You are on page 1of 53

Manwal para sa

Tagapagsanay
ng
Occupational
Health and Safety
(OSH)




Ini handa ng
Institute for Occupational Health and Safety Devel opment (IOHSAD)
at
Asia Moni tor Resource Center (AMRC)


Manwal para sa Tagapagsanay
ng Occupational Health and Safety (OSH)

Nilalaman:

1. Kalagayan ng OHS sa Asya
2. Kemikal
3. Ingay
4. Heat Stress
5. Pagkontrol sa Panganib
6. Gender at pang-aabusong sekswal
7. Ano ang gagawin matapos ang isang aksidente
8. Tungkulin ng unyon sa OHS
9. Balangkas ng negosasyon












Kalagayan ng Occupational Health and Safety (OHS) sa Asya

Mga lugar ng paggawa o bitag ng kamatayan? Pandaigdigang sitwasyon ng OHS

Milyun-milyong manggagawa ang pinagkakaitan ng karapatan sa buhay. Sa ika-21 na siglo,
nanatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ang mga aksidente at karamdamang
may kinalaman sa trabaho. Batay sa pagtataya ng International Labor Organization (ILO) para
sa taong 2000, nasa 2 milyong manggagawa ang namamatay kada taon dahil sa kanilang
trabaho (nasa 3 milyon ang taunang death toll sa AIDS). Ibig sabihin, isang manggagawa
ang namamatay kada 15 segundo sa kung saan mang panig ng mundo dahil sa kanyang
trabaho.

Hindi lamang ang bilang ng namamatay ang nakakabahala. Maging ang bilang ng mga
manggagawang naaksidente at nagkasakit sa trabaho, na nabubuhay na may pinsala sa
katawan o karamdaman, ay napakataas din. Sa parehong ulat ng ILO, nasa 270 milyon ang
mga manggagawang nadisgrasya sa trabaho at nasa 184 hanggang 208 milyon naman ang
dumaranas ng karamdamang kaugnay ng trabaho.

Occupational Health para sa lahat Higit sa mga pahayag

Kalusugan para sa lahat sa taong 2000 ang deklarasyon sa isang pagpupulong na in-organisa
ng World Health Organization (WHO) at ng ahensya ng United Nations na responsible sa
edukasyon at kalusugan ng mga bata at ina sa mahihirap na bansa (UNICEF), at dinaluhan ng
mga kinatawan mula 134 bansa sa Alma-Ata (dating bahagi ng Unyong Sobyet) noong 1978.
Dumating ang 2004 subalit milyun-milyon pa rin sa buong mundo ang walang batayang
atensyong medikal. Sa isa pang pagpupulong na in-organisa ng WHO sa Beijing noong 1994,
parehong pahayag ang inanunsyo, isang panawagan sa mga istratehiya para tiyakin ang
occupational health sa lahat sa taong 2000
1
. Naging tampok ang pagpupulong na ito sa
pagkilala sa occupational health bilang mayor na usaping pangkalusugan. Sa kabila nito,
masyadong maliit ang naabot mula nang ipahayag ang deklarasyon. Sa kabalintunaan, ang
Tsina, kung saan inianunsyo ang deklarasyon, ang may pinakamataas na bilang ng
manggagawang namatay kaugnay ng trabaho sa buong mundo. Maaring idahilan na napakalaki
ng populasyon nito, subalit ang Tsina rin ang may napakataas na fatality rate lalu na sa mga
minahan kung saan libu-libong manggagawa ang namamatay kada taon.

Sakit sanhi ng trabaho: Isang
pangunahing mamamatay-tao

Kung susuriin ang datos hinggil sa bilang ng
manggagawang namamatay sanhi ng
trabaho, makikita na karamihan sa kanila ay
namatay dahil sa kanser at ibang sakit
kaugnay ng trabaho (tingnan ang graph).
Taliwas ito sa karaniwang paniniwala na
karamihan sa kaso ng pagkamatay kaugnay
ng trabaho ay dulot ng aksidente. Sa
katunayan, pag-iwas sa aksidente ang
pagpapakahulugan sa occupational health
and safety sa maraming lugar ng paggawa at
hindi nagdidiin sa occupational disease. Sa ganitong pakahulugan, ang lugar ng paggawa na
walang aksidente ay nangangahulugan ding ligtas.

Ang mga occupational disease, tulad ng kanser na dulot ng maraming salik sa lugar ng
paggawa tulad ng asbestos, carcinogenic (nagdudulot ng kanser) na kemikal, radiation, pagod,
at palit-trabaho, ay karaniwang matagal bago maging ganap na sakit (mula sa ilang buwan
hanggang sa mahigit 10 taon). Dahil sa pabagu-bagong gawain, pinagtratrabaho ng karamihan
sa mga industriya ang mga manggagawa sa maikliking kontrata at sa panahong naging ganap
na ang sakit, halos imposible nang maiugnay ang karamdaman sa trabaho. Nagdudulot ng mas
maraming kaso ng pagkamatay ang di-nakakahawang sakit kaysa sa nakakahawang sakit,
maliban sa Aprika. Sa kabuuan, mas malaki ang tsansa na mamatay ang isang tao dahil sa
sakit na kaugnay ng trabaho kaysa sa sakit na likas sa pagkabata o sa nakakahawang sakit.

Sitwasyon sa Asya

Taglay ng Asya ang pinakamalaking populasyon ng manggagawa sa daigdig. Mahigit kalahati
ng kabuuang lakas-paggawa ay naninirahan at nagtratrabaho rito, dagdag pa rito, kalahati ng
bilang ng namamatay sanhi ng di-ligtas na lugar sa paggawa na naitala din sa Asya. Ang Tsina
at India ang dalawang bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo at sila rin ang may
pinakamataas na mortality figure (460,260 kaso ng pagkamatay sa Tsina at 310,067 sa India).
2

Mataas ang proporsyon ng pagkamatay ng mga manggagawa sa Asya hindi lamang sa
malaking populasyon kundi dahil na rin sa mga di-ligtas na kalagayan sa paggawa. Masasabing
nakakaalarma ang mga datos na ito, subalit maliit na bahagi lamang ito ng kabuuang
kalagayan. Walang ni isang bansa, kahit ang mga pinakamauunlad na bansa, ang nagrerekord
at gumagastos sa mga aksidente at sakit kaugnay ng trabaho. Sa madaling salita, walang
nakakaalam kung ilang manggagawa ang namamatay, nagkakasakit o nasusugatan. Maraming
bansa sa Asya ang walang wastong mekanismo ng pag-uulat. Maaring maiulat ang ilang
aksidente pero karamihan ng kaso ay hindi naiuulat. Binubuo ang istatistika ng gobyerno ng
mga naiulat na aksidente at sakit sa trabaho at sa katotohanan, marami sa mga ito ay hindi
naiuulat.

Tinitiyak dapat ang isang mas ligtas na lugar sa paggawa ng mga pangontra-sakunang batas
na may mabuting sistema ng korte, mabuting regulasyon ng otoridad, wastong pagsasaliksik-
medikal hinggil sa mga bagong occupational disease at sitwasyon, sinanay na mga doktor, at
higit sa lahat ang paglahok ng mga manggagawa at unyon. Pinakamahalagang salik para sa
pagpapaunlad ng kalusugan at kaligtasan sa lugar ng pagtatayo ng isang malakas na unyon.
Subalit sa realidad, ibang-iba ang mga sitwasyon.


Mga Realidad

Hindi mahigpit na implementasyon: Karamihan sa mga bansa sa Asya (maliban sa
ilang bansa tulad ng Cambodia) ay may mga batas na naglalayong protektahan ang
mga manggagawa mula sa panganib sa lugar ng paggawa at magbigay sa kanila o sa
kanilang pamilya ng seguridad-sosyal o tulong sa kaso ng pagkamatay, aksidente o
pagkakasakit. Subalit nasa pagpapatupad ng mga batas na ito ang problema. Mahina at
walang lubos na kakayanan ang otoridad sa regulasyon sa maraming bansa. Sa alin
mang bansa, masasabing ang bilang ng mga inspektor sa pagawaan ay napakaliit
kumpara sa bilang ng empresa, kaya naman halos imposibleng mabisita ang lahat ng
pagawaan. Halimbawasa Cambodia, mas mababa ang sahod ng inspektor sa pagawaan
kumpara sa opisyal na minimum na sahod sa pagawaan ng garments.
Doktor at diagnosis: Bihira ang mga handang doktor na wastong makapagsusuri sa
sakit sanhi ng trabaho. Marami sa partikular na sakit tulad ng Byssinois (sakit ng
manggagawa sa textile) at silicosis (sakit ng construction worker) ay kalimitang
napagkakamalan na tuberculosis. Sa isang komunidad kung saan pribilehiyo ang
matingnan ng doktor, hindi maikakailang may pangangailangan sa mga espesyalista sa
OSH.
Nakalimutan at isinantabi: Kahit sa mauunlad na bansa, madaling nakakalimutan ang
mga namatay na manggagawa at ang kanilang pamilya, na pasanin ang industriyal na
paglago. Bihirang nasasakdal o kaya namay nakakapagpiyansa ang responsableng
manedsment sa pagkamatay ng mga manggagawa. Isang halimbawa ang sunog sa
Kader, isa sa mga pinakagrabeng sakuna sa pagawaan sa Asya na kumitil ng 188
manggagawa. Sa paghahanap ng katarungan ng mga manggagawa, bumilang ang 10
taon bago magdesisyon ang korteng Thai na ang kapabayaan ng isang manggagawa
ang sanhi ng apoy at napatawan lamang ang kumpanya ng 520,000 Baht sa paglabag
ng building code. Ipinagmamalaki ng Hongkong na mayroon itong pinaka-abanteng
paliparan sa mundo subalit hindi naman napapag-usapan ang 49 manggagawang
namatay sa konstruksyon ng paliparan. Kahit ang gobyerno mismo ng Hongkong ay
hindi pumayag na magtayo ng monumento sa loob ng paliparan bilang pag-alala sa mga
namatay.

Dagdag pa rito, isinasantabi rin ang mga napinsalaan o nagkasakit na manggagawa.
Kahit sa mauunlad na bansa tulad ng Australia, maliit na bahagi lamang ng kanilang
sahod ang natatanggap ng mga manggagawa kung sila ay magkasakit. Pinagmumulta
pa nga ang manggagawa kapag nagkasakit o naaksidente. Sa mga hindi mauunlad,
kaakibat ng pagkuha ng kabayaran para sa pinsala sa katawang dulot ng aksidente ang
napakahirap na proseso at mga bayarin. Kaya naman marami ang hindi na lamang
kumukuha nito. May kakayahan din ang kumpanya na arkilahin ang magagaling na
abogado para talunin sa korte ang kaso ng mga manggagawa.
Murang Lakas-Paggawa Buhay na nasa Peligro: Ang mga neoliberal na patakaran,
na ipinatutupad sa mga di mauunlad na bansa sa dikta ng International Monetary Fund
at World Bank at sa di tuwirang pagtitiyak ng mga dayuhang kumpanya, ay
nakapagdulot ng paglabnaw ng mga batas para sa manggagawa. Mula sa pagiging
import subsitution na ekonomiya, nagbago ang maraming bansa Asya tungo sa pagiging
ekonomiyang nakabatay sa eksport. Kinakailangang maging mabili ang mga produkto sa
pandaigdigang pamilihan, at ginagawa ito sa pagpapababa ng gastusin sa produksyon
sa pamamagitan ng pagtapyas sa sahod at paggastos ng kakarampot sa kaligtasan sa
pagawaan. Nagiging madali sa kumpanya na palitan ang maysakit o naaksidenteng
manggagawa dahil sa pagkakaroon ng maraming suplay ng murang lakas-paggawa,
imbes na gastusan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Dahil dito,
napipilitang magtrabaho ang obrero sa mapanganib na kondisyon para lamang
makapanatili sa trabaho at maitawid ang gutom ng pamilya.
Malakas na unyon: Masasabing pinakamahalagang salik ng pagtitiyak ng kaligtasan sa
pagawaan ang pagkakaroon ng malakas na unyon. Sa kasalukuyang panahon, matindi
ang atakeng neoliberal na naglalayong paliitin ang kasapian ng unyon at pagpapalit ng
relasyon sa empleyo (sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kontraktwalisasyon). Hindi
madaling pag-usapan sa ngayon ang OSH lalot madalas na nagbabanta ang
manedsment na ilipat ang produksyon imbes na maglaan para sa kaligtasan ng
manggagawa. Napakaliit na bilang ng collective bargaining agreement ang may
probisyon hinggil sa kaligtasan, at kung meron man, ang panawagan ay limitado sa
personal protective equipments (o PPE tulad ng masks, safety shoes, atbp) imbes na
pagtuunan ang pag-aalis ng mga panganib mismo.
Kontrol sa Impormasyon: Karamihan sa mga impormasyong kaugnay ng OSH ay
napakakomplikado at tinitingnan na tanging ang mga eksperto lamang ay may
kakayahang tumalakay dito.

Pang-gising sa Realidad

Napapanahon na mapagtanto ang bigat ng sitwasyon at kinakailangang pigilan ang nabanggit
na porma ng pagpatay sa pagawaan. Hindi nararapat na gamitin lamang ang mga manggagawa
bilang alipin para sa paglagong industriyal. Hindi rin dapat na makamit ang kaunlaran sa
pamamagitan ng pagpatay o pagpinsala sa manggagawa. May mahigit 68 kumbensyon at
rekomendasyon
3
ang ILO kaugnay sa kaligtasan sa pagawaan subalit wala ni isa ang
nakasama sa walong core convention nito. Kaya naman napapanahon na isama ang OSH sa
listahan nito ng prayoridad. Makakamit lamang ang mabuting ligtas na kondisyon sa lugar ng
trabaho sa pamamagitan ng kampanya at pagkilos. Sa kasaysayan, ang pinakaunang batas (sa
Inglatera) para sa proteksyon ng manggagawa kasama ang mga bata ay naipasa bunga ng
malawak na kampanya laban sa nakamamatay na kalagayan sa pagawaan at dahil na rin sa
takot ng mga kapitalista na magdudulot ng kakulangan sa lakas-paggawa ang sunud-sunod na
pagkamatay ng mga manggagawa.

Iba ang sitwasyon sa Asya, kung saan sagana at madaling palitan ang mga manggagawa.
Walang nakaukol na pansin ang industriya at gobyerno sa kaligtasan sa pagawaan. Saanman
sa mundo, kinakailangang ipaglaban ng mga manggagawa, unyon at iba pang maka-
manggagawang grupo ang kaligtasan sa pagawaan. Maraming bansa tulad ng Sweden,
Denmark, Netherlands, atbp.), mga bansang relatibong mas ligtas ang pagawaan, ay nakamit
ang paborableng kondisyon matapos ang taon ng pakikibaka ng mga manggagawa at kanilang
mga unyon. Kaya naman sa Asya, taglay ng unyonismo ang solusyon, bagamat may mga
panimulang hakbangin na para patatagin ang mga unyon. Kailangang tiyakin ng mga unyon na
ang kaligtasan sa pagawaan ang prayoridad at hindi lang opsyonal at hiwalay na isyu sa sahod.
Kailangang lamanin ng CBA ang mga probisyon hinggil sa mas mabuting kondisyon sa
pagawaan, at hindi lamang ito simpleng panawagan sa mga kagamitang pang-kaligtasan. Ang
pagtanggal sa mga mapanganib na elemento sa pinagtratrabuhan ang nararapat na
panawagan.

Maraming hamong bitbit ang mga neoliberal na pwersa sa paggawa sa kasalukuyan. Hindi
madaling igiit ang usapin ng kaligtasan at kalusugan sa pagawaan. Sa kabilang banda,
lumilikha ito ng mga paborableng kondisyon sa pag-oorganisa. Sa yugto kung saan
naghahanap tayo ng mga bagong pamamaraan ng pag-oorganisa, maaring taglay ng usaping
pangkalusugan at kaligtasan ang sagot.






ANNEXURE

Mga Kumbensyon ng ILO Hinggil sa OSH

Sa mga kumbensyon ng ILO, ang Convention 155 at 161 ang mga prinsipal kumbensyon na
may diin sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan (OSH). Ang mga kumbensyong ito at ang
katuwang na mga rekomendasyon ay sumasaklaw sa OSH sa pambansa at pang-kumpanyang
antas. Bukod dito, may 68 pang kumbensyon at rekomendasyon, kabilang ang ilang
dokumento, na tumatalakay sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa na may pokus sa
sangay ng pang-ekonomiyang gawain (hal. konstruksyon), mga panganib (hal. asbestos) at
mga hakbangin para sa proteksyon (hal. medical surveillance).

Nakalista sa ibaba ang mga mayor na kumbensyon ng ILO:

Hinggil sa general safety, health and conditions of work

Protocol of 1995 to the Labour Inspection Convention, 1947
International labour standards concerned with labour inspection: Main provisions [1991]
Convention concerning occupational safety and health and the working environment
[1990]
ILO Conventions and Recommendations concerning occupational safety and health
[1990]
Summaries of International labour standards Occupational Health and Safety [1988]
Convention 155 and Recommendation 164 concerning occupational safety and health
and the working environment [1981]
Convention and Recommendation concerning the protection of workers against
occupational hazards in the working environment due to air pollution, noise and vibration
[1977]
Convention 121 and Recommendation 121 concerning benefits in the case of
employment injury [1964]
Convention No. 81 concerning Labour Inspection in Industry and Commerce;
Recommendation No. 81 concerning Labour inspection [1947]

Hinggil sa occupational medicine, epidemiology
Convention 161 and Recommendation 171 concerning occupational health services
[1985]
Convention 175 and Recommentaion 182 concerning part-time work [1994]
Maritime Labour Conventions and Recommendations [1994]
Convention 167 and Recommendation 175 concerning safety and health in construction
[1988]
Convention 152 and Recommendation 160, concerning occupational safety and health
in dock work [1979]
Convention 153 and Recommendation 161, concerning hours of work and rest periods in
road transport [1979]
Convention and Recommendation concerning employment and conditions of work and
life of nursing personnel [1977]
Convention 134 and Recommendation 142 concerning the prevention of occupational
accidents to seafarers [1970]
Convention 129 and Recommendation 133 concerning labour inspection in agriculture
[1969]
Convention 124 concerning medical examination of young persons for fitness for
employment underground in mines [1965]
Convention 120 and Recommendation 120 concerning hygiene in commerce and offices
[1964]
Convention 110 and Recommendation 110 concerning conditions of employment of
plantation workers [1958]

Hinggil sa chemical safety
Convention 170 and Recommendation 177 concerning safety in the use of chemicals at
work [1990]
Convention 162 and Recommendation 172 concerning safety in the use of asbestos
[1986]
Convention and Recommendation concerning prevention and control of occupational
hazards caused by carcinogenic substances and agents [1974]
Convention 136 and Recommendation 144 concerning protection against hazards of
poisoning arising from benzene [1971]
Convention 13 concerning the use of white lead in painting [1921]

Hinggil sa sunog, pagsabog at mayor na panganib
Convention 174 and Recommendation 181 concerning the prevention of major industrial
accidents [1993]

Hinggil sa pisikal na panganib
Convention 115 and Recommendatio 114 concerning the protection of workers against
ionising radiations [1960]

Hinggil sa mechanical hazards, transport
Convention 119 and Recommendation 118 concerning the guarding of machinery [1963]
Convention 27 concerning the marking of the weight on heavy packages transported by
vessels [1929]

Hinggil sa physiology, ergonomics
Convention 171 and Recommendation 178 concerning night work [1990]
Convention 127 and Recommendation 128 concerning the maximum permissible weight
to be carried by one worker [1967]







Mga Panganib Mul a sa Kemikal


Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang mga kemikal. Sa bahay, maaring may kemikal ang
mga manggagawa tulad ng kerosene, panlason sa daga at insekto, gamit-panlinis at pintura.
Kalimitang ginagamit ng mga manggagawa sa trabaho ang kemikal na hindi nila gagamitin sa
bahay. Ang ibang kemikal ay nagdudulot ng di malalang problemang pangkalusugan subalit
may seryoso namang epekto ang iba.


Mga Porma ng Kemikal

May ibat ibang porma ang mga kemikal batay sa kung paano ito makakapasok sa katawan at
kung anong panganib ang maari nitong idulot. Maaring magbago ng porma ang kemikal sa
proseso ng pagtratrabaho. Dalawang tanong ang dapat isaisip sa pagkalap ng impormasyon
tungkol sa kemikal sa erya na pinagtratrabahuhan:

1. Anu-ano ang mga porma ng kemikal na meron?

2. Papano makakapasok ang kemikal sa katawan?

Anu-ano ang mga porma ng kemikal na meron?

Ang mga porma ng kemikal na nakalalason ay:

Bulk solids: Mga materyal na nasa anyong tipak o solid

Alikabok: Maliliit na piraso ng solid

Fumes: Mas maliliit na piraso ng alikabok na mistulang singaw o usok

Likido: Walang depinidong hugis di tulad ng solid

Mists: Napakaliliit na mga patak ng likido na nasa hangin

Vapors: Indibidwal na patak na nasa hangin

Gases: Bumubuo sa hangin

Hindi madaling tukuyin ang porma ng kemikal. Madaling pag-ibahin ang bulk solids at likido,
pero ang alikabok at mists ay maaring hindi makita depende sa laki at konsentrasyon.
Samantala, ang fumes, vapors at gases ay hindi talaga nakikita. Para matukoy ang lahat ng
porma ng kemikal sa isang lugar, makakatulong ang isang komprehensibong sampling and
monitoring program.







Ang mga Kemikal sa Pagawaan at ang Kalusugan

Hindi laging madaling matukoy kung ang mga isyung pangkalusugan ay kaugnay sa trabaho.
Gayunpaman, mainam na huwag isawalang-bahala ang sakit sa ulo, madalas na ubot sipon,
pagkahilo, sakit sa balat at ibang problemang pangkalusugan na sa tingin mo ay kaugnay sa
trabaho.

Paano malalaman kung bulnerable sa kemikal na panganib sa pagawaan?

Para alamin ang mga kemikal na panganib sa lugar ng trabaho, makakatulong ang mga tanong
na ito:

1. Anu-ano ang mga kemikal na gamit sa trabaho?

Ang ibang kemikal ay maaring mas nakalalason kaysa sa iba. Laging i-check ang label ng mga
kemikal na ginagamit sa trabaho.

2. Paano ginagamit ang mga kemikal?

Ang paraan ng paggamit sa isang kemikal ay nakakaapekto sa tsansa ng pagpasok nito sa
katawan. Mas mapanganib ang ilang proseso sa trabaho kaysa sa iba. Halimbawa, kung ang
kemikal ay pinaiinitan o dinudurog, mas malaki ang tsansa na malanghap mo ang kemikal.

Hindi makakasama ang kemikal maliban na lamang kung makapasok ito sa katawan. Magiging
mapanganib ang mga kemikal kung ito ay malalanghap, aksidenteng malunok, o mapahid sa
balat.

3. Gaano katindi ang lason ng isang kemikal, at gaano karami nito ang nakakapasok
sa katawan?

Mas nakalalason ang ilang kemikal kaysa sa iba. Kung ma-eexpose sa maliit na bahagi ng
kemikal, hindi ito magiging mapanganib. Pero may ilang kemikal na kahit nasa maliliit lamang
na bahagi ay mapanganib.

Paano Nakakapasok sa Kemikal ang mga Katawan?

Makakapagdulot lamang ng problemang pangkalusugan ang mga kemikal kung makakapasok
ito sa katawan. May tatlong ruta ang mga kemikal sa katawan:

1. ILONG:
Paglanghap sa chemical gases, mists o
alikabok na nasa hangin

2. BALAT:
Pag-absorb sa kemikal ng balat, kabilang ang
pagpasok nito sa mata

3. BIBIG:
Paglanghap o paglunok ng mga kemikal na
natapon o nakonsentra sa pagkain, inumin,
sigarilyo, balbas o kamay

Matapos na makapasok ang kemikal sa
katawan, dadaloy ito sa dugo at makakarating
sa internal target organs, tulad ng atay, bato o
nervous system.

Target Organ: Ang ibang kemikal ay maaring hindi makaapekto agad. Gayunpaman,
makakaapekto ito sa ilang target organs, tulad ng atay, bato o nervous system matapos ang
takdang panahon.


Kagyat at Pangmatagalang Epekto

Ang epekto ng nakalalasong kemikal ay maaring kagyat o matagalan.

Ang mga kagyat na epekto ay lumilitaw agad matapos ma-expose sa kemikal. Maaring hindi
siya malala, tulad ng iritasyon sa ilong o lalamunan. Maarin rin itong maging seryoso tulad ng
pagkapinsala sa mata o pagkahimatay dahil sa chemical fumes. Tampok sa mga epekto nito
ang pagiging kagyat ng manipestasyon nito.
Ang mga matagalang epekto naman ay maaring abutin ng taon bago lumitaw. Karaniwang
sanhi nito ang regular na exposure sa isang mapanganib na materyal sa matagal na panahon.
Permanente ang mga epektong ito.

Nagdudulot ng parehong kagyat at matagalang epekto ang ilang kemikal. Halimbawa, ang
paglanghap ng solvent vapours ay maaring magdulot agad ng pagkahilo. Subalit ang
paglanghap sa parehong kemikal sa loob ng maraming taon ay maaring magdulot ng pinsala sa
atay (isang matagalang epekto).


















































Paano Nakakaapekto ang mga Kemikal sa Katawan


Sintomas Karaniwang Sanhi
Ulo
Pagkahilo, sakit ng ulo

Solvents, pintura, ozone, usok (kasama na
ang usok mula sa tabako)
Mata
Mapula, maluha-luha, may iritasyon

Usok, gases at vapors, singaw, alikabok,
ultraviolet radiation, pintura, panlinis
Ilong at Lalamunan
Pagbahin, pag-uubo, pagang lalamunan

Usok, gases at vapors, alikabok, pintura,
panglinis
Dibdib at Baga
Pag-uubo, kakapusan ng hininga, lung cancer

Singaw mula sa metal, alikabok, usok,
solvents, pintura, panlinis
Balat
Pamumula, pagkatuyot, pantal, pangangati,
skin cancer

Solvents, radiation, chromium, nikel, sabong
panlaba at panlinis, pintura
Nervous System
Pagka-nerbyos, pagiging iritable, pagkabalisa
sa pagtulog, tremors

Matagal na exposure sa solvents o sa lead
Reproductive System
Lalaki: Mababang sperm count, pinsala sa
sperm
Babae: Pagiging iregular ng regla, di
magandang pagbubuntis, pinsala sa egg o sa
sanggol

Lead, toluene at iba pang solvents, radiation,
ethylene oxide


Ano ang nakakaapekto sa Panganib?
Mga Salik na Nakaka-impluwensiya kung ang
Manggagawang na-expose sa Kemikal ay
Magkakasakit

Halimabawa

1. Kung gaano nakakalason ang kemikal

Mas nakalalason, mas malaki ang tsansa na
magiging sanhi ang kemikal ng problema sa
kalusugan kahit nasa maliit na bahagi lang ito.

2. Bolyum o dami ng kemikal kung saan na-
expose ang manggagawa (mula sa hangin o
mula sa kontak sa balat o bibig)

Ang acetone ay isang industrial solvent na
matatagpuan din sa nail polish remover. Mas
mapanganib ito sa manggagawa na
gumagamit ng malaking bolyum nito kaysa sa
tao na gumagamit ng maliit na bolyum nito sa
anyo ng nail polish remover.

3. Tagal ng exposure ng manggagawa sa
kemikal

Maaring magtrabaho ang isang manggagawa
gamit ang kemikal sa loob ng kalahating oras
kada araw, samantalang walong oras naman
sa iba. Gayundin, maaring ma-expose ang
isang manggagawa ng isang buwan, habang
ang iba ay may 20 taon ng exposure.

4. Paraan at ruta ng pagpasok ng kemikal sa
katawan

Ang ibang kemikal tulad ng pestisidyo, ay
sobrang nakalalason mapapahid man sa
balat, makain o malanghap man. Sa kabilang
banda, mapanganib lang ang asbestos kapag
nalanghap. Halimbawa, maaring may
asbestos insulation ang isang bahay. Pero
hanggat hindi nagagalaw ang asbestos at
hindi nagiging mala-alikabok, hindi ito
malalanghap, kaya hindi ito mapanganib.

5. Indibiwal na salik (hal. lahi, laki ng katawan,
edad, kung naninigarilyo/umiinom o hindi,
allergies, exposure sa iba pang kemikal)

Mas mapanganib ang lead sa mga bata kaysa
sa mga matatanda dahil sa nakakaapekto ito
sa development ng kanilang utak at central
nervous system. Kung ang dalawang tao ay
nagtratrabaho sa may asbestos at isa sa
kanila ay naninigarilyo, ang isa na nagyoyosi
ay may mas malaking tsansa ng pagkakaroon
ng lung cancer kaugnay ng asbestos.




Kemikal sa Tela

Sa paghawak ng tela sa pagawaan, ang mga kemikal mula dito ay maaring mapunta sa balat at
maaring malanghap din ang chemical vapours. Sa bodega kung saan nakaimbak ang maraming
tela, maaring mas maraming vapours o sa hangin dito kaysa sa ibang lugar sa pagawaan.
Karamihan sa mga vapours ay sumisingaw kapag unang beses na binulatlat ang tela o kung
mainit ang panahon. Ang mga cutter, presser at trabahador sa bodega ay maaring
makalanghap ng mas maraming formaldehyde o iba pang kemikal kaysa sa ibang manggagawa
sa pabrika ng garments. Ang iba naman ay nagkaka-allergies sa mga tela na may kemikal tulad
ng formaldehyde o pangkulay at nagkakaroon ng pamumula ng balat kapag hinawakan na ang
tela.

Formaldehyde

Sa pabrika ng garments, ang pinakakaraniwan at mapanganib na kemikal ay formaldehyde.
Ginagamit ang kemikal na ito para hindi agad mangupas o magusot ang tela. Kung ang tela ay
may markang wrinkle free o permanent press malamang na meron itong formaldehyde.

Nagdudulot ang formaldehyde ng iritasyon sa mata. Ilong, lalamunan o baga. Maari rin itong
magdulot ng hika, pamamantal at iba pang sakit sa balat. Ang pagbababad ng tela na may
formaldehyde sa acid wash ay lilikha ng singaw ng napakamapanganib na kemikal (BCME
bis-chloromethylether) na sanhi ng cancer kapag nalanghap.

Pangkulay

Ang telang itim at iba pang maiitim na kulay ay karaniwang may pangkulay na mas nakaka-irita
kaysa sa ibang kulay. Ang mga pangkulay na ito ay nagdudulot ng pamamantal, allergies o
problema sa paghinga.

Pampaputi ng damit at asido

Nilalagyan ng pampaputi o asido ang ibang damit matapos gawin, halimbawa ay ang stone
washed at acid washed jeans. Ang mga kemikal na ito ay maaring mairita ang balat at
mapinsala ang mata kapag isinaboy.


Proteksyon mula sa kemikal sa tela

Kapag namantal ang iyong balat sa
paghawak sa tela, mahalagang itigil agad ang
paghawak sa tela sa pinakamadaling
panahon upang hindi magkaroon ng allergy.
Makipagtulungan sa kapwa-manggagawa sa
pagpapaabot sa employer ng mga epekto sa
kalusugan ng ginagamit na tela. Kailangang
hikayatin ng employer ang mga taga-
manupaktura na gumamit ng tela na walang
formaldehyde o iba pang mapanganib na
kemikal. Kung gagamit ka ng mga tela na
may ganitong mga kemikal:

Magsuot ng rubber gloves para
protektahan ang balat mula sa mga
kemikal.
Sanhi ng allergy ang latex rubber gloves sa
ibang tao, pero ang ibang klase ng rubber ay
hindi naman. Makakatulong din ang
pagsusuot ng leather gloves at long sleeves.

Maghugas ng kamay bago kumain,
uminom o magsigarilyo.
Maaring may maliit na bahagi ng kemikal na
naiwan sa iyong kamay na maaring
makapasok sa katawan kapag humawak ka
ng pagkain.

Lumikha ng mainam na bentilasyon.
Dapat na dumaloy ang sariwang hangin sa
lahat ng erya ng pagawaan, lalo na sa cutting
at pressing na erya. Buksan ang mga bintana
at pinto at gumamit ng bentilador para
pagalawin ang hangin sa loob.

Nagpapasok ng sariwang hangin at nagpapalabas ng singaw ang exhaust fan sa pader. Ang
tipo ng bentilador na ito ay hindi sing-epektibo ng paggamit ng kaunting kemikal o paggamit ng
lokal na exhaust vents. Ang lokal na exhaust vent kasi ay humihigop palabas ng singaw mula
mismo sa lugar kung saan ginagamit ang kemikal.

Hindi makakatulong ang mask.
Maaring itaboy ng dust mask ang mga alikabok mula sa iyong ilong at lalamunan, pero hindi
nito kayang protektahan ang katawan mo mula sa formaldehyde at ibang singaw na kemikal.


Mas pag-alam tungkol sa Tela

Importanteng isyu sa mga manggagawa at komunidad ang karapatan na malaman ang mga
panganib mula sa kemikal. Sa maraming bansa, napagtagumpayan ng mga manggagawa at
unyon ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa mga kemikal. Nakasaad sa batas
sa ibang bansa na dapat bigyan ng mga suplayer ng kemikal ang kanilang mga customer ng
Material Safety Data Sheets (MSDSs) ng kanilang produkto. Ang ibang kumpanya naman ay
nagbibigay ng Chemical Safety Data Sheets (CSDSs) para magbigay ng batayang
impormasyon tungkol sa mga kemikal.

Para sa mga manggagawa, superbisor at miyembro ng komunidad, may apat na simpleng
paraan para makakuha ng impormasyon hinggil sa kemikal sa pagawaan:

Etiketa sa produkto
Material Safety Data Sheets (MSDS)
Chemical Safety Data Sheets (CSDS)
Pagsasanay

Ang Material Safety Data Sheets (MSDS) ay talaan ng datos tungkol sa katangiang
pangkalusugan at pangkaligtasan ng mga kemikal sa pagawaan. Karaniwang isinusulat ito ng
mga suplayer o taga-manupaktura ng mga kemikal. Ang mga organisasyon tulad ng ILO ay
mayroon ding inilalabas na MSDS o listahan ng mga kemikal na ginagamit sa pagawaan.

Limitasyon ng MSDS

Ang ilang MSDS ay nagsasaad ng mga panganib na maaring idulot ng kemikal. Maaring ito
lamang ang pagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga kemikal sa pagawaan.

Pero marami sa MSDS ay kulang sa mahahalagang impormasyon. Kalimitang ginagamit ang
mga teknikal na salita na mahirap intindihin. Ang iba naman ay sala sa petsa o maling
impormasyon ang inilalahad.

Dapat tandaan na hindi pantay-pantay ang pagkakalikha sa MSDS. Hindi dapat umasa lamang
sa MSDS. Subukang gamitin ang ibang pagmumulan ng impormasyon.























Ingay



Ano ang ingay?

Maituturing ba na ingay ang pakikipag-usap sa kaibigan at kapamilya?

Ang musika ba ay ingay?

Ang mabilis na pagtakbo ng makina ba ay ingay?

Ang tanging kaibahan ng musika sa mga tunog sa loob ng pabrika ay sa pagiging kaaya-aya sa
pandinig ng tunog sa maraming pagkakataon, ang musika ay kaaya-aya sa pandinig habang
ang ingay sa pabrika ay hindi kaaya-ayang tunog. Ingay ang tawag sa di kaaya-ayang tunog.

Pero kahit na ang pinaka-nagugustuhang musika ay maaring makapinsala sa tenga bilang
pinakamalalang ingay sa pabrika. Naka-depende ang epekto sa kalusugan ng ingay batay sa
lakas o hina ng tunog, hindi sa kung gusto o hindi.

















Lokal na pabrika o labor inspector
Lokal na aklatan
ITs
Unyon
Tagamanupaktura ng
kemikal
Mga guro sa lokal na
pamantasan/unibersidad
ILO
Employer
Lokal na himpilan ng
bumbero

Gaano ka-ingay ang sobrang ingay?

Kabilang sa mga simpleng pamamaraan sa pag-alam kung ang antas ng tunog ay napakataas:

kung kinakailangan nang sumigaw o magsalita ng malakas para maintindihan kahit
kalahating dipa lamang ang layo sa kausap

kapag may humuhuni sa tenga matapos lisanin ang isang lugar

kapag hirap mapakinggan ang isang normal na pag-uusap pagkatapos ng trabaho

kapag sumasakit ang ulo o nahihilo dahil sa ingay

kapag maalin sa kapwa-manggagawa ay natuklasan may mga ganitong problema sa
pandinig


Epekto ng ingay sa kalusugan

Ang mataas na antas ng ingay ay may kagyat at pangmatagalan na epekto sa pandinig. Maari
itong magdulot ng:

pagkabingi (panandalian at permanente)

sakit sa ulo

pagkahilo

mataas na presyon

pagka-nerbyos at pagod, na humahantong sa ulcer, problema sa pagtulog, sakit sa puso

pagkawala ng konsentrasyon

aksidente kung ang mga sigaw o senyales na pambabala ay hindi naririnig


Maaring malaman ang antas ng pinsala sa pandinig sa isang hearing test na tinatawag na
audiograms. Ang pagkawala ng pandinig sa antas ng tunog ng pagsasalita ay may
panandalian at permanenteng epekto.









Anatomiya ng Tenga

Ang tenga ay binubuo ng outer ear, middle ear at inner ear.



















May hugis-nakapilipit na buto sa inner ear na tinatawag na cochlea, kung saan matatagpuan
ang mga napakaliliit na buhok. Dumadaloy ang tunog o sound waves sa outer ear,middle ear
hanggang sa inner ear. Sa inner ear, ang sound waves ang lumilikha ng paggalaw ng mga
napakaliit na buhok sa cochlea, na siya namang nagpapadala ng mensahe sa utak tungkol sa
tunog na narinig.

Pipinsalain ng mataas na antas ng ingay ang mga maliliit na buhok sa inner ear at pahihinain
ang kakayanan ng tenga na makadinig ng tunog at makapagpadala ng mensahe sa utak
tungkol sa tunog. Kapag napinsala ang mga maliliit na buhok sa inner ear, wala ng paraan para
masolusyonan ang pinsala nagiging permanente ang pagkabingi!


Pagsukat sa antas ng ingay: Ano ang decibels?

Decibels

Ang ingay ay sinusukat batay sa antas ng decibels, na isang sukat ng diin o pressure na
nililikha ng isang tunog. Ang hanay ng pagsukat sa decibels ay mula 0 hanggang 140, o mula
sa pinakamahinang tunog na maririnig ng tenga ng tao hanggang sa antas ng tunog na
makakapinsala sa tenga. Ang dB" ang pinaikling tawag sa decibels, habang ang A,B at C
naman ang tatlong iskala o scales nito pero ang pinakamalapit sa pandinig ng tao ay ang A
o dBA.

Ang decibel ay sinusukat sa isang ispesyal na iskala sa isang logarithmic scale kung saan
ang bawat pagtaas ng 3 decibels ay nangangahulugan ng pagdoble ng lakas ng tunog. Ibig
sabihin, ang pagtaas mula 90 decibels tungong 93 decibels ay pagdoble ng lakas ng tunog.
Samantala, ang pagtaas mula 90 decidels tungong 96 decibels ay paglakas ng tunog ng apat
na beses.




Mahalagang tandaan na ang maliit na pagtaas sa decibel ay nangangahulugan ng malaking
pagtaas sa lakas ng tunog na makakapinsala sa pandinig.


Pagkontrol sa Antas ng Ingay

Ang engineering controls sa pinanggagalingan ng ingay ang pinaka-epektibong paraan ng
pagkontrol sa ingay. Ang mga mekanismong ito ay dapat lagi munang kontrolin ang
pinakamalakas na pinagmumulan ng ingay bago ang iba. Kabilang sa engineering controls ang:

i-redesign ang mga kagamitan para mabawasan ang bilis o impact ng gumagalaw na
bahagi ng tunog; paglalagay ng mufflers sa intakes o lagusan ng hangin; palitan ang
mga lumang kagamitan ng mas bago at mas magandang kagamitan;

i-mantini ang mga kagamitan para mapalitan ang mga laspag na parte at para ma-
lubricate ang lahat ng gumagalaw na bahagi

ihiwalay ang mga kagamitan sa pamamagitan ng distansya, enclosure, o harang;

pag-papahina sa pinanggagalingan ng tunog sa pamamagitan ng paggamit ng rubber
pads para mabawasan ang vibration at ingay mula sa metal na bahagi; sa pamamagitan
ng pagbawas sa taas ng pinagbabagsakan ng mga bagay sa bins o sa belts;

paglalagay ng absorptive baffles sa pagawaan para ma-absorb ang mga tunog na
nalilikha



Kabilang sa administrative controls para sa pagbabawas ng ingay ang rotation ng mga
manggagawa sa isang erya na may malakas na ingay at ang pagsasanay sa kanila tungkol sa
panganib na dulot ng ingay at mga pamamaraan para bawasan ang ingay at protektahan ang
pandinig.

Kabilang naman sa personal protective equipment (PPE) para sa pagbabawas ng ingay ang
ear plugs at ear muffs. Tulad ng PPE, ang kontrol na ito ay nakadepende sa pagpili ng tamang
kagamitan para sa partikular na antas ng ingay, at tamang paggamit at pangangalaga ng mga
kagamitan. Mahalagang tandaan na sa paggamit ng PPE, hindi nawawala ang ingay.
Binabawasan lamang ng PPE ang lakas ng ingay na pumapasok sa tenga.





Sa ilang pagkakataon, ang paggamit ng PPE ay nagresulta sa seryosong impeksyon ng tenga
na nakaapekto sa pandinig. Dapat maiulat agad ng mga manggagawa ang anumang
problemang pangkalusugan mula sa paggamit ng PPE.












Heat Stress


Paano nakakaapekto ang mainit na temperatura sa katawan?

May apat na salik sa kapaligiran na nakakaapekto sa pagkakaroon ng heat stress na maaring
maranasan ng manggagawa sa pagawaan:
1) temperatura
2) halumigmig
3) radiant heat (tulad ng init mula sa araw o pugon sa pagawaan)
4) bilis ng pag-ihip ng hangin

May mga personal na salik na nakakaapekto rin sa pagkakaroon ng heat stress ng
manggagagawa, tulad ng edad, timbang, kalakasan ng katawan, medikal na kondisyon at ang
pag-angkop ng indibidwal sa init.

Natural na reaksyon ng katawan sa matinding init ang pagpapadaloy ng dugo sa balat, na
nagdudulot ng pagtaas ng temperatura sa balat at nakakapagpasingaw ng sobrang init sa balat.
Subalit kung ang kalamnan ay ginagamit sa pisikal na paggawa, mas kaunti ang dugo na
maaring mapadaloy sa balat. Ibig sabihin, mas kaunting init ang maaring mapasingaw.

Ang pagpapawis ay isa pang paraan ng katawan para mapasingaw ang sobrang init at
mapanatiling mas malamig ang loob ng katawan. Subalit epektibo lamang ang pagpapawis
kung mababa ang antas ng halumigmig na makapagpapasingaw sa
pawis, at kung ang tubig at mineral sa katawan na nawala sa pagpapawis ay mapapalitan.


Kung ang katawan ay hindi makapagpasingaw ng sobrang init, iniimbak nito ang init. Kapag
nangyari ito, tataas ang temperatura ng loob ng katawan at bibilis ang tibok ng puso. Habang
patuloy na itinatabi ng katawan ang init, mawawalan ng konsentrasyon ang indibidwal, maaring
maging iritable o magkasakit, o kayay mawalan ng kagustuhang uminom ng tubig. Ang unang
yugto ng heat disorder ay kalimitang kawalan ng malay, na maaring dumulo sa pagkamatay sa
kaso ng di-nabigyang atensyon na heat stroke.

Nagiging isyu ng kaligtasan ang papalalang heat stress kapag ang manggagawa ay nawawalan
ng pagka-alerto, nahihirapang makapagpokus sa gawain, nagkakamali o naaksidente.

Ilan sa mga sanhi ng heat stress ay ang mga sumusunod:
mataas na temperatura sa labas ng gusali o bahay at sobrang halumigmig
init at halumigmig na sanhi ng operasyon ng pagawaan
Di sapat o iregular na bentilasyon
mabigat o paulit-ulit na pisikal na gawain
kakulangan ng maiinom na tubig o kakulangan ng oportunidad na makainom ng tubig
di sapat na panahon ng pahinga
bago o bagong balik na manggagawa na walang sapat na panahon para makaangkop
sa mainit na kalagayan sa pagawaan

Anu-ano ang mga tipo ng mga karamdamang kaugnay ng init?

Mga sintomas ng Heat Stress

Heat cramps

Sintomas: masakit na silakbo ng kalamnan, kalimitan tuwing pagkatapos ng trabaho
Sanhi: sobra-sobrang pagpapawis at pag-inom ng maraming tubig, ngunit hindi naman
napapalitan ang nawalang mineral sa katawan
Paglunas: Uminom ng likidong may electrolytes (calcium, sodium at potassium salts)


Heat exhaustion

Sintomas: Sobrang panghihina o pagkahapo, pagkahilo; maputla, malamig, at mabasa-
basang balat; matinding pagpapawis; sakit sa ulo; kawalan ng malay
Sanhi: Mas konting dugo na bunga ng dehydration dahil sa sobra-sobrang pagpapawis
at di-sapat na pagpalit sa nawalang tubig at mineral sa katawan
Paglunas: Kung may malay, pagpahingahin ang manggagawa sa malamig na lugar; palitan
ang tubig at mineral na nawala sa pagpapawis; Kung walang malay, agarang
tumawag ng tulong medikal. HUWAG painumin ng likido kapag walang malay
ang manggagawa


Heat stroke

Sintomas: Sobrang tuyot at mainit na balat na may mapulang batik-batik o kayas mala-
asul; pagkalito; kombulsyon; kawalan ng malay; sobrang bilis na pagtaas ng
temperatura sa 41 degrees centigrade at pataas
Sanhi: Nag-iinit ng sobra ang katawan dahil ang manggagawa ay hindi na nagpapawis
Paglunas: Tumawag ng agarang tulong medikal; dalhin ang manggagawa sa malamig na
lugar; alisin ang mga personal protective equipment (PPE); gumamit ng basang
tuwalya o tubig at bentilador para magpalamig habang hinihintay ang tulong

Ang heat stroke ay isang nakamamatay na sitwasyon.
Kinakailangan ang agarang tulong medikal.


Paano maiiwasan ang heat stress?

Maaring maiwasan ang heat stress sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Engineering Controls

Ang mga engineering control tulad ng epektibong bentilasyon, spot cooling, bentilador, at heat
shields para sa maliwanag na pinagmumulan ng init, ay nagbabawas ng heat stress o
naglalayo sa manggagawa mula rito. Ang pagbabago sa equipment at paggamit ng power tools
para mabawasan ang pisikal na trabaho ay naglalayo rin sa katawan sa init.

2. Kasuotang pamprotekta

Ang mga ispesyal na reflective clothing o pampalamig na kasuotan ay maaring kinakailangan
kung matindi ang heat stress.

3. Scheduling at Oras ng Pahinga

Maaring ireskedyul ang mabibigat na trabaho sa mas malamig na oras ng araw. Maaring
ireorganisa ang regular na trabaho para mapaglaan ng oras ng pahinga sa malamig na erya na
siyang magbibigay kondisyon sa katawan para mapaglabas ng sobrang init.

4. Tubig

Dahil sa ang mekanismo ng uhaw ay maaring hindi gumana bunga ng pagkawala ng tubig sa
porma ng pawis, mahalagang tiyakin na laging may suplay ng malamig na tubig at nakakainom
ng 250 hanggang 500 mililitro kada kalahating oras.

5. Edukasyon

Kinakailangang matutunan ng mga manggagawa at superbisor na sipatin ang sintomas ng heat
illnesses and ang tamang first aid na hakbangin. Kinakailangan din nilang pag-aralan kung bakit
nararanasan ang heat illness at kung ano ang dapat gawin para maiwasan ito.












Pagkontrol sa Panganib

Ang pagtukoy at pagtatasa sa panganib ang pangunahing hakbangin sa pagkontrol sa
panganib. Pagkatapos nito, ang ibat ibang paraan ng pagprotekta sa manggagawa na
tinatawag na controls ay maaring gawin. May tatlong tipo ng controls:

Ang tatlong tipo ng control na ito ay maaring gamitin nang sabayan, subalit dapat bigyang
prayoridad ang engineering controls bago ang iba pa. Hindi maaring gamitin ang administrative
control at personal protective equipment (PPE) hanggat hindi sinusubukan ang engineering
controls, maliban na lamang kung imposible ang engineering controls.

Ang pinaka-epektibong pagtinging o lapit hinggil sa proteksyon ng manggagawa:

Kontrolin ang panganib, hindi ang manggagawa.

Engineering controls

Itinuturing ang engineering controls bilang pinakamainam na tipo ng controls dahil sa inaalis nito
ang panganib o kaya namay inilalayo nito ang manggagawa sa panganib. Direktang
tinutugunan nito ang panganib at hindi ito nakadepende sa aksyon ng manggagawa para
maging epektibo.

Kasama sa ibat ibang tipo ng enginneering controls ang mga sumusunod:
Pagdidisensyo muli ng proseso, tulad ng paggamit ng basang pamamaraan para mabawasan
ang dami ng alikabok
Paggamit ng mas ligtas na mga produkto:
paggamit ng kemikal na mas hindi nakalalason, mas hindi maalikabok at mas hindi
sumisingaw
pagpapalit ng mga lumang kagamitan ng bagong kagamitan na may built-in guards
Ilayo ang proseso o ilayo ang manggagawa sa proseso:
paglalagay ng enclosures sa maiingay na kagamitan
pagtatayo ng isang control room kung saan maproprotektahan ang mga manggagawa
mula sa init, ingay o nakalalasong materyal
Pagkakabit ng local exhaustion ventilation (LEV):
sistemang bentilasyon na direktang nakalagay sa tanke ng kemikal
Welding tables at work stations para mailayo ang airborne hazards mula sa
pinanggagalingan nito

Bentahe ng paggamit ng engineering controls ang pag-aalis mismo sa panganib, o paglalayo sa
manggagawa mula sa panganib. Subalit may mga problema o balakid din dito. Kabilang dito ay
ang mga sumusunod:
Napakamahal ng engineering controls at maaring mahihirapang ilagay ito ng maliliit na
negosyante
Ang enclosure o ang paglalayo sa panganib ay hindi nag-aalis sa panganib, kaya
bulnerable pa rin ang manggagawa kung sakaling magkaroon ng aksidente o tagas
Maaring kaakibat ng pagpapalit ng kemikal o makina ang bagong panganib
Kinakailangang i-mantini at i-testing ng regular ang mga bentilasyon para panatiling
epektibo
Kailangang i-mantini o ipagawa ang engineering controls tulad ng bentilasyon o
mekanisasyon





Administrative controls

Hindi inaalis ng administrative controls ang mga panganib, pero nililimitahan nito ang exposure
ng manggagawa sa panganib. Naka-depende sa kilos ng tao ang pagiging epektibo nito.

Kabilang sa maraming uri ng administrative controls ay ang mga sumusunod:

pagpapalitan ng mga manggagawa sa mapanganib at di-mapanganib na gawain para
mabawasan ang exposure the panganib
paramihin ang bilang ng pahinga o break para mabawasan ang panahon ng
pagkabulnerable sa panganib
baguhin ang iskedyul ng trabaho kung maari, tulad ng pag-iiskedyul ng mga gawaing
may dulot na panganib ng heat stress sa gabi kung saan mas malamig ang
temperatura.
panatilihing maayos at walang kalat ang lugar para mabawasan ang posibilidad ng
sunog at aksidente at para maiwasan ang akumulasyon ng nakalalasong materyal
pahusayin ang mga pasilidad at asal na pang-hygiene para masanay sa paghuhugas
ang mga manggagawa ng kamay bago at pagkatapos kumain; ipagbawal ang pagkain
sa lugar na pinagtratrabahuhan; pahintulutang makaligo ang mga manggagawa
pagkatapos ng shift at tiyaking iniiwanan ang mga kontaminadong damit sa pagawaan
pahusayin ang training ng mga manggagawa para paunlarin ang kakayahan ng mga
manggagawang makatukoy ng panganib
maglaan ng regular na oras ng pahinga

Mayroong pa ring problema sa administrative controls. Bagamat nababawasan ang oras ng
exposure sa panganib, nanatiling pa ring nakalagak ang mga panganib. Binabawasan
halimbawa ng job rotation ang oras ng exposure ng isang manggagawa, subalit pinaparami nito
ang bilang ng mga manggagawang may exposure sa panganib. Tulad ng ibang proseso na
gawa ng tao, laging may puwang sa pagkakamali na maaring magresulta sa mapanganib na
exposure.

Personal Protective Equipment (PPE)

Itinuturing na pinakamahinang porma ng kontrol ang paggamit ng personal protective
equipment (PPE). Ginagamit lamang ito bilang prinsipal na porma ng kontrol kapag hindi
posible ang engineering at administrative controls, o sa kaso ng kagipitan.

Hindi inaalis ng PPE ang panganib; hindi rin nito binabawasan ang panahon ng pagka-
bulnerable sa panganib. Binabawasan lamang nito ang bigat ng panganib na maaring harapin
sa pamamagitan ng paglalagay ng harang sa pagitan ng panganib at ng manggagawa.
Maraming salik ang nakapagpapahina ng proteksyon mula sa PPE. Nakadepende ito sa
paggamit ng tao para maging epektibo.

Kabilang sa ibat ibang tipo ng PPE ay ang mga gamit pamprotekta sa ulo, tenga, mata, baga
(sa pamamagitan ng ilong at bibig), kamay, katawan at paa.

Mga halimbawa ng PPE:




Ang mga disbentahe ng PPE ay ang sumusunod:

Karamihan sa PPE ay naka-disenyo para sa mga manggagawa ng Canada, Europa at
Estados Unidos, kaya maaring hindi ito angkop sa mga manggagawa sa ibang parte ng
mundo
Kailangang partikular ang PPE na gamit para sa partikular na panganib
Kailangang gamitin sa tamang paraan at i-mantini ang PPE
Ang ibang PPE, tulad ng respirator filters at gloves, ay kinakailangang palitan nang
madalas para epektibong maprotektahan ang sarili
Ang ilang PPE ay lumilikha ng bagong aksidente at panganib sa kalusugan, tulad ng
heat stress, mas malabong paningin at mas mahinang pandinig, mas mahinang
pagkakahawak, potensyal ng impeksyon sa tenga, at pinalalang pagkabalisa dahil sa
mabibigat na gamit pamprotekta.

Ang paggamit ng PPE ay hindi magiging epektibong kontrol ng mga panganib sa pagawaan
kung walang tamang kagamitan at pagsasanay sa paggamit at pangangalaga nito.













Pisikal, Verbal at Sekswal na Pang-aabuso at Pamantayan sa Pagpigil sa
Pang-aabuso


Ang lahat ng empleyado at manggagawa ay may karapatan na tratuhin ng may paggalang at
dignidad. Kinakailangang magkaroon ang bawat pagawaan ng malinaw na depinisyon kung ano
ang hindi katanggap-tanggap na asal at ng nakasulat na patakaran na nagbabawal sa mga
ganung asal.

Ano ang pang-aabuso?

Pisikal
Paggamit o pagbabanta ng pisikal na pagdisiplina

Verbal
Paggamit ng mga salita o aksyon na nagtatangkang sirain ang pagpapahalaga sa sarili
ng empleyado

Sekswal
Pag-aalok ng mas madali o gustong gawain o iba pang paborableng pagtrato kapalit ng
sekswal na relasyon
Di magandang pagtrato sa empleyado bilang parusa sa pagtanggi sa sekswal na pabor
Di magandang komentong sekswal, obserbasyon o inisyatiba, o kaya pisikal na pagtrato
na may sekswal na katangian
Mga gawing panseguridad na
hindi sensitibo sa kasarian

Iba pang tipo
Pagkakait ng makatwirang
pahinga, pag-inom ng tubig,
paggamit ng palikuran,
pangangalagang pangkalusugan,
at iba pang batayang
pangangailangan
Di makatwirang paglimita sa
galaw ng empleyado tuwing oras
ng pahinga













Bakit mahirap tumanggi?

Maraming dahilan kung bakit mahirap sa isang babae na tanggihan ang pisikal, verbal o
sekswal na pang-aabuso:
Maaring takot ang empleyado na mawalan ng trabaho, na kailangan niya para
suportahan ang kanyang pamilya at sarili
Maaring pinalaki at tinuruan siyang sundin at irespeto ang mga gusto ng mas matanda
at nasa kapangyarihan na lalaki
Maaring ang lalaki ay isang kamag-anak, at maaring takot ang isang empleyado na
pagmukhaing masama kapag tumanggi

Subalit kahit nasa ano mang sitwasyon ang isang babae, laging mali ang sekswal at iba pang
porma ng pang-aabuso. Kontra rin ito sa batas sa maraming bansa. Kung nakaranas na ng
pang-aabuso, subukang maghanap ng makikinig at magbibigay ng suporta. Maari ring ibahagi
ang karanasan sa iba pang kababaihan. Bagamat hindi nito matutuldukan ang pang-aabuso,
makakatulong naman ito para maiwasan ang pang-aabuso sa iba pa.



Epekto ng Sekswal na Harasment

1. Maaring magdulot ng makapaminsalang epekto sa pagawaan ang sekswal na pang-
aabuso
Ito ay usapin hinggil sa trabaho at hindi lamang personal na problema ng isang tao. Ang
sekswal na pang-aabuso ay maaring ituring na pinakaseryoso at malaganap subalit
hindi litaw na panganib na kinakaharap ng manggagawang kababaihan

2. Ang sekswal na pang-aabuso ay maraming epekto sa trabaho:
Maaring malipat o mawalan ng tsansa na ma-promote ang isang manggagawa dahil sa
pagtanggi dito
Maari ring makatanggap ang isang manggagawa ng mas mababang sahod at
benepisyo, o kayay mawalan ng trabaho, dahil sa pagtanggi sa hinihinging sekswal na
pabor ng kanyang superior

3. Maraming sikolohikal na epekto na kaugnay ng sekswal na pang-aabuso, katulad ng:
Pagdududa sa sarili, denial at pagsisi sa sarili
Pagkamahiyain
Kawalan ng interes sa trabaho
Kawalan ng pagtitiwala
Pagkagalit
Depresyon

4. Batay sa ilang pag-aaral, ang mga biktima ng sekswal na pang-aabuso ay maaring
makaranas ng reaksyong kapareho ng mga biktima ng trauma tulad ng rape o pag-
atakeng pisikal.

Napag-alaman sa isang pag-aaral na lumala ang problema hinggil sa seguridad sa mga kaso
kung saan nakaranas ang isang babae ng pang-aabuso habang nasa trabaho.

5. May negatibong epekto rin ang sekswal na pang-aabuso sa negosyo.

Mabigat ang halaga ng pagsasawalang-bahala sa pang-aabuso dahil sa: pagliban ng
manggagawa, gastos sa pagrekrut at pagsasanay ng kapalit, mababang moral, mataas na
tantos ng paglipat ng manggagawa, mababang katapatan, at syempre, mas mataas na gastos
sa legal fees.


Pagtugon sa Pang-aabuso sa Pagawaan

Huwag isawalang-bahala!
Sikaping iwasan ang (mga) indibidwal na nang-abuso sa kapwa-empleyado
Huwag basta-basta lalakad kung saan na kasama lamang ang lalaking employer
Alamin kung may mga batas o patakaran na magbibgay proteksyon sa iyo mula sa
pang-aabuso

Isipin lagi na hindi ka nag-iisa.
Ang pang-aabuso ay hindi lamang indibidwal na problema sa pagitan ng dalawang tao.
Ito ay isang panganib sa lahat ng manggagawa, lalo na sa kababaihan

Suriin ang iyong sitwasyon.
May iba pa bang manggagawa na nakararanas ng ganitong panganib? Posible bang
makausap mo sila tungkol sa bagay na ito na hindi isinasakripisyo ang iyong trabaho?
May posibilidad ba na magsama-sama kayo para gumawa ng aksyon?
Maari kayang maging simulain ito ng pagbubuo ng grupo, na siyang haharap sa
ganitong mga usapin sa pagawaan?
Paano mo maiuulat ang pang-aabuso sa iyong employer na hindi natatakot na
maparusahan?





Pagpigil sa Pang-aabuso sa Pagawaan

May karapatan ang bawat manggagawa na makapagtrabaho sa isang kondisyon na malaya sa
pisikal, verbal at/o sekswal na harasment at pang-aabuso. Responsibilidad ng manedsment na
pagtibayin ang ilang gawi na magbabawas ng potensyal para sa mga porma ng abuso tulad ng:

Pagpapatupad ng malinaw na pamantayan hinggil sa pag-uulat ng mga kaso ng
harasment at pang-aabuso
Pagpapataw ng mga multa para pigilan ang mga nasabing gawi sa bahagi ng manager o
supervisor
Pagbibigay ng malinaw at komprehensibong pagsasanay sa lahat ng empleyado


Mga Susing Salik ng isang Programa Kontra-Harasment at Pang-aabuso

1. Pagbubuo ng isang nakasulat na patakaran

Kinakailangang magkaroon ang mga employer ng isang nakasulat na patakaran hinggil sa
harasment at pang-aabuso na in-endorso ng pinakamatandang manager sa pagawaan.
Kailangang i-partikularisa ng nakasulat na patakaran na ito kung ano ang mga gawi na
ipinagbabawal, mga responsableng indibidwal na magpapatupad ng patakaran,
kompidensyal na sistema ng pagdudulog ng reklamo, at paraan ng pag-disiplina. Dapat
saklaw ng patakarang ito ang mga manininda, customer o kung sino man na pumupunta sa
pagawaan.

2. Pagbubuo ng isang kompidensyal na sistema ng pagdudulog ng mga kaso

Kailangang magtakda ang isang employer ng kompidensyal na pamamaraan ng
pagdudulog ng hinaing na nakakahikayat sa mga empleyado na iulat ang anumang uri ng
pang-aabuso. Ang karaniwang pamamaraan ng pagrereklamo, tulad ng pagbubukas ng
mga isyu sa superbisor, ay hindi angkop sa pag-uulat ng pang-aabuso. Kasama sa isang
epektibong sistema ng pagdudulog ang mga sumusunod:

Ligtas na lagayan para sa mga kompidensyal na reklamo na nakalagay sa pribadong
erya tulad ng paliguan at dormitoryo na pinupuntahan ng manedsment lamang.

Walang kinikilingang kontak tulad ng guidance counselor, kinatawan ng unyon at iba
pa

Numero ng telepono o lagayan para sa mga liham kung saan maaring iulat ng mga
empleyado ang kanilang mga hinaing

3. Magbigay ng pagsasanay sa lahat ng manggagawa at tagapangasiwa hinggil sa
patakaran sa pagpigil sa harasment at pang-aabuso

Ang lahat ng empleyado ay dapat makatanggap ng pagsasanay sa ganitong paksa tuwing
oryentasyon ng mga bagong tanggap sa trabaho. Nilalaman dapat ng pagsasanay ang buong
paliwanag hinggil sa patakaran sa pagawaan, paano iniuulat ang harasment, at kung paano
iniimbestigahan ang mga reklamo.

Ang mga superbisor at tagapamahala sa pagawaan ay dapat na kumuha ng
pagsasanay hinggil sa patakaran isa o mahigit pang beses sa loob ng isang taon.
Mainam na isama sa pagsasanay ang impormasyon hinggil sa nakasulat na aksyong
pang-disiplina.

4. Imbestigahan at i-dokumento ang lahat ng reklamo

Ang lahat ng kaso ay dapat maimbestigahan agad. Dapat i-dokumento ng bawat ulat,
imbestigasyon at disiplina ang eksaktong katangian ng reklamo, petsa ng kaganapan at pag-
uulat, mga pamamaraan na ginamit sa imbestigasyon, mga panig na sangkot, resulta ng
imbestigasyon, katangian ng disiplina mula sa insidente, at epekto sa kasalukuyang patakaran.

Ang sinumang empleyado na nagsampa ng reklamo ay dapat na mapaabutan ng naging
resulta ng imbestigasyon at ng mga desisyon na ginawa.

5. Mga Nakasulat na Pamamaraang Pang-disiplina

Dapat disiplinahin ng manedsment ng kumpanya ang sinumang gumagawa ng pisikal, sekswal
o verbal na harasment o pang-aabuso. Kailangang nakasulat ang pamamaraang pang-disiplina,
at dapat ito ay mababasa ng lahat ng empleyado at tagapamahala. Ang isang nakasulat na
patakarang pang-disiplina ay dapat na talakayin ang:

Antas ng disiplina kasama ang pasalitang babala, nakasulat na babala, suspensyon,
pagpapababa ng posisyon, o pagpapatalsik, depende sa bigat ng insidente.

Pagbibigay-payo at pagsasanay para sa gumawa ng kaso, kabilang ang pagsasanay na
cross-cultural at/o pagsasanay sa pagresolba sa tunggalian

Patakaran hinggil sa paglilipat para sa empleyado at/o tagapamahala para tiyakin na
hindi na mauulit ang pagbabanta

Patakaran para sa kapatawaran o iba pang paraan para sa bayad-pinsala sa inabusong
empleyado

Patakaran hinggil sa pag-uulat at pagpasa sa lumabag sa mga patakaran sa lokal na
otoridad












Ano ang Gagawin Matapos ang isang Aksidente



1. Mismong pagkatapos:
Puntahan ang pinangyarihan ng aksidente;
tiyakin kung ang naaksidenteng kasama ay inaalagaan
panatilihin ang dinatnang ayos ng mga bagay

2. Imbestigasyon
kumuha ng litrato, sketches at sukat
kausapin ang mga testigo at isulat ang mga pahayag
magsagawa ng masusing inspeksyon

3. Follow up:
makipag-ugnayan sa inspektor na nakatutok sa aksidente
suriin ang rekord ng employer hinggil sa aksidente
magmungkahi ng paraan ng pagpapahusay o agarang pag-iingat
payuhan ang nasaktang kasamahan sa trabaho

STEP 1: MISMONG PAGKATAPOS

Puntahan agad ang pinangyarihan ng aksidente. Mas mainam kung makakapunta agad ang
Union Safety Representatives sa lugar ng aksidente. Kung nangyari ang aksidente sa erya na
pinagtratrabahuhan mo mismo, madaling malalaman ang aksidente. Pero kung kalat ang
miyembro sa malawak na erya, tiyakin na madali nilang makokontak ang Union Safety
Representatives o makinegosasyon sa manedsment para mapaabutan ang Union Safety
Representatives hinggil sa aksidente nang walang pagkakaantala.

Sa ilalim ng Collective agreement, ang Union Safety Reps ay may karapatan na magsagawa ng
inspeksyon sa aksidente kung ito ay rasonableng maisasagawa. Ang karapatang ito ay
inilalapat sa lahat ng aksidente, karamdaman at mapanganib na pangyayari na naiuulat o hindi.
Maaring lumabas na ang isang pangyayari ay pwedeng gawan ng ulat bilang resulta ng
inspeksyon, at hindi palaging posible na sabihin sa pauna kung ang pinsalang dulot ng
aksidente ay magiging sanhi ng pagliban ng manggagawa ng matagal para masabing kaulat-
ulat ang aksidente. Mahalaga para sa Union Safety Reps ang karapatan para suriin ang sanhi
ng aksidente at imbestigahan ang mga potensyal na panganib.

Tiyakin ang first aid. Mahalaga na tiyakin na lahat ng nasaktang manggagawa ay
makakatanggap ng tamang funang lunas o atensyong medikal at hindi pinapabalik nang agaran
sa trabaho o pinapagawa ng pahayag. Ang anumang kakulangan sa bilis ng pagbibigay ng
lunas ay dapat sagutin ng manedsment.

Tiyakin na hindi magagalaw ang dinatnang ayos ng mga bagay. Mahalaga na mabantayan
at mapigil ang pagkagambala ng lugar ng aksidente bago ang imbestigasyon dahil madali para
sa employer na baguhin ang ayos ng mga bagay sa lugar ng aksidente. Tanging ang pagsagip
at pagtitiyak laban sa dagdag na panganib ang katanggap-tanggap na dahilan sa paggalaw sa
mga bagay. Ang isang probisyon sa collective agreement ay maaring magsabi na: Maaring
kinakailangan, matapos ang isang aksidente o mapanganib na pangyayari, ng employer na
gumawa ng agarang hakbang laban sa dagdag na panganib. Kung ito ay gagawin, dapat
mapaabutan ang Union Safety Reps ng ginawang aksyon na kinumpirma sa sulatin. Subalit ang
eksaminasyon ay hindi dapat makasagabal sa kahit anong ebidensya o sa testing ng anumang
makina, plant equipment o bagay na maaring mabago o mawasak bago pa man makapag-
imbestiga ang inspektor mula sa tamang otoridad dahil sa mahalaga ito sa pagtukoy sa
mismong kaganapan.

Kung ang mga bagay ay nagalaw na bago pa makarating ang Union Safety Reps sa lugar na
pinangyarihan, kinakailangang ilista ang mga pagbabago at pahayag tungkol sa mga
pagbabago. Sa ideyal na sitwasyon, dapat na markado na hindi pwedeng basta pasukin o
daanan ang lugar ng aksidente. Dapat na may nagtitiyak din na walang nagalaw na bagay.

STEP 2: IMBESTIGASYON

Ang mga litrato, drowing at sukat: Matapos ang aksidente, ang mga detalye mula sa litrato,
drowing, at sukat ay may mahalagang papel sa pagkuha ng katunayan. Sa ilalim ng collective
agreement, ang Union Safety Reps ay may karapatang magsagawa ng pana-panahong
inspeksyon at imbestigasyon ng mga tampok na aksidente at mapanganib na pangyayari. Ang
pagkuha ng mga sukat, paghahanda ng sketches at pagkuha ng litrato ay mahalagang bahagi
ng mga inspeksyon at imbestigasyon na ito.

Mga testigo at pahayag: Kinakailangang makausap agad ng Union Safter Reps ang mga testigo
sa aksidente sa pinakamadaling panahon matapos ang aksidente. Ang karapatang ito ay
nararapat na suportado ng collective agreement. Ang mga testigo ay hindi obligado na
magbigay ng pahayag sa kahit sino maliban sa kinatawan ng unyon. Mainam na maibahagi ang
pahayag o testimonya sa pinakamadaling panahon habang sariwa pa ito sa isip ng testigo.
Huwag pangungunahan ang testigo maaring hindi niya masuportahan ang kanyang mga
pahayag kalaunan. Dapat na pagsalaysayin ang testigo sa kanyang pananalita sa marahan na
paraan para maisulat ang pahayag. Kung may mga punto na hindi gaanong mahalaga, maaring
sabihin na laktawan na lang ang pagsasalaysay tungkol dito.

Kung ipinatawag ang miyembro ng manedsment para magbigay ng pahayag o salaysay hinggil
sa aksidente, mahalagang mabigyan ng panahon para ma-rebyu niya ang kanyang naunang
salaysay para maging malinaw ang pagbabahagi.

Kung ipinatawag ang miyembro ng manedsment para magbigay ng pahayag o salaysay hinggil
sa aksidente, dapat na tanggihan ito o kayay hingin ang payo ng Union Safety Reps. Hindi
imposible na sa panahon ng mga interbyu o paglalahad ay naroroon ang abogado ng
kumpanya o representante mula sa kumpanya ng insurance.

Pagsasagawa ng isang detalyadong inspeksyon. Ang checklist sa ibaba ay makakatulong
sa pagsasagawa ng isang detalyadong inspeksyon ng aksidente. Makakatulong ang resulta sa
pagtukoy sa batayang sanhi ng aksidente at makakatulong din sa nasaktang manggagawa sa
paghahabol sa bayad-pinsala.

STEP 3: FOLLOW-UP

Makipag-ugnayan sa inspektor. Dapat alamin agad ng Union Safety Reps kung napaabutan
ang Minstro o angkop na ahensya ng gobyerno hinggil sa aksidente. Kung kinakailangan,
kontakin nila mismo ang inspektor. Kailangan din nilang tiyakin na alam ng inspektor kung may
imbestigasyon nang isinagawa at bigyan ng mahahalagang kopya ng ulat. Samantala, dapat na
mapaabisuhan lagi ang Union Safety Reps kung may aksyon o payo mula sa inspektor at
mabigyan ng pagkakataon na matalakay ang bunga ng aksidente.

Siyasatin ang rekord ng manedsment para sa mga sumusunod:

accident logbook;
ang register o logbook, kung saan ang mga kaulat-ulat na aksidente o mapanganib na
pangyayari ay nakatala;
ang kopya ng employer ng kahit anong papeles kung saan nakaulat ang nangyaring
aksidente;
ang mismong record keeping system ng employer. Mahalaga na tiyakin na lahat ng
detalye ay nakatala.

Magmungkahi ng pagpapahusay: Ang imbestigasyon matapos ang aksidente ay maaring
magbunyag sa mga partikular na problema sa pagawaan, tulad ng hindi magandang pailaw,
kakulangan sa pagsasanay o depektibong mga gwardiya. Nangangahulugan ito ng paglalatag
ng partikular na mungkahi sa mandesment hinggil sa mga problemang ito. Nararapat na
nakasulat ang iminumungkahing mga paraan ng pagresolba sa problema at dapat na
napaabutan ang mga miyembro ng aksyong ginawa tungkol dito. Maging ang inspektor ay
dapat na mapaabutan tungkol dito.

Data Sheets

Ang mga material safety data sheet (MSDS) o talaan para sa datos tungkol sa mga kemikal o
materyal ay dapat na ibinibigay ng suppliers. Ang mga ito ay mahalagang pinagmumulan ng
datos na madali at makabuluhang makukuha, subalit maari ring maging hindi kumpleto at hindi
tumpak. Kinakailangang isaisip ang mga sumusunod sa paggawa ng isang MSDS:

1. Pangalan ng produkto
2. Nakatakdang gamit
3. Komposisyon
4. Pisikal at kemikal na katangian
5. Panganib sa kalusugan
6. Panganib kaugnay ng sunog
7. Babala sa pagtatabi
8. Babala sa paglilipat
9. Babala sa pagbitbit o paghawak (kasama ang payo hinggil sa personal protective
equipment)
10. Pang-emergency na aksyon (sunog, pagtagas, unang lunas)
11. Dagdag na impormasyon sa
panganib na dala sa kalikasan
pagbabasura
kaugnay na regulasyon
references
12. Pangalan, tirahan at telepono ng supplier
13. Reference number, date of issue







Mga tungkulin ng unyon sa occupational safety and health (OSH)



1. Ipaalam sa mga miyembro ang: patakaran ng unyon
mga isyu na may ispesyal na diin
tungkulin at gawain ng isang kinatawan

2. Panatiling may alam ang unyon sa: pag-usad sa pagpapatupad ng patakaran
ng unyon
bagong kaganapan
kung ano ang gawain ng isang kinatawan

3. Makilahok sa pakikipagnegosasyon para sa isang pangkalusugan at pangkaligtasan na
kasunduan na ginagamit ang batas sa minimum para makamit ito. Nakasaad dapat sa
kasunduan ang mga proseso ng pagtuloy at pagresolba sa mga isyu hinggil sa OSH at
indibidwal na hinaing. Maari ring isaad dito ang pagtatatag ng isang OSH committee, ang mga
layunin nito at paraan ng paggana.

4. Unawain at tiyakin na ang batas hinggil sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan ay
naipapatupad; tiyakin na ang kasunduan ay sinusunod; alamin ang papel ng gobyerno;
magtakda ng regular na inspeksyon; tiyakin na angkop at magagamit ang lahat ng kagamitan

5. I-rebyu ang kalagayan sa pagawaan at magsagawa ng OSH audits (kung saan tinutukoy ang
mga panganib at pinagkakasunduan ang estratehiya sa pagkontrol) ng regular. Kasama na rin
dito ang paglinang ng akmang koleksyon at rebyu ng impormasyon hinggil sa aksidente at
karamdaman; tiyakin na may regular na rebyu ng umiiral na gawi sa trabaho; gumawa ng
programa na lilinang sa sa mga ergonomic na proseso; tiyakin kung may epektibong estratehiya
sa pagsasanay sa OSH at ang gamit at pangangalaga sa personal protective equipment.

6. Tiyakin na may probisyon hinggil sa angkop na tulong-medikal kabilang ang first aid at
pagsasanay sa ilang miyembro sa lahat ng seksyon ng pagawaan bilang first aiders; hikayatin
ang mga miyembro na makilahok sa regular na medical checks na may kompidensyal ang mga
resulta at tamang pagsusuri sa resulta.

7. Magsagawa ng mga kampanya na ini-engganyo ang mga miyembro na tanggalin o kontrolin
ang mga panganib sa kaligtasan at kalusugan. Dinggin ang mga hinaing ng mga indibidwal o
grupo sa mga miyembro hinggil sa OSH.

Ang mga kinatawan ng unyon na responsable sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan ay
dapat na:

alamin ang batayan ng pagpapaunlad sa OSH umiiral na batas, regulasyon,
inspectorate at occupational health and safety agreement.

alamin at unawain ang mga karapatang pang-manggagawa, ang papel nito at ang papel
ng unyon

tuklasin ang proseso para sa pagkontrol sa panganib, ang mga tampok na panganib sa
industriya, at ang epekto nito sa mga manggagawa

magbigay-alam sa mga miyembro ng unyon hinggil sa: patakaran at aktibidad ng unyon
hinggil sa OSH; mga partikular na panganib sa pagawaan, at mga pamamaraan para
maalis ang mga ito; pagpapakilos sa mga miyembro para suportahan ang aktibidad ng
unyon; kaharapin ang mga hinaing ng indibidwal o grupo

tiyaking alam ng opisina ng unyon ang mga aktibidad at suporta sa mga patakaran ng
unyon

may kakahayang makipagnegosasyon at ipatupad ang kasunduan sa OSH

may kakahayang makipagnegosasyon para sa pagpapaunlad ng OSH at gumampan sa
isang konsultatibong komite

may kakahayang mag-analisa ng istatistika at teknikal na pagtatasa ng mga panganib

may kakahayang magsagawa ng angkop na sarbey ng mga miyembro at makapagbuo
ng epektibong komunikasyon sa kanila


Health and Safety Committee


Ano ang Health and Safety Committee?

Ang pinagsamahang health and safety committee ng mga manggagawa at manedsment ay
isang grupo ng mga kinatawan ng mga manggagawa at mga tagapamahala na nagpupulong
nang magkasama at hiwalay para talakayin at resolbahin ang mga isyung pangkalusugan at
pangkaligtasan sa lugar ng trabaho. Walang unibersal na batas na naglalarawan kung paano
gumagana ang komiteng ito pero ang listahan sa ibaba ay nagbibigay ng isang modelo:

1) tumutugon sa mga isyu at hinaing ng mga manggagawa
2) gumagawa ng aksyon sa mga panganib na natutukoy nito
3) pinauunlad ang kaalaman ng mga manggagawa hinggil sa health and safety
4) nakikipagtulungan sa mga kinatawan ng manggagawang may isyung pangkalusugan at
pangkaligtasan

Halimbawa: Gumagana ang health and safety committee na may layunin at tungkulin

1) Komitment ng manedsment sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan

Layunin at tungkulin:

Magbuo ng mga hakbangin para ma-rebyu at makatugon sa minutes
Magpasa ng rekomendasyon para sa pagbabago o pagpapaunlad para sa health
and safety
Tasahin ang patakaran at pamamaraan ng employer hinggil sa health and safety
Pagtugon sa rekomendasyon ng komite
Pagrebyu sa aksyong pagwawasto ng manedsment

2) Partisipasyon ng Komite at mga empleyado/manggagawa

Layunin at tungkulin:

Magbuo ng sistema para makakalap ng mga mungkahi at ulat kaugnay sa health
and safety
Isama ang input ng mga empleyado sa agenda ng pulong ng health and safety
committee
Maglunsad ng regular na pulong (buwanan o kada tatlong buwan)




3) Imbestigasyon ng aksidente/insidente

Layunin at tungkulin:

Magbuo ng sistema sa pagrerebyu ng ulat ng lahat ng insidente, kabilang ang
injury accidents, pagkakasakit at pa gkamatay, nang sa gayoy makabuo ng
angkop na rekomendasyon para maiwasan ang mga naganap na insidente

4) Pagsasanay hinggil sa health and safety

Layunin at tungkulin:

Talakayin kasama ang lahat ng miyembro ng komite ang layunin at operasyon ng
komite at ang paraan ng paglulunsad ng pulong ng komite
Magkaroon ng accessible na health and safety standards na akma sa partikular
na industriya
Maglahad ng patnubay sa paggamit ng health and safety standard
Makapagbigay ng pagsasanay na angkop sa uri ng negosyo. Ang mga minimu
na kailangan ay ang pagtukoy sa mga panganib sa pagawaan at prinsipyo
tungkol sa epektibong imbesti gasyon ng aksidente


Patnubay sa paglulunsad ng pulong

Ang mga patnubay na ito ay paglalahad lang ng impormasyon. Nakadepende pa rin ang
pamamaraan sa pangangailangan ng kumpanya

Format ng Pulong

Hudyat ng pagsisimula mula sa tagapangulo
Roll call ng mga miyembro
Pambungad na pananalita ng mga bisita (kung meron)
Pagbabasa ng tala ng nakaraang pulong
Pag-apruba sa tala ng nakaraang pulong
Pagtalakay sa di natapos na adyenda:
o Mga ulat na hindi natalakay sa nakaraang pulong
o Rekomendasyon hinggil sa pagwawasto
o Suhestyong pangkaligtasan
o Iba pang ulat
Pagtalakas sa bagong adyenda
o Ulat hinggil na naaksidente o maysakit na manggagawa
o Imbestigasyon hinggil sa aksidente o sakit na nakuha sa trabaho
Ano ang aksidente?
Ano ang sakit na tinutukoy?
Ano ang mga kondisyon na nagbunga ng aksidente/sakit?
Bakit nanatili ang mga nasabing kondisyon?
Ano ang nagawa o maaring magawa para maiwasan ang pagkakasakit o
aksidente?
Ulat hinggil sa insidenteng pangkaligtasan
o Karadagang aksyon na ginawa ng manedsment o komite
Imbestigasyon sa insidente:
o Ano ang insidente?
o Saan naganap ito?
o Gaano kadalas naganap? (kada oras, araw-araw. Linggu-linggo?)
o Anong erya, department, seksyon o pagawaan ang apektado?
o Anong grupo, crew o sinong indibidwal ang apektado?
o Ipinaalam o binalaan ba ang mga empleyado hinggil sa insidente
o Ano ang mga kondisyon na nagbunga sa insidente?
o Bakit nananatili ang ganoong kondisyon?
o Ano ang nagawa o maaring magawa para maiwasan ang insidente?


Pagpaplano ng Aksyon

Matapos makapagdesisyon na umaksyon sa isang isyung pangkaligtasan at pangkalusugan,
kinakailangan mong gumawa ng plano. Irebyu ang mga punto sa ibaba para makabuo ng isang
plan of action. Maaring ikonsidera ang higit sa isang punto nang sabay-sabay.

Suriin ang problema

Ano ang mga problemang pangkaligtasan at pangkalusugan na gusto mong talakayin?

Tasahin ang mga proseso sa trabaho at tipo ng trabaho na ginagawa ng mga tao:
Gaano karami ang gumagawa ng ganitong partikular na trabaho?
Tuwing kelan sila nagtratrabaho?
Gaano sila kadalas exposed sa panganib?
Nagkakaproblema ba sa kalusugan ang mga manggagawa?

Ano ang ibat ibang paraan para makakuha ng impormasyon hinggil sa mga isyung ito?

Pwede bang lapitan ng mga manggagawa o miyembro ng komunidad na apektado ang
manedsmnet para kumuha ng impormasyon o makipag-usap hinggil sa health and safety?
Tasahin kung bakit oo o hindi.

Anu-anong mga hakbang, kung sakali, ang ginawa na ng mga tao para resolbahin ang
problema?
Nakipag-usap sa employer tungkol sa isyu?
Nakipag-usap sa isang grupo sa komunidad?
Nakapagsampa ng reklamo sa pamamagitan ng unyon?
Kumontak sa ibang resource agencies?
Nakapagsarbey sa mga residenteng apektado?
Iba pa bukod sa nabanggit?

Tukuyin ang Engganyuhin ang Target na Grupo/Indibidwal

Sino ang apektado ng mga isyu na ito? (manggagawa, komunidad, lokal na grupo, ibang
bansa, kalikasan, ekonomiya, atbp.)

Sino ang mga posibleng maalyado sa mga isyung ito?

May lokal bang NGO na nagtratrabaho na kasama ang target na grupo/indibidwal na pwede
mong engganyuhin?

May mga unyon ba o independenteng grupo na pwedeng makatuwang?

Anong klase ng aktibidad na pangkomunidad ang makakatulong sa pagtukoy ng target na
grupo o indibidwal? (community health fair, demonstrasyon, press conference, pamamahagi
ng leaflets, house meetings, iba pang aksyon)








Action Plan


Tagubilin: Tungkulin mong makabuo ng isang realistikong plano. Kasama sa plano na dapat
buuin ang:

o Mga pamamaraan para ma-engganyo ang kapwa-manggagawa
o Estratehiya sa paglapit sa employer
o Mga rekurso na mayroon (para sa impormasyon, ligal na tulong)
o Contingency plan kung sakaling di inaasahan ang pihit ng sitwasyon

Ang layunin ng planong ito ay: (isulat ang hakbangin na gusto mong maabot para
masolusyonan ang problemang pangkalusugan na iyong napili)

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________






Mga hakbang para maabot ang layunin:

Step 1:
____________________________________________________________________________
______
____________________________________________________________________________
______
____________________________________________________________________________
______

Step 2:
____________________________________________________________________________
______
____________________________________________________________________________
______
____________________________________________________________________________
______

Step 3:
____________________________________________________________________________
______
____________________________________________________________________________
______
____________________________________________________________________________
______

Ilista sa ibaba ang mga suliranin na maaring harapin sa pag-abot mo sa layunin, kasama na
ang mga estratehiyang maaring gamitin para sa mga ito.























Bilang Tanong Oo Hindi
1. Ang lahat ba ng ulat, ebalwasyon at rekomendasyon ng safety
committee ay nasa minutes ng safety committee?

2. May limit bang itinakda sa pagtugon ng manedsment sa mga
mungkahi ng safety committee

3. Nakapagbuo ba ang komite ng sistema ng pangangalap ng
mungkahi, ulat o iba pang impormasyon na may kaugnayan sa
kaligtasan sa pagawan?

4. Natatalakay ba ang mga nabanggit na impormasyon sa pulong?
5. Tinutungalan ba ng komite ang employer na tasahin ang
accident and illness prevention program ng kumpanya?

6. Gumagawa ba ang komite ng rekomendasyon para mapahusay
ang safety and health program?

7. Nakapagbuo ba ang komite ng mga pamamaraan na magagamit
ng safety committee inspection team para tukuyin ang mga
panganib sa kaligtasan at kalusugan?

8. Nagsasagawa ba ang komite ng inspeksyon sa pagawaan kada
tatlong buwan sa minimum?

9. Nagpapasa ba ang komite ng rekomendasyon para maalis ng
employer ang mga panganib sa pagawaan?

10. Kasama ba sa safety committee inspection team ang mga
kinatawan ng employer at mga empleyado?

11. Itinatala ba ng komite ang erya at katangian ng mga panganib?
12. Isinasagawa ba ng komite ang quaterly na inspeksyon ng mga
kalapit na erya o lugar?

13. Nakapagbuo ba ang komite ng sistema ng pagrerebyu sa lahat
ng ulat mula sa inspeksyon?

14. Batay sa resulta ng rebyu, gumagawa ba ang komite ng
rekomendasyon para mapahusay ng manedsment ang safety
and health program?




Tungkulin ng Joint Committee

Nagbabago ang kapangyahiran at tungkulin ng isang legislated joint committee batay sa lugar.
Gayunpaman, ang mga probisyon na nakasaad sa batas ay maaring magamit bilang panimula
sa collective bargaining.

Kailangang magpaabot ng mga ulat ang komite sa mga manggagawa na may hinaing

Kailangang magsagawa ng di inanunsyong inspeksyon sa lugar ng trabaho


































Mga mayor na tungkulin ng isang joint committee

Makikita sa ibaba ang ilan sa mga mungkahing tungkulin ng isang joint committee. Sa
pagtatakda ng mga responsibilidad ng komite, maaring gumawa ng listahan mula dito at ipaskil
sa lugar na makikita ng lahat ng miyembro nang sa gayoy malaman nila ang mga tungkulin ng
komite. May kopya din dapat ang bawat miyembro. Ang ilan sa mga tungkulin ay aprubado ng
manedsment samantalang ang iba ay kailangan pang igiit.

Dapat itaguyod ng mga miyembro ng health and safety committee ang kalusugan at kaligtasan
sa pagawaan sa lahat ng pagkakataon

Importanteng tungkulin ng health and safety committee ang regular na pagmonitor sa
pagawaan sa mga posibleng panganib. Makakatulong ito para maiwasan ang mga sakit o
aksidenteng kaugnay ng trabaho. Bago magpulong, kinakailangang magsagawa ng komite ng
inspeksyon sa mga eryang naiulat na may problema upang matalakay ito sa pulong.

Dapat magsagawa ng regular na inspeksyon sa buong pagawaan. Sa ibang pagawaan,
isinasagawa ang inspeksyon kada buwan.

Kailangang lumahok ang mga miyembro ng komite sa monitoring ng pagawaan, inspeksyon sa
planta (kabilang ang inspeksyon ng gobyerno), imbestigasyon ng mga aksidente at sa kung
anumang medical surveillance program.

Kailangang itaguyod at maglunsad ang komite ng mga pagsasanay sa health and safety para
sa mga manggagawa.

Makapagbuo ng kasunduan hinggil sa patakaran para sa health and safety at ang paraan ng
pagpapatupad nito.

Responsibilidad ng komite na ipaabot sa manedsment ang mga mapanganib na sitwasyon sa
pagawaan.

Responsibilidad ng komite na tumugon at iresolba ang mga hinaing ng mga manggagawa
hinggil sa health and safety sa pinakamadaling panahon. Kasama rito ang pakikipagtulungan sa
manedsment sa pagresolba ng problema.

Tandaan: Ihanay ang mga problema batay sa prayoridad at isapubliko ang mga
resolusyon. Ito ang dalwang mahalagang estratehiya para sa paggana ng epektibong
health and safety committee.

Kailangang mapaabutan agad ang komite hinggil sa aksidente, daplis na aksidente, o
karamdamang may kaugnayan sa trabaho para makapagsagawa agad ito ng imbestigasyon

May pamamaraan dapat ng pagmonitor sa pagiging epektibo ng komite sa pagharap sa mga
isyung inihain ng unyon

May access dapat ang komite sa mahahalagang impormasyon ng employer hinggil sa health
and safety (resulta ng monitoring, mapanganib na materyal, etc.)
























Balangkas sa Pakikipagnegosasyon


Ang collective agreement ay ang dokumento na tumatalakay hinggil sa relasyon ng
manedsment at manggagawa. Kinakailangan ito sa parehong pribado at pampublikong sector.
Malaki rin ang kaugnayan nito sa pag-uunyon.

Nakabatay sa maraming salik ang tagumpay ng pakikipagnegosasyon para sa collective
agreement. Kabilang dito ang antas ng pagka-organisado ng mga manggagawa sa empresa,
karanasan ng mga negosyador, kalagayan ng ekonomiya at ng kumpanya. Kailangang maingat
na tingnan ng unyon ang mga ganitong konsiderasyon sa pagdedesisyon.

Tulad ng pagharap sa mga hinaing ng miyembro, mahalaga na maging sistematiko at masinsin
ang negosyador sa paghahanda at sa kolektibong pakikipagtawaran.

Ang 4 na P
Tumutukoy ang 4 na P sa pangangailangan sa pagtitiyak na ang claim ay saklaw ng Patakaran
ng unyon (pagbabatay sa model industry claim); kinakailangan din ang masusing Preparasyon
(kasama ang pag-engganyo sa mga miyembro at sa komite ng manggagawa); ang Paghula sa
tugon ng manedsment sa claim, at ang maingat na konsiderasyon sa Presentasyon nito ng
unyon.

Ang 2 na K
Sa kolektibong pakikipagtawaran may ilang mga tao na nakagrupo sa unyon. Mahalaga na
mayroong tungkulin ang bawat isa at nauunawaan ang tungkulin na nakaatas sa kanya.
Kinakailangan dito ang Koordinasyon ng mga aktibidad ng grupo nang sa gayoy maging
malakas at malinaw ang kaso. Kinakailangan din ang Kontrol sa delegasyon at pagproseso ng
negosasyon. Mahalaga na sumandig ang mga negosyador sa mga isyu lamang sa claim at
huwag nang magpaliguy-ligoy.

Ang 2 na M
Kinakailangan na makapagbuo ang unyon ng malakas na kaso para sa claim at magbigyang-
batayan kung ano ang mga argument batay sa Merit ng claim.

Kinakailangan din na matukoy at maunwaan ang Muscle o lakas na meron sa paggigiit ng
claim. Ang lakas ay nakabatay sa pagkakaroon ng maraming miyembro, pagiging organisado,
at pagiging kumbinsido ng kasapian na makatarungan ang claim. Mababalewala ang paggamit
ng lakas kung ang kumpanya ay gipit sa pinansya at kung walang kaisahan ang mga
manggagawa.

Ang 2 na B
Dapat na malaman din ng mga negosyador na may papel ang psychology sa negosasyon. Ang
paggamit dito ay karaniwang nasa minimum, pero mainam din na maging matalas sa mga
taktikang maaring gamitin para maiwasan ang mga negatibong epekto.

May sinusunod na ibang estratehiya ang ibang negosyador. May ilan na nagmamatigas sa
pagtanggi sa mga argumento laban sa claim. Samantala, ang iba ay pahamig ang taktika,
pumapayag nang kaunti matapos mailatag ang malakas na kaso. Ang teknik na ito ay Butter
and Batter. Ang nagmamatigas na negosyador ang bumabanat sa unyon, habang ang isa ay
nagbibigay ng konsesyon.

Nakabatay ang psychology o sikolihiya sa pakikipagnegosasyon sa pamilyar na teritoryo, o ang
pagdadala sa mga tao sa pamilyar na kapaligiran para sa negosasyon. Dapat na suriin ng mga
negosyador ng unyon ang negosasyon para maiwasan ang tangka ng manedsment na gamitin
ang sikolohiya kontra sa claim ng mga miyembro.

L at A
Sa pakikipagnegosasyon, ang mga negosyador ay kailangang makinig (Listen) at handang
ipagpaliban (Adjourn) ang negosasyon kung kinakailangan. Mahirap na makipagtawaran at
sundin nang buong-buo ang mga sinabi ng oposisyon. Dapat na makinig ang isa sa union team
na nakikinig sa mga senyales ng paggalaw ng negosasyon. Kinakailangang maklaro at
makonsidera ito. Sa oras mismo ng negosasyon, may sapat na panahon para marebyu ng
negotiating team ang anumang senyales at kung paano tutugon dito. Kung ang pagbasa sa
sitwasyon ay kritikal sa kaso na iginigiit ng unyon, kinakailangang ipagpaliban ang negosasyon.

Limang yugto sa pakikipagnegosasyon

Sa pagtalakay sa pagharap sa mga hinaing ng mga miyembro, nalaman natin na makakatulong
ang paglikha ng bilang ng yugto kung saan dadaloy ang pagharap at pagresolba sa hinaing. Sa
paggamit ng parehong estratehiya sa collective bargaining, kailangang tukuyin ng negosyador
ang limang yugto:

1. Pag-engganyo sa mga miyembro
2. Paghahanda sa kaso
3. Pakikipagnegosasyon
4. Pag-uulat pabalik
5. Pagpapatupad


Stage 1: Pag-engganyo sa mga miyembro

Matapos na mapagdesisyunan na makipagnegosasyon para sa collective agreement o sa
pagpapaunlad ng existing collective agreement, kinakailangang magpatawag ng pulong ng
workers committee. Ngunit bago ang pulong, kailangang ma-sarbey ang mga miyembro,
makakuha ng mga ideya hinggil sa interes nila, mabigyang-payo sila hinggil sa mga kampanya
at polisiya ng unyon at mahusgahan ang kanilang suporta sa isang kampanya.

Kapag malapit nang mag-expire ang CBA, kailangang i-rebyu ng workers committee ang
karanasan sa umiiral na collective agreement para matukoy ang mga isyu at maiugnay ang
mga ito sa kampanya sa industriya.

Kapag naitala na ang mga isyu maari nang simulan ang mga pananaliksik (research). Ang ilan
sa pananaliksik ay maaring internal mula sa kinalap na impormasyon mula sa kumpanya, sa
midya at sa pamamagitan ng obserbasyon habang nagtratrabaho.

Samantala, kabilang sa mga eksternal na pagkukunan ng pananaliksik ang stock exchange,
company registry (SEC),ulat hinggil sa industriya at pangkalahatang datos hinggil sa
ekonomiya. Ang mga impormasyong ito ay magbibigay ng ideya sa mga negosyador sa
posibleng lakas ng pagtanggi sa claim, at ang mga posibleng palusot sa pagtanggi sa claim.
Kinakailangang i-draft ng workers committee ang claim. Pagsisimulan ng claim ang model
industry collective agreement ng unyon na inangkop batay sa mga konsiderasyon ng mga
miyembro at sa karanasan sa nakaraang collective agreement. Kailangang umaayon ito sa
patakaran ng unyon.

Sa pagdedesisyon kung ano ang dapat isama sa claim, importante na hilingin ang higit pa sa
inaasahang makakamit. Mayroon dapat tinatanaw na maksimum ang claim sa pakikipagtawaran
subalit maging malinaw dapat sa miyembro na hindi todo-todo ang paggigiit sa claim.

Matapos ang paghahanda sa claim dapat na pulungin ang mga miyembro para i-endorso ang
claim, time plan, at ang saklaw ng posibleng aksyon ng kasapian.

Makakatulong sa negotiating committee na mabigyan ng otoridad na ipakita ang suporta ng
kasapian kung pagdudahan ito ng manedsment. Dapat na dumalo ang pinakamaraming
miyembro sa pulong. Kinakailangan din na na-anunsyo nang maayos ang pulong, at itinakda ito
sa panahon na makakadalo ang lahat ng miyembro. Kapag maganda ang attendance,
malalaman ng manedsment na dapat niyang seryosohin ang unyon.

Maari ring magbigay ng time plan ang workers committee para maiwasang masayang ang
panahon. Nakasaad din dapat sa time plan kung paano mapapaabutan ng impormasyon ang
mga miyembro at ang paraan kung paano ito gagawin. Dapat na iwasan ng plano na magtakda
ng aksyon sa mga panahong hindi paborable sa kampanya ng unyon.

Stage 2: Paghahanda sa kaso

Matapos maendorso ang claim, sisimulan ng negotiating committee na buuin ang kaso. I-
rerebyu nila ang datos mula sa pananaliksik at ang industry claim para malaman kung paano
makakatulong ang nakalap na impormasyon sa paggigiit ng union claim.

Ang unang hakbang ay ang pagtukoy sa mga layunin para makapgdesisyon kung ano ang
dapat na makamit: minimum na panukala. Pagpasyahan kung ano ang mga konsesyon na
maaring ibigay at kung ano ang dapat na hilingin ng unyon bilang kapalit.

Kailangang matama at tumpak ang pagkalkula sa costs at benefits ng claim sa employer.

Sa pagbibigay-kahulugan sa aspeto ng collective agreement, asahan na laging may di
pagkakaunawan. Dahil dito, dapat na isama sa collective agreement ang pinagkasunduang
mekanismo sa pagresolba sa di pagkakaunawaan.

Matapos gawin ito, maaring may konting pagbabago sa claim. Kung ang mga pagbabago ay
mayor, dapat na i-endorso muli ng mga miyembro ang claim.

Dapat na matantsa ng pagbibigay-katwiran sa claim ang tugon ng manedsment. Kapaag
nagawa ito ang pagbibigay-katwiran ay dapat na paunlarin pa. Ang mga pagtanggi ng employer
may maaring pangunahan sa inisyal na paliwanag sa claim para mabawasan ang lakas ng
oposisyon.

Ang negotiating team ay dapat na magpasya sa hanay ng mga aksyon na makakagambala sa
produksyon o operasyon ng pagawaan para i-pressure ang manedsment na pumayag sa claim.
Hindi sapat na matukoy ang merit ng kaso. Kailangang ipakita sa manedsment na may sapat na
suporta dito.
Kung mabagal ang pag-usad ng negosasyon, maaring ipatawag ng negotiating committee ang
work stoppage sa maikling panahon ng isang maliit na grupo ng estratehikong manggagawa.
Ang todong welga ay taktika lamang na kailangan kapag nasubukan na ang lahat ng iba pang
taktika. Hindi dapat ito ang maging unang taktika.

Hindi mainam na iatas lamang sa isang grupo ng estratehikong manggagawa ang lahat ng
askyon. Bawat isa ay dapat na ma-engganyo sa maliliit na aksyon na sa maraming seksyon sa
isang takdang panahon. Sa taktikang ito, mararamdaman ng lahat na nakakapag-ambag sila sa
pagkamit ng positibong resulta.

Tukuyin kung aling isyu ang may pinaka-importanteng prayoridad at lumikha ng estratehiya sa
pakikipagnegosasyon.

Gumawa ng outline ng mga pamamaraan na gagawin. I-pinal kung sino ang nasa
negotiating team (ang lahat ng seksyon at interes ay dapat may kinatawan). Pagpasyahan kung
sino ang magsasalita sa partikular na mga paksa. Pagpasyahan din kung sino ang sasagot sa
mga argumento ng manedsment, kung sino ang magtatala, at kung sino ang makikinig at
magtitiyak na nakikinig ang iba.

Tukuyin ang mga yugto na pagdadaanan ng negosasyon. Tiyak na magkakaroon ng pulong
kung saan iprepresenta at mabilis na ipapaliwanag ang kopya ng claim sa kinatawan ng
manedsment.

Makipag-set sa management ng pulong.


Stage 3: Pakikipagnegosasyon

Maaring bigyan ang employer ng isang lingo para pag-aralan ang claim at makapagbuo ng mga
tanong at inisyal na tugon. Kailangang pagkasunduan ang oras at lugar ng ikalawang pulong.

Sa ikalawang pulong ang mga tanong ay sasagutin at ang aktitud ng manedsment ay maaring
tantsahin. Maari nang simulan o ipagpaliban sa maikling panahon ang negosasyon.

Matapos na masimulan ang negosasyon, dapat na makonsidera ang mga elemento ng claim at
maklaro ang mga erya ng di pagkakasundo. Kailangan ding tasahin ang attitude ng
manedsment sa mga tinalakay na punto bago harapin ang isyu ng di pagkakasundo.

Kapag ang employer ay tumanggi, dapat engganyuhin ang mga miyembro sa pamamagitan ng
pag-uulat o aksyon. Kapag nakamit ang pinal na kasunduan, kailangang ipresente ito sa mga
miyembro para sa kanilang pagsang-ayon.

Sa unang pulong: Ipresenta ang nakasulat na claim at mabilis na ipaliwanag ito. Sagutin ang
mga inisyal na tanong at bigyan ang employer ng isang linggo para pag-aralan ang claim. I-set
ang oras at lugar ng pulong. I-presente ang claim nang malinaw at mahinahon.

Sa ikalawang pulong: Sagutin ang mga tanong ng employer, hingin ang kanilang attitude, at
magtakda ng timetable para sa negosasyon.



Pagsisimula

Sa unang negotiation meeting:
Ihapag ang buong claim, na may diin sa pagkakaugnay ng bawat punto
Bigyang-diin ang pagiging rasonable ng claim at ang benepisyong makukuha ng
employer
Pilitin ang employer na mga prayoridad na isyu
Pansinin ang mga erya ng pagkakasundo
Linawin ang mga erya ng di pagkakasundo. Tiyakin na ang bawat di pagkakasundo ay
malinaw na naunawaan
Kapag naantala ang negosasyon, ipahayag sa employer na ninanais ng mga miyembro
ang pag-usad ng negosasyon kung ayaw nitong magkaroon ng pagkilos ang mga
miyembro
Bigyang-diin ang time table na napag-usapan

Kung may pangangailangan para ipagpaliban ang usapan, gawin ito. Mas mabuti ito kaysa sa
magpilit para magbigay ng puwang ang re-grouping o pag-iisip muli para mapalakas ang kaso
ng unyon. Sa panahon ng pagpapaliban, i-rebyu ang mga pangyayaring nakatala kasama ang
workers committee.Tiyakin na lahat ay resolbado sa naganap at kung bakit ito naganap. Itala
ang mga isyu para sa mas malalim na pagtalakay.

Tukuyin kung ilan sa mga prayoridad ang nakamit. Pahusayin ang mga argumento na
susuporta sa mga isyung di mapagkasunduan
Talakayin kung may sapat na pag-usad para sa pagpupulong ng miyembro o kung
kailangang maglunsad ng pagkilos
Magkasundo sa mga susunod na hakbang

Ipagpatuloy ang naantalang negosasyon (maaring ito ay makaraan ng ilang minuto o araw)
at ipaliwanag sa employer kung ano ang nangyari at bakit. Magpokus sa pag-usad sa mga
isyung di napagkasunduan. Kapag di pa rin magbunga ng positibong resulta ang dagdag pang
negosasyon o aksyon sa panig ng kumpanya, i-pinal ang mga detalye at ipaabot sa employer
na kailangang sumang-ayon ang mga miyembro sa naabot ng negosasyon. Kapag tanggap ng
workers committee ang resulta, maaring irekomenda sa mga miyembro ang pagpahayag sa
draft agreement.

Kapag pumayag ang mga miyembro, i-pinal at pirmahan ang hindi bababa sa apat na kopya ng
agreement. Tiyakin na napirmahan ang agreement ng tamang tao na kumakatawan sa unyon,
at ng tagapangulo ng workers committee.

Walong yugto ng pakikipagtawaran

Maghanda
mangalap ng mga mahahalagang datos
tukuyin ang mga isyu (suriin ang mga patakaran)
tukuyin ang mga prayoridad
alamin ang sistema at ang papel ng mga kalahok
pag-aralan ang mga argumento
magbuo ng mga counter argument
alamin kung alin ang pwede at hindi pwedeng igiit sa negosasyon

Talakayin
Magpalitan ng impormasyon
Subukan ang mga palagay
Siyasatin ang mga interes at pag-aalinlangan
Iwasan ang tunggalian ng mga ugali o di pagkakasundo
Lubusang talakayin ang mga isyu ng naka sunod-sunod ayon sa prayoridad
Gumawa ng mga ugnay sa pagitan ng kahilingan, na may indikasyon ng interes at
pananaw ng employer
Tukuyin ang mga hindi naman pinagtutunggalian
Iwasan ang deadlock (tapusin, lumipat sa susunod na isyu, magtakda ng dedlayn,
magbanta ng aksyon)
Wag magpatalo
Angkinin ang mga dokumento
Lumikha ng positibong kondisyon

Sumensyas
Makinig at pansinin ang mga senyales
Kilalanin, kumpirmahin, palaguin at gantimpalaan

Magmungkahi
Magtanong: Ano kaya Sabihin: Maaari nating pag-aralan Siguro
Ang mga panukala ay nagtutulak sa negosasyon at napag sasama-sama ang mga
partido
Wag mang-abala magtanong, maglinaw, maglagom (inidkasyon ng pag-unawa), tapos
sumagot. Ang pinakamagandang pagsagot sa isang panukala ay maituturing na kontra
panukala

I-pakete
Muling ilahad ang kahlingan upang tumbasan ang interes ng mga partido

Makipagtawaran
Sabihin: KUNG (aayon ka sa ika-anim na sugnay) SAKA (tayo magkakasundo sa
iyong panukala tungkol sa maternity leave). Ang pakikipag-tawaran ay pagbigay sa
kabilang partido ng gusto nila kapalit ng gusto mong makuha. Itakda ang mga kondisyon
na inyong aayunan bago mag-alok. Pag-aralan ang mga bentahe at disbentahe ng pag-
ayon sa kagustuhan ng employer.

Pagsasara
Sabihin: Kung gagawin mo ito may panukala kaming maaaring i-rekomenda sa mga
myembro para sang-ayunan. Ang pagrekomenda ng panukala ay maaaring maging
huling concession na i-tatawad para sa kasunduan. Kung palagay mo na makakapag-
tulak ka pa ng mas maraming concession, o hindi masisiyahan ang mga miyembro,
huwag pumayag na i-rekomenda ito.

Pagsang-ayon
Sumang-ayon sa napagsang-ayunan
Lagumin ito at isulat o itala
Pumayag sa mga pagsasaayos para sa pulong kasama ang mga myembro (subukang
makakuha ng bayad na pulong upang lahat ay makadalo)
Sumang-ayon sa proseso upang i-implementa ang napagsang-ayunan kapag inendorso
Ang magagandang kasunduan ay iyong kung saan ang parehong partido ay masaya


Stage 4: Pag-uulat


Talakayin sa workers committee and resulta ng mga negosasyon at basehan ng pagsang-
ayon para sa pag-uulat kasama ang:
Form para sa rekomendasyon (kung mapagkakasunduan)
Kelan magpapatawag ng pulong
Proseso ng kondukta ng pulong
Oras na libre para sa ibat ibang aktibidad habang nasa pulong
Sino ang gagawa ng mga ulat
Sino ang magpapanukala ng rekomendasyon
Ano ang gagawin pag ang rekomendasyon ay natalo
Susunod na hakbang upang maka-pirma, maka-rehistro, at masimulan ang
pagpapatupad ng agreement

Magkasundo sa isang petsa at lugar para lagdaan ang agreement. Pumili ng lugar kung saan
ang workers committee ay makakadalo. Planuhin ang media publicity (gumawa ng media
statement at siguraduhing itos matatanggap), kung kakayanin isang press conference kung ito
ay isang signipikanteng kasunduan. Tiyakin na lahat ng dapat pumirma ay makakadalo.


Stage 5: Pagpapatupad
Tiyakin na ang agreement ay ipapatupad. Tukuyin ang ibang erya na dapat pang paunlarin.
Magbuo ng mga pamamaraan para harapin ang mga problemang maaring ibunga ng
agreement. Tiyakin dapat ng workers committee na kalahok ang mga miyembro sa proseso ng
pagpapatupad. Tiyakin ang pagkamit sa komitment.

I-rebyu ang performance ng oposisyon at ng team para matuto sa mga pagkakamali at
kalakasan.

You might also like