You are on page 1of 3

Sayusay o Retorika Lecture

Mula ang salitang "retorika" sa salitang Latin na rhetor, na nangangahulugang "guro" o "mahusay na
mananalumpati"
Kahulugan
isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o
pasalita.
isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy,
lenggwahe.
Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang
kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng
mensaheng ipinababatid.
ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-
gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.
isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking
abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga
pangunahing kasanayan sa larangan ng komunikasyon.
isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Kung
kaya't ito ay isang epektibong paraan ng pakikipagdayalogo.

Kasaysayan ng Retorika
Panahon ng Klasikong Griyego
-sa panahon ng klasikong Griyego, nagsimula ang pananaw nila sa retorika dahil sa kanilang
buhay pulitika.
-sa pulitika, umiikot sa retorika ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng mga pilosopikal na
ideya upang maiparating sa mga tao ang nais nilang ipahayag.
-mahalaga ang retorika sa pagdukal ng katotohanan dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa isang
tao upang maisaayos, mapadali at mapalinaw niya ang mga argumento.
Ang mga sophist (tawag sa matatalinong tao) ang nagpalaganap sa paggamit ng retorika sa Gresya
noong ika-5 dantaon BC kung saan nakilala sina Protagoras, Georgias (tinaguriang ama ng sistematikong
pag-aaral ng retorika), at Socrates (magaling na guro ng retorika sa sinaunang panahon).
*Aristotle
-nakilala sa larangan ng retorika
-the art of rhetoricang retorika ay kaakibat ng dialektik
-naniniwala siyang kailangan ang pamamaraang dialektikal upang matuklasan ang katotohanan habang
kailangan naman ang pamamarang retorikal upang maipahayag ito.
3 Uri ng Katibayang Retorikal
1.ethos-nakaiimpluwensya ang katangian ng tagapagsalita upang paniwalaan siya
2.pathos-paggamit ng emosyon
3.logos-paggamit ng wika sa pagbuo ng argument.

Panahon ng Klasikong Romano
-kahalagahan ng retorika sa aspekto ng kanilang pampulitikang buhay.
Cicero
-sikat na mananalumpati at pilosopo
-ang adhikain ay dapat ibatay sa panlasa at pagpapasya ng mga mananalumpati.
*nangangahulugan na dapat may malinaw na ugnayan ang paggamit ng retorika sa
pamumuhay ng mananalumpati.
#kung ang tatalakayin ay tungkol sa moralidad ,mas kapanipaniwala siya kung mabuti siyang
tao.
Quintalian
-propesor ng retorika na nagpasimuno ng kumpletong sistema ng edukasyong panretorikal
Rhodian-paaralang kung saan sininimula ang pagtuturo ng retorika.
Panahong Medieval(pagitan ng 5-15 dantaon)
-ginamit ang retorika sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga dating pagano
St. Augustine
-guro ng retorikang Latin at nagging Kristiyano
-de Doctrina Christiana,nagsilbing pundasyon sa retorika ng sermon
Panahon ng Renaissance(14-17 dantaon)
-retorika bilang sining ng pagsulat at sermon
Erasmus
-iskolar na Dutch na muling nagbigay buhay sa retorika sa pamamagitan ng pagsulat ng aklat
tungkol sa estilo at komposisyon.
Vives
-nagtatatag ng pagkakaroon ng patern ng edukasyong panretorika sa ibat ibang eskwelahan
sa England.
Moderno at kasalukuyang Panahon
-binigyang diin ang paggamit ng retorika sa aspetong pagsulat.
-ang kahalagahan ng wika at panghihikayat ay nagging palasak na Gawain tulad sa patalastas at
sa midya.

Debisyon ng retorika

1. Imbensyon-tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para
sa isang talumpati na maaaring sa paraang induktibo o deduktibo
Induktibo-pagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran
Deduktibo-tumutukoy sa pangangatwiran sa pamamagitan ng paggamit ng mga analohiya o mga
impormal na anekdota
2. Pagsasaayos-proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas ng
bahagi ng isang talumpati ayon sa ss:
Introduksyon o panimula
Narasyon/paglalahad ng mahahalagang punto
Paghahain ng mga patunay sa kasong tinalakay
Pagpapabulaan/tunggalian
Konklusyon

3. Istilo-proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya.
4. Memorya-tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng isang
talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko
5. Deliberasyon-tumutukoy sa aktwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang
modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na kumpas sa isang talumpati

You might also like