay hindi ba pakikipagkaisa
sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na aming
hinahati ay hindi ba ang pakikipagkaisa sa
katawan ni Cristo? Yayamang iisa ang
tinapay, tayo kahit na marami ay bumubuo ng
iisang katawan, sapagkat tayong lahat ay
nakikibahagi sa iisang tinapay.
Ang Salita ng Diyos
B - Salamat sa Diyos.


ALLELUYA
Aleluya! Aleluya! Aleluya!

EBANGHELIO ( Jn. 6:51-58)

P -Sumainyo ang Panginoon.
B - At sumasaiyong Espiritu.
P -Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon
kay Juan.
B -Luwalhati sa iyo, Panginoon.
Nang panahong iyon, winika ni Jesus sa mga
Judio: Ako ang tinapay ng buhay na galing sa
langit. Ang kumain ng tinapay na ito ay
mabubuhay magpakailanman: ang tinapay na
ibibigay ko ay ang aking laman sa ikabubuhay
ng daigdig.
Dahil diyan, nagtalu-talo ang mga Judio:
Paano niya maipakakain sa atin ang kanyang
laman? Ani Jesus sa kanila, Tunay na tunay
kong sinasabi sa inyo, na kung hindi kayo
kakain ng laman ng Anak ng tao at hindi iinom
ng kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng
buhay sa inyong sarili.
Ang kumakain ng aking laman at umiinom
ng aking dugo ay may buhay na walang
hanggan, at bubuhayin kong muli sa huling
araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na
pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin.
Ang kumakain ng aking laman at umiinom
ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako sa
kanya. Kung paanong sinugo ako ng Amang
buhay at akoy nabubuhay dahil sa Ama, gayon
din naman ang kumain sa akin ay mabubuhay
dahil sa akin.
Ito ang tinapay na bumabang galing sa
langit; hindi katulad ng kinain ng (inyong) mga
magulang at namatay sila. Ang kumakain ng
tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan
man.

P Ang Ebanghelyo ng Panginoon
B Purihin ka, O Kristo

HOMILIYA

ANG CREDO NG MGA APOSTOL
PARI : Sumasampalataya ako sa Diyos,
P & B: Amang makapangyarihan sa lahat, na
may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya
ako kay Hesukristo, iisang anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya
lalang ng Espiritu Santo, (yumuko)
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako
sa krus, namatay, ibinaon. Nanaog sa mga
impierno. Nang may ikatlong araw, nabuhay na
mag-uli. Umakyat sa langit. Naluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom sa


nangabuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa
Santa Iglesia Katolika, sa kasamahan ng mga
Santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay ng mga namatay at sa buhay na
walang hanggan. Amen

PANALANGIN NG BAYAN:

T - Panginoon, dinggin Mo ang aming
panalangin


AWIT SA PAG-AALAY:

I AM THE BREAD OF LIFE
I
I am the bread of life;
He who comes to me shall not hunger.
He who believes in me shall not thirst.
No one can come to me unless the Father draw
Him.

Chorus :
And I will raise Him up, and I will raise Him
up,
And I will raise Him up on the last day.

II
The bread that I will give is my flesh
For the life of the world
And he who eats of this bread.
He shall live forever, he shall live forever.

III
Unless you eat the flesh of the Son of Man,
And drink of His blood,
And drink of His blood,
You should not have life within me.

IV
I am the ressurection, I am the life;
He who believes in me, even if He die
He shall live forever.

V
Yes Lord, I believe that you are the Christ,
The Son of God, who has come in to the world.


P. Manalangin tayo
B. Tanggapin nawa ng Panginoon itong
sakripisyo sa iyong mga kamay, sa
kapurihan niya at karangalan, sa ating
kagagaling at ng buo niyang Iglesiang
Banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
P - ............
B - Amen.

PREPASYO
P. Sumainyo ang Panginoon.
B. At sumasainyong Espiritu
P. Itaas sa Diyos ang inyong mga puso
B. I tinataas naming sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoon nating
Dios.
B. Marapat at matuwid..
C.

P & B SANTO, SANTO, SANTO

Santo! Santo! Santo!
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa
ng Kaluwalhatian mo
Osana sa Kaitaasan

Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon
Osana sa Kaitaasan

B. Ang kamatayan Mo Panginoon aming
ipinahahayag. Ang muli Mong pagkabuhay ay
ipinagdiriwang. Hanggang sa Iyong
pagbabalik.

B. AMEN! AMEN! AMEN!
AMEN ALELUYA
LUWALHATI SA DIYOS
LUWALHATI SA DIYOS
AMEN ALELUYA
AMEN! AMEN! AMEN!
AMEN ALELUYA

P & B AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang
ngalan Mo. Mapa sa amin ang Kaharian Mo
sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa
langit. Bigyan Mo po kami ng aming kakanin
sa araw-araw. At patawarin Mo, O patawarin
Mo kamisa aming mga sala para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo po kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat na masama.

B. Sapagkat sayo ang nagmumula
Ang kaharian at kapangyarihan
At Kaluwalhatian
Magpasawalang hanggan.. Amen

P. Sumainyo ang Panginoon.
B. At sumasainyong Espiritu

B. Kordero ng Diyos na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin,
Maawa ka sa amin. (2X)

Kordero ng Diyos na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob mo sa amin
Ang kapayapaan

B. Panginoon, hindi ako karapat-dapat
magpatuloy sa iyo sa aking katawan, ngunit
sa isang salita mo lamang ay gagaling na
ang aking kaluluwa.

KOMUNION:

PAGKAKAIBIGAN
I
Ang sino man sa Akiy mananahan,
Mananahan din Ako sa kanya
At kung siyay mamunga nang masagana,
Siya sa Amay nagbigay ng karangalan.

Koro:
Mula ngayon kayoy Aking kaibigan,
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibigay mag-aalay ng sarili niyang
buhay,
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

II
Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama,
Sa inyoy Aking ipinadarama.
Sa Pag-ibig Ko, kayo sana ay Manahan,
At bilin Ko na kayo ay magmahalan.

III
Pinili kat hinirang upang mahalin
Nang mamungat bunga moy panatilihin.
Humayo kat mamunga nang masagana,
Kagalakang walang hanggang ipamamana


ANIMA CHRISTI

Soul of Christ , sanctify me,
Body of Christ, save me,
Water from the side of Christ, Wash me
Passion of Christ, give me strength.

Hear me, Jesus hide me in Thy wounds
That I may never leaves Thy side.
From all the evil that sorrounds me, Defend
me.
And when the call of death arrives,
Bid me come to Thee
That I may praise thee with thy saints, Forever.


PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
P - .....
B - Amen.

PAGTATAPOS
P. Sumainyo ang Panginoon.
B. At sumasainyong Espiritu
P. Pagpalain kayo ng makapangyarihang
Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.
B. Amen.
P. Tapos na ang misa, humayo kayo ng
mapayapa.
B. Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWITIN:

MAGPASALAMAT KAYO SA
PANGINOON
I
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa
mundo
Syay gumawa ng buwan at mga bituin
Upang magbigay ng liwanag sa pag-sapit ng
dilim
O, magpasalamat sa kanyang mga biyaya at
awa

II
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Dahil sa kagandahang loob nyay
magpakailanman
At pagpalain nang Diyos habambuhay
Na syang nagligtas sa kanyang hinirang
bayang Israel
O, ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin

III
O, magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at
awa
At ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin
O, magpasalamat sa Kanyuang mga biyaya at
awa
Syang nagligtas ng kanyang hinirang bayang
Israel

Oooo..

You might also like