You are on page 1of 32

1

Modyul 3 Elemento ng Epiko (Tauhan)

Maragtas ( Epiko ng Visayas)
Mga Pang-angkop na na at ng

Gawin sa sagutang papel.

Ako ay si... Ako ay si...
_____________________________________________________________________

__________________________________________________________________
Tuklasin Natin ang Iyong Pag-unawa
Sino siya?
Siya ang bantay sa
pintuang iyan, siya
rin ang kasama
natin sa pagtahak
natin dito.
Hindi ka makapapasok sa pintuang ito nang di
ka nagpapakilala at sinasabi kung ano ang
pakay mo?...
2

Batay sa iyong karanasan o kaalaman, ano- ano ang
katangian at kayang gawin ng isang di pangkaraniwang
tao na may taglay na supernatural o di pangkaraniwang
kapangyarihan?Isa-isahin mo ang iyong kasagutan sa
web.Isulat sa sagutang papel.Gayahin ang pormat.
kapangyarihan Katangian
MAHAHALAGANG TANONG
Sagutin mo ang
mahalagang tanong.
1. Bakit may taglay na
supernatural o di pangkaraniwang
kapangyarihan ang mga
pangunahing tauhan sa epiko?
2. Bakit mahalaga ang
paggamit ng pang-ugnay na na at
ng sa pangungusap?
3

A. Isulat ang iyong sagot sa mga kuwadro na nakasabit.Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat.

2. Tao vs
Kalikasan
Elemento ng
epiko
(Tauhan)
1.Tao vs Tao
4. Tao vs
Lipunan
Pang-angkop
na na at ng
Mga Uri ng
Tunggalian
3. Tao vs
Sarili
Tingnan at basahin ang
pag-aaralan mo sa araling
ito.
4

A.
Napiling superhero o bida

Katangian Katangian
Ugali Itsura Isipan Ugali Itsura Isipan

Misyon

Misyon
Sila ang ilan sa mga tinaguriang bida sa panahon
ninyo, di ba?Mga karaniwang tao pero may taglay na
kapangyarihan at pambihirang lakas.Gaya ko rin sila sa
panahon namin.Ilarawan ang katangian ng dalawang
paboritong superhero na gusto mo.Sundin ang tsart sa
ibaba.Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat.

ISAGAWA MO
5

B.Gumawa ng isang comics strip upang ipakita ang buhay ng iniidolong superhero at ang pambihirang
lakas na kaya niyang gawin.Gawin sa sagutang papel.

1
3
6 5
4
2
6

C.Kung sakaling isasalin sa iyo ang tatlong kapangyarihan ng iniidolo mong superhero o bayani, karapat-
dapat ka kaya o hindi?At bakit?;
Ano-anong kapangyarihan ang gusto mong tanggapin at paano mo ito gagamitin?
Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat.

Ako ay karapatdapat dahil
Ako ay di karapatdapat
dahil
Gusto kong Gusto kong Gusto kong

7

MARAGTAS
(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)

Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira
ay ang mga Ita, pinamumunuan ni Datu Pulpolan. Sa
katagalan ng panahon at dahil na rin sa kaniyang
katandaan upang pamahalaan ang isang pulo,
napagpasiyahan niya na isalin ang kanyang
kapangyarihan sa kaniyang anak na si Datu Marikudo.
Tinataglay ng kaniyang anak ang mga katangian ng
isang datu kayat ito naman ay sinang-ayunan ng lahat.
Isang kaugalian nila na bago manungkulan ang isang
Pagsulat ng Talambuhay ng
isang tao na itinuturing na
bayani sa kasalukuyan na
may katulad na katangian
ng piling tauhan sa epiko
Sa dulo ng araling ito ay narito ang
inaasahang produkto na isasakatuparan
mo,kaibigan.Sa pagpapatuloy ng araling ito
ay mauunawaan mo kung paano mo ito
isasagawa.
Ang epikong ito ay tumatalakay
sa katauhan ng bida.Kaya basahin
mo at suriin ang nilalaman nito.
INAASAHANG PAGGANAP
LINANGIN NATIN
8

datu,nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kaniya ang mahirap na si
Maniwantiwan ang kaniyang pinakasalan.
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangingisda.
Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na
matatagpuan sa gubat at ilog.

Di sila nahihiyang lumakad na walang
damit, subalit nang may dumating sa kanila na
ibang tao ang mga bagay na wala sa kanila,
natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng
dahon, balat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uri
ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay
dinadala sa bundok at pinatatakbo lamang,
kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila
ikakasal. Ang isang babae naman na malapit
nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang
tanging nagbabantay ay ang lalaki at kung ito
ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng
kubong masisilungan upang sila ay malayo sa
panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa pinagsilangan.

Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang espiritu,
kayat upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa
masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa
kaniya sapagkat lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May ibang paraan sila
ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, itoy patayong nakabaon sa lupa nang may salakot bago ito
tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang
lupang dapat pagtaniman.

Ang mga Ita ay magagalang sa bawat isa.
Walang inggitan at ang Datu ang siyang lumulutas
ng lahat ng alitan o suliranin ng bawat isa. Ang
sinumang magkasala ay pinarurusahan tulad ng
pagpapatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.

Ang mga nabanggit ang uri ng kultura ng
mga Ita bago dumating ang Sampung Datu buhat
sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga
asawa, mga katulong at mga ari-arian upang
iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw.
Ang sampung datu ay sina:
1. Datu Puti
2. Datu Sumakwel
3. Datu Bangkaya
4. Datu Paiburong
9

5. Datu Paduhinogan
6. Datu Domongsol
7. Datu Lubay
8. Datu Dumangsil
9. Datu Domalogalog
10. Datu Balensuela

Galit at pagkamuhi ang nadama ng
mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa
Panay, subalit sa maayos at makataong
pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan
kay Datu Marikudo, silay nagkasundo at
ang unang lupang natapakan ng dayuhan at
napagkasunduan ay ibinigay sa pamamagitan
ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking
kasaysayan ang pangyayaring ito. Ang mga
Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa
ipinakitang kagandahang-loob ng mga Ita,
hinandugan ng makukulay na kuwintas, at
mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita.
Bilang kabayaran sa lugar na
napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu
Marikudo ng isang gintong salakot at isang
batyang ginto na may timbang na limampung bas-
ing. Isinuot ni Datu Marikudo ang salakot sa
kasayahan.

Malandog ang pangalan ng napiling lugar
ng mga dayuhan na ayon kay Datu Puti, ang laki
ay sapat na upang sila ay magtanim para sa
kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang
doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu
Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kaniyang mga kasamahan. Bumalik siya sa
Borneo sapagkat ayon sa kaniya ay kaya na niyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu
Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa pamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu
Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman sa Luzon.

Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay
pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay ipinagbibili
na isang alipin o kayay pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay
magagalang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan sa
Bundok ng Madyas.

10

Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita.
Bago tanggapin ng babae ang lalaki, sila ay nagbabaon
ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung
may kapahintulutan na ang kalalakihan, at sa lugar na
pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng
mga pagkain.Habang nag-uusap ang dalawang
pangkat, ang babae ay pansamantalang nakatago.

Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang
dalawa sa gitna ng karamihan, pinangangaralan at
hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang,
magaganda at marurunong na anak.

Bago mamatay ang isa sa kanila ay
pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak,
binibihisan ng magagandang damit na may gintong
pera sa bibig sapagkat isang paraan daw ito upang
ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na
araw na pagbabantay, ang patay ay inilalagay na sa
kaban na may ibat ibang uri ng pagkain at kung
ang namatay ay isang mayaman, isang katulong ang
sa kanyay isasama upang magbantay daw sa
kabilang buhay. Kung ang namatay ay nag-aari ng
isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa
halip ay inilalagay sa bangka ang maraming
pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman ay nagsusuot ng puting damit bilang
pagluluksa.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na dumating
sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa kaniya ng
kapighatian at kalungkutan.

Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel na
magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na iniwan
ang kaniyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kay Gurung-gurung
na kaniyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kaniyang asawa ay may
gusto kay Gurung-gurung.

Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at
tahanan. Kayat upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, ipinahanda ang lahat
ng kaniyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kaniyang asawa na iyon ay isa lamang
pakana. Nagkataon naman kinabukasan, ipinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang
utusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating ni Gurung-
gurung. Subalit ang kaniyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na bumagsak
si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni Kapinangan,
11

naisaloob niya na mabuti pa ang kaniyang asawa ang namatay sa oras na iyon. Pinagputol-putol
niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.

Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bagoy siya ang pumatay
kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame. Pinagluto niya
si Kapinangan.At sinabing siyay gutom na gutom.Nagtaka siya nang magreklamo si
Kapinangan nang sabihin niyang putol-putulin ang isda na dati ratiy kaniyang ginagawa.

Upang di-parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kaniyang asawa sa gitna ng
dagat, subalit ang kaniyang inutusan ay nagdalang habag, kayat dinala na lamang niya si
Kapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.

Sa pangalang Alayon, nakikilala si Kapinangan sa
lugar na kaniyang narating, at siyay sinambang diyosa
dahil sa taglay niyang kabaitan.

Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari
kay Sumakwel ay di rin niya nalilimutan. Minsan siya ay
naglalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa di-
inaasahang pangyayari ang narating niyang lugar ay ang
kinalalagyan ni Kapinangan. Di na niya nakilala si
Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging
mahusay ang pagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa
loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayon at Datu
Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang
nangyari sa kaniyang buhay, parang ayaw na niyang makipagsapalaran.

Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si
Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto niyang pag-alis,
subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu
Sumakwel sapagkat silay pinaglapit ng kanilang mga
kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at
namuhay nang matiwasay ang dalawa hanggang sa
kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay di
nakilala ni Datu Sumakwel na ang kaniyang muling
pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang asawa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN
12

A. Isulat sa puzzle pieces sa kasunod na pahina ang kaugnay na kasingkahulugan o kaisipan mula
sa salitang Datu.Gupitin ang puzzle piece at idikit sa larawan na akma sa hugis nito.Gawin sa
isang maikling coupond bond. Kopyahin sa sagutang papel ang puzzle.

Paunawa !
Mag- ingat sa
paggamit ng
gunting.
13

B.Hanapin at bilugan ang mga salitang ginamit sa epiko at isulat sa tsart ang naging papel nito
sa epikong Maragtas.

H L D R E U E P B S N S O P
T U A T B N D U M S M I Y E
M A N I W A N T I W A N B S
A I G S T K L I M O R U O K
R A S U M A K W E L M G R I
I T O D T L M S W A E B N Y
K A P I N A N G A N Y U E W
U P A N A Y I N K L M H O R
D Y O R A O T M B S E A N G
O G U R U N G G U R U N G Y
E Y O P L D B M P S W I U S
Maaari mong makita ang mga salitang ito sa
pahalang, pababa at palihis na pagkakaayos
na katulad ng crossword puzzle.
14

1. Iulat ang kaibahan ng mga Ita noon sa Ita ng makabagong panahon ayon sa nakalap na mga
impormayon mula sa pakikipanayam,silid-aklatan o internet.Ilahad gamit ang factstorming web.Idikit
ang larawan at bumuo ng paglalagom.Gawin sa oslo paper.

Mga salitang ginamit sa Epiko Kaugnayan sa Epiko
Wika
Tradisyon
kaugalian
Bago pa
dumating
ang mga
Datu
Sining
Kasuotan
Relihiyon
Larawan (Bago dumating ang
mga Datu)
Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
15

Wika
Tradisyon
kaugalian
Kasalukuyang
panahon
Sining
Kasuotan
Relihiyon
Larawan (kasalukuyan)
Larawan (Panahong Dumating
ang mga Datu)
Wika
Tradisyon
kaugalian
Panahong
dumating
ang mga
Datu
Sining
Kasuotan
Relihiyon
16

2.Nakatulong ba ang impluwensiya ng mga Datu sa pagtungo sa Panay?Pangatwiranan.Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

3.Alin sa mga kaugalian o tradisyon ang nabanggit sa epiko na hanggang sa ngayon ay patuloy na
isinasagawa bagaman nagkaroon ng pagbabago ; alin naman ang hindi na isinasagawa?Isulat sa
sagutang papel.Gayahin ang pormat.

Kapag may nagkakasakit Kapag may nagkasala Kapag gusto ng mag-asawa, ang
babae o lalaki
Kapag may problemang
kinakaharap
Kapag may lakad o
pupuntahan
Kapag may namatay
Kapag kakain na Kapag may nanganak
OO HINDI
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
___________________________________________________

17

4.Dapat ba o di dapat isagawa sa bansa natin ang pagpaparusa na isinasagawa noon ng Datu sa
sinumang mapatunayang nagkasala?Pangatuwiranan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

5.Sa iyong palagay, ano ang kabutihan at di- kabutihan nang walang eleksiyon,sa angkan na
lamang ng Pangulo ang siyang pipili ng kaniyang magiging kahalili kung sakaling di na niya
kayang mamuno?Ano-ano naman ang kabutihan at di-kabutihan ng pagsasagawa ng eleksiyon sa
bansa.
__________________________________________

Ipatapon sa
dagat!
Ibaon ng buhay!
Bilang kabataan, ano ang
masasabi mo tungkol
dito?Isulat sa sagutang
papel.
18

Datu Sumakwel at Datu Lapu-Lapu
Naging Bahagi sa Kasaysayan ng Pilipinas Naging Bahagi sa Kasaysayan ng Pilipinas

6. Kapanayamin ang iyong guro sa Araling Panlipunan tungkol sa buhay ng sumusunod na
Datu sa bansa na nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas sa tulong ng bubble
chart. Gawin sa sagutang papel.

Kabutihan(Walang Eleksiyon) Di- kabutihan(Walang Eleksiyon)

Kabutihan(May Eleksiyon) Di- kabutihan(May Eleksiyon)

19

7.Patunayan sa pamamagitan ng pagpili ng bahagi ng binasa na naging bayani ang ilang
pangunahing tauhan sa epiko na nagtataglay ng di-pangkaraniwang katangian (supernatural).
Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong bahagi bilang pagpapatunay. Gamitin ang Discussion
Web na ito sa pagsagot.

8.Sagutin ang hinihinging mga sitwasyon batay sa nilalaman ng epikong Maragtas. Isulat ang kasagutan
sa blangkong kahon.Gawin sa sagutang papel.

Mga Bahagi ng Binasa Bilang
Patunay

Piliin ang bahagi sa
binasa na
makapagapapatunay
na naging bayani ang
ilang pangunahing
tauhan sa epiko na
nagtataglay ng di
pangkaraniwang
katangian.
Paliwanag
Ano ang naging damdamin mo
sa ginawang pagtataksil ni
Kapinangan sa kaniyang
asawa?Kung ikaw ang nasa
kalagayan ni Datu
Sumawel,ganoon din ba ang
gagawin mo?

20

Bakit kaya nagawa ni
Kapinangan na
magtaksil sa kaniyang
asawa?Makatuwiran
kaya na di niya bigyan
ng pagkakataon si
Kapinangan at
parusahan agad?
Bilang mag-aaral,sumulat ng
dalawang liham na nagpapayo
batay sa mga tanong na ito:
a. nag-away ang iyong mga
magulang,
b. taong nabigo sa pag-ibig
Gawin sa sagutang papel.Gayahin
ang pormat.
21

9.Bakit may taglay na kapangyarihan o supernatural ang mga pangunahing tauhan sa epiko?Gamitin ang
List All Factors Strategy.

Mga Dahilan
1.

2.

3.

4.
Ang mga pangunahing tauhan sa epiko ay karaniwang nagtataglay ng supernatural
o mahiwagang kapangyarihan.

Pagkasilang pa lamang ay maaari nang magtaglay ng mahiwaga at hindi kapani-
paniwalang kakayahan o birtud ang isang pangunahing tauhan sa epiko. Maaaring sanggol
pa lamang ay marunong na itong magsalita at makipag-usap. Lumalaki itong madalas ay
may kahanga-hangang pisikal na kaanyuan, lubos na katalinuhan at makapangyarihang tinig.
Karaniwan din sa kanila ang pagmamay-ari ng mahihiwagang bagay, hayop o kaibigang
espiritu na nagbibigay sa kanila ng kakaibang kapangyarihan, ng mga gabay at payo.

Ang mga pangunahing tauhan sa mga epiko ay itinuturing na bayani dahil sa
kanilang pambihirang lakas at kagitingan, husay sa pakikipaglaban, katatagan,
pagmamalasakit, tiyaga, paniniwala sa sarili at magandang pananaw sa buhay.

Isang epiko ng mga Ilokano ang nalikha bago pa man dumating ang mga Espaol sa
Pilipinas. Ang epikong Ang Buhay ni Lam-ang (Biag ni Lam-ang) ay nagsaling-bibig sa
maraming henerasyon bago ito isinulat sa wikang Samtoy ni Pedro Bukaneg noong 1640.
Binubuo ng 1,000 taludtod, ang orihinal na anyo ay nasusulat sa paraang patula, ngunit ito
ay binuod na sa aralin.

PALALIMIN NATIN ANG PAG-UNAWA
22

Ang Tauhan at ang Tunggalian
May apat na tunggalian na maaaring gamitin sa pagpapaigting ng suliranin hindi lamang sa epiko
kundi sa anumang anyo ng kuwento. Narito ang sumusunod:

1. Tao Laban sa Tao. Ito ay isang uri ng tunggalian na ang suliranin ng pangunahing tauahan ay
dulot ng kapwa niya tao.

2. Tao laban sa Sarili. Ito ay nagaganap kung ang suliranin ng pangunahing tauhan ay sa sarili
niya mismo nagmula.

3. Tao laban sa Kalikasan. Ang tunggaliang ito ay nagaganap sa pagitan ng pangunahing tauhan
at ng puwersa ng kalikasan katulad ng pagbaha, paglindol, sunog, tagtuyot, at iba pa.

4. Tao laban sa Lipunan. Ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan laban sa
suliraning ibinunsod ng lipunan o kapaligiran.

A.Itala ang mga patunay mula sa epikong Maragtas ang ibat ibang uri ng pakikipagtunggali
na nabasa at ihanay kung anong uri ng tunggalian ito nabibilang.Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.

B.Isa-isahin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunggalian sa epiko o kuwento.Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
PATUNAY
TAO SA TAO

TAO SA KALIKASAN TAO SA SARILI TAO SA LIPUNAN

ALAM NYO BA
23

C. Sino sa mga Datu na tauhan sa epikong binasa ang itinuturing mong bida o lider na nakaakit sa iyo na
dapat tularan? Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Pangalan ng Datu:
Mabubuting Katangian
Pangyayaring nagpapatotoo1: Pangyayaring nagpapatotoo 2:
Pangyayaring nagpapatotoo 3: Pangyayaring nagpapatotoo 4:
Kahalagahan
24

D.Maghanap ng dalawang kuwento na taglay ang ibat ibang uri ng tunggalian at ibuod ang mga ito
gamit ang pormat sa ibaba.Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat.

Pamagat ng Kuwento:_______________________________Uri ng Tunggalian:________________
Buod ng Kuwento:
________________________________________________________________________________

Sanggunian:______________________________________________________________________
Pamagat ng Kuwento:_______________________________ Uri ng Tunggalian:________________

25

E. Paano makatutulong sa mga mambabasa at mag-aaral ang halaga ng pag-alam sa katauhan ng
pangunahing tauhan sa epiko at ang mga tungglian na kaniyang kinaharap?
_____________________________________________________________________________________

Sagutin ang sumusunod na katanungan: Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1.Paano nakatutulong ang tulay sa dalawang lugar na pinag-uugnay nito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2.Ano ang mangyayari kung mawawala ang mga tulay na nag-uugnay ng dalawang pasigan,dalawang
bayan o dalawang pulo?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang
nasa larawan.
GAWAING PANGGRAMATIKA
26

Paggamit ng Pang-angkop na na at ng

Ginagamit ang ng kapag nagtatapos sa patinig ang unang salitang iniuugnay sa kasunod
na salita.
Halimbawa:
1. Tatlong araw makalipas ang kamatayan ni Richie, idinaos ng
kaniyang pamilyat kaibigan sa Pilipinas ang kaniyang libing.
2. Natuto siya ng panibagong wika.

Ginagamit naman ang na kung nagtatapos sa katinig ang unang salitang iniuugnay sa
kasunod.

Halimbawa:
1. Dalawamput anim na taong gulang si Richie nang siyay
mamamatay.
2. Apat na araw lamang bago ang pangyayaring iyon sumulat si
Richie ng isang mahabang sulat kay Totet Banaynal, isang
kaibigang Jesuita.

Sa loob man ng pangungusap ay mayroon ding mga
tulay na nag-uugnay ng mga salita, mga ideya at
kaisipan at mga pahayag. Ito ang mga pang-angkop.
Basahin mo at unawain ang mga impormasyon ukol
dito upang maging mabisa ang gagawin mong
produkto para sa pagtatapos ng araling ito.
Subukin mong basahin at alamin ang
mahahalagang bahagi ng buhay ng
taong ito. Mula dito ay pag-aaralan
mo kung paano ito makatutulong sa
paggamit ng pang-angkop at pagsulat
mo ng talambuhay.
27

Efren G. Penaflorida Jr, Bayaning Guro
(Sinaliksik ni Ericson L. Nepomuceno)
Si Efren Geronimo Peaflorida Jr o mas kilala sa tawag na Kuya Ef ay ipinanganak noong Marso
5, 1981 sa Lungsod ng Cavite.Panggitna sa tatlong anak nina G. Efren Peaflorida Sr na isang traysikel
drayber at Gng. Lucila Geronimona isang butihing maybahay. Ang kanilang pamilya ay naitaguyod ng
isang maliit na negosyo na pagtitinda ng pansit na siyang nagtutustos sa kanilang pangangailangan sa
araw -araw. Lumaki si Efren sa isang lugar ng mga dukha malapit sa isang bukas na tambakan ng basura
sa siyudad ng Cabite. Naranasan niyang maglaro sa gitna ng basura at maligo sa maruming tubig.
Madalas din siyang inaapi noong siyay musmos pa lamang. Siya ay isa sa mga iskolar ng World Vision
noong mga panahong yaon. Sa kasalukuyan, guro siya sa pribadong paaralan ng Imus Palm Ridge School
sa Imus, Cavite.
Nakapagtapos si Peaflorida ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarsip at tulong pinansiyal
mula sa World Vision. Madalas din siyang magkamitng ilang mga parangal at pagkilala sa klase sa
paaralan. Taong 2000, nagtapos siya ng kolehiyo saSan Sebastian College - Recoletos na may digri
saTeknolohiyang Pangkompyuter na may mataas na karangalan. Ipinagpatuloy naman niya ang kaniyang
ikalawang kurso sa Cavite State University, kung saan nagtapos siya bilang cum laudenoong 2006 sa
kursong Edukasyon.
Itinatag niya ang Dynamic Teen Company (DTC) noong siyay 16 na taong gulang pa lamang. Nagsimula
ang kaniyang grupo sa bilang ng 20 kasapi. Ang kanilang pangunahing layunin ay ang pagbibigay sa mga
kabataan ng mga proyektong pangkamalayan, talento , pag-unlad ng mga gawain, at mga serbisyo. Sila
ay nakipagtulungan sa Club 8586 na isa ring pribadong organisasyon na may parehong layunin sa
kanilang lugar.
Ang DTC ang nagpasimuno at nagsimula ng ideyang kariton klasrum, kung saan ang kariton ay
ginawang lagayan ng mga materyales sa paaralan tulad ng libro, panulat, mesa, at upuan. Lumalakad sila
tuwing sabado upang ilapit sa mga kabataang kalye ang ideya at ideyolohiya ng paaralan sa mahihirap
na lugar sa Cavite tulad ng mga nakatira sa sementeryo o malapit sa tambakan ng basura. Hanggang
kasalukuyan, ang kariton klasrum ni Kuya Ef ay patuloy na nagtuturo sa mga batang lansangan ng
pangunahing karunungan ng pagbabasa at pagsusulat.
Si Efren ay inirekomendang ilahok para sa nominasyon ng mga Bayani ng CNN ng Club 8586, ang
grupo ng kabataan na sumagot sa pag-aaral niya ng elementarya at hayskul. Matapos ang mabusising
pagpili sa mahigit 9,000 mga nominado mula sa humigit 100 mga bansa, napusuan ng Blue Ribbon Panel
ng CNN si Peaflorida bilang isa sa 28 na semi-finalist ng mga bayani ng 2009. Noong Oktubre 1,
itinanghal si Peaflorida bilang isa sa mga sampung natitirang nominado. At naganap nga ang
pinakaaasam ng lahat noong Nobyembre 22, 2009, hinirang siyang Bayani ng Taon ng CNNpara sa taong
2009at ginanap nga ang CNN Heroes: All-Star Tribute sa Kodak Theater sa Hollywood. Kalakip ng
parangal ang 100,000 dolyar na pera para ipagpatuloy ang kaniyang gawain sa Dynamic Teen Company
hindi lamang sa Lungsod ng Cavite kundi sa iba pang karatig lugar ng bansa.
Sa kabutihan at karangalang kaniyang nagawa para sa bansa, ginawaran siya ng parangal na
tinatawag na Order of Lakandula. Pinakamataas na parangal para sa isang Pilipino, na iginagawad
lamang ng Pangulo ng Pilipinas.
28

Si Kuya Efren Geronimo Penaflorida Jr. ay isang mabuting halimbawa ng lahing Pilipino. Maraming tao
ang kaniyang natulungan hindi lamang sa pagtuturo sa mga bata, kundi sa pagbibigay ng inspirasyon sa
buong mundo.

A. Hanapin ang mga pangungusap na nagtataglay ng mga pang-angkop. Isulat ang mga
pangungusap at bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit dito.Isulat sa sagutang papel.

Mga Pangungusap na May Pang-angkop
1.
2.
Ngayong nalaman mo ang istorya ng kanyang buhay.Aalamin ko
naman sa iyo sa pamamagitan ng iyong mga kasagutan kung
nauunawaan mo at magagawa mong ilapat ang iyong mga
natutuhan mula sa mga gawaing ipagagawa ko sa iyo.Pero bago
mo simulan ang pagsagot ay basahin mo muna ang
karagdagang impormasyon na magsisilbing gabay mo sa
pagsasagawa ng inaasahang produkto.
Talambuhay
Ang talambuhay ay isang palarawang pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari
sa buhay ng isang tao patay man o buhay, karaniwan man o bantog sa lipunan. Layunin ng
akdang ito ang magbigay ng mga impormasyon ukol sa isang tiyak na tao.
Mauuri sa dalawa ang talambuhay: ang pang-ibang tao na talambuhay at
pansariling talambuhay. Pang-ibang tao ang talambuhay kapag may may-akda o awtor
ang sumusulat ng buhay ng ibang tao. Taglay nito ang batayang impormasyon gaya ng
pangalan, kapanganakan, mga magulang at kapatid, pinag-aralan, trabaho, natamo sa
buhay at iba pa. Ang pansariling talambuhay naman ay pagtatala ng mahahalagang detalye
ng kaniyang buhay. Higit na detalyado at malapersonal ang daloy ng paglalahad ng ganitong
uri ng talambuhay.
Nagtataglay ng tatlong bahagi ang talambuhay:
a. Panimulang bahagi. Nilalaman nito ang pangunahing detalye o pagkakakilanlan ng
taong ginawan ng talambuhay.
b. Katawan o Panggitnang bahagi. Taglay nito ang pinakamalaking bahagi ng
talambuhay sapagkat detalyadong inilalahad sa parteng ito ang mahahalagang
pangyayari ng buhay ng taong binibigyang impormasyon.
c. Wakas o Katapusang bahagi. Nilalaman nito ang kinahinatnang kalagayan ng taong
may talambuhay.
ALAM NYO BA
29

3.
4.
4.
5.
6.
7.

B. Punan ng tamang pang-angkop ang bawat patlang sa talataan upang mabuo ang diwang
inihahayag ng talata.

C.Kaugnay ng talambuhay na binasa, patunayan ang kasabihang Hindi hadlang ang kahirapan
sa pagtatagumpay sa buhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sila, ang mga Ita, ang nagtataglay ____kaluluwa ng mga tunay ____Pilipino. Silay
hindi itinaboy ng kawalang-kaalaman kundi ng kawalang kakayahang ipagtanggol ang
kanilang karapatan. Ngunit silay nagpatuloy sa tahimik ___ _pamumuhay _____ matapat
at walang pag-iimbot sa kapwa. Walang paghahangad sa hindi kanila; walang paghahangad
______ nagtutulak sa panlalamang sa iba. Sukat ang makipagtagisan sila sa panahon sa halos
hindi maramdamang pakikipaglaban ____ kanilang karapatan _____ mabuhay nang may
dignidad bilang tao. Sa kanilang layunin___ mabuhay nang payapa; walang namiminsala at
walang pinipinsala.

Sa kabila ng kadahupan ng buhay at pagwawalang-bahala ng mga higit _____
nakapag-aral at higit ____ sibilisado, ang mga Itay nanatiling nabubuhay nang may dignidad
sa sarili nilang payak ____ pamamaraan.

(Sipi mula sa Ang mga Ninunong Pilipino ni Ligaya Tiamson-Rubin)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
30

D.Kung ikaw ay itinuring na bayani sa kasalukuyan, ano ang magiging damdamin mo?Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Sagot:
______________________________________________________________________________

_________________________________________________
E.Sumulat ng isang maikling testimonya kung paano magiging matagumpay sa buhay gamit ang
mga pang-angkop na iyong napag-aralan.Isulat sa sagutang papel.

TESTIMONYA
______________________________________________________________

_________________
Sa inyong lugar sino ang kakilala mo na
itinuturing na bayani o superhero sa kasalukuyan
kahit wala siyang kapangyarihan at pambihirang
lakas subalit may katulad na katangian ng piling
tauhan sa epiko.Patunayan mo nga kaibigan sa
pamamagitan ng pagsulat ng kanyang Talambuhay.
Makatutulong na sundin ang balangkas sa ibaba
upang maging gabay.
ILAPAT NATIN

31

Narito ang kraytirya para sa pagtataya sa susulating talambuhay:

A. May pagkakatulad sa tauhan ng epiko

B. Pagtataglay ng mga katangian ng anekdota

C. Kawastuan ng pagkakagamit ng mga pang-angkop na na, ng at g

Gabay sa pagsulat ng Talambuhay.

PANIMULA
Ipakilala ang personalidad na gagawan ng talambuhay
Banggitin ang batayang impormasyong nakalap tungkol sa kanyang
buhay.
KATAWAN
Komprehensibong ilahad ang mga detalye ng mga impormasyon ng
kaniyang buhay.
Maayos na ilahad mula sa pinakasimple hanggang pinakamataas
ang mga detalye.
WAKAS
Ilahad ang halaga o importansiya ng taong ginawang ng talambuhay.
Ilahad din ang layon, mahalagang isipan o hamon sa mga
mambabasa ng kaniyang naging buhay.
Kung nagawa mo na ang gawain, maaari mo na
itong isulat nang buo at may sining.Gawin sa
sagutang papel.

32

________________________
Pamagat
________________________________________________________________

You might also like