You are on page 1of 35

Mga Teorya Ayon sa

Pinagmulan ng Pilipinas
Ayon sa mito o mga Alamat
Maka-Banal na Teorya
Ayon sa Agham o Siyensya
Ang paniniwala na nakabatay sa konsepto
ng na ang lahat ng bagay dito
sa mundo ay nilikha ng Diyos
Nakabatay sa aklat ng Genesis
Ang mundo ay nilikha ng Diyos sa
loob ng anim na araw.

Ayon sa mga Mito o Alamat
Bahagi ng mga kwentong bayan na
nagpasalin salin sa bawat
henerasyon.
Mga Halimbawa
Bagobo: Nilikha ng Diyos na si
Melu ang daigdig mula sa libag ng
kanyang katawan.
Manobo: Ang daigdig ay mula
sa mga kuko ng kanilang diyos
Ilocano: Si Angalo (ang kanilang
diyos) ang naglikha ng lahat ng
bagay

Ang Pilipinas ay nabuo mula sa
pag-aaway ng Langit at Dagat
Ayon sa Agham o Siyensya
Ito ay nakabatay sa pag-aaral na
heolohikal
Nakapaloob dito ang mga proseso na
may kinalaman sa pagbubuo ng
kapuluan at ng mga anyong lupa at
anyong tubig
Mga Proseso sa Pagsisimula ng Kapuluan
Diastrophism
Isang proseso na may kinalaman sa
paggalaw ng crust ng mundo kung
saan ang isang bahagi ay tumataas
kumpara sa iba
Ang prosesong ito ay nagaganap sa
pamamagitan ng pagtiklop (folding),
pagkakaroon ng lamat ( faulting) at
pagkiwal ng lupa (warping)
Ang Sierra Madre at Zambales ay
bunga ng prosesong ito.
Vulcanism
Ang pagkakaroon ng hugis kono o
cone ng mga bulkan at bundok ay
resulta nito.
Ito ay tumutukoy sa penomenong
may kinalaman sa paggalaw ng
molten rock mula sa ilalim ng mundo
tungo sa ibabaw.
Ang vulcanism ay nag-eepekto ng
mineralisasyon at pagputok ng
bulkan
Ang mineralisasyon ay proseso ng
pagkabuo ng mineral sa
pamamagitan ng kumbinasyon ng
metal sa isa pang elemento.
Gradation
Prosesong may kinalaman sa
pagguho ng matataas na lugar at ang
pagdeposito ng latak (sediments) sa
ocean basin
Ito ay nagbubunga ng pagkakabuo ng
mga anyong lupa tulad ng lambak at
talampas
Nakapagbubuo rin ito ng mga
anyong tubig tulad ng ilog, lawa,
delta, rapids at talon.
Ang Pasig River, Manila Bay at
Pampanga River ay resulta ng
gradation.
Maka- Agham na Teorya sa pinagsimula ng
Pilipinas
Plate Tectonic Theory
Asiatic Theory
Pacific Theory
Tulay na Lupa
Plate Tectonic
Naniniwala na ang balat ng lupa
ay gumagalaw batay sa paggalaw
ng plate.
Ang plate ay isang malaking bloke
ng bato kung saan nakapatong
ang lupa
Ang tectonic plate ay kung saan
nakapatong ang kontinente at ang
karagatan
Ang Pilipinas ay nabuo bunga sa
paggalaw ng continental plate. Ito
ay ang bloke ng bato na halos
kasinlaki ng mga kontinente na
nakapatong ang lupa
Nabuo ang unang kapuluan ng
Pilipinas sa panahon ng Cretaceous
(100-65 milyong BCE). Ito ang Bicol,
Leyte at Mindanao.
Dahil sa paggalaw ng crust o kalupaan
ng daigdig, paritkular ang Euroasian
plate patungong Timog Silangan at ng
Pacific plate patungong hilagang
kanluran napalapit ang Pilipinas sa
bahagi ng Kanluran ng Pacific plate

Ito ay nagresulta sa paggalaw at
paglitaw ng Luzon, Silangan at Gitnang
Mindanao, Zamboanga at Kanlurang
Mindanao.
Sa simula naman ng Pleistocene (6- 10
milyong Taon BCE) naganap ang
pagbaba ng lebel ng tubig sa dagat
dahil pagyeyelo ng hilagang bahagi ng
daigdig
Ito ay nagbunga sa pagkakabuo ng
Sunda Shelf na sakop ang Taiwan,
Hilagang Pilipinas, Borneo, Sulu at
Palawan
Sa huling bahagi ng Pleistocene
period natunaw ang mga yelo sa
dagat at nagsimulang mabuo ang
kasalukuyang Pilipinas.
Asiatic Theory
Ipinanukala ni Dr. Leopoldo Faustino.
Ayon sa kanya, ang Pilipinas ay nabuo
sa pamamagitan ng paggalaw ng
continental plate ng Asya patungong
timog na naging sanhi ng pagkakaroon
ng China Sea Depression at nalukot
ang dulo ng kontinente
Ayon sa kanya, bago naganap tio, ang
Pilipinas ay isang mataas na bahagi na
nakalubog na kabundukan.
Ang katibayan diumano ng teoryang
ito ay nga pagkakahawig ng flora at
fauna mg Pilipinas sa Asya at ang
kabundukan ay sumusunod sa
dalampasigan ng Asya na kadikit nito
noon.
Pacific Theory
Itinaguyod ni Dr. bailey Willis
Ayon dito, ang Pilipinas ay nabuo sa
pagsabog ng Pacific Basin.
Ito ay dahil sa ang bato na bumubuo
sa core ng ating kabundukan at
kahawig ng mga batong nasa ilalim
ng dagat

Ang pagsabog sa bulkan sa ilalim
ng dagat sa nakaraan at pagkaipon
ng mga materyal na nanggaling sa
bulkan ang siyang diumanong
pinagmulan ng pagiging arkipelago
ng Pilipinas.
Ito rin ang pananaw na
pinaniwalaan ni Dr. Fritjof Voss na
ang Pilipinas ay lumitaw mula sa
ilalim ng dagat at habang
gumagalaw ang manipis na Pacific
crust paibaba at patuloy naman na
ang Pilipinas ay tumataas
hanggang sa kasalukyan.
Dahil sa ang Pilipinas ay
matatagpuan sa malalaking fault
nagkaroon ng malalakas na lindol
na naging daan ng paglitaw ng
Pilipinas mula sa ilalim ng dagat
Tulay na Lupa
May tulay na lupa na dating
nagdurugtong sa mga kapuluan
Ang tulay na lupa ay pinaniniwalaang
lumitaw noong Panahon ng Yelo
kung saan ang lebel ng tubig sa dagat
ay bumababa dahil sa naging yelo
ang tubig
Sa pag-init ng panahon ang tulay
na lupa ay lumubog muli.
Sinasabing ang mga tulay na lupa
ay nagdugtong sa Borneo-Palawan,
Taiwan- Hilagang Luzon-Mainland
Asia at Mindanao-Celebes.

You might also like